Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 2591 - Kabanata 2600

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 2591 - Kabanata 2600

5681 Kabanata

Kabanata 2591

Sa ngayon ay may sapat na pondo si Charlie. Bukod dito, pagmamay-ari niya rin ang Apothecary Pharmaceutical na tuloy-tuloy na kumikita para sa kanya. Kaya, hindi mahirap para sa kanya na magsimula ng ocean shipping business.Kahit na pagtayo ng kumpanya, pagdaong sa pier, o pag rerenta ng kargamento, walang problema si Charlie sa pondo.Pero, ang pinakamahalagang problema ay kung magsisimula siya ng isang napakalaking neosyo, kailangan niyang makakuha ng tauhan na may sapat na abilidad at galing para pamahalaan ang negosyo.Ang unang tao na naisip ni Charlie ay si Doris.Hindi mapagkakaila na sobrang galing ni Doris, at sobrang mapagkakatiwalaan na tao siya.Pero, ang problema ay kailangan ding pamahalaan ni Doris ang Emgrand Group. Kung uutusan niya siya na pangunahan ang ocean shipping business sa parehong oras, natatakot si Charlie na malulunod siya sa trabaho.Pagkatapos itong pag-isipan nang ilang sandali, nagpasya si Charlie na hintayin muan si Doris na makabalik mula sa Ho
Magbasa pa

Kabanata 2592

“Tama!” Nagngalit si Cadfan at sinabi, “Ang Aurous Hill ay bahagi ng saklaw ng impluwensya ng pamilya Wade, at maituturing na teritoryo ito ng pamilya Wade. Kakaiba na nga ang biglaang pagpunta ni Ito Yahiko sa Aurous Hill. Bukod dito, nanatili pa siya sa hotel ng pamilya Wade. Mas mapanganib ito para sa atin.”Tinanong nang nagmamadali ni Sheldon, “Pa, nag-aalala ka ba na pipiliin ng pamilya Ito na makipagtulungan sa pamilya Wade?”“Oo.” Sumagot nang tapat si Cadfan, “Sa ngayon ay nasuspende ang ocean shipping business natin. Kaya, magulo ang buong ocean shipping industry. Sa isang dako, dahil natigil ang ocean shipping business natin, may malaking demand para sa international shipping at patuloy na pagtaas ng presyo ng freight. Sa kabilang dako, karamihan sa mga cargo ship na nirentahan natin ay malapit nang ibalik sa mga may-ari nito. Sa sandaling pinakawalan natin ang mga cargo ship na ito, maglalaban ang mga pamilya at negosyo para makuha ang mga ito. Sa kanil, ang pinakamalakin
Magbasa pa

Kabanata 2593

Sa sandaling natapos si Charlie sa banquet at umalis sa villa ng pamilya Moore, umalis na si Sheldon papuntang Aurous Hill.Para masigurado na makakausap niya si Yahiko sa lalong madaling panahon, inutusan niya ang tauhan niya na magreserba ng kwarto sa hotel ng Shangri-La sa ilalim ng pangalan ng tauhan niya.Alam niya na pagmamay-ari ng pamilya Wade ang Shangri-La, kaya hindi niya pwedeng hayaan na malaman ng pamilya Wade na mananatili siya sa Shangri-La. Sa parehong oras, hindi niya rin pwedeng hayaan ang pamilya Wade na malaman na pupunta siya sa Aurous Hill.Ayon sa plano niya, pagkatapos mag-book ng kwarto ng tauhan niya sa Shangri-La, mag-check in, at matanggap ang room card, hihintayin ng tauhan si Sheldon sa malapit para malampasan ni Sheldon ang check-in process at direkta siyang makapasok sa hotel room.Kahit na kailangan ng hotel na ipakita ng mga bisita ang kanilang valid ID para makapag-book ng kwarto, magagawa lang ang sistema na ito sa taong nag-book at nag-check in
Magbasa pa

Kabanata 2594

Hininto ni Charlie ang kotse sa tabi ng kalsada. Nang makita siya ni Jacob, naramdaman niya na tila ba nakita niya ang tagapagligtas niya, at kumikinang ang mga mata niya sa pag-asa.Pero, sinadya ni Jacob na huwag agad kausapin si Charlie.Sa kabilang dako, nang makita ni Matilda si Charlie, ngumiti siya nang bahagya habang sinabi, “Nandito na si Charlie!”Nang makita ni Charlie si Matilda, na may suot na masikip na sports outfit sa sandaling ito, palihim niyang insip, ‘Ang Tita Hall na ito ay isa ngang idolo para sa karamihan ng mga di gaano katandang lalaki. Paano masasabi na ang kanyang katawan, hitsura, at ugali ay parang isang babae na nasa limampung taong gulang?!’Karamihan sa mga tao ay siguradong maniniwala na nasa tatlumpung taon pa lang siya.Tumango agad si Charlie bago siya ngumiti kay Matilda at sinabi, “Hello, Tita Hall.”Pagkatapos niyang magsalita, sadyang tinanong ni Charlie, “Tita Hall, narinig ko na sinabi ni papa na may sakit ka. Bakit ka lumabas para tumakb
Magbasa pa

Kabanata 2595

Tumingin ang tatlo sa pinagmulan ng boses, at nakita nila ang isang maskuladong di gaano katandang lalaki na may suot nsa sports short at t-shirt habang nag-jogging papunta sa kanila.Hindi napigilan ni Charlie na tumingin sa di gaano katandang lalaki. Nasa 1.8 na metro ang tangkad niya, at may maayos na katawan siya na may mga muscle. Mukhang nasa apatnapung taon pa lang siya.Bukod dito, kaunti lang ang suot niya habang tumatakbo sa malamig na gabi. Kaya, malinaw na may magandang kalusugan ang taong ito.Ang mas bihira pa ay sobrang gwapo ng lalaking ito. May makapal at maikling buhok siya, at mukhang maganda ang istilo niya.Sa sandaling nakita ni Jacob ang lalaking ito, naging mapagbantay agad siya. Pagkatapos suriin ang lalaki mula ulo hanggang paa, hindi niya mapigilan ni Jacob na maramdaman na mas mababa siya.Dahil, isang ordinaryong limampung taong gulang na lalaki lang si Jacob kumpara sa lalaking ito. Hindi siya madalas nag-eehersisyo o sinasanay ang katawan niya, at wa
Magbasa pa

Kabanata 2596

Habang nagsasalita siya, pabirong sinabi ni Yolden, “Siya nga pala, Mr. Wilson, mukhang nasa limampung taon ka na, tama?”“Oo. 50 years na ako.” Sumagot si Jacob habang tumango.Ngumiti si Yolden bago sinabi, “Kung gano’n, hindi mo ako matatawag na binata. Ilang taon akong mas matanda sa iyo. 50 years old na ako ngayong taon.”“Ano?!” Tinanong ni Jacob dahil nagulantang siya. “55 years old ka na ngayon?!”“Oo.” Ngumiti si Yolden habang sinabi, “Ipinagdiwang ko ang 55th birthday ko sa January ngayong taon.”Biglang medyo naging pangit ang ekspresyon sa mukha ni Jacob.Hindi ito dahil sa galit, ngunit dahil sa inferiority complex ni Jacob.Sa una ay akala ni Jacob na nasa 45 years old pa lang si Yolden. Pero, hindi niya talaga inaasahan na mas matanda ng limang taon ang lalaking ito sa kanya!Sa sandaling ito, tumingin si Yolden kay Matilda bago siya tinanong, “Siya nga pala, Matilda, dahil kailangan mauna ni Mr. Wilson dahil nagmamadali siya, ikaw naman? Nagmamadali ka rin bang
Magbasa pa

Kabanata 2597

Habang iniisip niya ang katotohanan na hindi pa siya nakakapunta sa United States, hindi mapigilan ni Jacob na mas kamuhian pa si Elaine sa puso niya.Umupo siya sa co-driver seat habang minura, “Ang p*tang iyon, si Eline, ang sumira sa buong buhay ko! Kung hindi dahil sa kanya, isa akong top student na nagtapos sa isang university sa United States! Marahil ay naging professor din ako na nagtrabaho sa Massachusetts Institute of Technology o kahit isang professor na nagtrabaho sa Harvard sa United States!”Habang nagsasalita siya, patuloy siyang nagreklamo nang galit, “Anong nangyari sa huli? Sa sandaling nagtapos ako sa isang local university, kinasal ako kay Elaine! Hindi ko siya matanggal sa buhay ko hanggang ngayon!”Hindi mapigilan ni Charlie na pagaanin ang loob ni Jacob, “Ayos lang ito, Pa. May mga bagay talaga na hindi mo maiisipan ng maganda. Kahit na hindi ka masaya sa kasal mo ngayon, kahit papaano, sobrang ganda ng kalusugan mo. Kung iisipin mo ito sa ibang pananaw, marah
Magbasa pa

Kabanata 2598

Sa panahong iyon, maraming sikat na tao mula sa Silicon Valley ang sinamahan siya at ang kanyang ina noong binisita nila ang Stanford University. Hindi sila kilala noong una pero ngayon, lahat sila ay kilala na sa ibang bansa.Kung hindi dahil sa aksidente ng mga magulang niya dati, pumunta na si Charlie sa United States para mag-aral muna sa isang university doon. Pagkatapos ng kanyang MBA sa Stanford University, mananatili si Charlie sa Silicon Valley para simulan ang sarili niyang career doon, o marahil ay bumalik siya sa Oskia para tulungan ang kanyang ama sa negosyo ng kanilang pamilya.Sayang at nangyari ang car accident noong walong taong gulang si Charlie at binago nito ang patutunguhan ng buhay niya. Hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon si Charlie na tapusin ang kanyang undergraduate degree.Hindi maiwasang malungkot nang kaunti ni Charlie nang maisip niya ito.Nang makita ni Jacob ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Charlie, hindi niya mapigilang itanong, “Charlie,
Magbasa pa

Kabanata 2599

Kinabukasan ng umaga.Tumigil ang pinakamaagang high-speed strain mula sa Sudbury sa Aurous Hill Railway Station.May isang matandang lalaki at binatang lalaki ang lumabas sa business cabin sa sandaling ito. Ang dalawang tao na ito ay walang iba kundi ang Feng Shui master mula sa United States, si Carvalho, at ang apo niya sa tuhod, si Mason.Pagkatapos lumabas ni Mason sa train, itinaas niya ang kanyang kamay para suportahan si Carvalho habang tinanong niya, “Lolo, nag-divination ka na ba para malaman kung magiging mabuti o masamang biyahe ba ang pagpunta natin sa Aurous Hill?”Kilala ni Mason ang lolo niya. Maraming taon na siyang maingat, kaya, may sarili na siyang gawi. Hangga’t umaalis sila, palagi siyang guguhit ng isang hexagram, para malaman kung mabuti o masama ba ito bago siya umalis.Medyo nag-alangan si Carvalho habang sinabi, “Nagsulat ako ng hexagram sa pagitan ng 3 am at 5 am ng umaga, pero ngayon, sobrang gulo ng hexagram. Ayon sa divination, mukhang 50% na swerte
Magbasa pa

Kabanata 2600

Namula agad ang mukha ng taxi driver, at sinabi niya nang nagmamadali, “Paano kung isang libo’t limang daang dolyar?”Gusto pang tumawad ni Mason sa taxi driver. Pero, tinutulan siya ni Carvalho sa sandaling ito habang sinabi nang walang interes, “Okay. Bibigyan ka namin ng dalawang libong dolyar para sa pagsakay. Mason, bayaran mo.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Mason, “Lolo, kasasabi niya lang na sisingilin niya tayo ng isang libo at limang daang dolyar…”Sinabi nang disidido ni Carvalho, “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo kanina? Bayaran mo siya ng dalawang libong dolyar.”Biglang nanginig si Mason bago siya tumango agad bago nagbilang at naglabas ng dalawampung piraso ng isang daang dolyar na pera sa kanyang wallet at ibinigay ito sa driver.Sa totoo lang, hindi kuripot si Mason, o hindi kayang bayaran ang dalawang libong dolyar. Pero, naramdaman niya lang na hindi niya ito matanggap dahil malinaw na pinagkakakitaan sila ng taxi driver.Pero, nang maisip niya ang sinab
Magbasa pa
PREV
1
...
258259260261262
...
569
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status