Sa totoo lang, hindi talaga naniniwala si Cadfan sa kapalaran.Mahilig maniwala ang yumaong ama ni Cadfan sa Feng Shui, pero hindi ito bumenta sa kanya.Laging malupit ang pamamaraaan ni Cadfan sa buhay. Naniniwala siyang ang indibidwal ang nagdidikta ng sarili niyang tadhana. Noong kabataan niya, matatag ang kanyang loob at hindi siya nag-aalangan sa kanyang mga desisyon. Ngayong mas matanda na siya, lalo pa siyang naging walang hiya at hindi na siya naniniwala sa karma o mga parusa ng langit.Subalit, nagsisimula nang magdalawang isip si Cadfan.Pakiramdam niya puro kamalasan lang ang bumabagsak sa pamilya nila. Hindi naman yata makatuwiran na isiping nagkataon lamang ang lahat na ito. Bakit naman nangyayari lang sa kanila ang mga ganitong kamalasan?!Kung hindi ito nagkataon, ibig sabihin may kinalaman ito sa kanyang kapalaran. Kung hindi, imposible namang ganito siya kamalas.Kaya, gusto ring gamitin ni Cadfan ang oportunidad na ito para maghanap ng isang top Feng Shui master
Nag-alangan si Donald sa loob ng ilang sandali, “Syempre sasabihin natin ang totoo pero hindi lahat. May itatago tayong ilang bagay kay Charlie. Kailangan nating magkaroon ng reserbasyon. Mas mabuting gawin nating simple ang lahat at sabihin lang natin kung ano ang mahalaga.”Habang nagsasalita, inilabas ni Donald ang kanyang cellphone saka siya nagpadala ng isang voice message kay Charlie: “Master Wade, talagang may talento ka sa panghuhula! Inimbitahan ako ni Cadfan Schulz para kumain ng hapunan ngayong gabi. Sinabihan niya akong gusto niyang makipagtulungan sa pamilya Webb. Pumayag ako sa pakiusap niya. Sasabihan na lang kita agad kapag may mahalaga akong impormasyong nalaman!”Pagkatapos marinig ang mensaheng ito, isang salita lamang ang naging reply ni Charlie, ‘sige’.Nang matanggap ito ni Donald, ngumiti siya nang bahagya, “Tingnan mo naman! Hindi ba ayos na ang lahat? Kailangan na lang nating iparamdam kay Charlie na ginagawa natin ang lahat ng makakaya natin para sa kanya.
Samantala, patuloy pa rin ang pagkalat ng video ng iskandalo ng pamilya Schulz sa internet.Habang lumalala ang pananaw ng publiko sa pamilya Schulz, walang ginawa ang Schulz Group para magpaliwanag. Hindi sila nagbigay ng kahit anong statement tungkol sa isyung ito.Pumunta ang ilan sa mga aktibong netizens sa official website ng Schulz Group pati na rin sa official Facebook page ng kumpanya. Patuloy ang kanilang paglait at pagkundena para sa mga Schulz. Sa ngayon, hindi na alam ng public relations team ng Schulz Group kung ano ang gagawin.Habang nawawala si Helen at Sophie sa mata ng publiko, nagkaroon ng anunsyo ang Schulz Group na si Sheldon muna ang magiging pansamantalang acting chairman ng Schulz Group.Katumbas ito ng pagpapaalam sa masa na ibabalik na nila si Sheldon sa posisyon nito.Ang mas nakapagtataka, nakakuha ng simpatya mula sa marami si Sheldon pagkatapos ng kanyang pagbabalik.Marami ang nakaramdam na nakakaaawa at miserable ang kondisyon ni Sheldon.Pinagtak
Dahil magpeperform siya ng concert para sa isang mahalagang tao, natural lang na mas paghihirapan niya ito.Kaya, kahit mahaba pa ang oras nila bago ang concert, dumating na agad ang preliminary work team sa Aurous Hill para magsimula sa kanilang napakadetalyadong preparasyon para sa concert.Matapos ang lahat, isang top singer at actress sa bansa si Quinn. Natural lang na mataas ang overall specifications at kalidad ng kanyang mga concerts.Subalit, mas higit pa rito ang paghahandang ginawa ni Quinn para sa concert sa Aurous Hill dahil kay Charlie.Una sa lahat, gaganapin ang concert sa pinakamalaking Olympic stadium ng Aurous Hill. May seating capacity ito na 50,000.Ikalawa, nangunguna sa mundo ang lahat ng gagamiting stage equipment, devices, lighting, sound effect, stage, at background.Bukod pa roon, manggagaling rin ang chief director, tuner, lighting engineer at buong dance team sa pinakamalaking production team sa Europe at United States.Matapos ang lahat, mas maraming
Nang makita ni Isaac na mukhang walang paki si Charlie sa bagay na ito, hindi niya mapigilang makaramdam ng kaba, “Young Master, kahit nawawala ang nanay at kapatid ni Jaime, ang lakas pa rin ng loob niyang manligaw kay Miss Quinn. Ibig sabihin wala siyang pusong tao! Hindi makatarungan kung mapupunta ang isang mabuting binibining gaya ni Miss Quinn sa isang lalaking kagaya niya! Sa ganitong kaso, hindi lamang kawalan ito kay Miss Quinn, pero marami ring mawawala sa’yo?!”Umubo nang dalawang beses si Charlie saka siya tumugon, “Huwag ka nang mag-alala sa mga ganyang bagay. Kasal na ako. May kalayaan si Nana na piliin ang lalaking gusto niyang makasama. Wala tayong karapatan na mag-alala sa kanya.”Pagkatapos itong sabihin, hindi mapigilan ni Charlie na makaramdam ng kaunting pag-aalala sa loob ng kanyang puso.Sa parehong pagkakataon, nasorpresa si Charlie na sumasang-ayon siya sa sinabi ni Isaac.Gaya ng sabi nito, kung may lakas loob si Jaime na ligawan si Quinn sa kritikal na pa
Tumugon si Sheldon, “Ayon sa shipping department, dahil raw bumagsak ang reputasyon natin sa ibang bansa. Kaya, hindi natin nakuha ang overall score na kailangan para hindi tayo maalisan ng lisensya. Sa ngayon, kailangan nila ng rectifications. Bago matapos ang rectification process, hindi nila tayo papayagang magpatuloy sa coean shipping business natin pansamantala.”Nagulantang si Cadfan, “Paano naman nangyari ang bagay na iyan? Sinabi ba nila sa atin kung gaano katagal ang rectification process?”Umiling si Sheldon, “Walang time limit para sa rectification process. Sabi lang nila na simulan na agad natin ang proseso agad-agad. Pagkatapos, saka nila sisimulan ang review. Kapag naging maayos ang takbo ng review, ibabalik nila ang shipping license natin.”Napahiyaw si Cadfan, “Hindi ba mas lalo lang nilang pinapalala ang sitwasyon natin ngayon?! Ang ocean shipping business ang pinakamabilis na umunlad sa lahat ng negosyo ng Schulz Group sa nakalipas na dalawang taon. Bukod pa roon,
“Ang pamilya Ito?!”Nang marinig ni Cadfan ang mga salitang ito, agad siyang napamura nang malamig ang tono, “Lintik naman! Hindi karapat-dapat ang tarantadong si Yahiko. Noong pumipili kami sa pagitan ng pamilya Ito at pamilya Takahashi dati, wala siyang ibang alam gawin kundi makisipsip sa amin! Ngayong tapos na ang pamilya Matsumoto at Takahashi, bigla na lang siyang naging makapangyarihan! Hindi kapani-paniwala ang bagay na ito!”Sa kasalukuyan, isa ang ocean shipping industry sa pinakamalagong industriya sa larangan ng pagnenegosyo. Kung tutungo ang isang malaking container ship sa Europe o America nang full load, magkakahalaga ang isang container freight ng 20 hanggang 30 libong dolyar bawat isa. Sa isang punta lang, mapagkakakitaan ang buong container ship ng ilang milyong dolyar.Ang pamilya Schulz ang may-ari ng pinakamalaking transportation fleet sa Oskia. Hangga’t tumatakbo ang mga barko nila, kikita sila ng ilang milyon nang walang kahirap-hirap. Kaya, para sa kanila, it
Nakangiwing sumagot si Sheldon, “Papa, nakarating na si Jaime ng Aurous Hill. Kung magbabago tayo ng isip ngayon, siguradong magiging malaki ang pinsala nito sa kanyang motibasyon. Matapos ang lahat, tunay ang nararamdaman niya para kay Quinn Golding.”“Hm…” Napatikom ng bibig si Cadfan saka siya muling nagsalita, “Sabihan mo lang si Jaime na ipagpatuloy ang panliligaw niya kay Quinn Golding. Sa parehong pagkakataon, kausapin mo si Ito Yahiko, pwede ka ring gumawa ng appointment kasama si Ito Nanako para direkta nating malaman kung handa ba silang makaharap tayo nang personal. Sa pinakamalalang sitwasyon, pwede natin silang bigyan ng malaking bahagdan ng kita. Basta ba handa silang gumawa ng joint-venture kasama tayo, bibigyan natin sila ng 20% ng total shares at profits mula sa joint-venture.”Tumango si Sheldon saka siya sumagot, “Papa, kakausapin ko muan ang pamilya Ito. Kung posible, gagawa agad ako ng appointment sa lalong madaling panahon.”“Sige!”***Sa pagkakataong ito. S
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl