Share

Kabanata 5854

Penulis: Lord Leaf
Pagkasabi nito, dinugtungan pa ni Charlie, “Siya nga pala, Miss Lavor, pakitawag si Mr. Sandsor. May gusto akong pag-usapan tungkol sa surveillance.”

Tumayo si Vera at sinabi, “Hintayin mo lang ako sandali, Young Master. Tatawagin ko si Mr. Sandsor.”

Makalipas ang ilang sandali, si Emmett, na mukhang mas bata kaysa dati, ay nagmamadaling pumunta sa courtyard sa itaas.

Sa sandaling pumasok siya, magalang niyang sinabi, “Miss, Mr. Wade, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?”

#Tinanong ni Vera, “May paraan ba para makuha ang lahat ng surveillance footage mula sa Yorkshire Hill nitong mga nakaraang araw nang hindi hindi inaalerto ang kahit sino?”

Sumagot si Emmett, “Miss, basta’t sakop ito ng municipal surveillance, madali itong ma-access sa system. Dahil mataas ang access level ko, makukuha ko ito nang hindi nag-iiwan ng bakas. Sabihin n’yo lang kung aling surveillance ang kailangan ninyo.”

Tumango si Vera, naalala niyang lumitaw si Fleur sa Mount Turtle Back ng bandang 11:00 ng um
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5855

    Sa sandaling ito, kakaunti lang ang mga sasakyang dumaraan sa highway. Paminsan-minsan, may ilang sasakyan na dumadaan, pero walang masyadong nagbigay-pansin sa babaeng nakaparada sa emergency lane.Kahit na bawal sa teorya ang pagparada sa emergency lane, kakaunti lang ang surveillance camera sa bahaging ito ng bundok. Bukod dito, dahil sa kaunting trapiko at magandang tanawin, madalas na humihinto rito ang ilang pagod na driver para magpahinga at hangaan ang tanawin. Kaya hindi ito kakaibang bagay para sa kahit sino.Hindi nagulat si Fleur sa mga dumadaang sasakyan, pero naguluhan siya nang makita ang tulay na may isang daang metrong taas, na nag-uugnay sa dalawang bundok at dalawang tunnel. Alam niyang ito ang pinakamalapit na bahagi ng highway sa lugar kung saan dati nagme-meditate ang kanyang master.Pero, halos walang nakatira sa lugar na ito, at walang exit ang highway sa loob ng ilang dosenang kilometro sa magkabilang direksyon. Ibig sabihin, kung gusto niyang makarating aga

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5856

    Nag-isip sandali si Fleur, pagkatapos ay tinakpan niya ang off-road vehicle gamit ang maraming putol na sanga para maitago ito nang husto. Pagkatapos nito, inayos niya ang kanyang damit at tahimik na lumakad papunta sa kailaliman ng bundok nang hindi lumilingon pabalik.-Samantala, lahat ng surveillance videos mula sa Stoneridge ay inilipat na ng mga tauhan ni Emmett sa isang espesyal na cloud server. Pagkakuha ni Vera ng address at password ng server, pinanood nila ni Charlie ang mga surveillance video gamit ang laptop sa silid ni Vera.Kahit na walang surveillance sa Mount Turtle Back, ayon sa oras ng pagdating ni Fleur, mabilis na nahanap ni Vera ang anino niya sa footage sa may pasukan ng bundok. Mula sa camera na iyon, sinundan nila ang galaw ni Fleur pabalik sa Stoneridge Ancient Town, at nasubaybayan nila ang buong ruta ni Fleur sa loob ng sakop ng mga surveillance cameras.Dahil dito, madali nilang nakita ang off-road vehicle ni Fleur sa parking lot. Sa Oskia, kahit makaiw

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5857

    Alam ni Charlie na sa sandaling ito, hindi na si Fleur mismo ang hinahanap niya kundi kung saan siya pupunta. Noong pinakita niya ang portrait ni Marcius, biglang natahimik si Fleur pati ang Qing Eliminating Society. patunay kung gaano siya natakot.Pero habang mas takot si Fleur, mas palihim pa siyang nagpunta nang mag-isa sa Oskia at pumunta sa Mount Tason. Ibig sabihin, sobrang importante talaga nito sa kanya.Hinala ni Charlie, baka hinahanap ni Fleur ang mga sikreto na iniwan ni Marcius, at baka pati na rin ang ‘sikreto sa mahabang buhay’ na binanggit ni Mr. Chardon dati. Kaya pagkatapos umalis ni Fleur sa Mount Tason, balak niyang pumasok at hanapin ito. Kahit wala siyang makita, kahit papaano ay hindi siya malalagay sa panganib nang walang saysay.Samantala, sa Mount Tason, para siyang bida sa isang martial arts movie habang mabilis siyang gumagalaw sa makakapal na gubat sa pagitan ng mga bundok, na parang wala lang ang mga matatarik at masukal na lugar sa harap niya. Kahit m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5858

    Bukod dito, sobrang dami ng mga batong haligi at magkakahiwalay ang pagkakalagay, parang isang stone forest. Pero nang makita ni Fleur ang mga tila magulo na pinwestong batong haligi, hindi man lang siya nagulat.Sa halip, hinaplos niya ang mga ito nang medyo emosyonal at mahina niyang sinabi, “Master, Elijah, nakabalik na ako.”Pagkasabi nito, pumasok siya sa stone forest at nagsimulang gumalaw ayon sa isang tiyak na pattern.Ang stone forest na ito ay ang Nine Palace Formation na itinayo ng kanyang master na si Marcius bago siya mamatay. Ang galing ng formation na ito ay nasa katotohanang kung hindi mo alam kung paano basagin ang formation, imposibleng makahanap ng totoong exit kahit saan ka manggaling sa loob ng stone forest.Ang tanging paraan para masira ito ng isang tagalabas ay ang gibain lahat ng batong haligi hanggang wala nang matira. Pero ang formation na ito ay ginawa ni Marcius para protektahan ang kanyang lihim na tirahan. Ayon sa plano niya, kapag may pumasok nang sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5859

    Si Fleur, na puno ng pagdududa, ay agad na lumapit sa panloob na stone chamber.Noong una, ang stone chamber ni Marcius ay meron lang nitong outer chamber. Sa ikalawang limang daang taon ng kanyang cultivation, naabot na ni Marcius ang estado ng fasting, nagme-meditate siya buong araw na hindi na kailangan kumain, matulog, o pumunta sa banyo.Nang dalhin niya sina Fleur at Elijah pabalik sa kanyang kuweba, ginamit ni Marcius ang kanyang espada para gumawa ng dalawang silid-tulugan para sa kanila, pati na rin ng kusina at banyo. Para masigurong walang makakaistorbo sa cultivation niya, gumawa rin siya ng isa pang stone chamber para sa sarili niya.Kaya ngayon, may limang stone chambers na sa lugar na ito. Inisa-isa ni Fleur ang unang apat, at nang marating niya ang lokasyon ng ikalima, wala na itong bakas. Ang dating pasukan ng ikalimang chamber ay naging isang makinis at walang markang pader.Habang hinihipo ni Fleur ang makinis na pader, nagsalita siya, “Master, noong papalapit na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5860

    Nagdududang nag-isip si Fleur, “Matagal nang natapos ang isang libong taon na buhay ng matandang iyon, siguradong patay na siya. Malamang ito ay formation na iniwan niya para hindi matagpuan ng iba ang chamber niya at ang bangkay niya bago siya tuluyang mamatay!”Agad siyang lumingon, pinulot ang espadang tumalsik, at malamig na nag-isip, “Hmph! Kung formation lang ito, kahit gaano pa ito kalakas, mauubos din ang lakas niyan. Babasagin ko talaga ang pader na ‘to ngayon para malaman ko ang katotohanan!”Nang maisip iyon, hinugot ulit ni Fleur ang espada gamit ang kaliwang kamay, pinuno ito ng matinding Reiki, at buong lakas na tinaga ang pader.Sa isang iglap, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw. Bago pa siya makagalaw, naramdaman niya ang sobrang lakas na puwersa sa kaliwang kamay niya, nanghina ito at nanigas. Nawalan siya ng kontrol at muling tumalsik ang espada.Hindi nagbago ang lakas ng rebound kumpara sa una, kaya nagulat si Fleur. Naiintindihan niyang malakas ang for

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5861

    Pagkarinig ni Fleur sa mga salitang iyon, parang may malamig na hangin na dumaan mula sa talampakan niya paakyat sa ulo. Ngayon lang siya muling nakaramdam ng ganitong klase ng takot at kawalan ng magawa mula nang iligtas siya ni Marcius sa Mount Tason mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas.Ang huling pagkakataong na nataranta siya nang ganito ay noong nakita niya ang larawan ni Marcius online. Pero ngayon, bigla niyang napagtanto na ang master niya, na matagal na dapat patay, ay posibleng buhay pa pala hanggang ngayon.Parang nabagsakan siya ng maraming bato nang mapagtantop ito.Hindi na niya kinaya ang takot, at nanginginig ang boses niya habang sinabi, “Master, a-aminado akong nagkamali ako…”Biglang may sumigaw ngan malakas sa tainga ni Fleur. Sobrang lamig ng boses ni Marcius habang pinagalitan siya, “Umalis ka na ngayon din!”Parang kidlat na tumama sa puso ni Fleur ang sigaw na iyon. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Mabilis siyang tumayo, nanginginig, sabay yuko sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5862

    Umiling si Vera. “Hindi ko rin alam.”Biglang lumitaw sa screen kung paano pinara ni Fleur ang isang van na dumaan at sandali silang nag-usap ng driver, pero tila tinanggihan siya nito. Nagmukhang balisa si Fleur, mabilis na naglabas ng bungkos ng pulang pera, at iniabot ito sa driver. Tinanggap naman ng driver ang pera, kaya agad na sumakay si Fleur sa likuran ng van.Lalong naguluhan si Charlie. “Saan kaya pupunta si Fleur?”Sagot ni Vera, “Hindi ko rin maintindihan, Young Master.”Sinabi ni Charlie, “Sundan na lang natin siya. Tingnan natin kung saan papunta ang van.”“Okay.”Sa hindi maunlad na bayan sa bundok, ang karamihan ng surveillance ay nasa mga kalsada lang. Kaya’t sinimulan ni Vera ang pagsubaybay sa galaw ng van sa pamamagitan ng paglipat-lipat sa iba’t ibang camera feeds ng daan. Ilang saglit lang, nakita nilang palabas na ng town ang van, papunta sa highway entrance.Sa loob naman ng malamig at mahangin na van, sabik na si Fleur na makaalis ng Oskia. Kaya agad si

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5882

    Tumingin si Vera na parang natalo habang tinitingnan ang tatlong piraso ng insensong sandalwood na malapit nang maubos. Parang nalilito siya nang sabihin kay Charlie, “Kaya nilang mahulaan ang mga huling minutong plano natin. Sino sila?!”Umiling si Charlie. “Hindi ko rin alam. Parang may nakakaalam ng lahat ng mangyayari, parang may Diyos na pananaw.”Pagkatapos nito, naglakad siya papunta sa main hall, na may layuning maglibot sa likod ng courtyard, ngunit napansin niya ang isang kahoy na pinto sa likod na kanto ng main hall.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at natagpuan ang isang maliit na silid na mga limang o anim na metro kwadrado. Tumingin siya sa paligid pero wala siyang nakita maliban sa isang simpleng kahoy na upuan at isang maliit na kahoy na mesa na hindi hihigit sa kalahating metro ang lapad. Ngunit may kakaibang amoy sa silid, isang amoy na nakakapagpasigla at nagpapalakas ng katawan.Habang tinitingnan niya ng mabuti, napansin ni Charlie ang isang kwintas na may

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5881

    Tumango si Charlie at sinabi, “Sige. Akyatin muna natin at tingnan natin.”-Nang dumating ang dalawa sa pintuan ng Quiant Monastery, mahigpit na nakasarado ang pangunahing gate. Ngunit nang dahan-dahang itulak ito ni Charlie, bumukas ito ng may mahinang tunog.Pumasok si Charlie, tumingin sa matibay na kahoy sa likod ng gate, at napakunot-noo habang sinabi, “Mukhang alam nila na darating tayo, kaya’t sadyang iniwan nilang bukas ang gate para sa atin.”Halatang gulat si Vera nang marinig ito at bumulong, “Bawat hakbang na gagawin natin, pinagplanuhan nila…”Tumawa nang mahina si Charlie, at sinabi nang may pagpapakumbaba, “Tama ka. Akala ko na magaling tayo magtago, pero mukhang alam nila ang lahat. Ang pinakaimportante, kaya nilang hulaan ang lahat ng mangyayari. Hindi ko talaga ito maisip.”Bumuntong-hininga si Vera, at medyo nawalan ng pag-asa habang sinabi, “Mahigit tatlong daang taon kong ipinagmamalaki ang talino ko, pero ngayon, parang wala akong laban sa kanila.”Ngumiti

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5880

    Medyo naging maingat si Charlie dahil sa sinabi ni Vera. Hindi niya napigilang tanungin siya, “Sa tingin mo ba may kakaiba sa pagkatao niya?”Bahagyang tumango si Vera at kinumpirma, “Nakilala ko na noon ang ilang mongheng tunay na bihasa sa Buddhism. Mahigpit silang sumusunod sa mga turo ng Buddha, palaging may binabanggit na scriptures at ginagamit ang karunungan ng Buddhism sa araw-araw na buhay at mga pag-uusap. Sa madaling salita, kahit sa simpleng bagay, laging nakakabit sa Buddhism ang pananaw nila. Pero para sa abbess na ikyon, bukod sa pagbanggit ng ‘Amitabha’, bihira siyang magsalita tungkol sa Buddhism. Kaya bigla kong naisip, baka hindi talaga siya tunay na abbess.”Naging alerto si Charlie at sinabi, “Kung hindi siya tunay na abbess, ibig sabihin, nagpapanggap lang siya para lang hintayin tayo dito. Kaaway man siya o kakampi, mukhang may isa pang puwersang gumagalaw sa likod niya bukod sa Qing Eliminating Society.”Tumango si Vera at seryosong sinabi, “Pero huwag kang m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5879

    Kahit halatang malungkot pa rin si Charlie, nagpasya si Vera na aliwin siya. Kaya marahan niyang hinawakan ang braso ni Charlie at saka siya inakay pabalik sa daan na kanilang dinaanan. Habang naglalakad sila, nakayuko lang si Charlie, at si Vera nama’y nag-iisip kung paano niya mapapagaan ang kalooban niya. Pagkatapos ay tinanong niya siya nang medyo sabik, “Young Master, sa tingin mo ba, nagkaroon na ng mga bagong usbong na dahon ang Mother of Pu’er Tea nitong mga nakaraang araw?”Kaswal na sumagot si Charlie, “Siguro ay lumago na siya nang kaunti, at kung tungkol naman sa mga dahon, mukhang okay lang naman kung may tumubong ilang malalambot na usbong.”Ngumiti si Vera at sinabi, “Kung gano’n, pagbalik natin, pipitas ako ng ilang bagong usbong na dahon, patutuyuin ko, at magtitimpla ako ng tsaa para matikman mo.”Tinanong ni Charlie nang mausisa, “Hindi ba komplikado ang paggawa ng Pu’er tea? Di ba dapat iniimbak at pinapa-ferment muna iyon?”Napatawa si Vera at ipinaliwanag niya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5878

    Samantala, sa paanan ng bundok kung saan matatagpuan ang Quiant Monastery, hindi pa rin makapagdesisyon si Charlie na itigil ang paglalakbay. Kung aalis siya nang ganito, siguradong mabibitin siya.Pero may punto rin ang paliwanag ni Vera. Kung may isang tao na nag-abala para bigyan sila ng babala, masyado namang mayabang kung ipipilit pa rin nila ang paglalakbay. Bigla niyang napagtanto na baka nga nagiging mayabang na siya, at naalala niyang kulang pa ang lakas niya para harapin ang hindi pa niya alam.Matapos mag-isip sandali, napabuntong-hininga siya at inamin, “Tama siguro ang abbess. Mas mahina pa ako kay Fleur. Hindi dapat ako masyadong kampante. At saka, alam niya ang impormasyon natin at mga kilos, kaya hindi siya isang ordinaryong tao.”Habang nagsasalita, seryosong tumingin si Charlie kay Vera at sinabi, “Miss Lavor, mas matalino ka kaysa sa akin, mas malalim kang mag-isip at mas malinaw mong nakikita ang mga bagay. Dahil ikaw mismo ang nagsasabing itigil muna natin ito,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5877

    Sinabi ni Charlie, “Pareho pa tayong hindi sigurado kung sino talaga ang kabila. Hindi ko pwedeng isuko ang lahat ng pinlano natin dahil lang sa sinabi niya.”Nag-aalalang sinabi ni Vera, “Young Master, may nakakaalam na paparating tayo rito at kinalkula pa ang ruta natin para abangan tayo. Ibig sabihin, kilalang-kilala tayo ng taong iyon. Kahit wala siyang masamang balak, kailangan pa rin nating amining nalantad na ang mga pagkakakilanlan natin. Kung magpapatuloy tayo sa ganitong sitwasyon, kaaway man siya o kakampi, malaki ang posibilidad na mapahamak tayo.”Sandaling natulala si Charlie sa mga sinabi ni Vera. Napaisip siyang muli sa buong sitwasyon. Gaya ng sabi ni Vera, kaibigan man o kaaway ang abbess, totoo nang nalantad na sila. Kung alam na sila ng abbess, baka may iba pang nakakaalam. Kung ipipilit niyang magpatuloy, bukod sa posibleng panganib, paano kung may ibang tao pang makaalam ng tunay niyang pagkatao? Paano kung makarating pa ito sa Qing Eliminating Society? Ano na l

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5876

    Nahulaan na ni Vera ang ibig sabihin ng mga sinabi ng abbess, kaya agad siyang nagtanong, “Master, ang ibig n’yo po bang sabihin ay nakadepende kay Mr. Wade kung muling mabubuhay si Master Marcius Stark?”Sinabi nang walang ekspresyon ng abbess, “Marami na akong nasabi. Subukan mong pag-isipan na lang muna ang ilang bagay, pero tandaan mo, huwag mong ipapaalam kay Mr. Wade ang tungkol dito.”Nang makita ni Vera na ayaw na talagang magsalita pa ng abbess, agad siyang nagtanong, “Master, may iba pa po ba kayong bilin?”Magalang na pinagdaup ng abbess ang mga kamay niya at sinabi, “Wala na. Matagal ko nang naring ang tungkol sayo, Miss Lavor. Ngayon na nakita kita, natupad na ang isa sa mga hangarin ko. Naghihintay pa si Mr. Wade sa paanan ng bundok, kaya bumaba ka na at subukang kumbinsihin siyang bumalik sa Aurous Hill.”Hindi pa rin sumusuko si Vera kaya agad siyang nagtanong, “Master, ano po ba ang dapat gawin ni Mr. Wade? Kung hindi siya makakausad ngayon, baka mapahamak siya. Sa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5875

    Pagkasabi nito, luluhod na sana si Vera.Nang makita ito, mabilis siyang umabante, sinuportahan ang katawan ni Vera bago pa siya makaluhod, at sinabi, “Nakita na ni Miss Lavor ang mga malalaking pagbabago sa mundo sa loob ng daang-daang taon. Hindi ako mangangahas na sumobra sa harap mo. Sana ay huwag mong gawin ang engrandeng kilos na ito.”Habang sinuportahan niya si Vera, nagpatuloy siya, “Miss Lavor, siguradong alam mo ang mga misteryo ng tadhana. Kahit sa Book of Changes at Eight Diagrams, ang pinakamaliit na pagbabago ay maaaring humantong sa napakalaking kaibahan ng resulta. Kung masyadong marami ang masasabi ko, may panganib na magkaroon ng pagkontra. Kung gusto mo talagang tulungan si Mr. Wade, mas mabuti na paliitin ang ganitong panganib. Masasabi ko sayo nang malinaw na may mga panganib para kay Mr. Wade, at kailangan mo lang siguraduhin na susukuan ni Mr. Wade ang pagpunta doon. Ito ang pinakamagandang resulta. Kung masyadong marami kayong alam ni Mr. Wade, mas malaki ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5874

    Nang marinig ang tanong ni Vera, ipinaliwanag nang tapat ng abbess, “Sa totoo lang, Miss Lavor, ang lugar na gusto niyong puntahan ni Mr. Wade ay limampung milya lang. Pero, Miss Lavor, kahit na pwede kang pumunta doon at kahit pwedeng pumunta doon si Fleur Griffin, hindi pwedeng pumunta doon si Mr. Wade.”“Master, kilala mo si Fleur?”Nang marinig ni Vera na binanggit ng abbess si Fleur, mas lalo siyang nagulat.Hindi niya maintindihan ang katauhan ng abbess na ito, lalo na kung bakit may pambihirang abilidad siya. Isang bagay na alam niya ang tungkol sa kanila ni Charlie, pero alam niya rin ang tungkol kay Fleur.Dahil nabanggit niya ang pangalan ni Fleur, pinapatunayan nito na may alam siya sa buhay ni Fleur.Sa ibang salita, alam niya siguro na mahigit tatlong daang taon nang nabubuhay si Fleur hanggang ngayon.Palihim na natakot si Vera sa puso niya habang nakatingin siya sa abbess, iniisip niya, ‘Alam niya ang mga sikreto ni Fleur, kaya alam niya rin siguro ang sikreto ko?’

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status