Share

Kabanata 2613

Author: Lord Leaf
Nang sabihin ni Yolden ang mga salitang ito, alam ni Charlie sa loob ng kanyang puso na imposibleng mapipilit niya si Yolden na magtrabaho para sa kanya.

Bukod pa roon, nauunawaan niya rin ang prinsipyong nagsasabing ‘Hindi pipilitin ng isang maginoo ang kahit sino na gawin ang isang bagay’.

Kaya, hindi na nagpatuloy si Charlie sa kanyang pangungulit at matapat siyang tumugon, “Professor Hart, nauunawaan ko ang sinasabi mo. Pasensya na sa pagiging mapangahas ko. Masyado lang akong nagmamadali. Hindi ko sinasadyang buksan ang mga sugat mo.”

Agad na kumaway si Yolden, “Hindi mo ito kasalanan. Personal na isyu ko ito. Dahil nangako na ako sa yumao kong asawa, gusto ko sanang tuparin ito. Sana naman hindi mo ikagalit ang bagay na ito.”

Agad na sumagot si Charlie, “Bakit naman ako magagalit? Professor Hart, nauunawaan ko ang desisyon niyo.”

Ngumiti si Yolden. Sa puntong ito, tila ba may naalala siya at agad siyang nagsalita, “Charlie, sa totoo lang, hindi mo na kailangang dumaan sa pag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2614

    “Marami sa mga kilalang kumpanya ngayon ang nagsimula sa Silicon Valley gaya ng Google, Apple, Yahoo, Cisco, Oracle, Tesla at iba pang mga high-tech companies.”“Sa ngayon, umabot na ang kanilang market value ng ilang libong beses kumpara sa dati at naging malaki na ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng mundo na makikita sa paglago ng kanilang mga negosyo!”“Kung bumili ang isang stockholder ng shares ng Apple dalawampung taon ang nakararaan, kikita siya ng 300 hanggang 400 na beses kumpara sa dati niyang ginastos para mabili ang stock.”“Alam mo bang nag-invest ang nanay mo sa Apple gamit ang isang venture capital fund na ginawa niya bago ka pa ipinanganak?”“Sa pagkakataong iyon, itinuturing siya ni Steve Jobs bilang isang panauhing pandangal. Noong panahong iyon, nasa ilang bilyong dolyar palang ang market value ng Apple, pero nagbayad ang nanay mo ng ilang milyong dolyar kapalit ng 10% ng shares ng Apple!”“Sa ngayon, humigit kumulang dalawang trilyong dolyar na ang market

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2615

    Sa pagkakataong ito, bumuntong hininga si Yolden at emosyonal siyang nagsalita, “Imposible talaga para sa akin na tapusin ang lahat ng kuwento tungkol sa mga matagumpay na investment na ginawa ng mama mo sa iisang upuan lang. Kung magkakaroon ka ng oportunidad na pumunta ng Silicon Valley balang araw, hanapin mo ang mga bosses ng mga top global group doon at sabihin mong si Ashley Layna Acker ang nanay mo. Sigurado akong papakitunguhan ka nila nang mabuti na para bang isang panauhing pandangal…”Bumuntong hininga si Charlie, “Kung hindi ko kayo nakilala, hindi ko sana malalaman ang mga ganitong bagay tungkol sa nanay ko…”Napatitig si Yolden kay Charlie saka siya ngumiti nang bahagya, “Higit pa sa kahit sino ang vision at long-term strategy at planning na kayang gawin ng nanay mo.”“Sa totoo lang, dati, marami sa amin ang hindi nakakaunawa sa mga investment strategies o operations na ginagawa ng nanay mo. Marami sa mga kumpanyang pinili niya ang tila ba walang pag-asang lumago sa mg

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2616

    Ipinagpalagay ni Yolden na Emgrand lang ang mayroon si Charlie at sampung bilyong dolyar na pera.Kaya, may mahigit isang daang bilyong dolyar lang si Charlie kung pagsasamahin ang dalawang ito. Ang posibilidad na matatapatan niya ang pamilya Wade at pamilya Schulz ay halos imposible.Bahagyang ngumiti si Charlie sa sandaling ito habang sinabi, “Professor Hart, sa totoo lang, may mahigit sampu-sampung bilyong dolyar na pondo pa ako. Bukod dito, may pharmaceutical company rin ako na may magandang momentum at sa ngayon ay kumikita ito ng sampung bilyong dolyar kada taon. Sa totoo lang, marahil ay lumampas pa sa isang daang bilyong dolyar ang kita ng kumpanya sa susunod na taon. Kaya, siguradong may pondo pa ako para ipagpatuloy ang ibang proyekto.”Tinanong ni Yolden sa sorpresa, “May pharmaceutical company ka na mahigit sampung bilyong dolyar ang kita kada taon?! Ano ang pangalan ng pharmaceutical company mo?!”Sinabi ni Charlie, “Apothecary Pharmaceutical. Narinig mo na ba ang tung

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2617

    “Ang anak na babae mo?!”Nasorpresa nang kaunti si Charlie.Sa sandaling ito, nagpatuloy si Yolden, “Halos magkasing edad kayo ng anak ko. Katatapos niya lang sa Stanford University na may doctorate noong nakaraang taon, at nagtatrabaho siya sa Goldman Sachs Capital Partners sa Wall Street. Kaaalis niya lang kailan lang. Pinabalik ko siya sa Oskia para paunlarin ang kanyang career, pero may salungatan kami ng anak ko, at sobrang mapanlaban siya. Ayaw niyang makinig sa kahit anong sabihin ko.”Hindi mapigilang itanong ni Charlie, “Professor Hart, kung gano’n, papayag ba ang anak mo kung hihikayatin ko siyang makipagtulungan sa akin?”Sumagot nang nagmamadali si Yolden, “Noon pa man ay hinihikayat ko na siya. Maganda na ngayon ang kasalukuyang ekonomiya at pag-unlad ng Oskia, at mas malakas na talaga ito kumpara sa Europe at United States. Pagdating sa posibleng pag-unlad, siguradong mas magandang paunlarin ang career niya sa Oskia kaysa sa ibang bansa. Mukhang medyo natukso rin siya

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2618

    Nang makita ni Charlie ang nasasaktan na ekspresyon sa kanyang mukha, pinagaan ni Charlie ang kanyang kalooban habang sinabi, “Professor Hart, sa totoo lang, hindi mo kailangang magalit nang sobra at mainis. Normal lang talaga sa mga bata na maging mapanlaban. Bukod dito, sa abot ng kaalaman ko, maraming henyo sa sariling larangan nila ang medyo mas mapanlaban. Marahil ay kung mas mapanlaban ang isang bata, mas magiging makapangyarihan at malaya ang kaisipan nila. Sa ganitong paraan, marami silang magagawa na napakalaki at pambihirang bagay!”Hinawakan ni Yolden ang kanyang dibdib habang galit na sinabi, “Hindi mo alam kung gaano mapanlaban ang babaeng iyon! Matitiis ko ito kung pupunta lang siya sa Syria. Dahil, kahit na sobrang gulo ng lugar na iyon, laban lang ito ng mga mamamayan. Medyo palakaibigan sila sa mga Oskian. Pero ang babaeng ito… siya… siya...”Pagkatapos ulitin ang sarliang ‘siya’ nang ilang beses, biglang hindi na ulit makapagsalita si Yolden.Namula ang mukha niya,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2619

    Alam ni Charlie na hindi siya nagkukulang sa pera, ngunit kulang siya sa talento ngayon.Hindi magiging matagumpay ang isang negosyo dahil lang sa mga salita at imahinasyon ng isang tao.Lalo na pagdating sa pamamahala ng isang kumpanya. Kailangan niyang magkaroon ng isang mabuting talento na kayang palakasin at paangatin ang kumpanya.Dalawa lang ang negosyo ni Charlie sa ngayon.Ang una ay ang Emgrand Group, at ang isa ay ang Apothecary Pharmaceutical.Si Doris ang namamahala ng Emgrand Group, at si Liam ang tumutulong sa kanya na mamahala sa Apothecary Pharmaceutical.Pero, magkukulang si Charlie sa mga talento kung magdadagdag siya ng bagong negosyo bukod sa dalawang business sector na ito.Kahit na sobrang tapat at maaasahan si Albert, kahit ano pa, hindi siya edukadong tao. Kaya niyang sumunod at gawin ang mga utos, pero kulang siya sa kakayahan na gamitin ang kanyang ulo para gumawa ng totoong desisyon para sa mga malalaking bagay.Para naman sa iba, kahit na sila Graham

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2620

    Tumawa nang malakas si Yolden habang sinabi, “Hahaha! Sa tingin ko ay hindi mo kailangang gawin ito. Naniniwala ako sa abilidad mo. Kung patuloy mo siyang pupurihin, naniniwala ako na siguradong matutukso siya.”Pagkatapos nito, medyo nag-alala si Yolden habang sinabi, “Sa totoo lang, ang pangunahing inaaalala ko ay hindi pa sapat ang kalokohan niya. Kung gano’n, kung balak niya talagang manatili pa sa Syria, na nasa malaking gulo dahil sa digmaan ng isa pang taon, walang makakahikayat sa kanya o makakapagbago ng isipan niya! Hay! Hindi mo kilala ang babaeng iyon. Sobrang tigas ng ulo niya, at walang makakapigil sa kanya basta’t may naisipan na siyang gawin!”Tumango si Charlie bago sinabi nang seryoso, “Susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para hikayatin siyang bumalik agad.”“Okay.” Sinabi nang nagmamadali ni Yolden, “Bakit hindi mo siya i-add bilang friend sa WhatsApp ngayon para makausap mo muna siya?”Ngumiti si Charlie habang sumagot, “Tito Hart, huwag mong kalimutan na may

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2621

    Hindi inaasahan ni Charlie na tatanggihan siya ni Autumn sa sandaling tinawagan niya siya. Pero, hindi siya agad susuko. Kaya, sumagot siya nang nagmamadali: “Akala ko na nasa United States ka, Miss Hart. Hindi ko inaasahan na nasa Syria ka pala. Nagtataka ako, bakit ka pumunta sa Syria?”Sumagot si Autumn: “Pumunta ako dito kasama ang ilang kaklase ko sa university para mag-film ng isang documentary tungkol sa digmaan. Hinahanda namin ang documentary na ito bilang pagkakataon na magsimula ng isang anti-war charity fund.”Sumagot nang nagmamadali si Charlie: “Miss Hart, kung interesado kang gumawa ng anti-war charity fund, pwede akong tumulong at magdonate ng pera sa inyo. Kung handa kang makipagtulungan sa akin nang pangmatagalan, handa rin akong magpadala ng 30 million US dollars sa charity fund niyo sa isang one-off transaction.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Charlie: “Sa totoo lang, isa kang talento na nagtapos ng finance. Kaya, bakit ka pumunta sa Syria para gumawa ng

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5837

    Noon pa man ay naguguluhan na si Vera kung bakit bigla na lang naging mabait sa kanya si Charlie mula noong dinala siya ng singsing sa top floor ng Scarlet Pinnacle Manor.Hindi lang niya binigyan si Vera ng parte sa lahat ng mga pill niya, ngunit nangako rin siya ng mas mahabang buhay para kay Mr. Raven at sa iba pa. Iniwan pa ni Charlie ang lahat ng kanyang gawain para samahan siya sa Yorkshire Hill.Ang gusto lang naman ni Vera ay mabisita ang libingan ng kanyang mga magulang sa Mount Twint, pero hindi niya inakala na bibilhin mismo ni Charlie ang Violet Group na may-ari ng Mount Twint. Balak pa ni Charlie na magsagawa ng malawakang renovation dito para mapadali ang kanyang mga pagbisita sa puntod ng kanyang mga magulang.Napakayaman din ni Vera, pero para sa kanya, hindi kayang sukatin ng pera ang ginawa ni Charlie. Talagang pinapahalagahan siya ni Charlie para bigyan siya ng ganitong klaseng atensyon at pag-aalaga.Hindi mali si Vera sa kanyang hinala. Talagang pinapahalagahan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5836

    "Bukod pa doon, noon, hindi ganito kaganda ang kondisyon ng pagtubo ng mga dahon ng tsaa. Ngayon, bawat dahon ay sobrang lusog at may napakagandang kulay. Ang mas kahanga-hanga pa, kaya nang kontrolin nang mabuti ang mga peste, kaya mataas din ang ani ng huling produkto. Mas maraming tumutubo at mas kaunti ang nasisira, kaya mas mataas ang kabuuang output kumpara sa sinaunang panahon.""Sa mga nagdaang taon, ganito na ang naging breeding strategy para sa dahon ng tsaa: mas mataas ang ani, mas maganda; mas perpekto ang hitsura, mas mainam; at mas matibay laban sa mga peste, mas kapaki-pakinabang. Dahil sinabayan ito ng paggamit ng fertilizers at pesticides, natural lang na tumaas nang husto ang efficiency ng output sa bawat ektarya."Dito idinagdag ni Vera, "Pero kahit na tumaas ang ani at dami nito, dahil sa patuloy na pagbuo ng bagong varieties, bumababa naman ang kalidad ng lasa ng mga dahon ng tsaa. Kung magkakaroon tayo ng pagkakataon sa hinaharap, pwede nating subukan na palagui

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5835

    Sa mga mata ni Jeevan, sina Charlie at Vera ay katumbas ng Diyos ng Kayamanan, kaya kung gusto nilang umakyat sa bundok, natural na kailangan niyang makipagtulungan nang buo.Kaya, sinabi niya agad sa kanila, “Mangyaring maghintay kayo saglit, mga marangal na bisita. Kukuha ako ng ilang tao at magdadala ng mas maraming ilaw para samahan kayong umakyat!”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, “Hindi na. Nasa yugto pa rin kami ng palihim na inspeksyon. Ayaw naming lumabas ang kahit anong balita, kaya hindi mo kailangan itong ayusin nang sadya. Hayaan mo na tapusin ng iba ang trabaho nila at magpahinga. Pabalikin mo ang lahat ng staff at security guard mula sa Mount Violet. Bukod dito, ipapatay mo sa mga security guard ang lahat ng surveillance camera sa Mount Violet. Aakyat lang kami para tumingin.”Dati, hinding-hindi papayag si Jeevan sa ganitong hiling. Kahit na ang Mother of Pu’er Tea sa Mount Twint ay hindi ang pinakamagandang puno ng Pu’er tea, sikat pa rin ito sa Yorkshire Hill.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5834

    Sa sandaling ito, pumunta ang security guard sa gitna ng kalsada at pinigilan ang kotse ni Charlie, sinasabi, “Iho, bakit ka bumalik ulit? Hindi ba’t sinabi ko na sayo kanina na kailangan mo munang gumawa ng appointment sa group?”Nasorpresa si Jeevan nang makita niya na nilapitan ng security guard ang mga bisita at sinabi na pumunta na sila dito kanina.Mabilis siyang lumapit sa security guard at hinila siya sa tabi, pagkatapos ay tinanong si Charlie, “Hello, Sir, ikaw ba ang eksperto na pinadala ng Schulz Group?”Tinuro ni Charlie si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi nang nakangiti, “Hindi ako ang eksperto. Ang babaeng ito ang totoong eksperto.”Mukhang nalito ang security guard at sinabi, “Iho, kailan kayo naging eksperto?”Sinabi nang nagmamadali ni Jeevan, “Mr. Dmitri, bakit mo kinakausap nang ganito ang mga bisita? Ang mga marangal na bisita na ito ay nandito para gabayan at suriin ang trabaho natin. Hindi ka dapat makialam. Bilis, buksan mo ang gate!”Kahit na nasorpresa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5833

    Kahit na walang masyadong alam si Charlie sa mga dahon ng tsaa, nararamdaman niya pa rin ang espesyal na pagpapahalaga ni Vera sa Mother of Pu’er Tea. Para sa kanya, ang Mother of Pu’er Tea ay isang uri ng ispiritwal na alalay para aky Vera, na umabot ng tatlong siglo.Dahil dito, naiintindihan niya kung bakit gusto ni Vera na gayahin ang lasa ng Mother of Pu’er Tea balang araw.Kaya, sinabi niya kay Vera, “Sa sandaling nakumpleto ang paglilipat ng may-ari ng Mount Twin, pwede mong ituring ang lugar na ito bilang taniman mo. Magagamit mo ang karanasan mo at makikita kung makakagawa ka ng mas masarap na tsaa.”Tumango si Vera at sinabi, “Komplikadong bagay ang pagtatanim at pagsasaka ng tsaa. Hindi ko talaga naiintindihan ang siyentipikong paraan, pero gamit ang tradisyonal na paraan, marahil ay abutin ng sampung taon o higit pa para makakita ng mga resulta.”Sinigurado siya ni Charlie, “Ayos lang ito. Kung magagawa mo ito, isang biyaya ito para sa lahat ng tao na mahilig sa tsaa, p

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5832

    Kaya, kahit na kapapasok pa lang niya sa sasakyan at naghahanda nang umuwi mula sa trabaho, ibinaba niya ang tawag ni Gideon at agad na pumunta sa main gate ng base para maghintay.Sa parehong oras, nakatanggap din si Charlie ng tawag mula kay Sophie. Pagkasagot niya, magalang na sinabi ni Sophie, “Mr. Wade, natanggap na ng Violet Group ang deposito ko, at natapos na ang acquisition. Ang huling presyo ay 700 million dollars. Nasabihan ko na rin ang taong namamahala sa base at sinabi ko sa kanya ang plate number ng iyong sasakyan. Maaari ka nang dumiretso doon. Naghihintay na siya sa gate at susundin niya ang lahat ng utos mo.”Nagulat si Charlie sa bilis ng kilos ni Sophie. Sa tingin niya, bihira sa isang babae na gawin ang mga bagay-bagay nang napakabilis.Dahil dito, sinabi niya kay Sophie, “Salamat sa pagsisikap mo, Miss Schulz. Ituring mo ang pera na ito na utang ako sa iyo. Pero dahil espesyal ang sitwasyon ngayon, hindi ko muna ito maipapadala sa iyo. Kapag natapos ko na ang m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5831

    Biglang pinagpawisan nang malamig si Gideon sa sinabi ni Sophie. Wala siyang dahilan para pagdudahan ang katunayan ng ng mga sinabi ni Sophie dahil sa totoo lang, hindi niya maisip kung anong espesyal na halaga ang maaaring mayroon ang Violet Group para kay Sophie.Sa tingin niya, kung palalampasin niya ang pagkakataong ito, baka magtrabaho pa siya hanggang magpitumpung taong gulang bago ipamana ang negosyo sa kanyang anak.Kahit siya mismo, hindi niya alam kung ano ang magiging itsura ng kumpanya pagdating ng panahong iyon. Walang kasiguraduhan kung lalaki o liliit ang saklaw ng buong grupo at ng mga negosyo ng kanilang pamilya sa loob ng ilang taon.Pero, sigurado siya sa isang bagay na kung ibebenta niya ang kumpanya ngayon at makakuha ng 700 million dollars na salapi, pagkatapos ng equity transfer at pagbawas ng 20% na buwis, may matitira pa rin na 560 million dollars sa kanya.Ang 560 million dollars na ito ay higit pa sa sapat para siguiraduhin na mabubuhay siya at ang kanyan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5830

    Naintindihan ni Gideon na ang halaga, impluwensya, background, at kumpiyansa ng kabila ay lampas nang sobra sa kanya. Kaya, kahit na medyo nagsisisi siya, walang negatibong emosyon na masasabi.Pero, naging mausisa pa rin siya at tinanong, “Miss Schulz, bakit interesado ang isang malaking kumpanya tulad ng Schulz Group na kunin ang isang maliit na kumpanya tulad namin?”Ngumiti si Sophie at sinabi, “Mr. Levatt, hindi mo kailangan maliitin ang sarili mo. Ang laki ng isang kumpanya ay hindi lang masusukat sa halaga nito. Para naman sa kung bakit gustong kunin ng Schulz Group ang Violet Group, sa totoo lang, ito ay dahil mahilig ang lolo ko sa Pu’er tea. Dahil sa madalas na problema sa kaligtasan sa industriya ng pagkain ngayon, bilang apong babae niya, gusto kong kunin ang isang source company para siguraduhin na maiinom niya ang mga pinakaligtas na Pu’er tea. At saka, kaunting pera lang ito, kaya ito ay para lang talaga maging payapa ang isipan ko.”Natulala si Gideon pagkatapos iton

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5829

    Sigurado rin si Gideon na tunay ang kabila. Ayon sa kilos at tono ng pananalita ng kabila, hindi ito peke. Medyo natuwa at nabalisa siya, at hindi siya napakali.Nang makita ng sekretarya ni Sophie, si Shenny, na nanahimik siya saglit, tinanong niya siya, “Mr. Levatt, naririnig mo ba ang mga sinasabi ko?”Doon lang natauhan si Gideon at sinabi nang mabilis, “Oo, oo! Ikaw si Miss Coop, tama? Hello, nagagalak akong makilala ka!”Tumango nang marahan si Shenny at sinabi nang nakangiti, “Mr. Levatt, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang dahilan kung bakit ka namin tinawagan ngayon ay dahil interesado ang chairman namin na kunin ang Violet Group. Kaya, gusto kitang tanungin kung may intensyon ka bang ibenta ang negosyo mo, Mr. Levatt. Kung oo, pwede na nating pag-usapan nang direkta ang tungkol sa acquisition.”Matagal nang umaasa si Gideon na may kukuha sa nahihirapang negosyo niya para makapag-cash out siya at makapag-retiro nang payapa. Hinding-hindi niya inaakala na gustong kunin

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status