Hindi alam ni Yolden ang plano ni Charlie.Nang marinig niya na balak gumamit ng pera ni Charlie para lutasin ang problema, gumaan nang kaunti ang pakiramdam niya.Sa una ay umaasa siya na handang bayaran ng United States Embassy ang ransom. Pero, mukhang sobrang matatag at disidido ang United States Embassy, at hindi sila magbibigay ng lugar sa kalaban para sa kahit anong negosasyon.Ngayong handa si Charlie na bayaran ang ransom para sa kanila, naramdaman ni Yolden na hangga’t makukuha ng kabila ang gusto nila, tutuparin nila ang pangako nila.Kaya, sobrang nagpapasalamat siya kay Charlie at sinabi niya, “Charlie, iiwan ko na ang lahat sayo!”Bahagyang ngumiti si Charlie habang sinabi, “Tito Hart, huwag kang mag-alala. Aalis na ang eroplano, kaya hindi na kita makakausap.”Mabilis na sumagot si Yolden, “Okay, okay. Hihintayin ko ang ligtas na pagbabalik mo!”Pagkatapos ibaba ang tawag, nakaupo na si Charlie sa Concorde. Sinuot na nina Charlie at Isaac ang kanilang seat belt pa
“Paano ko sila ililigtas at ilalabas nang ligtas?”Nang marinig ni Charlie ang tanong ni Isaac, ngumiti nang mapait si Charlie bago sumagot nang prangka, “Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ko sila ililigtas o kung paano ko sila mailalabas nang ligtas.”Tinanong ni Isaac nang kinakabahan, “Kung gano’n, gaano kalaki ang kumpiyansa mo ngayon?”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Hindi pa ako nakakapunta sa Syria, at wala akong alam sa lakas at depensa ng kalaban ng Syria. Pero, ayon sa sitwasyon na sinabi mo, mukhang pinapatunayan ng impormasyon na sobrang lakas at makapangyarihan ng kabila. Kahit na medyo magaling ako, imposible para sa akin na labanan ang libo-libong sundalo na may mga armas. Kaya, maghahanap na lang ako ng paraan na pumasok nang tahimik.”Habang nagsasalita siya, bumuntong hininga si Charlie at sinabi, “Kung swerte ako, marahil ay makapasok ako nang tahimik, pero kung malas, marahil ay hindi man lang ako makapasok.”Nag-aalala nang sobra si Isaac habang sin
Tumango si Charlie. “Okay. Sabihan mo sila na maghanda ng isang skydiving instructor na sasakay sa eroplano kasama ko para maturuan ako kung paano ilabas ang parachute at kontrolin ang direksyon nito!”***Pagkatapos lumipad ng mahigit apat na oras, sa wakas ay bumaba na ang Concorde ni Charlie sa Beirut Airport, sa kapital ng Lebanon.Hapon na sa Beirute, at ang temperatura ay nasa 30 degrees Celsius na.Medyo makulimlim ang langit, at mamasa-masa ang hangin. Mukhang hindi pa bumababa ang isang malakas na ulan kahit na matagal na itong naiipon.Pagkatapos bumaba ng eroplano ni Charlie, direktang pumasok ang eroplano sa isang malaking hangar. Sa sandaling ito, ay isa ring transport plane na may apat na propeller engines na nakaparada sa hangar. Isang grupo ng crew member ang nakapalibot sa eroplano para mangasiwa ng isang detalyadong inspeksyon.Pagkatapos tumigil ng eroplano, ibinaba na ang hagdan. Binuksan ng crew ang pinto, at lumabas nang magkasama sina Charlie at Isaac sa ca
Pagkatapos sumakay ni Charlie sa eroplano, tinuro ni Gary ang isang foreigner na sinusuri ang parachute bag at sinabi, “Young Master, siya si Vladislav mula sa Russia. Isa siyang paratrooper instructor, at may dalawampung taon na propesyonal na karanasan siya sa skydiving sa mataas na altitude. Sobrang mayaman siya sa karanasan.”Ang Russian na tinatawag na Vladislav ay tumayo bago siya sumaludo kay Charlie habang sinabi sa hindi matatas na Oskian dialect, “Hello, Mr. Wade! Pansamantala akong magiging skydiving instructor mo. Kung hindi ka kumpiyansa, pwede akong tumalon kasama mo, pagdating ng oras.”Tumango si Charlie bago tinanong, “Kung tatalon ako nang mag-isa, ano ang dapat kong bigyan ng atensyon?”Ipinaliwanag ni Vladislav, “Kapag papalapit na tayo sa destinasyon, pipiliin ko ang pinaka angkop na lokasyon para sa skydiving ayon sa altitude, daloy ng hangin, at bilis ng hangin sa paligid ng destinasyon. Kung magpasya ka na mag-skydive nang mag-isa, kailangan mong maging disid
“Ito…” Nagmamadaling tumingin si Gary kay Vladislav.Nalagay sa mahirap na sitwasyon si Vladislav, at sumagot siya nang nahihiya, “Mr. Wade, kung masyadong malapit ang landing spot mo sa kanila, natatakot ako na malaki ang posibilidad na makita ka nila bago ka pa makababa. Kaya, para rin ito sa sarili mong kaligtasan.”Sumagot nang walang pakialam si Charlie, “Ayos lang iyon. May paraan ako para hindi nila ako madiskubre.”Sa sandaling ito, walang magawa si Gray, at nilabas niya ang isang engineering plastic box mula sa ilalim ng kanyang upuan. Pagkatapos itong buksan, makikita ang dalawang itim na pistol, mga bala, at isang stainless steel na tactical dagger, at ilang granada. Pagkatapos, sinabi niya kay Charlie, “Young Master, dapat mong dalhin ang lahat ng armas at gamit na ito kung sakaling kailanganin mo ito.”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ako marunong gumamit ng pistol.”Napabulalas si Gary, “Hindi ka marunong gumamit ng pistol?! Kung gano’n… paano mo maipagtatanggol
Labinlimang minuto pagkatapos umalis, sampu-sampung kilomtero na lang ang layo ni Charlie sa kanyang huling destinasyon.Ayon sa kalkulasyon ni Vladislav, kailangang tumalon ni Charlie sa cabin makalipas ang limang minuto. Pagkatapos nito, bababa si Charlie sa limang kilometro na layo sa kanyang destinasyon ayon sa gabay ni Vladislav.Kaya, tinanong ni Vladislav si Charlie, “Mr. Wade, handa ka na ba?”Tumango si Charlie. “Handa na ako.”Sinabi ni Vladislav kay Gary, “Mr. Hackford, pakisabi sa captain na buksan ang hatch.”“Okay!” Naglakad agad si Gary sa cockpit at hiniling sa captain na buksan ang hatch sa likod ng eroplano.Habang unti-unting bumubukas ang pinto ng cabin, isang marahas at malamig na hangin ang agad pumasok. Hindi mapigilang manginig ni Isaac at ng iba sa lamig.Sinabi nang nagmamadali ni Isaac kay Charlie sa malakas na boses, “Young Master, kailangan mong mag-ingat nang sobra! Siguradong hihintayin ka namin sa lugar na tinuro mo makalipas ang anim na oras!”B
Kahit na bahagi ng Middle East ang Syria, ang latitude dito ay katulad sa Aurous Hill. Bukod dito, dahil taglamig din, ito ang panahon ng may pinakamaraming ulan.Hindi lang hinaharangan ng makapal at maitim na mga ulap ang araw, ngunit ginawa rin nitong basa ang hangin.Magandang bagay ito para kay Charlie dahil kung walang ulap, ang posibilidad para sa kanya na mag-skydive sa umaga ay halos zero na.Ito rin ang dahilan kung bakit kumpiyansa si Charlie na mag-skydive malapit sa base ng kalaban.Nang binanggit ni Validslav ang huling tatlong segundo, umabante si Charlie bago siya pumunta direkta sa dulo ng hatch. Kinakabahan nang sobra si Vladislav habang sumigaw siya, “3, 2, 1, talon!”Lumingon si Charlie habang sinabi sa ilang tao, “Kayong lahat, magkita tayo makalipas ang anim na oras!”Pagkatapos nito, direktang tumalon si Charlie palabas sa cabin papunta sa makapal at maitim na mga ulap nang walang pag-aatubili.Sa sandaling tumalon si Charlie palabas sa cabin, naramdaman n
Ang taas na pito o walong palapag ay nakamamatay nga sa karamihan ng ordinaryong tao.Pero, hindi ito malaking bagay para kay Charlie.Ang inaalala niya lang ay babaa siya at dadaan sa itaas ng bundok habang bumababa nag taas niya. Kaya, ang pinakamahalagang bagay ay kung madidiskubre ba siya ng kalaban sa ganitong taas.Para siguraduhin na walang panganib, nilagay ni Charlie ang kanyang kamay sa kanyang bulsa habang hinawakan niya ang Thunder Order sa kanyang bulsa.Ang Thunder Order ay gawa sa Lightning Stricken Dragon Blood Wood na binigay sa kanya ni Jasmine. Maituturing ito na pinakamaganda sa lahat ng Dragon Blood Wood, at ito ang pinakamadaling gamitin na sandata ni Charlie.Kahit na maraming beses nang ginamit ni Charlie ang Thunder Order, at kahit na marami na itong crack sa labas, sa ngayon, magagamit pa ito nang ilang beses kahit papaano.Sa totoo lang, ayaw gamitin ni Charlie ang Thunder Order dahil palaging gumagawa ng malaking ingay ang bagay na ito. Pero, ngayon, b
Sa sandaling iyon, magalang na tinanong ng abbess ang babaeng nasa katanghaliang-gulang, “Madam, ano na po ang susunod nating gagawin?”Tulalang nakatingin ang babae sa labas ng bintana. Nang marinig ang tanong, sumagot siya, “Pupunta tayo sa Aurous Hill. Mananatili muna ako pansamantala sa Qi Temple, tulad ng dati, at sasama kayong dalawa sa akin. Huwag kayong magpapakita sa kahit kanino pagdating natin sa Aurous Hill.”Bahagyang tumango ang madre at sinabi, “Sige po. Ipapaalam ko ito sa abbess ng Qi Temple.”Pagkatapos ay nagtanong siya, “Madam, mayroon po ba kayong partikular na babae na gusto mong makilala sa susunod? Susubukan kong ayusin iyon.”Bahagyang tumaas ang kilay ng babae at ngumiti habang sinabi, “Sino ang gusto kong makilala? Gusto kong makilala si Ito Nanako. Sa lahat ng mga babae, siya ang may pinakamataas na pagkakataon na mapasama sa atin.”Bahagyang ngumiti ang abbess at sinabi, “Susubukan kong ayusin iyon.”Tumango ang babae at bahagyang humagikgik, “Parang
Habang bumababa sina Charlie mula sa Quiant Monastery, hawak-hawak pa rin niya ang agarwood bracelet. Gusto talaga niyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng taong nag-iwan nito para sa kanya, pero kahit anong isip niya, hindi niya ito maunawaan.Sa ngayon, napagpasyahan niyang sumang-ayon na lang sa sinabi ni Vera. Ang dalawampu’t walong beads ng bracelet ay kumakatawan sa kasalukuyang edad niya. Alam ng taong iyon na mapapansin ni Vera ang kakaiba at babalik sila sa Quiant Monastery para mag-imbestiga. Gayunpaman, sinadya talaga nilang iwanan ang bracelet na ito para sa kanya. Anong mensahe kaya ang gusto nilang iparating?Habang litong-lito pa rin, bumaba na sila ng bundok at nagsimulang umakyat pabalik sa kanilang dinaanang daan.Habang paakyat ulit sila, nagkataon namang nakasalubong nila ang ilang matandang babae mula sa lokal na lugar. Naglalakad sila nang sabay-sabay, dahan-dahang bumababa ng bundok habang may bitbit na mga basket na gawa sa baging. May lamang mga insenso,
Hindi napigilang itanong ni Charlie, “Sa tingin mo ba, sumisimbolo ito sa edad ko?”Tumango si Vera, “Malamang nga.”Muli siyang nagtanong, “Baka naman nagkataon lang ito?”Umiling si Vera, “Posible iyon sa labas, pero hindi dito.”Nagpatuloy si Charlie, “Bakit mo nasabi 'yan?”Seryosong sagot ni Vera, “Young Master, dapat mong maintindihan na ang lahat ng ito ay inihanda para sa iyo. Ang dahilan kung bakit nila ako pinapasok ay dahil lang sinamahan kita. Kung hindi ako sumama, malamang hinarap ka na nila nang direkta.”Biglang nakaramdam si Charlie ng kaunting kaba.Pakiramdam niya ay makatwiran ang mga sinabi ni Vera, pero hindi pa rin niya maintindihan kung sino talaga ang mga taong iyon at bakit nila siya binibigyan ng maraming atensyon.Simula nang kusang makipag-usap ang batang madre sa kanila sa paanan ng bundok, gustong-gusto na ni Charlie malaman kung sino talaga ang mga taong iyon. Ngayon, mas lalo pa siyang naging mausisa sa sagot sa tanong na iyon.Sa sandaling iyo
Tumingin si Vera na parang natalo habang tinitingnan ang tatlong piraso ng insensong sandalwood na malapit nang maubos. Parang nalilito siya nang sabihin kay Charlie, “Kaya nilang mahulaan ang mga huling minutong plano natin. Sino sila?!”Umiling si Charlie. “Hindi ko rin alam. Parang may nakakaalam ng lahat ng mangyayari, parang may Diyos na pananaw.”Pagkatapos nito, naglakad siya papunta sa main hall, na may layuning maglibot sa likod ng courtyard, ngunit napansin niya ang isang kahoy na pinto sa likod na kanto ng main hall.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at natagpuan ang isang maliit na silid na mga limang o anim na metro kwadrado. Tumingin siya sa paligid pero wala siyang nakita maliban sa isang simpleng kahoy na upuan at isang maliit na kahoy na mesa na hindi hihigit sa kalahating metro ang lapad. Ngunit may kakaibang amoy sa silid, isang amoy na nakakapagpasigla at nagpapalakas ng katawan.Habang tinitingnan niya ng mabuti, napansin ni Charlie ang isang kwintas na may
Tumango si Charlie at sinabi, “Sige. Akyatin muna natin at tingnan natin.”-Nang dumating ang dalawa sa pintuan ng Quiant Monastery, mahigpit na nakasarado ang pangunahing gate. Ngunit nang dahan-dahang itulak ito ni Charlie, bumukas ito ng may mahinang tunog.Pumasok si Charlie, tumingin sa matibay na kahoy sa likod ng gate, at napakunot-noo habang sinabi, “Mukhang alam nila na darating tayo, kaya’t sadyang iniwan nilang bukas ang gate para sa atin.”Halatang gulat si Vera nang marinig ito at bumulong, “Bawat hakbang na gagawin natin, pinagplanuhan nila…”Tumawa nang mahina si Charlie, at sinabi nang may pagpapakumbaba, “Tama ka. Akala ko na magaling tayo magtago, pero mukhang alam nila ang lahat. Ang pinakaimportante, kaya nilang hulaan ang lahat ng mangyayari. Hindi ko talaga ito maisip.”Bumuntong-hininga si Vera, at medyo nawalan ng pag-asa habang sinabi, “Mahigit tatlong daang taon kong ipinagmamalaki ang talino ko, pero ngayon, parang wala akong laban sa kanila.”Ngumiti
Medyo naging maingat si Charlie dahil sa sinabi ni Vera. Hindi niya napigilang tanungin siya, “Sa tingin mo ba may kakaiba sa pagkatao niya?”Bahagyang tumango si Vera at kinumpirma, “Nakilala ko na noon ang ilang mongheng tunay na bihasa sa Buddhism. Mahigpit silang sumusunod sa mga turo ng Buddha, palaging may binabanggit na scriptures at ginagamit ang karunungan ng Buddhism sa araw-araw na buhay at mga pag-uusap. Sa madaling salita, kahit sa simpleng bagay, laging nakakabit sa Buddhism ang pananaw nila. Pero para sa abbess na ikyon, bukod sa pagbanggit ng ‘Amitabha’, bihira siyang magsalita tungkol sa Buddhism. Kaya bigla kong naisip, baka hindi talaga siya tunay na abbess.”Naging alerto si Charlie at sinabi, “Kung hindi siya tunay na abbess, ibig sabihin, nagpapanggap lang siya para lang hintayin tayo dito. Kaaway man siya o kakampi, mukhang may isa pang puwersang gumagalaw sa likod niya bukod sa Qing Eliminating Society.”Tumango si Vera at seryosong sinabi, “Pero huwag kang m
Kahit halatang malungkot pa rin si Charlie, nagpasya si Vera na aliwin siya. Kaya marahan niyang hinawakan ang braso ni Charlie at saka siya inakay pabalik sa daan na kanilang dinaanan. Habang naglalakad sila, nakayuko lang si Charlie, at si Vera nama’y nag-iisip kung paano niya mapapagaan ang kalooban niya. Pagkatapos ay tinanong niya siya nang medyo sabik, “Young Master, sa tingin mo ba, nagkaroon na ng mga bagong usbong na dahon ang Mother of Pu’er Tea nitong mga nakaraang araw?”Kaswal na sumagot si Charlie, “Siguro ay lumago na siya nang kaunti, at kung tungkol naman sa mga dahon, mukhang okay lang naman kung may tumubong ilang malalambot na usbong.”Ngumiti si Vera at sinabi, “Kung gano’n, pagbalik natin, pipitas ako ng ilang bagong usbong na dahon, patutuyuin ko, at magtitimpla ako ng tsaa para matikman mo.”Tinanong ni Charlie nang mausisa, “Hindi ba komplikado ang paggawa ng Pu’er tea? Di ba dapat iniimbak at pinapa-ferment muna iyon?”Napatawa si Vera at ipinaliwanag niya
Samantala, sa paanan ng bundok kung saan matatagpuan ang Quiant Monastery, hindi pa rin makapagdesisyon si Charlie na itigil ang paglalakbay. Kung aalis siya nang ganito, siguradong mabibitin siya.Pero may punto rin ang paliwanag ni Vera. Kung may isang tao na nag-abala para bigyan sila ng babala, masyado namang mayabang kung ipipilit pa rin nila ang paglalakbay. Bigla niyang napagtanto na baka nga nagiging mayabang na siya, at naalala niyang kulang pa ang lakas niya para harapin ang hindi pa niya alam.Matapos mag-isip sandali, napabuntong-hininga siya at inamin, “Tama siguro ang abbess. Mas mahina pa ako kay Fleur. Hindi dapat ako masyadong kampante. At saka, alam niya ang impormasyon natin at mga kilos, kaya hindi siya isang ordinaryong tao.”Habang nagsasalita, seryosong tumingin si Charlie kay Vera at sinabi, “Miss Lavor, mas matalino ka kaysa sa akin, mas malalim kang mag-isip at mas malinaw mong nakikita ang mga bagay. Dahil ikaw mismo ang nagsasabing itigil muna natin ito,
Sinabi ni Charlie, “Pareho pa tayong hindi sigurado kung sino talaga ang kabila. Hindi ko pwedeng isuko ang lahat ng pinlano natin dahil lang sa sinabi niya.”Nag-aalalang sinabi ni Vera, “Young Master, may nakakaalam na paparating tayo rito at kinalkula pa ang ruta natin para abangan tayo. Ibig sabihin, kilalang-kilala tayo ng taong iyon. Kahit wala siyang masamang balak, kailangan pa rin nating amining nalantad na ang mga pagkakakilanlan natin. Kung magpapatuloy tayo sa ganitong sitwasyon, kaaway man siya o kakampi, malaki ang posibilidad na mapahamak tayo.”Sandaling natulala si Charlie sa mga sinabi ni Vera. Napaisip siyang muli sa buong sitwasyon. Gaya ng sabi ni Vera, kaibigan man o kaaway ang abbess, totoo nang nalantad na sila. Kung alam na sila ng abbess, baka may iba pang nakakaalam. Kung ipipilit niyang magpatuloy, bukod sa posibleng panganib, paano kung may ibang tao pang makaalam ng tunay niyang pagkatao? Paano kung makarating pa ito sa Qing Eliminating Society? Ano na l