Naantig si Cadfan sa loob ng kanyang puso nang marinig niya ang mga salita ni Sheldon.Kahit si Cadfan ang naunang humingi ng tawad kay Sheldon at Jaime tungkol sa nangyari kay Helen at Sophie pagdating ng dalawa, sa loob ng kanyang puso, ayaw niyang pag-usapan ang isyung ito.Kaya, nang si Sheldon ang magpalit ng paksa ng usapan, hindi inaasahang natupad niya ang mga kahilingan ni Cadfan.Agad na nagsalita si Cadfan, “Sheldon, tama ka. Kailangan nating magtulungan para mahanap natin ang salarin sa likod ng mga sakunang ito!”Sumunod, tinuloy ni Cadfan ang usapan, “Sheldon, sino kaya ang posibleng kumokontra sa atin?”Tumugon si Sheldon, “Papa, pakiramdam ko talaga may kinalaman sa pamilya Wade ang bagay na ito, pero wala akong ebidensya na direktang nagtuturo sa kanila. Wala akong patunay na sila ang salaring nasa likod nito. May mga espekulasyon lang ako sa pamilya Wade. Pakiramdam ko bahagi sila nito dahil sila ang may-ari ng short video platform kung saan sumabog ang iskandalo
Nang marinig ito ni Sheldon, hindi niya namalayang nagsalita siya, “Papa, misteryosong lugar ang Aurous Hill! Biglang nawala si Steven doon. Kung pupunta si Jaime roon para magpakitang gilas, natatakot akong…”Kumaway si Cadfan at nagsalita siya, “Hindi mo kailangang matakot! Madalas naman hindi mali ang mga hula ko! Kailangan nating pagtuunan ng atensyon ang bagay na ito! Dapat nating mailabas sa lungga ang lalaking iyon.”Hindi mapigilang makaramdam ng halo-halong emosyon si Sheldon.Hindi niya pa rin alam kung nasaan si Sophie, hindi rin niya masiguro kung buhay pa ito o hindi. Kaya, hindi mapigilang mag-alangan ni Sheldon na paalisin si Jaime at ilagay ang kanyang sarili sa peligro para pumunta ng Aurous Hill ngayon.Ang dahilan kung bakit nadukot si Steven ay dahil magarbo at nagpakitang gilas siya pagdating niya sa Aurous Hill.Kung sa ganitong paraan rin darating si Jaime sa Aurous Hill, 80% ang tsansa na magiging pareho ang kahahantungan ni Jaime kay Steven.Ang iisang po
Ilang taon na rin ang nakararaan simula nang magustuhan ni Jaime si Quinn, pero binanggit niya lamang ang bagay na ito sa kanyang kapatid na si Sophie.Hindi siya nangahas na banggitin ang bagay na ito sa kanyang pamilya dahil alam niyang hindi siya hahayaan ng mga Schulz na makasama si Quinn.Mapagmataas na tao si Lord Schulz. Kahit kailan, wala siyang tiningala na ibang mga pamilya sa Oskia.Bukod pa roon, gusto niyang magkaroon ng major breakthrough sa overseas markets.Kaya, umaasa siyang makakahanap ang kanyang pinakamatandang apo sa pamilya ng isang babaeng galing sa isang makapangyarihan at maimpluwensyang European o American family, mas mabuti nga kung ang European royal princess ang papakasalan ni Jaime.Sa ganitong kaso, makakakuha ng maraming resources ang pamilya Schulz.Kung hindi at pipiliin nilang magpakasal sa isang mas mahinang pamilya kumpara sa kanila, malinaw na mapagsasamantalahan ang mga Schulz sa dulo. Mapupuwersa silang magbigay ng mga resources at koneksy
Noong una, inisip ni Jaime na imposible para sa kanyang lolo na payagan siyang manligaw kay Quinn. Subalit, hindi inaasahan ni Jaime na ang lolo niya pa ang mauunang magbigay ng buong suporta nito.Sa pagkakataong ito, naging sapat ang kanyang kumpiyansa para maglakas loob at ligawan si Quinn.Agad na tumugon si Jaime, “Lolo, kung iyan ang kaso, pupunta na ako ng Aurous Hill ngayon para magpanggap na dadalo ng concert ni Quinn, pero sa totoo lang, susubukan kong alamin kung sino ang salarin sa nangyaring aksidente!”Tumango si Cadfan saka siya ngumiti, “Sinabihan ko na si Arrington na imbitahan ang head ng top family ng Sudbury, siya si Donald ng pamilya Webb. Pupunta siya rito para maghapunan. Naniniwala akong malapit na siyang dumating. Hindi mo kailangang magmadaling umalis. Hindi ka naman mahuhuli kung kakain ka muna kasama kami.”“Sige po!”***Sa pagkakataong ito, sa Shangri-La Hotel ng Aurous Hill.Hindi mapakali si Sophie at nauubusan na siya ng pasensya dahil buong araw
Nag-alangan nang bahagya si Charlie nang marinig ang sinabi ni Isaac.Hindi pa siya nakakapagpasya kung kikitain niya ba si Sophie at Helen.Ang pangunahing dahilan ay dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa harap ng anak ng kanyang kalaban pati na rin sa babaeng matagal nang umiibig sa kanyang ama sa loob ng ilang taon.Subalit, alam ni Charlie kung ano ang tamang sagot sa loob ng kanyang puso.Alam niyang kapag umabot na sa ganitong punto ang lahat, wala na siyang magagawa kundi harapin ang mag-ina.Ganoon pa man, hindi pa siya sigurado kung ito na ba ang tamang pagkakataon na makita sila.Nang mapansin ni Isaac na nag-aalangan pa si Charlie, agad niya itong hinikayat, “Young Master, sa totoo lang, kailangan mo rin silang harapin sa hinaharap, hindi ba magandang kitain mo na sila habang maaga pa?”Nagpatuloy si Isaac sa kanyang sinasabi, “Tingnan mo naman. Para bang nasa house arrest si Miss Schulz. Kapag tumanggi kang magpakita sa kanya ngayon, natatakot akong mas
Ganoon din, sinundan ni Donald at Sean si Arrington papunta sa dining hall sa loob ng mansyon.Sa pagkakataong ito, nakaupo ang mga kinatawan ng tatlong henerasyon ng pamilya Schulz sa hapag. Ito sina Cadfan, Sheldon, at Jaime.Nang makita ni Cadfan na naglalakad si Donald at Sean papunta sa dining hall, siya ang naunang tumayo para batiin si Donald habang nakangiti. “Mr. Webb, matagal ko nang narinig ang dakila niyong pangalan! Sa wakas, nagkita na rin tayo!”Agad na tumugon si Donald sa papering ito, “Lord Schulz, masyado naman kayong mabuti. Kumpara sa inyo, isang maliit lang ako na negosyante na may kakaunting negosyo. Wala lang ako sa harap ninyo…”Kumaway si Cadfan saka siya ngumiti, “Bakit ka naman ganyan magsalita, Mr. Webb? Ang pamilya Webb ang top family ng buong Sudbury. Bakit mo naman minamaliit ang sarili mo?”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Cadfan, “Tara na, Mr. Webb! Gusto kitang ipakilala sa pamilya ko. Ito ang anak kong si Sheldon at ito naman ang apo kong
Lumitaw ang imahe ni Charlie sa isip ni Donald nang mabanggit ang tanong. Hindi niya mapigilang makaramdam ng takot sa loob ng kanyang puso, “Lord Schulz, sa totoo lang, nagduda ako noong una na may taong gumawa nito sa anak ko. Pero pagkatapos ng mahabang imbestigasyon at pagsusuri, wala kaming mahanap na mahalagang detalye. Nagkaroon tuloy kami ng konklusyon na baka natural ang sakit niya. Baka may nangyaring matinding trauma sa anak o kaya may nangyari sa kanya na higit sa pang-unawa namin.”Muling nagtanong si Cadfan, “Kung gano’n, tinanong mo na ba ang anak mo kung may kakaiba siyang mga alaala o mga naka-engkuwentro bago mangyari ang aksidente?”Tumugon nang tapat si Donald, “Tinanong ko na siya tungkol sa bagay na iyan, pero sinabi niyang wala siyang alaala bago mangyari ang aksidente. Walang kahit anong pumapasok sa isip niya.”Tumango si Cadfan saka siya nagsalita sa isang malalim na boses, “Kung iyan ang kaso, mas naniniwala akong malaki ang tsansa na may malisyosong tao n
Habang nagsasalita, nagpaliwanag si Cadfan, “Sa kahit sinong nag-aral ng kasaysayan, alam naman nating lahat ang malaking delubyong nangyari sa Oskia noong 1937. Sa panahong iyon, marami sa mga top metaphysics families ang nagkaroon ng kalkulasyon na mangyayari ang isang malaking sakuna pagkatapos ng dalawang taon. Kaya, marami sa kanila ang tumakas at lumipat ng ibang bansa. May iilan ring hindi umalis at nagpaiwan sila para iligtas ang bansa, ang iba naman, hindi lang talaga sapat ang kanilang kakayahan kaya hindi nila nagawang malaman na magkakaroon ng isang malaking sakuna sa hinaharap.”“Para sa mga top masters na nagpaiwan para i-alay ang kanilang buhay sa bansa, pagkatapos ng walong taon ng digmaan, marami sa kanila ang namatay o nakatamo ng malaking pinsala. Marami sa kanila ang pumanaw at naging malaking kawalan ito sa atin. Subalit, nakaligtas at buhay pa rin ang mga metaphysics masters na na sa ibang bansa.”Hindi mapiglang magtanong ni Donald, “Lord Schulz, may isang baga
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl