Hindi inaakala ni Charlie na si Yolden, ang lalaking nakilala niya kahapon, ay isang nakamamanghang anyo sa larangan ng economics at management.Nang makaramdam siya ng saya pagkatapos mahanap si Yolden nang hindi nag-aabala, hindi niya mapigilang makaramdam ng awa para sa kanyang biyenan.Alam ni Charlie kung ano ang nararamdaman ni Jacob para kay Matilda.Subalit, sa kanyang pag-aanalisa, mahina ang loob ni Jacob at duwag ito sa harap ni Elaine. Kahit laging iniisip ni Jacob kung paano siya magsisimula ng bagong relasyon kay Matilda, sa parehong pagkakataon, wala siyang lakas ng loob na hiwalayan si Elaine. Kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon, mukhang magiging imposible na maging si Jacob at Matilda.Pero, iba si Yolden.Hindi lamang mataas ang pinag-aralan ng lalaking ito, kundi nakamamangha rin ang kanyang itsura at ugali. Kahit ang mga hilig at gawain niya ay malayong-malayo kay Jacob. Bukdo pa roon, walang Elaine si Yolden. Walang pumipigil sa kanya na gawin ang mga gus
Galit na galit si Mason at napasigaw siya nang malakas, “Hoy! Tarantado ka! Tumigil ka diyan!”Ngumiti nang bahagya si Carvalho saka niya tinapik ang balikat ni Mason at matapat siyang nagsalita, “Nakaiwas tayo sa disgrasya kahit nawalan tayo ng pera. Hindi mo kailangang magalit.”Hindi pa rin nakontento si Mason, “Lolo, masyadong salbahe ang taong iyon! Binayaran ko siya ng dalawang libo pero tinakbuhan niya agad tayo! Malapit lang rin naman ang pinaghatiran niya sa atin. Kung sasakay tayo ng normal na taxi, hindi tayo gagastos ng 50 dollars. Kapag hinayaan natin siyang tumakas ng ganyan, hindi natin alam kung ilang tao pa ang maloloko niya sa susunod! Hindi pwede! Gagawa ako ng police report!”Tumango si Carvalho, “Totoong salbahe nga ang lalaking iyon, pero hindi mo kailangang isapuso ang nangyari. Kailangan mong tandaan na oras ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng tao. Kapag mas matagumpay ang isang tao, mas mahalaga ang kanyang oras. Kapag walang silbi ang tao, hindi rin maha
Bata pa si Mason at masigla pa ang kanyang pangangatawan. Malakas pa ang kanyang pananampalataya sa hustiya. Kaya, hindi niya mapigilang maramdaman na hindi karapat-dapat para kay Carvalho na sabihin ang mga ganitong bagay.Subalit, pagkatapos niyang kumalma, naramdaman niyang makatuwiran naman ang mga sinabi ng kanyang lolo.Ang malaking pinagkaiba ng isang Feng Shui master at isang ordinaryong tao ay may kakayahan ang isang Feng Shui master na hulaan kung magiging maganda o hindi ang tadhana ng isang tao sa hinaharap sa pamamagitan ng physiognomy, Feng Shui, at divination.Para sa isang ordinaryong indibidwal, nakamamangha ang ganitong kakayahan at hindi ito kapani-paniwala.Dagdag pa roon, kailangang tapusin ng ganitong master ang kanyang awa at simpatya sa iba. Hindi pwedeng hindi pirmi ang puso niya. Dahil sa pagkakataong makaramdam siya ng simpatya para sa iba, hihilahin niya na lamang ang kanyang sarili pababa.Sa wakas, naunawaan na rin ni Mason kung bakit nangongolekta mu
Tunay ngang matalino si Kian. Kung hindi, imposible para sa kanya na maging master sa sining ng pang-aakit at panloloko ng mga babae. Nakapanghihinayang nga lang dahil dinala siya ng kanyang katalinuhan sa maling daan. Sa huli, dumating tuloy sa puntong hindi na gumagana nang matino ang kanyang katawan at para bang naging inbalido siya dahil kay Charlie.Naglakad ang mag-lolo sa loob ng university campus. Pagkatapos ng ilang sandali, napatanong si Mason, “Lolo, sa tingin mo ba nasa university ngayon ang master na naglagay ng psychological hints sa anak ni Donald?”Umiling si Carvalho, “Hindi rin ako sigurado sa bagay na iyan. Pero, dahil dito nangyari ang sakuna sa university, ibig sabihin dito tayo pwedeng magsimulang maghanap ng mga bakas. Malalaman din natin kung naririto ba ang taong iyon o wala.”Pagkatapos, inutusan ni Carvalho ang kanyang apo, “Mason, dahil bata ka pa, magtanong-tanong ka muna kapag break time ng mga estudyante. Tanungin mo sila tungkol kay Kian. Alamin mo ku
Nagmaneho si Charlie hanggang sa tapat ng administrative building ng Aurous University of Finance and Economics. Hindi nagtagal, nakarating na siya sa pinto ng vice-chancellor ng School of Economics and Management’s office gaya ng nabanggit na room number ng security guard sa kanya.Pagkatapos ng kaunting pag-aalangan, kumatok na si Charlie sa pinto.Pagkatapos kumatok ng tatlong beses, narinig niya ang boses ni Yolden mula sa kabilang panig ng pinto. “Pasok lang!”Binuksan ni Charlie ang pinto at nakita niyang nakasuot ng disenteng suit si Yolden. Sa pagkakataong ito, nakasuot rin siya ng isang pares ng salamin at nagbabasa siya ng kung anuman mula sa kanyang mesa.Pagkatapos ng ilang segundo, ibinaba ni Yolden ang hawak niyang dokumento. Nagitla siya nang makita niya si Charlie.Agad siyang napabulalas, “Charlie, bakit nandito ka?”Nang makita ni Charlie ang sorpresa sa mukha ni Yolden, agad niyang naunawaan na hindi pa naiintindihan ni Yolden kung ano ang tunay niyang pagkatao
Hindi mapigilang magtaka nang kaunti ni Charlie kaya napatanong siya, “Bakit pakiramdam mo walang halaga ang ginawa mo para sa mga kumpanyang pinagtrabahuan mo? Ngayong nagtuturo ka na, hindi ba tinutulungan mo rin ang university na bumuo ng mga talento? Sa tingin ko, wala namang masyadong pinagkaiba sa dalawa.”Ngumiti nang bahagya si Yolden at matapat siyang sumagot, “Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa mga materyal na bagay. Sa madaling salita, hindi rin ako mahilig sa pera.”Habang nagsasalita, naging emosyonal si Yolden, “Sa totoo lang, wala ng kahit anong halaga ang pera sa akin pagdating sa isang punto ng buhay ko. Matagal nang walang nagbabago sa antas ng pamumuhay ko. Simula nang kumita ako ng $500,000 bawat taon, naging permanente na ang lifestyle ko. Bukod pa roon, sa sumunod na taon, naging $10,000,000 na ang kinikita ko bawat taon. Ganoon pa man, walang nagbago sa buhay ko. Gumastos ako at nagtipid ako na para bang $500,000 pa rin ang sahod ko taunan.”“Kahit hin
Nang makita ni Charlie ang sabik na ekspresyon sa mukha ni Yolden, agad siyang nagpaliwanag, “Pasensya na, Professor Hart, pero hindi ako graduate ng Stanford University.”Hindi mapigilang magtaka ni Yolden, “Kung gano’n, paano mo nalaman na ang redwood tree na nasa sketch ko ang nasa emblem ng Stanford University? Kung hindi malalim ang pagkakaunawa mo sa Stanford University, imposible naman yatang matatandaan mo ang emblem nito, hindi ba?”Hindi itinago n Charlie ang katotohanan at nagpaliwanag siya, “Nag-aral ang nanay ko sa Stanford University dati. Noong bata pa ako, nagkaroon ako ng pagkakataon na samahan siyang bumisita sa Stanford University.”“Iyan pala ang dahilan!” Tumango nang bahagya si Yolden saka siya nagsalita, “Mukhang 27 o 28 ang edad mo. Ibig sabihin halos magkasing edad kami ng nanay mo, tama ba?”Tumango si Charlie, “26 ang edad ko at 54 naman ang nanay ko ngayong taon.”Napaisip si Yolden sa loob ng ilang sandali, “Kung 54 na ang edad niya, mas bata lang siy
“Oo, tama ka!” Tumango si Yolden at emosyonal siyang nagsalita, “Magkaklase kami ng mama mo sa loob ng ilang taon, malapit rin kaming dalawa. Sa totoo lang, habang nililigawan ko ang asawa ko dati, ang mama mo ang tumulong sa akin na i-abot ang love letter ko para sa kanya!”Napatanong si Charlie sa pagtataka, “Professor Hart, pwede mo ba akong kuwentuhan ng tungkol kay mama? Wala akong masyadong alam sa buhay niya bago siya ikinasal kay papa.”Bumuntong hininga si Yolden, “Sikat na sikat ang mama mo sa Stanford University dati! Hindi lamang siya ang nangungunang babaeng Oskian na estudyante sa buong kasaysayan ng Stanford University, pero siya rin ang president ng Stanford Oskian Alumni Association at sponsor rin siya ng Stanford Internet Venture Capital Fund. Marami sa mga top high-tech companies na nasa Silicon Valley ngayon ang nagsimula ng kanilang negosyo sa tulong ng sponsorship ng nanay mo…”Habang nagsasalita, hindi mapigilang mapabuntong hininga ni Yolden at naging mapangl
Biglang pinagpawisan nang malamig si Gideon sa sinabi ni Sophie. Wala siyang dahilan para pagdudahan ang katunayan ng ng mga sinabi ni Sophie dahil sa totoo lang, hindi niya maisip kung anong espesyal na halaga ang maaaring mayroon ang Violet Group para kay Sophie.Sa tingin niya, kung palalampasin niya ang pagkakataong ito, baka magtrabaho pa siya hanggang magpitumpung taong gulang bago ipamana ang negosyo sa kanyang anak.Kahit siya mismo, hindi niya alam kung ano ang magiging itsura ng kumpanya pagdating ng panahong iyon. Walang kasiguraduhan kung lalaki o liliit ang saklaw ng buong grupo at ng mga negosyo ng kanilang pamilya sa loob ng ilang taon.Pero, sigurado siya sa isang bagay na kung ibebenta niya ang kumpanya ngayon at makakuha ng 700 million dollars na salapi, pagkatapos ng equity transfer at pagbawas ng 20% na buwis, may matitira pa rin na 560 million dollars sa kanya.Ang 560 million dollars na ito ay higit pa sa sapat para siguiraduhin na mabubuhay siya at ang kanyan
Naintindihan ni Gideon na ang halaga, impluwensya, background, at kumpiyansa ng kabila ay lampas nang sobra sa kanya. Kaya, kahit na medyo nagsisisi siya, walang negatibong emosyon na masasabi.Pero, naging mausisa pa rin siya at tinanong, “Miss Schulz, bakit interesado ang isang malaking kumpanya tulad ng Schulz Group na kunin ang isang maliit na kumpanya tulad namin?”Ngumiti si Sophie at sinabi, “Mr. Levatt, hindi mo kailangan maliitin ang sarili mo. Ang laki ng isang kumpanya ay hindi lang masusukat sa halaga nito. Para naman sa kung bakit gustong kunin ng Schulz Group ang Violet Group, sa totoo lang, ito ay dahil mahilig ang lolo ko sa Pu’er tea. Dahil sa madalas na problema sa kaligtasan sa industriya ng pagkain ngayon, bilang apong babae niya, gusto kong kunin ang isang source company para siguraduhin na maiinom niya ang mga pinakaligtas na Pu’er tea. At saka, kaunting pera lang ito, kaya ito ay para lang talaga maging payapa ang isipan ko.”Natulala si Gideon pagkatapos iton
Sigurado rin si Gideon na tunay ang kabila. Ayon sa kilos at tono ng pananalita ng kabila, hindi ito peke. Medyo natuwa at nabalisa siya, at hindi siya napakali.Nang makita ng sekretarya ni Sophie, si Shenny, na nanahimik siya saglit, tinanong niya siya, “Mr. Levatt, naririnig mo ba ang mga sinasabi ko?”Doon lang natauhan si Gideon at sinabi nang mabilis, “Oo, oo! Ikaw si Miss Coop, tama? Hello, nagagalak akong makilala ka!”Tumango nang marahan si Shenny at sinabi nang nakangiti, “Mr. Levatt, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang dahilan kung bakit ka namin tinawagan ngayon ay dahil interesado ang chairman namin na kunin ang Violet Group. Kaya, gusto kitang tanungin kung may intensyon ka bang ibenta ang negosyo mo, Mr. Levatt. Kung oo, pwede na nating pag-usapan nang direkta ang tungkol sa acquisition.”Matagal nang umaasa si Gideon na may kukuha sa nahihirapang negosyo niya para makapag-cash out siya at makapag-retiro nang payapa. Hinding-hindi niya inaakala na gustong kunin
Nakaisip ng magandang ideya ang sekretarya at sinabi, “Chairman, dahil masama ang kalooban mo, bakit hindi mo gawin ang video conference sa kanila para mapaglitan mo sila at malabas mo ang galit mo?”Si Gideon, na nagsasawa na, ay ngumisi at sinabi, “Okay! Ayusin mo ang video conference, kung ganon! Pangako na tuturuan ko ng leksyon ang mga scammer na iyon ngayong araw!”Sumagot agad ang sekretarya, “Mangyaring maghintay ka saglit, Chairman. Tatawagan ko agad sila!”Pagkasabi nito, nilabas niya ang kanyang cellphone at lumabas.Nag-unat nang tamad si Wind at binulong, “Matagal ko nang alam ang mga taktika ng mga scammer na iyon sa Myanmar. Lolokohin ka nila na sumali sa isang Tencent o NetEase meeting at kokontrolin sa malayo ang computer mo, o susubukan ka nilang kumbinsihin na buksan ang ilang online financial platform, at palihim silang kukuha ng pera at ipapadala agad ito. Pa, tandaan mo ang sinasabi ko, siguradong isa ito sa mga plano na ito.”Suminghal nang malamig si Gideon
Nagulantang si Gideon at ang kanyang anak, si Wind, sa mga sinabi ng sekretarya.Narinig na nila ang reputasyon ng Schulz Group. Dahil, ang pamilya Schulz ay isa sa mga pinakamalakas na pamilya sa Oskia, at talagang isa sila sa mga may pinakamalakas na presensya sa bansa.Sa kabaliktaran, kahit na tinatawag silang group, ang Violet Group ay wala man lang sa Growth Enterprise Market. Kahit hindi na banggitin na nalista sila sa Yorkshire Hill, halos maituturing lang sila na medyo kilalang enterprise sa Pu’er City.Kahit sa pinakamabangis na panaginip nila, hindi nila maiisip na makukuha sila ng isang napakataas na pamilya tulad ng Schulz Group. Dahil, masyadong malawak ang pagkakaiba ng katayuan nila. Ang mga asset ng Schulz Group ay isang libong beses na mas mataas sa Violet Group.Kaya, may hindi makapaniwalang ekspresyon si Gideon habang tinanong niya ang sekretarya, “Niloloko mo ba ako? Gustong makipag-usap sa atin ng Schulz Group tungkol sa acquisition?”Mukhang naagrabyado ang
Si Gideon, na naiinis, ay nagmura, “Sa mga salita niyong kabataan, sobrang gulo ng Pu’er tea market ngayong taon!”Huminto saglit si Gideon bago nagpatuloy, “Letse! Hindi lang na desperadong binababaan ng mga tea company ang mga presyo para pabagsakin ang market, ngunit kahit ang mga bagong brand ay gumagamit din ng taktika sa marketing at presyuhan para patuloy na atakahin ang lugar ng mga tradisyonal na tea company sa market. Sinasabi niyo na masarap ang tsaa niyo, sinasabi nila na ang presyo ng parehong tsaa sa kabila ay kalahati lang ng presyo namin. Pinapatikim niyo sa kanila ang parehong tsaa, sinasabi nila na walang pagkakaiba sa lasa. Paano natin sila matatalo?!”Nainis din nang sobra si Wind habang sinabi, “Mas marami na ang mga taong umiinom ng tsaa ngayon, pero kaunti lang talaga ang may talagang nakakaintindi sa tsaa. Sumusunod lang sila sa uso. Hindi nila mapapansin ang pagkakaiba sa tsaa na 100 dollars kada kilo o 10 thousand dollars kada kilo.”Tumango si Gideon sa pa
Naniniwala siya na bago kumita ng pera, kailangang siguraduhin muna na maayos ang kalidad ng tsaa para maging makatarungan ang perang kinikita. Dahil sa kanyang dedikasyon at paggalang sa tsaa, hindi siya kailanman nagkaroon ng tunay na pagkakataong yumaman nang biglaan.Pero sa kabilang dako, iba ang mga mapanlinlang na negosyante. Kung makakabenta sila ng isang batch ng dahon ng tsaa sa halagang 50 dollars at makapagbenta ng sampu-sampung libong batch sa isang araw, madali silang kikita ng milyon-milyon sa isang araw.Minsan, kapag nakikita ni Gideon kung paano sila kumita nang ganoon kalaki, nawawalan din siya ng gana sa industriya ng tsaa. Pakiramdam niya, karamihan sa mga industriya ay nauuwi sa sitwasyon kung saan ang masama ang siyang nagpapaalis sa mabuti. At kung susubukan niyang makipagsabayan sa kanila, baka siya pa ang tuluyang mawala sa industriya. Kaya kaysa hayaan na mangyari iyon, mas mabuting mag-cash out na lang siya sa lalong madaling panahon.Ngunit hindi madali
Sa sandaling ito, sa loob ng Violet Tower sa downtown ng Pu’er.Katatapos lang ng 62 years old na si Gideon ang pagho-host ng isang distributor conference. Dahil kailangan pa niyang dumalo sa isang hapunan kasama ang mga distributor sa isang hotel mamaya, saglit lang siya makakapagpahinga sa kanyang opisina sa ngayon kahit na pagod na siya, pagkatapos ay titipunin niya ang kanyang lakas para pumunta sa banquet venue pagdating ng oras.Medyo malungkot si Gideon ngayong araw. Sa mga nagdaang taon, mas nagiging makapangyarihan ang mga distributor sa harap ng grupo. Dati, ang grupo ang may kontrol sa mga distributor, sinususri ang performance nila, pinipilit silang magdagdag ng imbentaryo, at madalas na hinahawakan ang kanilang year-end rebates sa iba’t ibang dahilan upang mas lalo silang magsumikap at mas maging masunurin.Pero sa pag-usbong ng e-commerce nitong mga nakaraang taon, unti-unting nawala ang ganap na kalamangan ng mga tradisyunal na tatak sa harap ng mga distributor, lalo
“Kung hindi sila magiging public, walang magagawa si Gideon kundi patuloy na hawakan ang negosyo na ito at ang taunang kita na sampu-sampung milyong dolyar. Ang nakukuha niya lang talaga ay nasa sampu-sampung milyon. Mukhang walang pag-asa ang pangarap niya na maging public at makuha ang ilang daang milyon.”Nasorpresa si Charlie sa kung gaano kabilis nabuod ni Sophie ang napakaraming impormasyon sa loob lang ng sampung minuto. Pinapahalagahan niya talaga ang kanyang galing, desisyon, at kasanayan sa negosyo.Tinanong niya si Sophie, “Miss Schulz, sa pananaw mo, gaano kalaki ang dapat nating i-alok para tagumpay na makuha ang kumpanya na ito?”Sumagot si Sophie, “Mr. Wade, ayon sa impormasyon na nakuha ko, si Gideon, ang boss nila, ay may 57.6% na shares, pero kung isasama ang ibang equity structure at option holdings, ang kabuuang pag-aari niya siguro ay nasa 78.5%, kaya walang duda na siya ang major shareholder. Para tagumpay na makuha ang Violet Group, basta’t makukuha natin ang