Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2551 - Chapter 2560

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2551 - Chapter 2560

5681 Chapters

Kabanata 2551

Nang makita ni Isaac na mukhang walang paki si Charlie sa bagay na ito, hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba, “Young Master, kahit nawawala ang nanay at kapatid ni Jaime, ang lakas pa rin ng loob niyang manligaw kay Miss Quinn. Ibig sabihin wala siyang pusong tao! Hindi makatarungan kung mapupunta ang isang mabuting binibining gaya ni Miss Quinn sa isang lalaking kagaya niya! Sa ganitong kaso, hindi lamang kawalan ito kay Miss Quinn, pero marami ring mawawala sa’yo?!”Umubo nang dalawang beses si Charlie saka siya tumugon, “Huwag ka nang mag-alala sa mga ganyang bagay. Kasal na ako. May kalayaan si Nana na piliin ang lalaking gusto niyang makasama. Wala tayong karapatan na mag-alala sa kanya.”Pagkatapos itong sabihin, hindi mapigilan ni Charlie na makaramdam ng kaunting pag-aalala sa loob ng kanyang puso.Sa parehong pagkakataon, nasorpresa si Charlie na sumasang-ayon siya sa sinabi ni Isaac.Gaya ng sabi nito, kung may lakas loob si Jaime na ligawan si Quinn sa kritikal na pa
Read more

Kabanata 2552

Tumugon si Sheldon, “Ayon sa shipping department, dahil raw bumagsak ang reputasyon natin sa ibang bansa. Kaya, hindi natin nakuha ang overall score na kailangan para hindi tayo maalisan ng lisensya. Sa ngayon, kailangan nila ng rectifications. Bago matapos ang rectification process, hindi nila tayo papayagang magpatuloy sa coean shipping business natin pansamantala.”Nagulantang si Cadfan, “Paano naman nangyari ang bagay na iyan? Sinabi ba nila sa atin kung gaano katagal ang rectification process?”Umiling si Sheldon, “Walang time limit para sa rectification process. Sabi lang nila na simulan na agad natin ang proseso agad-agad. Pagkatapos, saka nila sisimulan ang review. Kapag naging maayos ang takbo ng review, ibabalik nila ang shipping license natin.”Napahiyaw si Cadfan, “Hindi ba mas lalo lang nilang pinapalala ang sitwasyon natin ngayon?! Ang ocean shipping business ang pinakamabilis na umunlad sa lahat ng negosyo ng Schulz Group sa nakalipas na dalawang taon. Bukod pa roon,
Read more

Kabanata 2553

“Ang pamilya Ito?!”Nang marinig ni Cadfan ang mga salitang ito, agad siyang napamura nang malamig ang tono, “Lintik naman! Hindi karapat-dapat ang tarantadong si Yahiko. Noong pumipili kami sa pagitan ng pamilya Ito at pamilya Takahashi dati, wala siyang ibang alam gawin kundi makisipsip sa amin! Ngayong tapos na ang pamilya Matsumoto at Takahashi, bigla na lang siyang naging makapangyarihan! Hindi kapani-paniwala ang bagay na ito!”Sa kasalukuyan, isa ang ocean shipping industry sa pinakamalagong industriya sa larangan ng pagnenegosyo. Kung tutungo ang isang malaking container ship sa Europe o America nang full load, magkakahalaga ang isang container freight ng 20 hanggang 30 libong dolyar bawat isa. Sa isang punta lang, mapagkakakitaan ang buong container ship ng ilang milyong dolyar.Ang pamilya Schulz ang may-ari ng pinakamalaking transportation fleet sa Oskia. Hangga’t tumatakbo ang mga barko nila, kikita sila ng ilang milyon nang walang kahirap-hirap. Kaya, para sa kanila, it
Read more

Kabanata 2554

Nakangiwing sumagot si Sheldon, “Papa, nakarating na si Jaime ng Aurous Hill. Kung magbabago tayo ng isip ngayon, siguradong magiging malaki ang pinsala nito sa kanyang motibasyon. Matapos ang lahat, tunay ang nararamdaman niya para kay Quinn Golding.”“Hm…” Napatikom ng bibig si Cadfan saka siya muling nagsalita, “Sabihan mo lang si Jaime na ipagpatuloy ang panliligaw niya kay Quinn Golding. Sa parehong pagkakataon, kausapin mo si Ito Yahiko, pwede ka ring gumawa ng appointment kasama si Ito Nanako para direkta nating malaman kung handa ba silang makaharap tayo nang personal. Sa pinakamalalang sitwasyon, pwede natin silang bigyan ng malaking bahagdan ng kita. Basta ba handa silang gumawa ng joint-venture kasama tayo, bibigyan natin sila ng 20% ng total shares at profits mula sa joint-venture.”Tumango si Sheldon saka siya sumagot, “Papa, kakausapin ko muan ang pamilya Ito. Kung posible, gagawa agad ako ng appointment sa lalong madaling panahon.”“Sige!”***Sa pagkakataong ito. S
Read more

Kabanata 2555

Nang makita ni Kurenai na sinusubukan ni Nanako na pagtakpan ang buong bagay, napabuntong hininga na lang siya, “Miss Nanako, kung lalagyan kita ng salamin sa harap ng mukha mo, mauunawaan mong hindi ka magaling magsinungaling!”Namula sa hiya ang mukha ni Nanako at agad siyang nagsalita habang nauutal, “Hindi ko talaga… Hindi ko… Hindi…”“Oo na, oo na….” sambit ni Kurenai, “Miss Nanako, hindi niyo lang ako assistant, kaya hindi mo na kailangang pagsumikapan na magsinungaling sa akin. Pero, umaasa akong hindi ka magiging ganyan sa harap ni Charlie… galingan mo namang umarte…”Hindi maitago ni Nanako ang kanyang hiya, “Pasensya na Kurenai, sa totoo lang…”Habang nagsasalita, biglang naubusan ng sasabihin si Nanako. Bumuntong hininga na lamang siya, “Hay. Ayaw ko nang pag-usapan ang bagay na ito. Maraming salamat sa paalala mo. Pakitulungan na lang ako na ilagay si Momotaro sa airbox. Huwag mong kalimutan na painumin ito ng tubig. Sasakay na kami ng helicopter mamaya-maya para pumunt
Read more

Kabanata 2556

Pero, may sariling inaalala rin si Kurenai.Nag-aalala siya na masyadong mag-eenjoy si Nanako at makakalimutan ang lahat kapag nakita niya ang lalaking mahal niya pagdating sa Aurous Hill.Maraming tao, lalo na ang mga magagaling na tao, ay madalas nawawalan ng sigla at pagsisikap sa buhay dahil sa taong mahal nila.Kaya, natatakot din si Kurenai na ayaw nang bumalik ni Nanako sa Japan pagkatapos pumunta sa Aurous Hill.Gayunpaman, hindi nangahas si Kurenai na ipahayag ang pag-aalala niya dahil natatakot siya na mag-iiwan siya ng psychological hint kay Nanako sa sandaling sinabi niya ito. Kaya, sinabi niya, “Miss Nanako, aayusin ko na muna si Momotaro. Pagkatapos nito, pupuntahan ulit kita kapag handa na ako.”Tumingin si Nanako sa oras bago sinabi, “Hindi mo na kailangan na pumunta ulit dito. Aalis na ang helicopter sa loob ng dalawampung minuto. Magkita na lang tayo sa tarmac.”“Okay, Miss Nanako! Mauuna na ako doon!”Pagkatapos umalis ni Kurenai, si Yahiko, ang ama ni Nanako,
Read more

Kabanata 2557

Dahil gusto dalhin ni Yahiko ang tapat niyang tauhan, si Tanaka, at ang kapatid niya, si Emi, sa Aurous Hill, nagmamadaling inantala ni Nanako ang oras ng flight nila. Sa parehong oras, kinansela niya rin ang plano niya na sumakay sa helicopter papuntang airport.Hindi komportable at madali para kina Yahiko at Hiroshi, na naputulan ng paa, na sumakay sa helicopter. Kaya, nag-ayos si Nanako ng isang armada ng mga kotse para ipadala sila sa airport, at dinala niya rin ang mga assistant at katulong na kailangan nila papunta sa Aurous Hill. Halos sampu silang pumunta sa Tokyo Airport gamit ang kotse.Para maalagaan ang kanyang ama, sumakay si Nanako sa kotse kung nasaan si Yahiko. Habang papunta ang kotse sa airport, sabik na sabik na si Nanako.Nang maisip ni Nanako na darating siya sa Aurous Hill kung saan nakatira si Charlie sa loob ng ilang oras, gusto agad tumawag ni Nanako at sabihin kay Charlie ang balita na ito.Pero, ayaw ni Nanako na maging malinaw at halata ang layunin niya
Read more

Kabanata 2558

Nagpaliwanag nang detalyado si Kurenai. “Miss Nanako, binawi ang shipping license ng pamilya Schulz dahil sa sakuna na nangyari sa Oskia. Ngayon, marami silang transport ship na nakatambay lang sa mga port. Hindi sila kumikita. Balak nilang magtayo ng joint venture company kasama tayo. Pero, hindi natin kailangan mag-ambag sa partnership na ito. Kailangan lang natin silang tulungan na makakuha ng shipping license sa Japan, at sila na ang bahala sa lahat. Handa rin silang bigyan tayo ng 20% ng mga kita sa joint venture.”Hindi maiwasang itanong ni Nanako sa sorpresa, “Balak nilang bigyan tayo ng 20% nang gano’n lang?! Mapagbigay ba talaga ang pamilya Schulz?”Sinabi ni Kurenai, “Iyon ang sinabi ni Sheldon Schulz sa tawag. Sinabi niya rin na mapag-uusapan pa ang mga termino sa mga espisipikong bahagi ng kita. Sa tingin ko ay walang masasabi ang pamilya Schulz kahit na humingi tayo ng 30% sa kita.”Nanahimik saglit si Nanako bago sinabi, “Kurenai, huwag mo muna siyang sagutin tungkol d
Read more

Kabanata 2559

Nang matanggap ni Donald ang pabatid ni Arrington, naging sabik na sabik agad siya.Noon pa man ay nag-aalala na siya nang sobra sa bunso niya, sa kondisyon ni Kian. Pero, alam niya rin na hindi gagamutin pansamantala ni Charlie ang kanyang bunso. Kaya, ngayong inimbita ni Lord Schulz ang isang top Feng Shui at metaphysic master dito, naging sabik si Donald. Umaasa siya na matutulungan siya ng top master na ito na ayusin ang buhol sa kanyang puso.Kaya, sinabi niya agad kay Arrington, “Salamat sa pagsabi, Mr. Arrington. Dadalhin ko agad diya ang bunso ko para masuri ni Master Mason at malaman ang mali sa kanya!”Nang marinig ni Arrington ang mga salitang ito, sinabi niya nang nagmamadali, “Hindi, hindi, hindi! Huwag mong gawin iyon! Kailangan kumain ng gano’ng bagay ang anak mo kada oras, tama? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Master Mason kabag bigla niyang nakita ang ganitong eksena. Mas mabuting pumunta ka muna dito nang mag-isa. Pagkatapos nito, ipaliwanag mo nang
Read more

Kabanata 2560

Umupo si Donald nang medyo nag-aalangan sa sofa. Nainis siya habang inisip, ‘P*ta! Isa lang siyang aso, at nangahas talaga siya na maging mapagmataas sa harap ko?! Ang dami niyang sinabi sa mayabang na paraan, epro hindi niya man lang ako binigyan ng isang baso ng tubig. Isang put*ng inang g*go!”Makalipas ang kalahating oras.Isang convoy ng ilang Rolls-Royce ang pumasok sa main gate ng lakeside villa.Sila Cadfan, Sheldon, at Arrington ay naghihintay na sa entrance. Sa sandaling huminto ang convoy, si Sheldon mismo ang umabante para buksan ang likod na pinto ng pangalawang Rolls-Royce.Isang matandang lalaki na may puting buhok ang nakaupo sa likod ng kotse.Ang lalaking ito ay mahigit sampung taong gulang na, pero mukhang sobrang lakas niya pa rin, at hindi siya mukhang isang sobrang tandang lalaki.Si Sheldon, na nasa limampung taong gulang na, ay tumingin sa matandang lalaki sa harap niya bago sinabi nang magalang, “Hello, Lolo Mason! Matagal na noong huli kitang nakita!”B
Read more
PREV
1
...
254255256257258
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status