Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2571 - Chapter 2580

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2571 - Chapter 2580

5681 Chapters

Kabanata 2571

“Si Charlie?” Narinig ni Jasmine ang tanong ni Nanako at nakita niyang may ekspektasyon mula sa mga mata nito. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaunting emosyon. ‘Mukhang nanunuot sa buto ang nararamdaman ng batang ito para kay Charlie, pero dahil lagi siyang nasa Japan, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa susunod.’Pagkatapos, naisip ni Jasmine ang kanyang sarili at hindi niya mapigilang sikretong laitin ang kanyang sarili. ‘Sa puntong ito, ano ba ang pinagkaiba ko sa kanya? Kahit nakatira kami ni Charlie sa parehong lugar, kasal pa rin siya at hindi madali para sa akin na makipagkita sa kanya.’Nang maalala ito, bumuntong hininga si Jasmine saka siya tumugon, “Hindi ko masyadong nakikita si Charlie ngayong mga araw. Huli ko siyang nakita sa salo-salo sa bahay nila Aurora.”Tumango si Nanako at tila ba dismayado siya. Sumunod, bumuntong hininga siya, “Naku, mukhang wala yata akong pagkakataon na makita si Charlie-kun ngayon…”Napatanong si Jasmine sa sorpresa, “Hindi mo
Read more

Kabanata 2572

Ganoon pa man, walang binanggit na kahit ano si Jasmine kaya hindi ipinakita ni Charlie na alam niya na ang sitwasyon. Nagpanggap na lamang siyang nagtataka, “Bakit bigla mo akong gustong imbitahing maghapunan?”Sumagot si Jasmine, “Sabi ni Lolo hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na imbitahan ka sa bahay ngayong mga araw, sinabihan niya akong tanungin ka kung may oras ka para kumain dito sa amin mamaya.”Hindi inaasahan ni Charlie na sasabihin ni Jasmine na si Lord Moore ang nag-imbita sa kanya para kumain ng hapunan. Hindi binanggit ni Jasmine si Nanako kaya nagkaroon siya ng hula na gusto siyang sorpresahin ni Nanako.Nang maalala niya ang maganda, banayad, at tahimik na Yamato Nadeshiko, biglang nagkaroon ng pangungulila si Charlie sa loob ng kanyang puso. Hindi niya mapigilang maalala ang eksena sa Kyoto habang naglalakad silang dalawa sa nyebe.Pagkatapos ng ilang sandali, nagpanggap pa rin si Charlie na wala siyang alam, “Dahil inimbitahan ako ni Lord Moore, hindi ako makaka
Read more

Kabanata 2573

Nang marinig ang mga salita ni Jacob, nagulantang si Charlie.‘Kailan ako nangako sa kanya na sasamahan ko siya sa hapunan niya sa Calligraphy and Painting Association?’Habang nagtataka, biglang nakita ni Charlie ang kindat ni Jacob sa kanya, “Charlie, bakit nakasuot ka pa ng apron? Magbihis ka na! Kung hindi, mahuhuli tayo sa lakas!”Sa pagkakataong ito, nagtanong si Elaine, “Jacob, wala ka namang ginagawa sa Calligraphy and Painting Association, bakit mo pa isasama ang manugang natin? Kailan pa siya nagkaroon ng oras na samahan ka sa mga lakad mo?”Napakurba ang labi ni Jacob, “Ano naman ang alam mo? Kilala ni Charlie si Albert. Sikat na sikat si Albert sa buong Aurous Hill. Siguradong hindi ipapahiya ni Mr. Bay si Albert. Nagkataong magbabago na ang top management ng Association ngayon. Gusto ko sanang irekomenda ako ni Mr. Bay na maging vice president. Kapag nangyari ito, ako na ang magiging second in command ng Calligraphy at Painting Association!”Sumagot si Elaine habang m
Read more

Kabanata 2574

Tumango si Charlie saka siya pumunta sa kanyang kwarto para magpalit ng damit. Sumunod, tumungo na siya sag arahe. Nakita niyang masigasig siyang hinihintay ni Jacob sa passenger seat.Pumasok si Charlie sa loob ng kotse saka siya nagtanong, “Papa, talagang maghahapunan kayo ni Mr. Bay ngayong gabi?”Kumaway si Jacob. “Hindi, wala akong intensyon na makasama siyang kumain. Walang ibang alam ang lalaking iyon kundi paulanan ako ng papuri, halatang gusto niyang sumisip. Nababagot na ako sa ganyang estilo, tinatamad akong makipag-usap sa kanya.”Muling nagtanong si Charlie, “Kung gano’n, ano pala ang gagawin niyo ngayon?”Agad na tumugon si Jacob, “Ngayon lang, sinabihan ako ng Aunt Matilda mo sa WhatsApp na mukhang may sakit siya. Nagkataong nasa business trip si Paul. Mag-isa lang si Matilda at walang nag-aalaga sa kanya. Naisip ko sanang bilhan siya ng gamot at pagkain.”Nagulantang si Charlie, “Pupunta kayo sa bahay ni Aunt Matilda?”“Oo.” Tumango si Jacob at napabulalas siya, “
Read more

Kabanata 2575

Nang magmaneho si Charlie paalis, lalo pang hindi mapakali si Jacob at tila ba nauubusan na siya ng pasensya.Sa totoo lang, simulan nang banggitin ni Matilda sa kanya na babalik na siya ng Oskia, napuno ang kanyang puso ng galak.Pagbalik ni Matilda sa Oskia, muling nabuhay ang damdamin na matagal niya nang itinatago sa loob ng kanyang puso.Sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong dekada, ang pagbabalik ni Matilda ang pinakamasayang pagkakataon ng kanyang buhay. Lalo na habang magkasama silang nagluluto sa bahay niya. Sa pagkakataong iyon, magkayakap silang dalawa.Subalit, matinong tao si Matilda. Alam niyang hindi pa hiwalay si Jacob at Elaine, kaya lagi niyang pinapanatiling makatuwiran ang kanyang sarili. Hindi siya gumagawa ng kahit anong magpapatindi ng damdamin ni Jacob.Hindi mapigilang madismaya ni Jacob dito, pero hindi siya makahanap ng tamang tiyempo para umusad sa kanilang relasyon.Kahit walang kuwenta si Jacob sa kanyang buong buhay, kahit papaano, normal na lalak
Read more

Kabanata 2576

Tumugon si Matilda, “Nasukat ko na ang temperatura ko, 39.2 degrees Celsius ang lagnat ko. Uminom na rin ako ng gamot pero mukhang hindi pa ito umeepekto.”Nang marinig ni Jacob kung gaano kataas ang lagnat ni Matilda, para bang nawawasak ang kanyang puso. Agad siyang yumuko para itapat ang kanyang noo sa noo ni Matilda. Pagkatapos ng ilang sandali, napabulalas si Jacob, “Masyadong mainit ang noo mo. Bakit hindi ka muna umupo sa sopa, dadalhan kita ng basang pamunas.”Nahihiyang nagsalita si Matilda, “Pasensya na talaga sa abala, Jacob…”Taimtim na tumugon si Jacob, “Bakit ba ang pormal mo sa akin? Natatandaaan mo ba dati, sa university, nagkalagnat ako habang nasa dorm at hindi ako nakapasok sa klase? Hindi ka na rin pumasok at inalagaan mo ako buong araw.”Nang marinig ito ni Matilda, tumindi ang hiya sa kanyang ekspresyon.Natural na naaalala ni Matilda ang binanggit ni Jacob.Dahil sa pagkakataong iyon, higit pa sa pagkakasakit ni Jacob ang nangyari. May iba pang bagay na nan
Read more

Kabanata 2577

“Oo nga pala!” Kahit nakaramdam ng dismaya si Jacob, nagpanggap pa rin na para bang bigla siyang may napagtanto. Kinamot niya ang kanyang ulo at napabulalas siya, “Naku, kung ano-ano ang naaalala ko, may mga mas mahalagang bagay pa akong kailangang gawin!”Agad siyang nagsalita, “Matilda, umupo ka lang diyan at hintayin mo ako. Kukuha ako ng basang pamunas!”Agad na tumugin si Matilda, “May banyo sa first floor. Lumiko ka lang sa kaliwa.”“Sige!”Nang makitang tumalikod na si Jacob at tumungo ito sa banyo, nakaramdam na ng panatag si Matilda.Sa totoo lang, malinaw ang layunin ni Jacob.Kung tutuusin, hindi lamang si Jacob ang first love niya, pero ito rin ang nag-iisang lalaki na minahal niya nang matindi sa buong buhay niya. Kaya, natural lang na magkaroon siya ng mga pantasya at ekspektasyon kay Jacob.Subalit, nakatanggap si Matilda ng mataas na edukasyon at disente siyang tao.Alam niyang hindi pa naghihiwalay si Jacob at Elaine, masasabing opisyal pa rin ang kasal nila. M
Read more

Kabanata 2578

Ngumiti si Jacob, “Bakit mo naman ako pinapasalamatan? Hindi ba ginawa mo rin ang bagay na ito dati?”Nang marinig ang mga sinabi ni Jacob, lalo pang namula ang mukha ni Matilda.Bumulong siya, “Nakaraan na ang mga bagay na iyan… Hindi mo na dapat ito banggitin pa…”“Imposible!”Emosyonal na nagsalita si Jacob, “Hindi ko makakalimutan ang nangyari sa araw na iyon kahit mamatay ako. Pagkatapos ng ilang taon, may gusto akong sabihin sa’yo. Hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataon. Ngayong may oportunidad na tayo, ayaw mo pa rin akong hayaan na sabihing…”Tila ba nawawalan ng pag-asa si Matilda, “Hindi kita pinipigilang magsalita… hindi… hindi ko lang…”Hindi alam ni Matilda kung paano magpapatuloy sa usapang ito. Kaya, bumuntong hininga na lamang siya saka siya nagsalita, “Napapaisip ako… kung gabi na at naririto ka, hindi ba bibigat ang loob ni Elaine kapag nalaman niya ito? Bakit hindi pa umuwi? Huwag na nating pag-alalahanin si Elaine.”Nang marinig ni Jacob ang pangalan ni Elai
Read more

Kabanata 2579

Nang makitang pinayagan siya ni Matilda na dalhin siya sa kwarto, nakaramdam ng tuwa at pananabik si Jacob.Simula nang bumalik si Matilda sa Oskia, matagal nang hinihintay ni Jacob ang pagkakataon na buhayin ang mga dati nilang alaala. Sa wakas, magsisimula na rin ang oportunidad na iyon ngayon.Sa normal na sitwasyon, maganda, karespe-respeto, at hindi umaasa sa iba si Matilda. Hindi madaling lapitan ang ganitong klase ng babae.Subalit, alam ni Jacob na kahit gaano pa katibay ang puso ng isang babae, manghihina pa rin ito sa mga pagkakataong may sakit siya.Sa sitwasyon ngayon, kahit gaano pa katatag si Matilda, siguradong bababa ang kanyang depensa.Tinulungan ni Jacob si Matilda para makarating sa elevator at sa 3rd floor ng villa.Pagkatapos ituro ni Matilda kung nasaan ang kwarto niya at dalhin siya roon ni Jacob, humiga siya sa kama.Sumunod, nilagyan ni Jacob ng dalawang unan ang likod ni Matilda para makasandal ito nang maayos habang nakaupo sa kama.Ganoon din, nagsa
Read more

Kabanata 2580

Nang mabanggit ito, agad na kumuha si Jacob ng isa pang kutsara ng millet porridge para isubo ito kay Matilda.Walang ganang kumain si Matilda, pero nang maisip niya na makakatulong ito para bumalik ang kanyang lakas at masustansya ito para sa tiyan niya, pinuwersa niya ang kanyang bibig na lunukin ito.Ang ikinasorpresa ni Matilda, nang bumaba ang millet porridge sa kanyang tiyan, nakaramdam siya ng isang kakaibang daloy ng init. Agad itong nalusaw sa kanyang tiyan at kumalat ito sa buong katawan niya.Pambihira ang ganitong mainit na pakiramdam para kay Matilda na nakaramdam ng lamig sa buong pagkakataon. Gumaan ang kanyang pakiramdam agad. Hindi niya mapigilang magbigay ng papuri, “Jacob, madali ngang kainin ang millet porridge na ito!”Ngumiti si Jacob, “Oo naman! Marami akong napag-aralan tungkol kalusugan ng tao! Dati, habang nasa United States ka, sigurado akong naging western ang lifestyle mo. Marunong silang gumawa ng mga medisina, pero sigurado akong hindi nila nauunawaan
Read more
PREV
1
...
256257258259260
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status