Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2531 - Chapter 2540

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2531 - Chapter 2540

5681 Chapters

Kabanata 2531

Sa opinyon ni Charlie, dahil kritikal na krisis ang kaharap ng pamilya Schulz, kasama na ang katotohanan na isinasantabi sila ng mga tao sa buong bansa, kailangan nilang humingi ng tulong sa panig nila.Bukod dito, nagkataon na pumunta si Cadfan sa Sudbury. Kaya, hula ni Charlie na malaki ang posibilidad na magkukusa si Cadfan na lapitan si Donald para gawin siyang utusan ng pamilya Schulz.Ang mga tao tulad ni DDonald ay walang halaga sa mga mata ng pamilya Schulz dati. Kahit na pumunta si Donald sa Eastcliff at hiniling na makipagkita sa pamilya Schulz, hinding-hindi siya hahayaan ni Cadfan na makipagkita sa kanya.Pero, iba na ang mga bagay-bagay ngayon.Nag-iisa at wala nang magawa ang pamilya Schulz. Kaya, kailangan nilang subukan na magkaroon ng maraming kakampi hangga’t maaari kahit na sa Eastcliff o Sudbury pa ito.Kaya, gusto ni Charlie na maging spy niya si Donald para malaman niya ang mga plano ni Cadfan.Nang marinig ito ni Donald, naintindihan niya agad ang ibig sabi
Read more

Kabanata 2532

Sa sandaling ito, si Sean, na hindi nangahas magsalita habang nakatayo siya sa tabi ni Donald, ay hindi maiwasang masabik nang sobra.Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Syempre, magagamot ko sila. Pero, sasabihin ko ngayon na kahit na tulungan mo ako nang mabuti ngayon, isa lang sa anak mo ang magagamot ko.”Sa sandaling sinabi ni Charlie ang mga ito, may medyo nadismayang ekspresyon si Donald sa kanyang mukha. Inisip niya agad, ‘Kaya niya lang gamutin ang isa sa mga naak ko?! Malinaw na gusto ni Charlie na gamitin ang mga anak ko bilang plano para siguraduhin na makontrol ako!’Pero, kahit ano pa, mas mabuti sa kanya na magamot ang isa sa mga anak niya kaysa sa wala.Naaawa talaga siya nang sobra sa bunsong anak na lalaki niya. Kaya, kung may pagkakataon na gamutin ang sakit ng bunsong anak niya, mapapawi niya ang isa sa pinakamalaking pagsisisi niya.Kaya, sumang-ayon agad si Donald sa hiling ni Charlie habang sinabi, “Master Wade, makasisiguro ka na gagawin ko ang lahat ng maka
Read more

Kabanata 2533

Agad naantig si Donald sa mga sinabi ni Sean.Bilang isang ama, nararamdaman niya na ang kanyang bunso, si Kian, ay mas nakakaawa.Pero, bilang pinuno ng pamilya, napagtanto niya na kung may pagkakataon siyang gamutin ang isa sa kanila, mas mabuting desisyon na gamutin ang kanyang panganay, si Sean.‘Tulad ng sinabi ni Sean, may malalim na impresyon na ang nangyari kay Kian sa mga tao sa buong bansa. Masasabi na hindi ito malilimutan ng lahat.”‘Kaya, kahit na may pagkakataon akong gamutin si Kian at ibalik siya sa normal na kalagayan niya, basta’t lilitaw siya sa paningin ng publiko, siguradong maaalala nila ang nangyari sa kanya…’‘Dahil, kahit na nagamot na siya, hindi posible sa kanya na maglibot at ipaliwanag sa iba na hindi na niya kakainin ang ganitong bagay sa hinaharap…’Sa sandaling naintindihan niya ito, nagpasya si Donald na tanggapin ang alok ni Sean.Kaya, sinabi niya, “Sean, basta’t matatapos natin ito at masisiguro natin na kuntento si Charlie, ipapagamot muna na
Read more

Kabanata 2534

Sumagot nang tapat ang butler, “Lord Schulz, lumalawak pa rin nang sobra ang impluwensya ng video. Unti-unti na itong kumakalat sa ibang bansa mula dito. Ang kabuuang opinyon ng publiko tungkol dito ay sobrang nakapipinsala sa pamilya Schulz.”“At saka, sinubukan ka nang tawagan nang sampung beses ni Jefferson mula sa pamilya Dunn. Hindi ako nangahas na sagutin ang tawag niya…”“Ilang pinuno na rin sa Eastcliff ang tumawag sa atin para tanungin tayo tungkol dito. Galit na galit silang lahat tungkol dito, at gusto nilang bigyan sila ng pamilya Schulz ng malinaw na paliwanag at solusyon para dito. Binigyan ko sila ng palusot na pansamantalang maaantala ito dahil may sakit ka ngayon. Pero, gusto nilang magbigay ka ng malinaw na pahayag tungkol dito sa loob ng dalawampu’t apat na oras…”Hindi maiwasang bumuntong hininga ni Cadfan habang nagngalit siya at sinabi, “Dahil pagmamay-ari ng pamilya Wade ang video platform, talagang imposible para sa atin na gamitin ang kahit anong public rela
Read more

Kabanata 2535

Para makuha ang tiwala ni Donald, sinabihan ni Cadfan ang kanyang butler na magdala ng ilang regalo kapag binisita niya ang pamilya Webb.Ang chief butler ng pamilya Schulz ay may parehong kwalipikasyon at katayuan ni Stephen, at marahil ay mas makapangyarihan pa siya kung ikukumpara. Bukod dito, hindi lang nirerepresenta ng chief butler ang sarili niya, ngunit nirerepresenta niya ang pinuno ng pamilya Schulz, si Cadfan. Kaya, ang pag-utos ni Cadfan sa chief butler na bisitahin nang personal si Donald ay nagbibigay na ng malaking respeto sa pamilya Webb.Pinahahalagahan nang sobra ni Cadfan na makuha ang tiwala ng pamilya Webb. Iyon ang dahilan kung bakit niya mismo pinadala ang chief butler para bisitahin sila sa ngalan niya.Alam din ni Cadfan na kinamumuhian na siya ng lahat ng tao ngayon. Kaya, imposible para sa kanya na bumalik sa Eastcliff sa maikling panahon.Kaya, kailangang handa siya na manatili nang matagal sa Sudbury.Naramdaman niya na ang pangyayaring ito ay katulad
Read more

Kabanata 2536

Maliban sa pagiging proteksyon, magagamit rin ang will bilang family insurance.Madalas, nag-aalala ang mga ancient emperors na magiging maloko at makasarili ang mga tagapagmana nila. Baka itapon lang nito ang mga biyaya ng bansa nang walang iniiwan para sa mga susunod na henerasyon.Para naman sa mga modernong mararangyang pamilya, natatakot rin silang maging hangal ang kanilang mga anak na siyang sisira sa kanilang kayamanan.Kaya, madalas na gumagawa ng trust fund ang mga head ng pamilya. Sa ganitong paraan, kung walang karapat-dapat sa mga supling nila na magmana ng pamilya, iaabot na lang ng head ang assets at properties ng pamilya sa trust fund para masigurong mabubuhay pa rin nang maayos ang kanyang mga pamilya sa hinaharap. Sa madaling salita, magkakaroon pa rin sila ng pera na gagastusin at hindi mawawala sa kanila ang property.Bukod pa roon, para bang magkakaroon ng patakaran na kapag mas marami ang supling mo, mas marami ang makukuha mong living allowance. Mas madaling
Read more

Kabanata 2537

Darating ang private jet ni Sheldon sa airport ng Sudbury sa ganap na alas kwatro ng tanghali.Nang makita ni Sheldon na malapit na sila sa Sudbury Airport, agad niyang ginamit ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang anak na si Jaime.Sa pagkakataong ito, nakapagmaneho na si Jaime papunta ng Sudbury Airport. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa parking lot at naghintay lamang siya sa loob ng kotse ng balita mula sa kanyang ama.Nang makita niyang tinatawagan siya ni Sheldon, agad niyang sinagot ang tawag saka siya nagtanong, “Papa, nasaan ka na?”Sumagot si Sheldon, “Lalapag na ang eroplano ko sa loob ng 20 minuto. Nandiyan ka na ba?”“Nandito na ako.” Sagot ni Jaime, “Sabihan mo na lang ako kapag tapos ka na sa customs. Susunduin agad kita.”“Sige!” Pinaalalahanan ni Sheldon ang kanyang anak, “Huwag mong kalimutan na magsuot ng sunglasses at mask. Sensitibo pa naman at kritikal ang sitwasyon ng pamilya Schulz ngayon. Hindi natin pwedeng ipaalam sa publiko na nasa Sudbur
Read more

Kabanata 2538

Seryosong nagsalita si Sheldon, “Magandang oportunidad ang insidenteng nangyari sa mama mo at kay Sophie. Makikita naman ng kahit sinong matalas ang mata na may pumupuntirya sa pamilya natin. Bukod pa roon, magaling ang kalaban natin at mukhang napagplanuhan niya nang matagal ang atake niya sa atin. Kung matutulungan natin ang lolo mo na mailantad ang salarin sa likod ng mga aksidente, maaalis natin ang lahat ng banta sa pamilya Schulz at siguradong mapapabilib natin ang lolo mo!”Ganoon din, nagdagdag si Sheldon, “Kailangan mong tandaan na kasalukuyang tampulan ng lait at kahihiyan ang lolo mo ngayon, imposible para sa kanya na malinis ang pangalan niya hanggang sa araw na mamatay siya!”“Kaya, kailangan nating masiguro na matutuwa siya sa atin at lagi tayong magiging magalang sa kanya nang hindi hinahamon ang kanyang awtoridad bilang head ng pamilya hanggang sa pumanaw siya.”“Kung iyan ang kaso, siguradong ipapasa niya ang posisyon ng pagiging head ng pamilya Schulz sa akin bago
Read more

Kabanata 2539

Naantig si Cadfan sa loob ng kanyang puso nang marinig niya ang mga salita ni Sheldon.Kahit si Cadfan ang naunang humingi ng tawad kay Sheldon at Jaime tungkol sa nangyari kay Helen at Sophie pagdating ng dalawa, sa loob ng kanyang puso, ayaw niyang pag-usapan ang isyung ito.Kaya, nang si Sheldon ang magpalit ng paksa ng usapan, hindi inaasahang natupad niya ang mga kahilingan ni Cadfan.Agad na nagsalita si Cadfan, “Sheldon, tama ka. Kailangan nating magtulungan para mahanap natin ang salarin sa likod ng mga sakunang ito!”Sumunod, tinuloy ni Cadfan ang usapan, “Sheldon, sino kaya ang posibleng kumokontra sa atin?”Tumugon si Sheldon, “Papa, pakiramdam ko talaga may kinalaman sa pamilya Wade ang bagay na ito, pero wala akong ebidensya na direktang nagtuturo sa kanila. Wala akong patunay na sila ang salaring nasa likod nito. May mga espekulasyon lang ako sa pamilya Wade. Pakiramdam ko bahagi sila nito dahil sila ang may-ari ng short video platform kung saan sumabog ang iskandalo
Read more

Kabanata 2540

Nang marinig ito ni Sheldon, hindi niya namalayang nagsalita siya, “Papa, misteryosong lugar ang Aurous Hill! Biglang nawala si Steven doon. Kung pupunta si Jaime roon para magpakitang gilas, natatakot akong…”Kumaway si Cadfan at nagsalita siya, “Hindi mo kailangang matakot! Madalas naman hindi mali ang mga hula ko! Kailangan nating pagtuunan ng atensyon ang bagay na ito! Dapat nating mailabas sa lungga ang lalaking iyon.”Hindi mapigilang makaramdam ng halo-halong emosyon si Sheldon.Hindi niya pa rin alam kung nasaan si Sophie, hindi rin niya masiguro kung buhay pa ito o hindi. Kaya, hindi mapigilang mag-alangan ni Sheldon na paalisin si Jaime at ilagay ang kanyang sarili sa peligro para pumunta ng Aurous Hill ngayon.Ang dahilan kung bakit nadukot si Steven ay dahil magarbo at nagpakitang gilas siya pagdating niya sa Aurous Hill.Kung sa ganitong paraan rin darating si Jaime sa Aurous Hill, 80% ang tsansa na magiging pareho ang kahahantungan ni Jaime kay Steven.Ang iisang po
Read more
PREV
1
...
252253254255256
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status