Galit na galit si Mason at napasigaw siya nang malakas, “Hoy! Tarantado ka! Tumigil ka diyan!”Ngumiti nang bahagya si Carvalho saka niya tinapik ang balikat ni Mason at matapat siyang nagsalita, “Nakaiwas tayo sa disgrasya kahit nawalan tayo ng pera. Hindi mo kailangang magalit.”Hindi pa rin nakontento si Mason, “Lolo, masyadong salbahe ang taong iyon! Binayaran ko siya ng dalawang libo pero tinakbuhan niya agad tayo! Malapit lang rin naman ang pinaghatiran niya sa atin. Kung sasakay tayo ng normal na taxi, hindi tayo gagastos ng 50 dollars. Kapag hinayaan natin siyang tumakas ng ganyan, hindi natin alam kung ilang tao pa ang maloloko niya sa susunod! Hindi pwede! Gagawa ako ng police report!”Tumango si Carvalho, “Totoong salbahe nga ang lalaking iyon, pero hindi mo kailangang isapuso ang nangyari. Kailangan mong tandaan na oras ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng tao. Kapag mas matagumpay ang isang tao, mas mahalaga ang kanyang oras. Kapag walang silbi ang tao, hindi rin maha
Bata pa si Mason at masigla pa ang kanyang pangangatawan. Malakas pa ang kanyang pananampalataya sa hustiya. Kaya, hindi niya mapigilang maramdaman na hindi karapat-dapat para kay Carvalho na sabihin ang mga ganitong bagay.Subalit, pagkatapos niyang kumalma, naramdaman niyang makatuwiran naman ang mga sinabi ng kanyang lolo.Ang malaking pinagkaiba ng isang Feng Shui master at isang ordinaryong tao ay may kakayahan ang isang Feng Shui master na hulaan kung magiging maganda o hindi ang tadhana ng isang tao sa hinaharap sa pamamagitan ng physiognomy, Feng Shui, at divination.Para sa isang ordinaryong indibidwal, nakamamangha ang ganitong kakayahan at hindi ito kapani-paniwala.Dagdag pa roon, kailangang tapusin ng ganitong master ang kanyang awa at simpatya sa iba. Hindi pwedeng hindi pirmi ang puso niya. Dahil sa pagkakataong makaramdam siya ng simpatya para sa iba, hihilahin niya na lamang ang kanyang sarili pababa.Sa wakas, naunawaan na rin ni Mason kung bakit nangongolekta mu
Tunay ngang matalino si Kian. Kung hindi, imposible para sa kanya na maging master sa sining ng pang-aakit at panloloko ng mga babae. Nakapanghihinayang nga lang dahil dinala siya ng kanyang katalinuhan sa maling daan. Sa huli, dumating tuloy sa puntong hindi na gumagana nang matino ang kanyang katawan at para bang naging inbalido siya dahil kay Charlie.Naglakad ang mag-lolo sa loob ng university campus. Pagkatapos ng ilang sandali, napatanong si Mason, “Lolo, sa tingin mo ba nasa university ngayon ang master na naglagay ng psychological hints sa anak ni Donald?”Umiling si Carvalho, “Hindi rin ako sigurado sa bagay na iyan. Pero, dahil dito nangyari ang sakuna sa university, ibig sabihin dito tayo pwedeng magsimulang maghanap ng mga bakas. Malalaman din natin kung naririto ba ang taong iyon o wala.”Pagkatapos, inutusan ni Carvalho ang kanyang apo, “Mason, dahil bata ka pa, magtanong-tanong ka muna kapag break time ng mga estudyante. Tanungin mo sila tungkol kay Kian. Alamin mo ku
Nagmaneho si Charlie hanggang sa tapat ng administrative building ng Aurous University of Finance and Economics. Hindi nagtagal, nakarating na siya sa pinto ng vice-chancellor ng School of Economics and Management’s office gaya ng nabanggit na room number ng security guard sa kanya.Pagkatapos ng kaunting pag-aalangan, kumatok na si Charlie sa pinto.Pagkatapos kumatok ng tatlong beses, narinig niya ang boses ni Yolden mula sa kabilang panig ng pinto. “Pasok lang!”Binuksan ni Charlie ang pinto at nakita niyang nakasuot ng disenteng suit si Yolden. Sa pagkakataong ito, nakasuot rin siya ng isang pares ng salamin at nagbabasa siya ng kung anuman mula sa kanyang mesa.Pagkatapos ng ilang segundo, ibinaba ni Yolden ang hawak niyang dokumento. Nagitla siya nang makita niya si Charlie.Agad siyang napabulalas, “Charlie, bakit nandito ka?”Nang makita ni Charlie ang sorpresa sa mukha ni Yolden, agad niyang naunawaan na hindi pa naiintindihan ni Yolden kung ano ang tunay niyang pagkatao
Hindi mapigilang magtaka nang kaunti ni Charlie kaya napatanong siya, “Bakit pakiramdam mo walang halaga ang ginawa mo para sa mga kumpanyang pinagtrabahuan mo? Ngayong nagtuturo ka na, hindi ba tinutulungan mo rin ang university na bumuo ng mga talento? Sa tingin ko, wala namang masyadong pinagkaiba sa dalawa.”Ngumiti nang bahagya si Yolden at matapat siyang sumagot, “Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa mga materyal na bagay. Sa madaling salita, hindi rin ako mahilig sa pera.”Habang nagsasalita, naging emosyonal si Yolden, “Sa totoo lang, wala ng kahit anong halaga ang pera sa akin pagdating sa isang punto ng buhay ko. Matagal nang walang nagbabago sa antas ng pamumuhay ko. Simula nang kumita ako ng $500,000 bawat taon, naging permanente na ang lifestyle ko. Bukod pa roon, sa sumunod na taon, naging $10,000,000 na ang kinikita ko bawat taon. Ganoon pa man, walang nagbago sa buhay ko. Gumastos ako at nagtipid ako na para bang $500,000 pa rin ang sahod ko taunan.”“Kahit hin
Nang makita ni Charlie ang sabik na ekspresyon sa mukha ni Yolden, agad siyang nagpaliwanag, “Pasensya na, Professor Hart, pero hindi ako graduate ng Stanford University.”Hindi mapigilang magtaka ni Yolden, “Kung gano’n, paano mo nalaman na ang redwood tree na nasa sketch ko ang nasa emblem ng Stanford University? Kung hindi malalim ang pagkakaunawa mo sa Stanford University, imposible naman yatang matatandaan mo ang emblem nito, hindi ba?”Hindi itinago n Charlie ang katotohanan at nagpaliwanag siya, “Nag-aral ang nanay ko sa Stanford University dati. Noong bata pa ako, nagkaroon ako ng pagkakataon na samahan siyang bumisita sa Stanford University.”“Iyan pala ang dahilan!” Tumango nang bahagya si Yolden saka siya nagsalita, “Mukhang 27 o 28 ang edad mo. Ibig sabihin halos magkasing edad kami ng nanay mo, tama ba?”Tumango si Charlie, “26 ang edad ko at 54 naman ang nanay ko ngayong taon.”Napaisip si Yolden sa loob ng ilang sandali, “Kung 54 na ang edad niya, mas bata lang siy
“Oo, tama ka!” Tumango si Yolden at emosyonal siyang nagsalita, “Magkaklase kami ng mama mo sa loob ng ilang taon, malapit rin kaming dalawa. Sa totoo lang, habang nililigawan ko ang asawa ko dati, ang mama mo ang tumulong sa akin na i-abot ang love letter ko para sa kanya!”Napatanong si Charlie sa pagtataka, “Professor Hart, pwede mo ba akong kuwentuhan ng tungkol kay mama? Wala akong masyadong alam sa buhay niya bago siya ikinasal kay papa.”Bumuntong hininga si Yolden, “Sikat na sikat ang mama mo sa Stanford University dati! Hindi lamang siya ang nangungunang babaeng Oskian na estudyante sa buong kasaysayan ng Stanford University, pero siya rin ang president ng Stanford Oskian Alumni Association at sponsor rin siya ng Stanford Internet Venture Capital Fund. Marami sa mga top high-tech companies na nasa Silicon Valley ngayon ang nagsimula ng kanilang negosyo sa tulong ng sponsorship ng nanay mo…”Habang nagsasalita, hindi mapigilang mapabuntong hininga ni Yolden at naging mapangl
Habang nagsasalita si Yolden, hindi niya mapigilang malungkot, “Minsan, ganito talaga ang mundo ng matatanda. Sa kabila ng magandang relasyon sa isa’t isa, mahirap pa ring magkita dahil sa malaking distansya at kanya-kanyang buhay. Kahit nga siguro tatlo o limang taon pa, hindi madali para sa amin nila Ashley na makita ang isa’t isa”Sumunod, naging seryoso ang ekspresyon ni Yolden sa kanyang mukha, “Kahit bibihira lang namin makita ng asawa ko ang mama mo, malapit pa rin kami sa kanya at tila ba walang nagbago sa namin. Noong buhay pa ang mama mo, tinuturing namin siyang isang matalik na kaibigan. Nakapanghihinayang nga lang dahil maaga siyang pumanaw. Napakagaling niya pa naman…”Hindi mapigilan ni Charlie na makaramdam ng matinding lungkot sa loob ng kanyang puso nang marinig niya ito.Mula sa mga sinasabi ng mga taong nasa paligid, mataas ang kanilang pagtingin sa mga magulang niya, subalit, sa kasamaang palad, walang masyadong alam si Charlie sa kanila.Sa totoo lang, masyado
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo