Nang makita ni Charlie ang nasasaktan na ekspresyon sa kanyang mukha, pinagaan ni Charlie ang kanyang kalooban habang sinabi, “Professor Hart, sa totoo lang, hindi mo kailangang magalit nang sobra at mainis. Normal lang talaga sa mga bata na maging mapanlaban. Bukod dito, sa abot ng kaalaman ko, maraming henyo sa sariling larangan nila ang medyo mas mapanlaban. Marahil ay kung mas mapanlaban ang isang bata, mas magiging makapangyarihan at malaya ang kaisipan nila. Sa ganitong paraan, marami silang magagawa na napakalaki at pambihirang bagay!”Hinawakan ni Yolden ang kanyang dibdib habang galit na sinabi, “Hindi mo alam kung gaano mapanlaban ang babaeng iyon! Matitiis ko ito kung pupunta lang siya sa Syria. Dahil, kahit na sobrang gulo ng lugar na iyon, laban lang ito ng mga mamamayan. Medyo palakaibigan sila sa mga Oskian. Pero ang babaeng ito… siya… siya...”Pagkatapos ulitin ang sarliang ‘siya’ nang ilang beses, biglang hindi na ulit makapagsalita si Yolden.Namula ang mukha niya,
Alam ni Charlie na hindi siya nagkukulang sa pera, ngunit kulang siya sa talento ngayon.Hindi magiging matagumpay ang isang negosyo dahil lang sa mga salita at imahinasyon ng isang tao.Lalo na pagdating sa pamamahala ng isang kumpanya. Kailangan niyang magkaroon ng isang mabuting talento na kayang palakasin at paangatin ang kumpanya.Dalawa lang ang negosyo ni Charlie sa ngayon.Ang una ay ang Emgrand Group, at ang isa ay ang Apothecary Pharmaceutical.Si Doris ang namamahala ng Emgrand Group, at si Liam ang tumutulong sa kanya na mamahala sa Apothecary Pharmaceutical.Pero, magkukulang si Charlie sa mga talento kung magdadagdag siya ng bagong negosyo bukod sa dalawang business sector na ito.Kahit na sobrang tapat at maaasahan si Albert, kahit ano pa, hindi siya edukadong tao. Kaya niyang sumunod at gawin ang mga utos, pero kulang siya sa kakayahan na gamitin ang kanyang ulo para gumawa ng totoong desisyon para sa mga malalaking bagay.Para naman sa iba, kahit na sila Graham
Tumawa nang malakas si Yolden habang sinabi, “Hahaha! Sa tingin ko ay hindi mo kailangang gawin ito. Naniniwala ako sa abilidad mo. Kung patuloy mo siyang pupurihin, naniniwala ako na siguradong matutukso siya.”Pagkatapos nito, medyo nag-alala si Yolden habang sinabi, “Sa totoo lang, ang pangunahing inaaalala ko ay hindi pa sapat ang kalokohan niya. Kung gano’n, kung balak niya talagang manatili pa sa Syria, na nasa malaking gulo dahil sa digmaan ng isa pang taon, walang makakahikayat sa kanya o makakapagbago ng isipan niya! Hay! Hindi mo kilala ang babaeng iyon. Sobrang tigas ng ulo niya, at walang makakapigil sa kanya basta’t may naisipan na siyang gawin!”Tumango si Charlie bago sinabi nang seryoso, “Susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para hikayatin siyang bumalik agad.”“Okay.” Sinabi nang nagmamadali ni Yolden, “Bakit hindi mo siya i-add bilang friend sa WhatsApp ngayon para makausap mo muna siya?”Ngumiti si Charlie habang sumagot, “Tito Hart, huwag mong kalimutan na may
Hindi inaasahan ni Charlie na tatanggihan siya ni Autumn sa sandaling tinawagan niya siya. Pero, hindi siya agad susuko. Kaya, sumagot siya nang nagmamadali: “Akala ko na nasa United States ka, Miss Hart. Hindi ko inaasahan na nasa Syria ka pala. Nagtataka ako, bakit ka pumunta sa Syria?”Sumagot si Autumn: “Pumunta ako dito kasama ang ilang kaklase ko sa university para mag-film ng isang documentary tungkol sa digmaan. Hinahanda namin ang documentary na ito bilang pagkakataon na magsimula ng isang anti-war charity fund.”Sumagot nang nagmamadali si Charlie: “Miss Hart, kung interesado kang gumawa ng anti-war charity fund, pwede akong tumulong at magdonate ng pera sa inyo. Kung handa kang makipagtulungan sa akin nang pangmatagalan, handa rin akong magpadala ng 30 million US dollars sa charity fund niyo sa isang one-off transaction.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Charlie: “Sa totoo lang, isa kang talento na nagtapos ng finance. Kaya, bakit ka pumunta sa Syria para gumawa ng
Ngumiti si Charlie habang sinabi: “Ayon sa kaalaman ko, mukhang matagal nang hindi nagkakasundo sa digmaan ang gobyerno at military forces at ang kalaban. Bukod dito, nagkukulang din ang gobyerno at military forces nila sa pera, pagkain, mga armas, at bala. Kaunti lang din ang training nila sa isang taon, at siguradong mababa ang kakayahan nila sa pakikipaglaban. Bukod dito, nagpadala lang ng ilang sundalo ang government at military forces diyan para protektahan at siguraduhin ang kaligtasan ng team mo. Sa tingin ko, wala itong saysay. Lahat kayo ay walang sandata at talentadong tao. Kaya, kung may mangyaring aksidente, wala kayong pagkakataon na makatakas.”Sumagot nang medyo nag-aatubili si Autumn: “Ah… sa tingin ko ay hindi ito gano’n kaseryoso…”Ngumiti si Charlie habang sinabi: “Akala mo lang iyon. Kung may mangyari talaga, walang saysay ang akala o opinyon mo.”Habang nagsasalita siya, biglang may naalala si Charlie, at sinabi niya: “Narinig ko na sobrang sikat at karaniwan an
Si Autumn, na nasa Syria, ay natukso talaga nang sobra at naantig pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie.Sa mga nagdaang panahon, maraming nakaharap na paghihirap at panganib si Autumn at ang mga kaklase niya sa Syria. Kahit na swerte sila at nagkataon na naiwasan ang mga panganib na ito, alam nilang lahat na sobrang taas ng panganib na makakaharap nila sa pananatili sa Syria para ipagpatuloy ang documentary.Kaya, naramdaman ni Autumn na kung makukuha niya talaga ang 20 million US dollars na sponsorship mula kay Charlie, para bang pinataas na niya nang sobra ang kaligtasan ng lahat, at malaking tulong ito sa gastusin nila sa filming.Habang iniisip niya ito, sumagot si Autumn kay Charlie: “Mr. Wade, bakit hindi na lang natin ito gawin? Sasabihin ko ang alok at mungkahi mo sa team ko at titingnan kung ano ang opinyon nila dito. Kung papayag sila, gano’n din ang magiging opinyon ko.”Ngumiti si Charlie habang sinabi: “Magaling iyon! Kailan niyo ako mabibigyan ng malinaw na sa
Sumagot nang nagpapasalamat si Yolden, ‘Charlie, maraming salamat! Makasisiguro ko na siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para bayaran ko pagdating ng panahon!”Yumuko nang kaunti si Charlie bago sinabi, “Tito Hart, walang anuman.”Pagkatapos nito, tiningnan ni Charlie ang oras bago sinabi, “Tito Hart, may klase ka pa mamaya, tama? Kung gano’n, hindi na kita iistorbohin. Pwede tayong mag-usap sa ibang araw.”Tumingin si Yolden sa kanyang relo, at sinabi nang nagmamadali, “Oh! Kung hindi mo ito sinabi, nakalimutan ko na ito. May klase agad ako. Charlie, kung wala kang ibang gagawin, bakit hindi ka manatili sa opisina ko at hintayin ako? Huwag kang magmadaling umalis. Pwede tayong magtanghalian pagkatapos ng klase ko.”Sumagot si Charlie, “Tito Hart, siguradong abala ka sa trabaho mo. Kaya, marahil ay sa ibang araw na lang tayo kumain?”Kumaway si Yolden at sinabi, “Marahil ay abala ako, pero may oras palagi ako para magpahinga. Bukod dito, nagkita na ulit tayo makalipas
Hindi maintindihan ni Charlie kung bakit may nag-iimbestiga sa nangyari kay Kian sa sandaling ito.Dahil, alam na ni Donald na siya ang mastermind sa likod ng nangyari kay Kian. Bilang stakeholder tungkol dito, siguradong hindi gagawin ng pamilya Webb ang walang saysay na bagay at iimbestigahan ulit ito.Kaya, ang tanging posibilidad lang ay ang mga taong nandito at nag-iimbestiga sa nangyari kay Kian ay hindi ipinadala ng pamilya Webb.Nag-isip nang maingat si Charlie tungkol dito. Halos tapos na siya sa lahat ng taong ginalit niya, at ang mga taong hindi na lang tapos ay ang pamilya Schulz at ang pamilya Whittaker sa United States.May mga miyembro sa dalawang pamilya na ito na naghirap sa mga kamay ni Charlie. Bukod dito, wala pa ring alam ang dalawang pamilya na ito. Kung gusto nilang hanapin siya, kailangan nilang hukayin ang patong-patong na misteryo bago nila siya mahanap.Kaya, nahulaan agad ni Charlie na ang taong nag-iimbestiga at nag-iipon ng impormasyon tungkol kay Kia
Habang nakatayo silang dalawa, dumagundong ang kulog sa gitna ng madidilim na ulap, nanatili ito sa itaas ng tuyong lupa.Sa sandaling iyon, biglang bumagsak mula sa madilim na mga ulap ang isang kidlat na kasinlaki ng mangkok at tumama nang direkta sa tuyong lupa.Sa isang iglap, nagliwanag ang buong kalangitan na parang umaga. Kasabay nito, isang napakalakas na dagundong ang umalingawngaw, parang libo-libong bomba ang sumabog sa tabi ng kanilang mga tainga, halos nabingi sila sa lakas nito.Kasabay ng pagbagsak ng kidlat, biglang bumuhos ang matagal nang namumuong ulan. Bumagsak ang tubig mula sa langit, parang walang katapusang sinulid na nagdudugtong sa kalangitan at lupa.Wala nang matakbuhan sina Charlie at Vera, kaya agad silang nabasa mula ulo hanggang paa.Pero kahit basang-basa, hindi ito pinansin ni Vera. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa bahaging iyon ng tuyong lupa, kung saan nabigo ang Mother of Pu’er Tea na lampasan ang kanyang tribulation.Nagulat si Charlie sa
Nabigla si Charlie sa sinabi ni Vera!Pakiramdam niya, sobrang daming kakaibang sitwasyon na nagkataon dito.Bakit biglang lumitaw ang nakakapanindig-balahibong madilim na ulap? At bakit nito nabuo ang imahe ng Hexagram of Thunder? Bakit walang kulog o kidlat sa mga ulap? At bakit eksaktong dito ito lumitaw, kung saan dati nabigo ang Mother of Pu’er Tea na lampasan ang kanyang tribulation ilang taon na ang nakalipas?Bukod pa dito, kagagamit lang niya ng Thunderstrike wood na mula mismo sa sanga ng Mother of Pu’er Tea upang gawin ang isang bagong Thunder Order. Sa dami ng nakakagulat na koneksyon, ang haka-haka ni Vera ang nag-iisang paliwanag na maaaring makasagot sa lahat ng ito.Dahil sa mga naiisip niyang ito, sinabi ni Charlie nang walang pag-aatubili, “Kung ganoon, tatawagin ko ang isang heavenly thunderbolt sa mga ulap na ito!”Mabilis na tumango si Vera, bakas sa kanyang mga mata ang pananabik. “May koneksyon ako sa Mother of Pu’er Tea. Sana matulungan mo siya, Young Maste
Bigla na lang napaiyak si Vera. Itinuro niya ang lupa sa ilalim ng kanyang mga paa at sinabi nang may matinding pananabik at kaba, “Alam ko kung sino ang humihingi ng tulong! Siya! Ang Mother of Pu’er Tea!”Mas lalong naguluhan si Charlie sa sagot na iyon. “Hindi ba nabigo ang Mother of Pu’er Tea na lampasan ang tribulation tatlong daang taon na ang nakalipas? Paano siya makakahingi ng tulong sa atin ngayon?! At saka, isa lang siyang puno, paano niya magagamit ang mga ulap sa langit para humingi ng tulong sa atin?!”Binulong ni Vera, “Hindi ko alam ang dahilan at naiintindihan ko kung bakit ka may pagdududa, pero ramdam ko ang pamilyar na pakiramdam na iyon. Ang Mother of Pu’er Tea ito…”Sinabi ni Charlie, “Sige. Sabihin na nating tama ka at ang Mother of Pu’er Tea nga ang humihingi ng tulong sa atin gamit ang mga ulap. Pero ano mismo ang kailangan niyang gawin natin? Paano natin siya matutulungan?”Nakaramdam din ng pagkabalisa si Vera habang sinasabi, “Hindi ko alam… Ang nararamd
Nang makita ni Charlie ang takot sa mukha ni Vera at ang bihira niyang pagkabalisa habang nagsasalita, agad niyang tinanong, "Miss Lavor, ano sa tingin mo ito?!"Hindi agad sumagot si Vera. Nakatitig lang siya sa mabilis na kumakapal na madidilim na ulap sa langit. Binulong niya, "Ang mga ulap na ito ay mukhang magulo, pero may bahagyang komplikadong pattern dito. Para bang... Para bang ang Hexagram of Thunder mula sa Book of Changes at Eight Diagrams...""Hexagram of Thunder?" nagulat si Charlie at sinabi, "Talaga bang kinakatawan ng mga ulap na ito ang isang hexagram?"Tumango si Vera, binulong, "Ang Hexagram of Thunder ay palaging masalimuot. Ang mga sinaunang tao ay may kasabihan na ‘Dumarating ang kulog na may panginginig at halakhak; ginugulat ang paligid nang hindi nawawala ang diwa nito.’ Kapag lumitaw ang hexagram na ito, nangangahulugan ito na may isang hindi inaasahang pangyayari na magaganap, at ito ay tiyak na isang makapangyarihan na kaganapan!"Lalong nagulat si Char
Tumango si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, iparada na lang natin ang sasakyan sa labas ng nayon at maglakad na lang pababa.""Sige!" Agad na nanabik si Vera. Matapos gumala sa loob ng mahigit tatlong daang taon, ito pa rin ang paborito niyang lugar, at ito rin ang pinaka-namimiss niya.Sinunod ni Charlie ang direksyon ni Vera at ipinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada, ilang daang metro mula sa pasukan ng nayon. Kinuha niya ang camping gear at magkasama silang bumaba sa gilid ng Heavenly Lake.Naglakad si Vera ng halos dalawang milya sa tabi ng Heavenly Lake sa ilalim ng liwanag ng buwan at mga bituin hanggang sa nahanap niya ang eksaktong lugar kung saan lumaki ang Mother of Pu’er Tea.Itinuro niya ang bahagyang nakaangat na bahagi ng lupang kulay dilaw sa dalampasigan at sinabi, "Dito siguro lumago ang Mother of Pu’er Tea."Pagkatapos tumingin sa paligid, napansin ni Charlie na sa ilalim ng liwanag ng buwan, punong-puno ng damo at puno ang paligid, maliban sa bahaging ito ng
Si Charlie, na nasa tabi, ay nagsalita, "Sige, Mr. Windsor, iniiwan na namin sa iyo ang lahat dito. May iba pa kaming dapat asikasuhin, kaya aalis na kami."Nagtaka si Jeevan at nagtanong, "Madilim na sa na ngayon, kaya hindi niyo kailangan magmadaling umalis. Naghanda ako ng masasarap na pagkain at alak sa dining hall. Bakit hindi muna kayo kumain? Ako na rin ang bahala sa inyong tutuluyan ngayong gabi!"Ngumiti si Charlie at sinabi, "Hindi na kailangan. Maraming salamat sa iyong alok, Mr. Windsor, pero kailangan na talaga naming umalis. Hindi na namin dapat patagalin pa ang aming pananatili rito."Nang makita ni Jeevan na disidido na silang umalis, tumango na lang siya at sinabi, "Kung ganoon, hindi ko na kayo pipigilan."Kinamayan ni Charlie si Jeevan at inalalayan si Vera papunta sa sasakyan. Sa dilim ng gabi, mabilis silang umalis sa pabrika ng Violet Group at tumungo papuntang Banna.Hindi mahirap hanapin ang Heavenly Lake kung saan nanirahan noon si Vera. Mayroon lamang isa
Noon pa man ay naguguluhan na si Vera kung bakit bigla na lang naging mabait sa kanya si Charlie mula noong dinala siya ng singsing sa top floor ng Scarlet Pinnacle Manor.Hindi lang niya binigyan si Vera ng parte sa lahat ng mga pill niya, ngunit nangako rin siya ng mas mahabang buhay para kay Mr. Raven at sa iba pa. Iniwan pa ni Charlie ang lahat ng kanyang gawain para samahan siya sa Yorkshire Hill.Ang gusto lang naman ni Vera ay mabisita ang libingan ng kanyang mga magulang sa Mount Twint, pero hindi niya inakala na bibilhin mismo ni Charlie ang Violet Group na may-ari ng Mount Twint. Balak pa ni Charlie na magsagawa ng malawakang renovation dito para mapadali ang kanyang mga pagbisita sa puntod ng kanyang mga magulang.Napakayaman din ni Vera, pero para sa kanya, hindi kayang sukatin ng pera ang ginawa ni Charlie. Talagang pinapahalagahan siya ni Charlie para bigyan siya ng ganitong klaseng atensyon at pag-aalaga.Hindi mali si Vera sa kanyang hinala. Talagang pinapahalagahan
"Bukod pa doon, noon, hindi ganito kaganda ang kondisyon ng pagtubo ng mga dahon ng tsaa. Ngayon, bawat dahon ay sobrang lusog at may napakagandang kulay. Ang mas kahanga-hanga pa, kaya nang kontrolin nang mabuti ang mga peste, kaya mataas din ang ani ng huling produkto. Mas maraming tumutubo at mas kaunti ang nasisira, kaya mas mataas ang kabuuang output kumpara sa sinaunang panahon.""Sa mga nagdaang taon, ganito na ang naging breeding strategy para sa dahon ng tsaa: mas mataas ang ani, mas maganda; mas perpekto ang hitsura, mas mainam; at mas matibay laban sa mga peste, mas kapaki-pakinabang. Dahil sinabayan ito ng paggamit ng fertilizers at pesticides, natural lang na tumaas nang husto ang efficiency ng output sa bawat ektarya."Dito idinagdag ni Vera, "Pero kahit na tumaas ang ani at dami nito, dahil sa patuloy na pagbuo ng bagong varieties, bumababa naman ang kalidad ng lasa ng mga dahon ng tsaa. Kung magkakaroon tayo ng pagkakataon sa hinaharap, pwede nating subukan na palagui
Sa mga mata ni Jeevan, sina Charlie at Vera ay katumbas ng Diyos ng Kayamanan, kaya kung gusto nilang umakyat sa bundok, natural na kailangan niyang makipagtulungan nang buo.Kaya, sinabi niya agad sa kanila, “Mangyaring maghintay kayo saglit, mga marangal na bisita. Kukuha ako ng ilang tao at magdadala ng mas maraming ilaw para samahan kayong umakyat!”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, “Hindi na. Nasa yugto pa rin kami ng palihim na inspeksyon. Ayaw naming lumabas ang kahit anong balita, kaya hindi mo kailangan itong ayusin nang sadya. Hayaan mo na tapusin ng iba ang trabaho nila at magpahinga. Pabalikin mo ang lahat ng staff at security guard mula sa Mount Violet. Bukod dito, ipapatay mo sa mga security guard ang lahat ng surveillance camera sa Mount Violet. Aakyat lang kami para tumingin.”Dati, hinding-hindi papayag si Jeevan sa ganitong hiling. Kahit na ang Mother of Pu’er Tea sa Mount Twint ay hindi ang pinakamagandang puno ng Pu’er tea, sikat pa rin ito sa Yorkshire Hill.