Hindi inaasahan ni Charlie na tatanggihan siya ni Autumn sa sandaling tinawagan niya siya. Pero, hindi siya agad susuko. Kaya, sumagot siya nang nagmamadali: “Akala ko na nasa United States ka, Miss Hart. Hindi ko inaasahan na nasa Syria ka pala. Nagtataka ako, bakit ka pumunta sa Syria?”Sumagot si Autumn: “Pumunta ako dito kasama ang ilang kaklase ko sa university para mag-film ng isang documentary tungkol sa digmaan. Hinahanda namin ang documentary na ito bilang pagkakataon na magsimula ng isang anti-war charity fund.”Sumagot nang nagmamadali si Charlie: “Miss Hart, kung interesado kang gumawa ng anti-war charity fund, pwede akong tumulong at magdonate ng pera sa inyo. Kung handa kang makipagtulungan sa akin nang pangmatagalan, handa rin akong magpadala ng 30 million US dollars sa charity fund niyo sa isang one-off transaction.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Charlie: “Sa totoo lang, isa kang talento na nagtapos ng finance. Kaya, bakit ka pumunta sa Syria para gumawa ng
Ngumiti si Charlie habang sinabi: “Ayon sa kaalaman ko, mukhang matagal nang hindi nagkakasundo sa digmaan ang gobyerno at military forces at ang kalaban. Bukod dito, nagkukulang din ang gobyerno at military forces nila sa pera, pagkain, mga armas, at bala. Kaunti lang din ang training nila sa isang taon, at siguradong mababa ang kakayahan nila sa pakikipaglaban. Bukod dito, nagpadala lang ng ilang sundalo ang government at military forces diyan para protektahan at siguraduhin ang kaligtasan ng team mo. Sa tingin ko, wala itong saysay. Lahat kayo ay walang sandata at talentadong tao. Kaya, kung may mangyaring aksidente, wala kayong pagkakataon na makatakas.”Sumagot nang medyo nag-aatubili si Autumn: “Ah… sa tingin ko ay hindi ito gano’n kaseryoso…”Ngumiti si Charlie habang sinabi: “Akala mo lang iyon. Kung may mangyari talaga, walang saysay ang akala o opinyon mo.”Habang nagsasalita siya, biglang may naalala si Charlie, at sinabi niya: “Narinig ko na sobrang sikat at karaniwan an
Si Autumn, na nasa Syria, ay natukso talaga nang sobra at naantig pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie.Sa mga nagdaang panahon, maraming nakaharap na paghihirap at panganib si Autumn at ang mga kaklase niya sa Syria. Kahit na swerte sila at nagkataon na naiwasan ang mga panganib na ito, alam nilang lahat na sobrang taas ng panganib na makakaharap nila sa pananatili sa Syria para ipagpatuloy ang documentary.Kaya, naramdaman ni Autumn na kung makukuha niya talaga ang 20 million US dollars na sponsorship mula kay Charlie, para bang pinataas na niya nang sobra ang kaligtasan ng lahat, at malaking tulong ito sa gastusin nila sa filming.Habang iniisip niya ito, sumagot si Autumn kay Charlie: “Mr. Wade, bakit hindi na lang natin ito gawin? Sasabihin ko ang alok at mungkahi mo sa team ko at titingnan kung ano ang opinyon nila dito. Kung papayag sila, gano’n din ang magiging opinyon ko.”Ngumiti si Charlie habang sinabi: “Magaling iyon! Kailan niyo ako mabibigyan ng malinaw na sa
Sumagot nang nagpapasalamat si Yolden, ‘Charlie, maraming salamat! Makasisiguro ko na siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para bayaran ko pagdating ng panahon!”Yumuko nang kaunti si Charlie bago sinabi, “Tito Hart, walang anuman.”Pagkatapos nito, tiningnan ni Charlie ang oras bago sinabi, “Tito Hart, may klase ka pa mamaya, tama? Kung gano’n, hindi na kita iistorbohin. Pwede tayong mag-usap sa ibang araw.”Tumingin si Yolden sa kanyang relo, at sinabi nang nagmamadali, “Oh! Kung hindi mo ito sinabi, nakalimutan ko na ito. May klase agad ako. Charlie, kung wala kang ibang gagawin, bakit hindi ka manatili sa opisina ko at hintayin ako? Huwag kang magmadaling umalis. Pwede tayong magtanghalian pagkatapos ng klase ko.”Sumagot si Charlie, “Tito Hart, siguradong abala ka sa trabaho mo. Kaya, marahil ay sa ibang araw na lang tayo kumain?”Kumaway si Yolden at sinabi, “Marahil ay abala ako, pero may oras palagi ako para magpahinga. Bukod dito, nagkita na ulit tayo makalipas
Hindi maintindihan ni Charlie kung bakit may nag-iimbestiga sa nangyari kay Kian sa sandaling ito.Dahil, alam na ni Donald na siya ang mastermind sa likod ng nangyari kay Kian. Bilang stakeholder tungkol dito, siguradong hindi gagawin ng pamilya Webb ang walang saysay na bagay at iimbestigahan ulit ito.Kaya, ang tanging posibilidad lang ay ang mga taong nandito at nag-iimbestiga sa nangyari kay Kian ay hindi ipinadala ng pamilya Webb.Nag-isip nang maingat si Charlie tungkol dito. Halos tapos na siya sa lahat ng taong ginalit niya, at ang mga taong hindi na lang tapos ay ang pamilya Schulz at ang pamilya Whittaker sa United States.May mga miyembro sa dalawang pamilya na ito na naghirap sa mga kamay ni Charlie. Bukod dito, wala pa ring alam ang dalawang pamilya na ito. Kung gusto nilang hanapin siya, kailangan nilang hukayin ang patong-patong na misteryo bago nila siya mahanap.Kaya, nahulaan agad ni Charlie na ang taong nag-iimbestiga at nag-iipon ng impormasyon tungkol kay Kia
Habang nagsasalita siya, sinabi ni Carvalho, “Bukod dito, pumunta tayo dito hindi dahil may balak tayong gawin sa kanya. Gusto ng pamilya Schulz na malaman ang pagkakakilanlan niya. Pero, hindi ako handa na makialam o madamay sa laban nila ng pamilya Schulz. Kaya, kahi na malaman natin ang totoong pagkakakilanlan niya, hinding-hindi ko ito sasabihin sa pamilya Schulz.”Hindi maiwasang itanong ni Mason, “Lolo, pumunta tayo dito para imbestigahan at alamin kung sino ang kalaban ng pamilya Schulz sa hiling ng pamilya Schulz. Kung hindi natin ito sasabihin sa kanila, hindi ba’t direktong paglabag ito sa kasunduan natin sa kanila?”Tumingin nang masama si Carvalho sa kanya bago sinabi nang galit, “Ungas! Sa sandaling pumunta tayo sa Aurous Hill, hindi na tayo kumikilos para sa pamilya Schulz!”Pagkatapos niyang magsalita, nagpatuloy si Carvalho, “Pumunta nga ako sa Aurous Hill para hanapin ang makapangyarihang tao na ito. Pero, nandito ako dahil gusto kong makita kung makakakuha ako ng m
Ang Golden Arch Cafe ay isang authentic na local dining brand sa Aurous Hill. May ilang branch sila sa Aurous Hill, at magaling sila sa paghahanda ng mga authentic na local cuisine na mahal ng mga lokal.Sa sandaling dumating siya sa entrance ng Golden Arch Cafe, nagbigay ng kaunting pakilala si Yolden kay Charlie. “Ang mga ninuno ko ay mga katutubo sa Aurous Hill ng tatlong henerasyon. Tumira ako sa Aurous Hill simula noong pinanganak ako hanggang sa naging binata ako. Pagkatapos nito, pumunta ako sa United States para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Pagkatapos nito, matagal akong nanatili sa United States. Kailan lang ay bumalik ako sa bansa pagkatapos tumira ng deka-dekada sa ibang bansa, at bigla kong naramdaman na nakakatukso talaga ang pagkain sa pinanggalingan ko. Hindi ako nagsasawang kainin ito. Kahit na ang cafeteria sa university ay may iba’t ibang libreng pagkain para sa mga nagtuturo don, palagi akong pumupunta dito sa tanghali araw-araw upang makain ko ang pinaka authenti
Bahagyang nasorpresa si Charlie, pero hindi niya ito ipinakita. Sa halip, binawi niya ang tingin niya.Sa sandaling ito, hindi alam nina Carvalho at Mason na ang taong hinahanap nila ay nakaupo lang sa hindi malayo sa likod nila.Dahil medyo mas maaga silang dumating, nakahanda na ang pagkain nila, at kumakain na sila nang medyo matagal.Habang kumakain sila, tinanong ni Mason si Carvalho, “Lolo, may plano ka ba kung gaano katagal mong balak manatili sa Oskia ngayon?”Umiling si Carvalho at sinabi, “Uunti-untiin natin ang lahat. May malabong pakiramdam ako na magkakaroon ako ng swerteng kapalaran sa pagpunta ko sa Aurous Hill. Kaya, wala akong balak na umalis bago lumitaw ang magandang kapalaran at pagkakataon na ito.”Tumango nang kaunti si Mason, at may sasabihin na sana siya. Pero, nagpasya siyang pigilan ang mga salita niya pagkatapos tumingin sa paligid niya.Sa sandaling ito, biglang tumunog ang cellphone ni Carvalho.Tumingin si Carvalho sa screen ng cellphone, at napagta
Medyo nagulat si Charlie at binigyan niya ng thumbs up si Vera bago sinabi, “Miss Lavor, ang talino mo talaga! Ngayon, mas naiintindihan ko na kung ano ang isang Transcendent dahil sa paliwanag mo.”Pagkatapos, muling tumingin si Charlie sa punla at tinanong siya, “Miss Lavor, sigurado ka bang ito ang Mother of Pu’er Tea?”Tumango nang matatag si Vera at sinabi, “Walang duda! Ang aura niya ay eksaktong kapareho ng sa Mother of Pu’er Tea. Bukod pa roon, kung isasaalang-alang ang lahat ng mga nangyari kanina, sigurado akong ito nga ang Mother of Pu’er Tea.”Bahagyang tumango si Charlie at binulong, “Kung gano’n, ibig sabihin ba nito na naging Transcendent ang Mother of Pu’er Tea sa mga puno?”Sumagot nang walang pag-aatubili si Vera, “Gano’n na nga ang ibig sabihin nito, pero ang konsepto ng mga Transcendent ay base lang sa mga narinig kong kwento noon. Wala pa akong pagkakataon na patunayan ito. Kaya sa ngayon, hula ko lang ito.”Tumango si Charlie at umupo sa tabi niya habang tini
Seryosong sinabi ni Charlie, “Sa tingin ko, pwedeng ipaliwanag ang cultivation gamit ang siyensya. Ang problema lang, hindi pa naaabot ng teknolohiya natin ang totoong paliwanag dito. Ang Reiki ay isang mas mataas na anyo ng enerhiya, parang atomic energy. Noong unang panahon, mahirap paniwalaan na ang isang kilong nuclear fuel ay kayang maglabas ng enerhiya na katumbas ng libu-libong tonelada ng uling. Siguro, ganito rin ang Reiki, isang hindi nakikitang enerhiya na hindi pa lubos na nauunawaan.”Ngumiti si Vera at sinabi nang tapat, “May punto ka. Baka nga ang Reiki ay isang uri ng mas mataas na enerhiya na hindi pa natutuklasan o napag-aaralan ng karamihan.”Nagpatuloy si Charlie, “Pero kahit ang Reiki ay dapat sumusunod sa batas ng conservation of energy, hindi ba? Sobrang daming ulan kanina. Tumigil na ang ulan, pero dapat nandiyan pa rin ang tubig, iyon ang energy conservation. Pero ngayon, saan napunta ang tubig?”Dinugtungan pa niya, “At saka, ginamit ko ang halos lahat ng R
Sa sandaling iyon, ang buong atensyon ni Vera ay nasa punla na nasa harapan niya. Nakaluhod siya sa lupa at nakatitig dito nang hindi kumukurap, bakas sa kanyang mukha ang labis na pananabik.Si Charlie, na nakatayo sa tabi niya, ay nakatingin din sa malagong punla, sobrang nalilito.Pakiramdam niya, parang hindi na sapat ang laman ng utak niya para ipaliwanag ang lahat ng ito. Hindi niya maintindihan kung paano, pagkatapos ng isang matinding ulan, ay bigla na lang naglaho nang walang bakas ang lahat ng tubig-ulan.Sa loob ng siyam na taong pormal na edukasyon na natanggap niya, iisang bagay lang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ngayon: “Hindi ito siyentipiko. Hindi talaga ito siyentipiko.”Sinuri niya ang sarili niya mula ulo hanggang dibdib, mula dibdib hanggang likod, mula likod hanggang bukung-bukong. Hindi niya rin napigilan ang sarili niya na hubarin ang mga sapatos niya para kapain ang loob nito. Pero kahit saan siya humawak, tuyo ang lahat, wala ni isang bakas na n
Habang nakatayo silang dalawa, dumagundong ang kulog sa gitna ng madidilim na ulap, nanatili ito sa itaas ng tuyong lupa.Sa sandaling iyon, biglang bumagsak mula sa madilim na mga ulap ang isang kidlat na kasinlaki ng mangkok at tumama nang direkta sa tuyong lupa.Sa isang iglap, nagliwanag ang buong kalangitan na parang umaga. Kasabay nito, isang napakalakas na dagundong ang umalingawngaw, parang libo-libong bomba ang sumabog sa tabi ng kanilang mga tainga, halos nabingi sila sa lakas nito.Kasabay ng pagbagsak ng kidlat, biglang bumuhos ang matagal nang namumuong ulan. Bumagsak ang tubig mula sa langit, parang walang katapusang sinulid na nagdudugtong sa kalangitan at lupa.Wala nang matakbuhan sina Charlie at Vera, kaya agad silang nabasa mula ulo hanggang paa.Pero kahit basang-basa, hindi ito pinansin ni Vera. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa bahaging iyon ng tuyong lupa, kung saan nabigo ang Mother of Pu’er Tea na lampasan ang kanyang tribulation.Nagulat si Charlie sa
Nabigla si Charlie sa sinabi ni Vera!Pakiramdam niya, sobrang daming kakaibang sitwasyon na nagkataon dito.Bakit biglang lumitaw ang nakakapanindig-balahibong madilim na ulap? At bakit nito nabuo ang imahe ng Hexagram of Thunder? Bakit walang kulog o kidlat sa mga ulap? At bakit eksaktong dito ito lumitaw, kung saan dati nabigo ang Mother of Pu’er Tea na lampasan ang kanyang tribulation ilang taon na ang nakalipas?Bukod pa dito, kagagamit lang niya ng Thunderstrike wood na mula mismo sa sanga ng Mother of Pu’er Tea upang gawin ang isang bagong Thunder Order. Sa dami ng nakakagulat na koneksyon, ang haka-haka ni Vera ang nag-iisang paliwanag na maaaring makasagot sa lahat ng ito.Dahil sa mga naiisip niyang ito, sinabi ni Charlie nang walang pag-aatubili, “Kung ganoon, tatawagin ko ang isang heavenly thunderbolt sa mga ulap na ito!”Mabilis na tumango si Vera, bakas sa kanyang mga mata ang pananabik. “May koneksyon ako sa Mother of Pu’er Tea. Sana matulungan mo siya, Young Maste
Bigla na lang napaiyak si Vera. Itinuro niya ang lupa sa ilalim ng kanyang mga paa at sinabi nang may matinding pananabik at kaba, “Alam ko kung sino ang humihingi ng tulong! Siya! Ang Mother of Pu’er Tea!”Mas lalong naguluhan si Charlie sa sagot na iyon. “Hindi ba nabigo ang Mother of Pu’er Tea na lampasan ang tribulation tatlong daang taon na ang nakalipas? Paano siya makakahingi ng tulong sa atin ngayon?! At saka, isa lang siyang puno, paano niya magagamit ang mga ulap sa langit para humingi ng tulong sa atin?!”Binulong ni Vera, “Hindi ko alam ang dahilan at naiintindihan ko kung bakit ka may pagdududa, pero ramdam ko ang pamilyar na pakiramdam na iyon. Ang Mother of Pu’er Tea ito…”Sinabi ni Charlie, “Sige. Sabihin na nating tama ka at ang Mother of Pu’er Tea nga ang humihingi ng tulong sa atin gamit ang mga ulap. Pero ano mismo ang kailangan niyang gawin natin? Paano natin siya matutulungan?”Nakaramdam din ng pagkabalisa si Vera habang sinasabi, “Hindi ko alam… Ang nararamd
Nang makita ni Charlie ang takot sa mukha ni Vera at ang bihira niyang pagkabalisa habang nagsasalita, agad niyang tinanong, "Miss Lavor, ano sa tingin mo ito?!"Hindi agad sumagot si Vera. Nakatitig lang siya sa mabilis na kumakapal na madidilim na ulap sa langit. Binulong niya, "Ang mga ulap na ito ay mukhang magulo, pero may bahagyang komplikadong pattern dito. Para bang... Para bang ang Hexagram of Thunder mula sa Book of Changes at Eight Diagrams...""Hexagram of Thunder?" nagulat si Charlie at sinabi, "Talaga bang kinakatawan ng mga ulap na ito ang isang hexagram?"Tumango si Vera, binulong, "Ang Hexagram of Thunder ay palaging masalimuot. Ang mga sinaunang tao ay may kasabihan na ‘Dumarating ang kulog na may panginginig at halakhak; ginugulat ang paligid nang hindi nawawala ang diwa nito.’ Kapag lumitaw ang hexagram na ito, nangangahulugan ito na may isang hindi inaasahang pangyayari na magaganap, at ito ay tiyak na isang makapangyarihan na kaganapan!"Lalong nagulat si Char
Tumango si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, iparada na lang natin ang sasakyan sa labas ng nayon at maglakad na lang pababa.""Sige!" Agad na nanabik si Vera. Matapos gumala sa loob ng mahigit tatlong daang taon, ito pa rin ang paborito niyang lugar, at ito rin ang pinaka-namimiss niya.Sinunod ni Charlie ang direksyon ni Vera at ipinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada, ilang daang metro mula sa pasukan ng nayon. Kinuha niya ang camping gear at magkasama silang bumaba sa gilid ng Heavenly Lake.Naglakad si Vera ng halos dalawang milya sa tabi ng Heavenly Lake sa ilalim ng liwanag ng buwan at mga bituin hanggang sa nahanap niya ang eksaktong lugar kung saan lumaki ang Mother of Pu’er Tea.Itinuro niya ang bahagyang nakaangat na bahagi ng lupang kulay dilaw sa dalampasigan at sinabi, "Dito siguro lumago ang Mother of Pu’er Tea."Pagkatapos tumingin sa paligid, napansin ni Charlie na sa ilalim ng liwanag ng buwan, punong-puno ng damo at puno ang paligid, maliban sa bahaging ito ng
Si Charlie, na nasa tabi, ay nagsalita, "Sige, Mr. Windsor, iniiwan na namin sa iyo ang lahat dito. May iba pa kaming dapat asikasuhin, kaya aalis na kami."Nagtaka si Jeevan at nagtanong, "Madilim na sa na ngayon, kaya hindi niyo kailangan magmadaling umalis. Naghanda ako ng masasarap na pagkain at alak sa dining hall. Bakit hindi muna kayo kumain? Ako na rin ang bahala sa inyong tutuluyan ngayong gabi!"Ngumiti si Charlie at sinabi, "Hindi na kailangan. Maraming salamat sa iyong alok, Mr. Windsor, pero kailangan na talaga naming umalis. Hindi na namin dapat patagalin pa ang aming pananatili rito."Nang makita ni Jeevan na disidido na silang umalis, tumango na lang siya at sinabi, "Kung ganoon, hindi ko na kayo pipigilan."Kinamayan ni Charlie si Jeevan at inalalayan si Vera papunta sa sasakyan. Sa dilim ng gabi, mabilis silang umalis sa pabrika ng Violet Group at tumungo papuntang Banna.Hindi mahirap hanapin ang Heavenly Lake kung saan nanirahan noon si Vera. Mayroon lamang isa