Hindi mapigilang magtaka nang kaunti ni Charlie kaya napatanong siya, “Bakit pakiramdam mo walang halaga ang ginawa mo para sa mga kumpanyang pinagtrabahuan mo? Ngayong nagtuturo ka na, hindi ba tinutulungan mo rin ang university na bumuo ng mga talento? Sa tingin ko, wala namang masyadong pinagkaiba sa dalawa.”Ngumiti nang bahagya si Yolden at matapat siyang sumagot, “Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa mga materyal na bagay. Sa madaling salita, hindi rin ako mahilig sa pera.”Habang nagsasalita, naging emosyonal si Yolden, “Sa totoo lang, wala ng kahit anong halaga ang pera sa akin pagdating sa isang punto ng buhay ko. Matagal nang walang nagbabago sa antas ng pamumuhay ko. Simula nang kumita ako ng $500,000 bawat taon, naging permanente na ang lifestyle ko. Bukod pa roon, sa sumunod na taon, naging $10,000,000 na ang kinikita ko bawat taon. Ganoon pa man, walang nagbago sa buhay ko. Gumastos ako at nagtipid ako na para bang $500,000 pa rin ang sahod ko taunan.”“Kahit hin
Nang makita ni Charlie ang sabik na ekspresyon sa mukha ni Yolden, agad siyang nagpaliwanag, “Pasensya na, Professor Hart, pero hindi ako graduate ng Stanford University.”Hindi mapigilang magtaka ni Yolden, “Kung gano’n, paano mo nalaman na ang redwood tree na nasa sketch ko ang nasa emblem ng Stanford University? Kung hindi malalim ang pagkakaunawa mo sa Stanford University, imposible naman yatang matatandaan mo ang emblem nito, hindi ba?”Hindi itinago n Charlie ang katotohanan at nagpaliwanag siya, “Nag-aral ang nanay ko sa Stanford University dati. Noong bata pa ako, nagkaroon ako ng pagkakataon na samahan siyang bumisita sa Stanford University.”“Iyan pala ang dahilan!” Tumango nang bahagya si Yolden saka siya nagsalita, “Mukhang 27 o 28 ang edad mo. Ibig sabihin halos magkasing edad kami ng nanay mo, tama ba?”Tumango si Charlie, “26 ang edad ko at 54 naman ang nanay ko ngayong taon.”Napaisip si Yolden sa loob ng ilang sandali, “Kung 54 na ang edad niya, mas bata lang siy
“Oo, tama ka!” Tumango si Yolden at emosyonal siyang nagsalita, “Magkaklase kami ng mama mo sa loob ng ilang taon, malapit rin kaming dalawa. Sa totoo lang, habang nililigawan ko ang asawa ko dati, ang mama mo ang tumulong sa akin na i-abot ang love letter ko para sa kanya!”Napatanong si Charlie sa pagtataka, “Professor Hart, pwede mo ba akong kuwentuhan ng tungkol kay mama? Wala akong masyadong alam sa buhay niya bago siya ikinasal kay papa.”Bumuntong hininga si Yolden, “Sikat na sikat ang mama mo sa Stanford University dati! Hindi lamang siya ang nangungunang babaeng Oskian na estudyante sa buong kasaysayan ng Stanford University, pero siya rin ang president ng Stanford Oskian Alumni Association at sponsor rin siya ng Stanford Internet Venture Capital Fund. Marami sa mga top high-tech companies na nasa Silicon Valley ngayon ang nagsimula ng kanilang negosyo sa tulong ng sponsorship ng nanay mo…”Habang nagsasalita, hindi mapigilang mapabuntong hininga ni Yolden at naging mapangl
Habang nagsasalita si Yolden, hindi niya mapigilang malungkot, “Minsan, ganito talaga ang mundo ng matatanda. Sa kabila ng magandang relasyon sa isa’t isa, mahirap pa ring magkita dahil sa malaking distansya at kanya-kanyang buhay. Kahit nga siguro tatlo o limang taon pa, hindi madali para sa amin nila Ashley na makita ang isa’t isa”Sumunod, naging seryoso ang ekspresyon ni Yolden sa kanyang mukha, “Kahit bibihira lang namin makita ng asawa ko ang mama mo, malapit pa rin kami sa kanya at tila ba walang nagbago sa namin. Noong buhay pa ang mama mo, tinuturing namin siyang isang matalik na kaibigan. Nakapanghihinayang nga lang dahil maaga siyang pumanaw. Napakagaling niya pa naman…”Hindi mapigilan ni Charlie na makaramdam ng matinding lungkot sa loob ng kanyang puso nang marinig niya ito.Mula sa mga sinasabi ng mga taong nasa paligid, mataas ang kanilang pagtingin sa mga magulang niya, subalit, sa kasamaang palad, walang masyadong alam si Charlie sa kanila.Sa totoo lang, masyado
Biglang nagkaroon ng realisasyon si Yolden at napabulalas siya, “Iyan ba ang dahilan kung bakit balak mong sumubok sa ocean shipping business?”“Oo.” Tumango si Charlie, “Hindi ko alam kung gaano karami ang nalalaman mo tungkol sa pamilya Schulz, pero dati, hindi maganda ang relasyon ng ama ko sa pamilya nila. Bumuo pa nga ng Anti-Wade Alliance ang pamilya Schulz at nakipagsabwatan sila sa ibang pamilya para labanan ang papa ko. Kaya, sa mga mata ko, kalaban ko ang pamilya Schulz. Dahil kasalukuyang nakahinto ang ocean shipping business ng mga Schulz ngayon, sa tingin ko ito ang perpektong pagkakataon para pagsamantalahan ko ang oportunidad na pumasok sa ocean shipping industry. Diyan nagsimula ang ideya ko.”Nagpatuloy si Charlie sa pagsasalita, “Balak ko sanang hingiin ang tulong ni Doris para sa pagtatayo nito. Pero, sinabihan niya akong kailangan niya pang unawain nang malalim ang international trade, laws and regulations, pati na rin tax policies ng mga major trading countries s
Nang sabihin ni Yolden ang mga salitang ito, alam ni Charlie sa loob ng kanyang puso na imposibleng mapipilit niya si Yolden na magtrabaho para sa kanya.Bukod pa roon, nauunawaan niya rin ang prinsipyong nagsasabing ‘Hindi pipilitin ng isang maginoo ang kahit sino na gawin ang isang bagay’.Kaya, hindi na nagpatuloy si Charlie sa kanyang pangungulit at matapat siyang tumugon, “Professor Hart, nauunawaan ko ang sinasabi mo. Pasensya na sa pagiging mapangahas ko. Masyado lang akong nagmamadali. Hindi ko sinasadyang buksan ang mga sugat mo.”Agad na kumaway si Yolden, “Hindi mo ito kasalanan. Personal na isyu ko ito. Dahil nangako na ako sa yumao kong asawa, gusto ko sanang tuparin ito. Sana naman hindi mo ikagalit ang bagay na ito.”Agad na sumagot si Charlie, “Bakit naman ako magagalit? Professor Hart, nauunawaan ko ang desisyon niyo.”Ngumiti si Yolden. Sa puntong ito, tila ba may naalala siya at agad siyang nagsalita, “Charlie, sa totoo lang, hindi mo na kailangang dumaan sa pag
“Marami sa mga kilalang kumpanya ngayon ang nagsimula sa Silicon Valley gaya ng Google, Apple, Yahoo, Cisco, Oracle, Tesla at iba pang mga high-tech companies.”“Sa ngayon, umabot na ang kanilang market value ng ilang libong beses kumpara sa dati at naging malaki na ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya ng mundo na makikita sa paglago ng kanilang mga negosyo!”“Kung bumili ang isang stockholder ng shares ng Apple dalawampung taon ang nakararaan, kikita siya ng 300 hanggang 400 na beses kumpara sa dati niyang ginastos para mabili ang stock.”“Alam mo bang nag-invest ang nanay mo sa Apple gamit ang isang venture capital fund na ginawa niya bago ka pa ipinanganak?”“Sa pagkakataong iyon, itinuturing siya ni Steve Jobs bilang isang panauhing pandangal. Noong panahong iyon, nasa ilang bilyong dolyar palang ang market value ng Apple, pero nagbayad ang nanay mo ng ilang milyong dolyar kapalit ng 10% ng shares ng Apple!”“Sa ngayon, humigit kumulang dalawang trilyong dolyar na ang market
Sa pagkakataong ito, bumuntong hininga si Yolden at emosyonal siyang nagsalita, “Imposible talaga para sa akin na tapusin ang lahat ng kuwento tungkol sa mga matagumpay na investment na ginawa ng mama mo sa iisang upuan lang. Kung magkakaroon ka ng oportunidad na pumunta ng Silicon Valley balang araw, hanapin mo ang mga bosses ng mga top global group doon at sabihin mong si Ashley Layna Acker ang nanay mo. Sigurado akong papakitunguhan ka nila nang mabuti na para bang isang panauhing pandangal…”Bumuntong hininga si Charlie, “Kung hindi ko kayo nakilala, hindi ko sana malalaman ang mga ganitong bagay tungkol sa nanay ko…”Napatitig si Yolden kay Charlie saka siya ngumiti nang bahagya, “Higit pa sa kahit sino ang vision at long-term strategy at planning na kayang gawin ng nanay mo.”“Sa totoo lang, dati, marami sa amin ang hindi nakakaunawa sa mga investment strategies o operations na ginagawa ng nanay mo. Marami sa mga kumpanyang pinili niya ang tila ba walang pag-asang lumago sa mg
Sa sandaling ito, pumunta ang security guard sa gitna ng kalsada at pinigilan ang kotse ni Charlie, sinasabi, “Iho, bakit ka bumalik ulit? Hindi ba’t sinabi ko na sayo kanina na kailangan mo munang gumawa ng appointment sa group?”Nasorpresa si Jeevan nang makita niya na nilapitan ng security guard ang mga bisita at sinabi na pumunta na sila dito kanina.Mabilis siyang lumapit sa security guard at hinila siya sa tabi, pagkatapos ay tinanong si Charlie, “Hello, Sir, ikaw ba ang eksperto na pinadala ng Schulz Group?”Tinuro ni Charlie si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi nang nakangiti, “Hindi ako ang eksperto. Ang babaeng ito ang totoong eksperto.”Mukhang nalito ang security guard at sinabi, “Iho, kailan kayo naging eksperto?”Sinabi nang nagmamadali ni Jeevan, “Mr. Dmitri, bakit mo kinakausap nang ganito ang mga bisita? Ang mga marangal na bisita na ito ay nandito para gabayan at suriin ang trabaho natin. Hindi ka dapat makialam. Bilis, buksan mo ang gate!”Kahit na nasorpresa
Kahit na walang masyadong alam si Charlie sa mga dahon ng tsaa, nararamdaman niya pa rin ang espesyal na pagpapahalaga ni Vera sa Mother of Pu’er Tea. Para sa kanya, ang Mother of Pu’er Tea ay isang uri ng ispiritwal na alalay para aky Vera, na umabot ng tatlong siglo.Dahil dito, naiintindihan niya kung bakit gusto ni Vera na gayahin ang lasa ng Mother of Pu’er Tea balang araw.Kaya, sinabi niya kay Vera, “Sa sandaling nakumpleto ang paglilipat ng may-ari ng Mount Twin, pwede mong ituring ang lugar na ito bilang taniman mo. Magagamit mo ang karanasan mo at makikita kung makakagawa ka ng mas masarap na tsaa.”Tumango si Vera at sinabi, “Komplikadong bagay ang pagtatanim at pagsasaka ng tsaa. Hindi ko talaga naiintindihan ang siyentipikong paraan, pero gamit ang tradisyonal na paraan, marahil ay abutin ng sampung taon o higit pa para makakita ng mga resulta.”Sinigurado siya ni Charlie, “Ayos lang ito. Kung magagawa mo ito, isang biyaya ito para sa lahat ng tao na mahilig sa tsaa, p
Kaya, kahit na kapapasok pa lang niya sa sasakyan at naghahanda nang umuwi mula sa trabaho, ibinaba niya ang tawag ni Gideon at agad na pumunta sa main gate ng base para maghintay.Sa parehong oras, nakatanggap din si Charlie ng tawag mula kay Sophie. Pagkasagot niya, magalang na sinabi ni Sophie, “Mr. Wade, natanggap na ng Violet Group ang deposito ko, at natapos na ang acquisition. Ang huling presyo ay 700 million dollars. Nasabihan ko na rin ang taong namamahala sa base at sinabi ko sa kanya ang plate number ng iyong sasakyan. Maaari ka nang dumiretso doon. Naghihintay na siya sa gate at susundin niya ang lahat ng utos mo.”Nagulat si Charlie sa bilis ng kilos ni Sophie. Sa tingin niya, bihira sa isang babae na gawin ang mga bagay-bagay nang napakabilis.Dahil dito, sinabi niya kay Sophie, “Salamat sa pagsisikap mo, Miss Schulz. Ituring mo ang pera na ito na utang ako sa iyo. Pero dahil espesyal ang sitwasyon ngayon, hindi ko muna ito maipapadala sa iyo. Kapag natapos ko na ang m
Biglang pinagpawisan nang malamig si Gideon sa sinabi ni Sophie. Wala siyang dahilan para pagdudahan ang katunayan ng ng mga sinabi ni Sophie dahil sa totoo lang, hindi niya maisip kung anong espesyal na halaga ang maaaring mayroon ang Violet Group para kay Sophie.Sa tingin niya, kung palalampasin niya ang pagkakataong ito, baka magtrabaho pa siya hanggang magpitumpung taong gulang bago ipamana ang negosyo sa kanyang anak.Kahit siya mismo, hindi niya alam kung ano ang magiging itsura ng kumpanya pagdating ng panahong iyon. Walang kasiguraduhan kung lalaki o liliit ang saklaw ng buong grupo at ng mga negosyo ng kanilang pamilya sa loob ng ilang taon.Pero, sigurado siya sa isang bagay na kung ibebenta niya ang kumpanya ngayon at makakuha ng 700 million dollars na salapi, pagkatapos ng equity transfer at pagbawas ng 20% na buwis, may matitira pa rin na 560 million dollars sa kanya.Ang 560 million dollars na ito ay higit pa sa sapat para siguiraduhin na mabubuhay siya at ang kanyan
Naintindihan ni Gideon na ang halaga, impluwensya, background, at kumpiyansa ng kabila ay lampas nang sobra sa kanya. Kaya, kahit na medyo nagsisisi siya, walang negatibong emosyon na masasabi.Pero, naging mausisa pa rin siya at tinanong, “Miss Schulz, bakit interesado ang isang malaking kumpanya tulad ng Schulz Group na kunin ang isang maliit na kumpanya tulad namin?”Ngumiti si Sophie at sinabi, “Mr. Levatt, hindi mo kailangan maliitin ang sarili mo. Ang laki ng isang kumpanya ay hindi lang masusukat sa halaga nito. Para naman sa kung bakit gustong kunin ng Schulz Group ang Violet Group, sa totoo lang, ito ay dahil mahilig ang lolo ko sa Pu’er tea. Dahil sa madalas na problema sa kaligtasan sa industriya ng pagkain ngayon, bilang apong babae niya, gusto kong kunin ang isang source company para siguraduhin na maiinom niya ang mga pinakaligtas na Pu’er tea. At saka, kaunting pera lang ito, kaya ito ay para lang talaga maging payapa ang isipan ko.”Natulala si Gideon pagkatapos iton
Sigurado rin si Gideon na tunay ang kabila. Ayon sa kilos at tono ng pananalita ng kabila, hindi ito peke. Medyo natuwa at nabalisa siya, at hindi siya napakali.Nang makita ng sekretarya ni Sophie, si Shenny, na nanahimik siya saglit, tinanong niya siya, “Mr. Levatt, naririnig mo ba ang mga sinasabi ko?”Doon lang natauhan si Gideon at sinabi nang mabilis, “Oo, oo! Ikaw si Miss Coop, tama? Hello, nagagalak akong makilala ka!”Tumango nang marahan si Shenny at sinabi nang nakangiti, “Mr. Levatt, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang dahilan kung bakit ka namin tinawagan ngayon ay dahil interesado ang chairman namin na kunin ang Violet Group. Kaya, gusto kitang tanungin kung may intensyon ka bang ibenta ang negosyo mo, Mr. Levatt. Kung oo, pwede na nating pag-usapan nang direkta ang tungkol sa acquisition.”Matagal nang umaasa si Gideon na may kukuha sa nahihirapang negosyo niya para makapag-cash out siya at makapag-retiro nang payapa. Hinding-hindi niya inaakala na gustong kunin
Nakaisip ng magandang ideya ang sekretarya at sinabi, “Chairman, dahil masama ang kalooban mo, bakit hindi mo gawin ang video conference sa kanila para mapaglitan mo sila at malabas mo ang galit mo?”Si Gideon, na nagsasawa na, ay ngumisi at sinabi, “Okay! Ayusin mo ang video conference, kung ganon! Pangako na tuturuan ko ng leksyon ang mga scammer na iyon ngayong araw!”Sumagot agad ang sekretarya, “Mangyaring maghintay ka saglit, Chairman. Tatawagan ko agad sila!”Pagkasabi nito, nilabas niya ang kanyang cellphone at lumabas.Nag-unat nang tamad si Wind at binulong, “Matagal ko nang alam ang mga taktika ng mga scammer na iyon sa Myanmar. Lolokohin ka nila na sumali sa isang Tencent o NetEase meeting at kokontrolin sa malayo ang computer mo, o susubukan ka nilang kumbinsihin na buksan ang ilang online financial platform, at palihim silang kukuha ng pera at ipapadala agad ito. Pa, tandaan mo ang sinasabi ko, siguradong isa ito sa mga plano na ito.”Suminghal nang malamig si Gideon
Nagulantang si Gideon at ang kanyang anak, si Wind, sa mga sinabi ng sekretarya.Narinig na nila ang reputasyon ng Schulz Group. Dahil, ang pamilya Schulz ay isa sa mga pinakamalakas na pamilya sa Oskia, at talagang isa sila sa mga may pinakamalakas na presensya sa bansa.Sa kabaliktaran, kahit na tinatawag silang group, ang Violet Group ay wala man lang sa Growth Enterprise Market. Kahit hindi na banggitin na nalista sila sa Yorkshire Hill, halos maituturing lang sila na medyo kilalang enterprise sa Pu’er City.Kahit sa pinakamabangis na panaginip nila, hindi nila maiisip na makukuha sila ng isang napakataas na pamilya tulad ng Schulz Group. Dahil, masyadong malawak ang pagkakaiba ng katayuan nila. Ang mga asset ng Schulz Group ay isang libong beses na mas mataas sa Violet Group.Kaya, may hindi makapaniwalang ekspresyon si Gideon habang tinanong niya ang sekretarya, “Niloloko mo ba ako? Gustong makipag-usap sa atin ng Schulz Group tungkol sa acquisition?”Mukhang naagrabyado ang
Si Gideon, na naiinis, ay nagmura, “Sa mga salita niyong kabataan, sobrang gulo ng Pu’er tea market ngayong taon!”Huminto saglit si Gideon bago nagpatuloy, “Letse! Hindi lang na desperadong binababaan ng mga tea company ang mga presyo para pabagsakin ang market, ngunit kahit ang mga bagong brand ay gumagamit din ng taktika sa marketing at presyuhan para patuloy na atakahin ang lugar ng mga tradisyonal na tea company sa market. Sinasabi niyo na masarap ang tsaa niyo, sinasabi nila na ang presyo ng parehong tsaa sa kabila ay kalahati lang ng presyo namin. Pinapatikim niyo sa kanila ang parehong tsaa, sinasabi nila na walang pagkakaiba sa lasa. Paano natin sila matatalo?!”Nainis din nang sobra si Wind habang sinabi, “Mas marami na ang mga taong umiinom ng tsaa ngayon, pero kaunti lang talaga ang may talagang nakakaintindi sa tsaa. Sumusunod lang sila sa uso. Hindi nila mapapansin ang pagkakaiba sa tsaa na 100 dollars kada kilo o 10 thousand dollars kada kilo.”Tumango si Gideon sa pa