Hindi mapigilang magtaka nang kaunti ni Charlie kaya napatanong siya, “Bakit pakiramdam mo walang halaga ang ginawa mo para sa mga kumpanyang pinagtrabahuan mo? Ngayong nagtuturo ka na, hindi ba tinutulungan mo rin ang university na bumuo ng mga talento? Sa tingin ko, wala namang masyadong pinagkaiba sa dalawa.”Ngumiti nang bahagya si Yolden at matapat siyang sumagot, “Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa mga materyal na bagay. Sa madaling salita, hindi rin ako mahilig sa pera.”Habang nagsasalita, naging emosyonal si Yolden, “Sa totoo lang, wala ng kahit anong halaga ang pera sa akin pagdating sa isang punto ng buhay ko. Matagal nang walang nagbabago sa antas ng pamumuhay ko. Simula nang kumita ako ng $500,000 bawat taon, naging permanente na ang lifestyle ko. Bukod pa roon, sa sumunod na taon, naging $10,000,000 na ang kinikita ko bawat taon. Ganoon pa man, walang nagbago sa buhay ko. Gumastos ako at nagtipid ako na para bang $500,000 pa rin ang sahod ko taunan.”“Kahit hin
Baca selengkapnya