Hindi inaakala ng matanda na wala ni isa sa mga kinikilala niyang anak ang tunay niyang kadugo.Hindi niya mapigilang sambitin ang namimighating mga salita, “Ako… ano bang klase ng mga kasalanan ang ginawa ko sa buhay na ito? Nag… Nagtatrabaho lang pala ako para palakihin ang anak at apo ng ibang tao…”Habang nagsasalita ang matanda, tuluyan na siyang bumigay at napaluhod siya sa sahig habang umiiyak nang miserable.Nagulantang si Yolden.Akala niya sinasadya lang ni Charlie na kontrahin ang matandang ito sa buong pagkakataon. Hindi niya inaakalang totoo pala ang sinasabi nito.Agad niyang tinanong si Charlie, “Charlie… ito… ano ang nangyayari?”Nagkibit balikat lamang si Charlie, “Ganyan talaga ang kapalaran niya. Mula sa physiognomy at hexagram, sinasabi nitong hindi siya magkakaanak. Pero, sinasabi niyang may tatlo siyang anak na lalaki at talong anak na babae. Halata namang may mali. Ngayong naresolbahan na ang kaso, tama nga talaga ang sinabi ko.”Hindi mapigilang magtanong
Nag-aalala pa rin si Charlie sa sitwasyon ni Autumn habang pabalik siya ng Shangri-La sakay ng isang taxi.Balak ni Charlie na umalis agad para masigurong sapat ang kanyang oras para mailigtas si Autumn sakaling may mangyaring hindi maganda. Subalit, tunay na espesyal ang sitwasyon sa Syria at hindi alam ni Charlie kung paano siya makakapasok doon.Nang maisip niyang maraming alam si Isaac sa ganitong aspeto, hinanap agad ni Charlie si Isaac para makaisip siya ng ideya kung ano ang dapat niyang gawin.Nagkataong may diskusyon rin silang gagawin ni Isaac tungkol sa pag-aasikaso nila sa pamilya Schulz sa susunod. Kaya, hindi na siya nag-alangan.Pagdating ni Charlie sa Shangri-La, agad siyang dumiretso sa opisina ni Isaac.Samantala, sa Shangri-La, hinihintay ni Sheldon ang perpektong oportunidad para bumuo ng koneksyon kay Yahiko.Subalit, dahil palihim siyang pumuslit ng Shangri-La, tahimik lamang siyang nakaupo sa loob ng kanyang kwarto nang hindi inihahayag ang sarili niya.Ga
Nang marinig ito, hindi na pinilit ni Isaac si Charlie na huwag pumunta. Sa halip, agad niyang inilabas ang kanyang cellphone para tawagan ang ilang tao.Pagkatapos ng ilang tawag, binalikan ni Isaac si Charlie, “Young Master, nakausap ko na ang ilang mga kaibigan ko at nagtanong na ako ng mga overseas channels na pwedeng maging ruta mo. Kung gusto mong pumunta ng Syria ngayon, ang pwede mong gawin ngayon ay lumipad muna ng Turkey o Iran saka ka papasok ng Syria.”Habang nagsasalita, nagdagdag si Isaac, “Pero may problema nga lang ng kaunti. Nasa south ang Turkey at nasa east naman ng Syria ang Iraq, pero nasa southwest ang capital ng Syria na Damascus. Ibig sabihin kahit saan ka man manggaling, mula sa Iraq o Turkey, kailangan mo pa ring bumiyahe ng ilang daang kilometro bago ka makakarating sa mismong Damascus.”“Bukod pa roon, komplikado ang mga daan sa Middle East at walang maayos na transportasyon. Sa biyahe mo pa lang, aabutin ka na ng 20 oras.”Napasimangot si Charlie at hin
Ang Concorde ang minsang nag-iisang turbojet-powered supersonic airliner ng mundo na nailagay talaga sa commercial operation.Marami ang hindi nakakaalam ng aircraft na ito mula sa mga kabataan, pero nag-iwan ng matinding impresyon ang aircraft na ito sa kasaysayan ng civil aviation.Mula sa paglago ng human science and technology sa nakalipas na mga dekada, isang nakamamanghang pangyayari ang nadiskubre, at iyan ay konserbatibo ang mga research sa science and technology sa mga nakalipas na taon.Subalit, noong 1960s hanggang 1980s, sa panahon ng Cold War, ito ang golden age ng science and technology. Mabilis at malawak ang paglago ng mundo sa panahong iyon.Makikita rin ang hindi mapapantayang ligalig at radikalismo sa mga taong nasa larangan ng science and technology sa panahong iyon.Sa panahong hindi pa nakamamangha ang computing powers ng computers gaya ng machine learning, nagpadala ang Soviet Union ng astronauts sa space, at nagpadala rin ng astronauts ang United States sa
Agad na sinagot ni Jeremiah ang tawag pagkatapos lamang ng dalawang ring.Masayang nagtanong si Jeremiah, “Charlie, bakit mo ako biglang tinawagan ngayon?”Dumiretso agad si Charlie sa paksa, “Kailangan kong humingi ng pabor sa’yo.”Tumugon si Jeremiah nang walang pag-aalinlangan, “Oh! Bakit naman kailangan mong maging pormal sa sarili mong lolo? Pwede mong sabihin sa akin ang kahit anong kailangan mo. Basta kaya kong ibigay, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko!”Sumagot si Charlie, “Kailangan kong pumunta ng Lebanon. May kailangan akong asikasuhin. Narinig kong may Concorde ka. Gusto ko sanang hiramin ito.”“Hihiramin mo ang Concorde?” Nag-alangan si Jeremiah sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos, ngumiti siya, “Charlie, kung gusto mong manghiram ng private jet, may magarbo akong Boeing business jet. Mamahalin ito. Mahigit sa 100 million US dollars ang nagastos ko para lang sa internal modification nito. Pwede na itong tawaging palasyo sa langit. Bakit hindi na lang ito ang hirami
Sa mga mata ni Jeremiah, isang perpektong lalaki si Charlie na mataas ang demand.Maliban sa makapangyarihan at nakamamanghang lakas ni Charlie, inaabangan na ni Jeremiah ang opisyal na pagbabalik ni Charlie sa pamilya Wade dahil sa marriage contract nila ni Quinn, kasama na rin ang pirming posisyon ng pamilya Golding na sundin ang marriage contract na ginawa nila dati kasama ang mga magulang ni Charlie.Ang perang makukuha ni Jeremiah mula sa trade and business nila ay kailangan niyang buuin nang dahan-dahan sa loob ng ilang taon. Pero, ang perang magagawa ni Charlie para sa pamilya Wade para sa simpleng pagpapakasal sa isang babae ay katumbas ng sampu o ilang daang bilyong dolyar ng property at assets na makukuha nila sa iisang gabi lang.Nag-iisa lang ang anak ni Yule at si Quinn iyon. Sa madaling salita, alam ng lahat na mapupunta ang lahat ng yaman ng pamilya Golding sa taong papakasalan ni Quinn.Matagal nang gustong lagpasan ni Jeremiah ang pamilya Schulz. Kaya, sa kanyang o
Naantig ang puso ni Charlie at banayad siyang nagsalita, “Mahal ko, sa totoo lang, ayaw ko talagang umalis ngayon. Pero regular customer ko ang kliyente ngayon at hindi ko talaga siya matanggihan.”Nang mabanggit ito, napahinto si Charlie sa loob ng ilang sandali, “Mahal, bakit hindi na lang ganito ang gawin natin? Hindi muna ako tatanggap ng kahit anong request sa susunod na buwan pagkatapos ng trabahong ito!”Ipinangako ni Charlie na hindi siya tatanggap ng kahit anong trabaho sa susunod na buwan dahil Tomb Sweeping Festival. Kailangan niya ring pumunta ng Eastcliff para sumali sa ancestor worship ceremony. Sa pagkakataong iyon, gagamitin niya ulit ang Feng Shui bilang palusot para ipaliwanag ang ilang mga bagay kay Claire.Nang marinig ni Claire na hindi tatanggap ng kahit anong trabaho si Charlie sa loob ng isang buwan, lumuwag nang kaunti ang kanyang ekspresyon. Naging malambing rin nang kaunti ang kanyang tono, “Huwag mong kalimutan ang pangako mo ha! Kung maglalakas loob kang
Nang banggitin ni Charlie na gusto niya nang pumunta ng airport ngayon, napatanong si Isaac nang hindi niya namamalayan, “Young Master, gusto mo nang pumunta ngayon?”Napabulalas si Charlie, “Ano pa ba ang dapat kong hintayin kung hindi ako aalis ngayon? Sa tantsa ko, nakaalis na ang aircraft ni lolo sa Eastcliff. Darating ito sa Aurous Airport pagkatapos ng 20 minuto. Kapag mabagal ang takbo ng helicopter natin, baka mauna pang dumating ang Concorde kaysa sa atin.”Sa pagkakataong ito, nakabalik na rin si Isaac sa kanyang sarili at napangiti siya na para bang nahihiya, “Tama, tama, oo nga. Nakalimutan kong masyadong mabilis pala ang Concorde. Teka lang. Maghahanda na ako ng helicopter.”Pagkatapos magsalita, dinampot ni Isaac ang walkie-talkie niya sa mesa saka siya napabulalas, “Pakisabihan ang helicopter crew na maghanda agad. Aalis tayo papunta ng Aurous Airport sa loob ng limang minuto!”Hindi nagtagal, narinig ni Charlie ang tunog ng makina ng helicopter mula sa bubong.Agad
Pagkarinig ni Fleur sa mga salitang iyon, parang may malamig na hangin na dumaan mula sa talampakan niya paakyat sa ulo. Ngayon lang siya muling nakaramdam ng ganitong klase ng takot at kawalan ng magawa mula nang iligtas siya ni Marcius sa Mount Tason mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas.Ang huling pagkakataong na nataranta siya nang ganito ay noong nakita niya ang larawan ni Marcius online. Pero ngayon, bigla niyang napagtanto na ang master niya, na matagal na dapat patay, ay posibleng buhay pa pala hanggang ngayon.Parang nabagsakan siya ng maraming bato nang mapagtantop ito.Hindi na niya kinaya ang takot, at nanginginig ang boses niya habang sinabi, “Master, a-aminado akong nagkamali ako…”Biglang may sumigaw ngan malakas sa tainga ni Fleur. Sobrang lamig ng boses ni Marcius habang pinagalitan siya, “Umalis ka na ngayon din!”Parang kidlat na tumama sa puso ni Fleur ang sigaw na iyon. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Mabilis siyang tumayo, nanginginig, sabay yuko sa
Nagdududang nag-isip si Fleur, “Matagal nang natapos ang isang libong taon na buhay ng matandang iyon, siguradong patay na siya. Malamang ito ay formation na iniwan niya para hindi matagpuan ng iba ang chamber niya at ang bangkay niya bago siya tuluyang mamatay!”Agad siyang lumingon, pinulot ang espadang tumalsik, at malamig na nag-isip, “Hmph! Kung formation lang ito, kahit gaano pa ito kalakas, mauubos din ang lakas niyan. Babasagin ko talaga ang pader na ‘to ngayon para malaman ko ang katotohanan!”Nang maisip iyon, hinugot ulit ni Fleur ang espada gamit ang kaliwang kamay, pinuno ito ng matinding Reiki, at buong lakas na tinaga ang pader.Sa isang iglap, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw. Bago pa siya makagalaw, naramdaman niya ang sobrang lakas na puwersa sa kaliwang kamay niya, nanghina ito at nanigas. Nawalan siya ng kontrol at muling tumalsik ang espada.Hindi nagbago ang lakas ng rebound kumpara sa una, kaya nagulat si Fleur. Naiintindihan niyang malakas ang for
Si Fleur, na puno ng pagdududa, ay agad na lumapit sa panloob na stone chamber.Noong una, ang stone chamber ni Marcius ay meron lang nitong outer chamber. Sa ikalawang limang daang taon ng kanyang cultivation, naabot na ni Marcius ang estado ng fasting, nagme-meditate siya buong araw na hindi na kailangan kumain, matulog, o pumunta sa banyo.Nang dalhin niya sina Fleur at Elijah pabalik sa kanyang kuweba, ginamit ni Marcius ang kanyang espada para gumawa ng dalawang silid-tulugan para sa kanila, pati na rin ng kusina at banyo. Para masigurong walang makakaistorbo sa cultivation niya, gumawa rin siya ng isa pang stone chamber para sa sarili niya.Kaya ngayon, may limang stone chambers na sa lugar na ito. Inisa-isa ni Fleur ang unang apat, at nang marating niya ang lokasyon ng ikalima, wala na itong bakas. Ang dating pasukan ng ikalimang chamber ay naging isang makinis at walang markang pader.Habang hinihipo ni Fleur ang makinis na pader, nagsalita siya, “Master, noong papalapit na
Bukod dito, sobrang dami ng mga batong haligi at magkakahiwalay ang pagkakalagay, parang isang stone forest. Pero nang makita ni Fleur ang mga tila magulo na pinwestong batong haligi, hindi man lang siya nagulat.Sa halip, hinaplos niya ang mga ito nang medyo emosyonal at mahina niyang sinabi, “Master, Elijah, nakabalik na ako.”Pagkasabi nito, pumasok siya sa stone forest at nagsimulang gumalaw ayon sa isang tiyak na pattern.Ang stone forest na ito ay ang Nine Palace Formation na itinayo ng kanyang master na si Marcius bago siya mamatay. Ang galing ng formation na ito ay nasa katotohanang kung hindi mo alam kung paano basagin ang formation, imposibleng makahanap ng totoong exit kahit saan ka manggaling sa loob ng stone forest.Ang tanging paraan para masira ito ng isang tagalabas ay ang gibain lahat ng batong haligi hanggang wala nang matira. Pero ang formation na ito ay ginawa ni Marcius para protektahan ang kanyang lihim na tirahan. Ayon sa plano niya, kapag may pumasok nang sa
Alam ni Charlie na sa sandaling ito, hindi na si Fleur mismo ang hinahanap niya kundi kung saan siya pupunta. Noong pinakita niya ang portrait ni Marcius, biglang natahimik si Fleur pati ang Qing Eliminating Society. patunay kung gaano siya natakot.Pero habang mas takot si Fleur, mas palihim pa siyang nagpunta nang mag-isa sa Oskia at pumunta sa Mount Tason. Ibig sabihin, sobrang importante talaga nito sa kanya.Hinala ni Charlie, baka hinahanap ni Fleur ang mga sikreto na iniwan ni Marcius, at baka pati na rin ang ‘sikreto sa mahabang buhay’ na binanggit ni Mr. Chardon dati. Kaya pagkatapos umalis ni Fleur sa Mount Tason, balak niyang pumasok at hanapin ito. Kahit wala siyang makita, kahit papaano ay hindi siya malalagay sa panganib nang walang saysay.Samantala, sa Mount Tason, para siyang bida sa isang martial arts movie habang mabilis siyang gumagalaw sa makakapal na gubat sa pagitan ng mga bundok, na parang wala lang ang mga matatarik at masukal na lugar sa harap niya. Kahit m
Nag-isip sandali si Fleur, pagkatapos ay tinakpan niya ang off-road vehicle gamit ang maraming putol na sanga para maitago ito nang husto. Pagkatapos nito, inayos niya ang kanyang damit at tahimik na lumakad papunta sa kailaliman ng bundok nang hindi lumilingon pabalik.-Samantala, lahat ng surveillance videos mula sa Stoneridge ay inilipat na ng mga tauhan ni Emmett sa isang espesyal na cloud server. Pagkakuha ni Vera ng address at password ng server, pinanood nila ni Charlie ang mga surveillance video gamit ang laptop sa silid ni Vera.Kahit na walang surveillance sa Mount Turtle Back, ayon sa oras ng pagdating ni Fleur, mabilis na nahanap ni Vera ang anino niya sa footage sa may pasukan ng bundok. Mula sa camera na iyon, sinundan nila ang galaw ni Fleur pabalik sa Stoneridge Ancient Town, at nasubaybayan nila ang buong ruta ni Fleur sa loob ng sakop ng mga surveillance cameras.Dahil dito, madali nilang nakita ang off-road vehicle ni Fleur sa parking lot. Sa Oskia, kahit makaiw
Sa sandaling ito, kakaunti lang ang mga sasakyang dumaraan sa highway. Paminsan-minsan, may ilang sasakyan na dumadaan, pero walang masyadong nagbigay-pansin sa babaeng nakaparada sa emergency lane.Kahit na bawal sa teorya ang pagparada sa emergency lane, kakaunti lang ang surveillance camera sa bahaging ito ng bundok. Bukod dito, dahil sa kaunting trapiko at magandang tanawin, madalas na humihinto rito ang ilang pagod na driver para magpahinga at hangaan ang tanawin. Kaya hindi ito kakaibang bagay para sa kahit sino.Hindi nagulat si Fleur sa mga dumadaang sasakyan, pero naguluhan siya nang makita ang tulay na may isang daang metrong taas, na nag-uugnay sa dalawang bundok at dalawang tunnel. Alam niyang ito ang pinakamalapit na bahagi ng highway sa lugar kung saan dati nagme-meditate ang kanyang master.Pero, halos walang nakatira sa lugar na ito, at walang exit ang highway sa loob ng ilang dosenang kilometro sa magkabilang direksyon. Ibig sabihin, kung gusto niyang makarating aga
Pagkasabi nito, dinugtungan pa ni Charlie, “Siya nga pala, Miss Lavor, pakitawag si Mr. Sandsor. May gusto akong pag-usapan tungkol sa surveillance.”Tumayo si Vera at sinabi, “Hintayin mo lang ako sandali, Young Master. Tatawagin ko si Mr. Sandsor.”Makalipas ang ilang sandali, si Emmett, na mukhang mas bata kaysa dati, ay nagmamadaling pumunta sa courtyard sa itaas.Sa sandaling pumasok siya, magalang niyang sinabi, “Miss, Mr. Wade, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?”#Tinanong ni Vera, “May paraan ba para makuha ang lahat ng surveillance footage mula sa Yorkshire Hill nitong mga nakaraang araw nang hindi hindi inaalerto ang kahit sino?”Sumagot si Emmett, “Miss, basta’t sakop ito ng municipal surveillance, madali itong ma-access sa system. Dahil mataas ang access level ko, makukuha ko ito nang hindi nag-iiwan ng bakas. Sabihin n’yo lang kung aling surveillance ang kailangan ninyo.”Tumango si Vera, naalala niyang lumitaw si Fleur sa Mount Turtle Back ng bandang 11:00 ng um
Maayos na nakabalik sina Charlie at Vera.Eksaktong 8:30 ng umaga nang lumipad ang eroplano at dumating sila sa Aurous Hill ng bandang 11:00 ng umaga.Tanghali na nang magmadali silang bumalik sa Scarlet Pinnacle Manor. Habang nasa biyahe, mahigpit na hawak ni Vera ang batang punla ng Mother of Pu'er Tea, hindi man lang siya nagpahinga kahit saglit.Pagkarating sa Scarlet Pinnacle Manor, pinakiusapan ni Vera ang lahat sa villa na lumabas muna pansamantala at agad siyang umakyat sa courtyard kasama si Charlie upang muling itanim ang Mother of Pu'er Tea.Pagkatapos tumingin sa paligid ng courtyard, napansin ni Vera na kung hindi niya puputulin ang ibang puno roon, ang tanging pinakamainam na pwesto ay sa tabi ng hot spring pool.Itinuro niya ang bakanteng espasyo at sinabi kay Charlie, “Ayon sa normal na paglaki ng mga puno ng tsaa, sapat ang lugar na ito para sa isang puno sa loob ng walo hanggang sampung taon. Pero hindi ko alam kung gaano kabilis lalaki ang Mother of Pu'er Tea. K