Sa sandaling ito, si Sean, na hindi nangahas magsalita habang nakatayo siya sa tabi ni Donald, ay hindi maiwasang masabik nang sobra.Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Syempre, magagamot ko sila. Pero, sasabihin ko ngayon na kahit na tulungan mo ako nang mabuti ngayon, isa lang sa anak mo ang magagamot ko.”Sa sandaling sinabi ni Charlie ang mga ito, may medyo nadismayang ekspresyon si Donald sa kanyang mukha. Inisip niya agad, ‘Kaya niya lang gamutin ang isa sa mga naak ko?! Malinaw na gusto ni Charlie na gamitin ang mga anak ko bilang plano para siguraduhin na makontrol ako!’Pero, kahit ano pa, mas mabuti sa kanya na magamot ang isa sa mga anak niya kaysa sa wala.Naaawa talaga siya nang sobra sa bunsong anak na lalaki niya. Kaya, kung may pagkakataon na gamutin ang sakit ng bunsong anak niya, mapapawi niya ang isa sa pinakamalaking pagsisisi niya.Kaya, sumang-ayon agad si Donald sa hiling ni Charlie habang sinabi, “Master Wade, makasisiguro ka na gagawin ko ang lahat ng maka
Agad naantig si Donald sa mga sinabi ni Sean.Bilang isang ama, nararamdaman niya na ang kanyang bunso, si Kian, ay mas nakakaawa.Pero, bilang pinuno ng pamilya, napagtanto niya na kung may pagkakataon siyang gamutin ang isa sa kanila, mas mabuting desisyon na gamutin ang kanyang panganay, si Sean.‘Tulad ng sinabi ni Sean, may malalim na impresyon na ang nangyari kay Kian sa mga tao sa buong bansa. Masasabi na hindi ito malilimutan ng lahat.”‘Kaya, kahit na may pagkakataon akong gamutin si Kian at ibalik siya sa normal na kalagayan niya, basta’t lilitaw siya sa paningin ng publiko, siguradong maaalala nila ang nangyari sa kanya…’‘Dahil, kahit na nagamot na siya, hindi posible sa kanya na maglibot at ipaliwanag sa iba na hindi na niya kakainin ang ganitong bagay sa hinaharap…’Sa sandaling naintindihan niya ito, nagpasya si Donald na tanggapin ang alok ni Sean.Kaya, sinabi niya, “Sean, basta’t matatapos natin ito at masisiguro natin na kuntento si Charlie, ipapagamot muna na
Sumagot nang tapat ang butler, “Lord Schulz, lumalawak pa rin nang sobra ang impluwensya ng video. Unti-unti na itong kumakalat sa ibang bansa mula dito. Ang kabuuang opinyon ng publiko tungkol dito ay sobrang nakapipinsala sa pamilya Schulz.”“At saka, sinubukan ka nang tawagan nang sampung beses ni Jefferson mula sa pamilya Dunn. Hindi ako nangahas na sagutin ang tawag niya…”“Ilang pinuno na rin sa Eastcliff ang tumawag sa atin para tanungin tayo tungkol dito. Galit na galit silang lahat tungkol dito, at gusto nilang bigyan sila ng pamilya Schulz ng malinaw na paliwanag at solusyon para dito. Binigyan ko sila ng palusot na pansamantalang maaantala ito dahil may sakit ka ngayon. Pero, gusto nilang magbigay ka ng malinaw na pahayag tungkol dito sa loob ng dalawampu’t apat na oras…”Hindi maiwasang bumuntong hininga ni Cadfan habang nagngalit siya at sinabi, “Dahil pagmamay-ari ng pamilya Wade ang video platform, talagang imposible para sa atin na gamitin ang kahit anong public rela
Para makuha ang tiwala ni Donald, sinabihan ni Cadfan ang kanyang butler na magdala ng ilang regalo kapag binisita niya ang pamilya Webb.Ang chief butler ng pamilya Schulz ay may parehong kwalipikasyon at katayuan ni Stephen, at marahil ay mas makapangyarihan pa siya kung ikukumpara. Bukod dito, hindi lang nirerepresenta ng chief butler ang sarili niya, ngunit nirerepresenta niya ang pinuno ng pamilya Schulz, si Cadfan. Kaya, ang pag-utos ni Cadfan sa chief butler na bisitahin nang personal si Donald ay nagbibigay na ng malaking respeto sa pamilya Webb.Pinahahalagahan nang sobra ni Cadfan na makuha ang tiwala ng pamilya Webb. Iyon ang dahilan kung bakit niya mismo pinadala ang chief butler para bisitahin sila sa ngalan niya.Alam din ni Cadfan na kinamumuhian na siya ng lahat ng tao ngayon. Kaya, imposible para sa kanya na bumalik sa Eastcliff sa maikling panahon.Kaya, kailangang handa siya na manatili nang matagal sa Sudbury.Naramdaman niya na ang pangyayaring ito ay katulad
Maliban sa pagiging proteksyon, magagamit rin ang will bilang family insurance.Madalas, nag-aalala ang mga ancient emperors na magiging maloko at makasarili ang mga tagapagmana nila. Baka itapon lang nito ang mga biyaya ng bansa nang walang iniiwan para sa mga susunod na henerasyon.Para naman sa mga modernong mararangyang pamilya, natatakot rin silang maging hangal ang kanilang mga anak na siyang sisira sa kanilang kayamanan.Kaya, madalas na gumagawa ng trust fund ang mga head ng pamilya. Sa ganitong paraan, kung walang karapat-dapat sa mga supling nila na magmana ng pamilya, iaabot na lang ng head ang assets at properties ng pamilya sa trust fund para masigurong mabubuhay pa rin nang maayos ang kanyang mga pamilya sa hinaharap. Sa madaling salita, magkakaroon pa rin sila ng pera na gagastusin at hindi mawawala sa kanila ang property.Bukod pa roon, para bang magkakaroon ng patakaran na kapag mas marami ang supling mo, mas marami ang makukuha mong living allowance. Mas madaling
Darating ang private jet ni Sheldon sa airport ng Sudbury sa ganap na alas kwatro ng tanghali.Nang makita ni Sheldon na malapit na sila sa Sudbury Airport, agad niyang ginamit ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang anak na si Jaime.Sa pagkakataong ito, nakapagmaneho na si Jaime papunta ng Sudbury Airport. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa parking lot at naghintay lamang siya sa loob ng kotse ng balita mula sa kanyang ama.Nang makita niyang tinatawagan siya ni Sheldon, agad niyang sinagot ang tawag saka siya nagtanong, “Papa, nasaan ka na?”Sumagot si Sheldon, “Lalapag na ang eroplano ko sa loob ng 20 minuto. Nandiyan ka na ba?”“Nandito na ako.” Sagot ni Jaime, “Sabihan mo na lang ako kapag tapos ka na sa customs. Susunduin agad kita.”“Sige!” Pinaalalahanan ni Sheldon ang kanyang anak, “Huwag mong kalimutan na magsuot ng sunglasses at mask. Sensitibo pa naman at kritikal ang sitwasyon ng pamilya Schulz ngayon. Hindi natin pwedeng ipaalam sa publiko na nasa Sudbur
Seryosong nagsalita si Sheldon, “Magandang oportunidad ang insidenteng nangyari sa mama mo at kay Sophie. Makikita naman ng kahit sinong matalas ang mata na may pumupuntirya sa pamilya natin. Bukod pa roon, magaling ang kalaban natin at mukhang napagplanuhan niya nang matagal ang atake niya sa atin. Kung matutulungan natin ang lolo mo na mailantad ang salarin sa likod ng mga aksidente, maaalis natin ang lahat ng banta sa pamilya Schulz at siguradong mapapabilib natin ang lolo mo!”Ganoon din, nagdagdag si Sheldon, “Kailangan mong tandaan na kasalukuyang tampulan ng lait at kahihiyan ang lolo mo ngayon, imposible para sa kanya na malinis ang pangalan niya hanggang sa araw na mamatay siya!”“Kaya, kailangan nating masiguro na matutuwa siya sa atin at lagi tayong magiging magalang sa kanya nang hindi hinahamon ang kanyang awtoridad bilang head ng pamilya hanggang sa pumanaw siya.”“Kung iyan ang kaso, siguradong ipapasa niya ang posisyon ng pagiging head ng pamilya Schulz sa akin bago
Naantig si Cadfan sa loob ng kanyang puso nang marinig niya ang mga salita ni Sheldon.Kahit si Cadfan ang naunang humingi ng tawad kay Sheldon at Jaime tungkol sa nangyari kay Helen at Sophie pagdating ng dalawa, sa loob ng kanyang puso, ayaw niyang pag-usapan ang isyung ito.Kaya, nang si Sheldon ang magpalit ng paksa ng usapan, hindi inaasahang natupad niya ang mga kahilingan ni Cadfan.Agad na nagsalita si Cadfan, “Sheldon, tama ka. Kailangan nating magtulungan para mahanap natin ang salarin sa likod ng mga sakunang ito!”Sumunod, tinuloy ni Cadfan ang usapan, “Sheldon, sino kaya ang posibleng kumokontra sa atin?”Tumugon si Sheldon, “Papa, pakiramdam ko talaga may kinalaman sa pamilya Wade ang bagay na ito, pero wala akong ebidensya na direktang nagtuturo sa kanila. Wala akong patunay na sila ang salaring nasa likod nito. May mga espekulasyon lang ako sa pamilya Wade. Pakiramdam ko bahagi sila nito dahil sila ang may-ari ng short video platform kung saan sumabog ang iskandalo
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo