Share

Kabanata 2575

Penulis: Lord Leaf
Nang magmaneho si Charlie paalis, lalo pang hindi mapakali si Jacob at tila ba nauubusan na siya ng pasensya.

Sa totoo lang, simulan nang banggitin ni Matilda sa kanya na babalik na siya ng Oskia, napuno ang kanyang puso ng galak.

Pagbalik ni Matilda sa Oskia, muling nabuhay ang damdamin na matagal niya nang itinatago sa loob ng kanyang puso.

Sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong dekada, ang pagbabalik ni Matilda ang pinakamasayang pagkakataon ng kanyang buhay. Lalo na habang magkasama silang nagluluto sa bahay niya. Sa pagkakataong iyon, magkayakap silang dalawa.

Subalit, matinong tao si Matilda. Alam niyang hindi pa hiwalay si Jacob at Elaine, kaya lagi niyang pinapanatiling makatuwiran ang kanyang sarili. Hindi siya gumagawa ng kahit anong magpapatindi ng damdamin ni Jacob.

Hindi mapigilang madismaya ni Jacob dito, pero hindi siya makahanap ng tamang tiyempo para umusad sa kanilang relasyon.

Kahit walang kuwenta si Jacob sa kanyang buong buhay, kahit papaano, normal na lalak
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2576

    Tumugon si Matilda, “Nasukat ko na ang temperatura ko, 39.2 degrees Celsius ang lagnat ko. Uminom na rin ako ng gamot pero mukhang hindi pa ito umeepekto.”Nang marinig ni Jacob kung gaano kataas ang lagnat ni Matilda, para bang nawawasak ang kanyang puso. Agad siyang yumuko para itapat ang kanyang noo sa noo ni Matilda. Pagkatapos ng ilang sandali, napabulalas si Jacob, “Masyadong mainit ang noo mo. Bakit hindi ka muna umupo sa sopa, dadalhan kita ng basang pamunas.”Nahihiyang nagsalita si Matilda, “Pasensya na talaga sa abala, Jacob…”Taimtim na tumugon si Jacob, “Bakit ba ang pormal mo sa akin? Natatandaaan mo ba dati, sa university, nagkalagnat ako habang nasa dorm at hindi ako nakapasok sa klase? Hindi ka na rin pumasok at inalagaan mo ako buong araw.”Nang marinig ito ni Matilda, tumindi ang hiya sa kanyang ekspresyon.Natural na naaalala ni Matilda ang binanggit ni Jacob.Dahil sa pagkakataong iyon, higit pa sa pagkakasakit ni Jacob ang nangyari. May iba pang bagay na nan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2577

    “Oo nga pala!” Kahit nakaramdam ng dismaya si Jacob, nagpanggap pa rin na para bang bigla siyang may napagtanto. Kinamot niya ang kanyang ulo at napabulalas siya, “Naku, kung ano-ano ang naaalala ko, may mga mas mahalagang bagay pa akong kailangang gawin!”Agad siyang nagsalita, “Matilda, umupo ka lang diyan at hintayin mo ako. Kukuha ako ng basang pamunas!”Agad na tumugin si Matilda, “May banyo sa first floor. Lumiko ka lang sa kaliwa.”“Sige!”Nang makitang tumalikod na si Jacob at tumungo ito sa banyo, nakaramdam na ng panatag si Matilda.Sa totoo lang, malinaw ang layunin ni Jacob.Kung tutuusin, hindi lamang si Jacob ang first love niya, pero ito rin ang nag-iisang lalaki na minahal niya nang matindi sa buong buhay niya. Kaya, natural lang na magkaroon siya ng mga pantasya at ekspektasyon kay Jacob.Subalit, nakatanggap si Matilda ng mataas na edukasyon at disente siyang tao.Alam niyang hindi pa naghihiwalay si Jacob at Elaine, masasabing opisyal pa rin ang kasal nila. M

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2578

    Ngumiti si Jacob, “Bakit mo naman ako pinapasalamatan? Hindi ba ginawa mo rin ang bagay na ito dati?”Nang marinig ang mga sinabi ni Jacob, lalo pang namula ang mukha ni Matilda.Bumulong siya, “Nakaraan na ang mga bagay na iyan… Hindi mo na dapat ito banggitin pa…”“Imposible!”Emosyonal na nagsalita si Jacob, “Hindi ko makakalimutan ang nangyari sa araw na iyon kahit mamatay ako. Pagkatapos ng ilang taon, may gusto akong sabihin sa’yo. Hindi lang ako nagkaroon ng pagkakataon. Ngayong may oportunidad na tayo, ayaw mo pa rin akong hayaan na sabihing…”Tila ba nawawalan ng pag-asa si Matilda, “Hindi kita pinipigilang magsalita… hindi… hindi ko lang…”Hindi alam ni Matilda kung paano magpapatuloy sa usapang ito. Kaya, bumuntong hininga na lamang siya saka siya nagsalita, “Napapaisip ako… kung gabi na at naririto ka, hindi ba bibigat ang loob ni Elaine kapag nalaman niya ito? Bakit hindi pa umuwi? Huwag na nating pag-alalahanin si Elaine.”Nang marinig ni Jacob ang pangalan ni Elai

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2579

    Nang makitang pinayagan siya ni Matilda na dalhin siya sa kwarto, nakaramdam ng tuwa at pananabik si Jacob.Simula nang bumalik si Matilda sa Oskia, matagal nang hinihintay ni Jacob ang pagkakataon na buhayin ang mga dati nilang alaala. Sa wakas, magsisimula na rin ang oportunidad na iyon ngayon.Sa normal na sitwasyon, maganda, karespe-respeto, at hindi umaasa sa iba si Matilda. Hindi madaling lapitan ang ganitong klase ng babae.Subalit, alam ni Jacob na kahit gaano pa katibay ang puso ng isang babae, manghihina pa rin ito sa mga pagkakataong may sakit siya.Sa sitwasyon ngayon, kahit gaano pa katatag si Matilda, siguradong bababa ang kanyang depensa.Tinulungan ni Jacob si Matilda para makarating sa elevator at sa 3rd floor ng villa.Pagkatapos ituro ni Matilda kung nasaan ang kwarto niya at dalhin siya roon ni Jacob, humiga siya sa kama.Sumunod, nilagyan ni Jacob ng dalawang unan ang likod ni Matilda para makasandal ito nang maayos habang nakaupo sa kama.Ganoon din, nagsa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2580

    Nang mabanggit ito, agad na kumuha si Jacob ng isa pang kutsara ng millet porridge para isubo ito kay Matilda.Walang ganang kumain si Matilda, pero nang maisip niya na makakatulong ito para bumalik ang kanyang lakas at masustansya ito para sa tiyan niya, pinuwersa niya ang kanyang bibig na lunukin ito.Ang ikinasorpresa ni Matilda, nang bumaba ang millet porridge sa kanyang tiyan, nakaramdam siya ng isang kakaibang daloy ng init. Agad itong nalusaw sa kanyang tiyan at kumalat ito sa buong katawan niya.Pambihira ang ganitong mainit na pakiramdam para kay Matilda na nakaramdam ng lamig sa buong pagkakataon. Gumaan ang kanyang pakiramdam agad. Hindi niya mapigilang magbigay ng papuri, “Jacob, madali ngang kainin ang millet porridge na ito!”Ngumiti si Jacob, “Oo naman! Marami akong napag-aralan tungkol kalusugan ng tao! Dati, habang nasa United States ka, sigurado akong naging western ang lifestyle mo. Marunong silang gumawa ng mga medisina, pero sigurado akong hindi nila nauunawaan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2581

    Natigilan si Jacob sa nasaksihan niyang eksena sa kanyang harap, hindi niya magawang tapusin ang mga sinasabi niya.Sa pagkakataong iyon, bumangon si Matilda mula sa kama at tumayo siya sa tabi nito.Inalis niya na ang suot niyang down jacket at makikitang nakapambahay siya nang manipis, bukod pa roon, nakarolyo paitaas ang kanyang mga manggas sa taas ng kanyang siko.Bakit ibang-iba na si Matilda kumpara sa may sakit niyang itsura kanina?!Habang nakatitig sa babae, masasabing maganda ang kondisyon nito. Namumula na ang kanyang balat at tila ba magaan ang kanyang pakiramdam…Ang hindi pa kapani-paniwala sa puntong ito, habang nag-iinat ng katawan si Matilda, tumalon siya nang dalawang beses para alisin ang tensyong nararamdaman niya kanina.Napatulala si Jacob. Pagkatapos mamangha sa loob ng ilang sandali, nakabalik na rin siya sa kanyang huwisyo. Nauutal siyang nagsalita, “Iyan… Matilda… Ikaw…. Paano ka nakaalis sa kama?!”Tumugon si Matilda sa isang masiglang boses, “Jacob! P

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2582

    Nang maisip ito, sumagot na lamang si Jacob sa kabila ng kanyang pag-aalangan, “Sige, dahil gusto mong tumakbo, sasamahan kita!”“Salamat!” Abala si Matilda kaya hindi niya napansin ang ekspresyon ni Jacob, “Kung iyan ang kaso, magpapalit muna ako. Bibilisan ko ang pagbibihis. Pagkatapos, aalis na tayo agad!”“Sige…” Walang magawa si Jacob kundi pumayag na lamang. Tumalikod siya at lumabas na siya sa kwarto.Ang kwartong ito, sa kanyang mga mata, ay isang banayad na lugar na tatlong dekada niya nang iniwan.Pero ngayon, nakatayo lamang siya sa labas ng pinto, naghihintay na matapos si Matilda sa pagpapalit ng damit.Ang pinakamahalagang bagay sa lahat, nagpapalit si Matilda ng damit ngayon para tumakbo sila sa tabi ng ilog…Bumuntong hininga nang matagal si Jacob, tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang isang kamay saka siya napaupo sa tapat ng kwarto ni Matilda.Pagkaupo niya, napapaisip pa rin siya, ‘Saan ba ako nagkamali sa huli?! Hindi ako makapaniwalang may magical effect

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2583

    Habang tumatakbo si Jacob kasunod ni Matilda sa tabi ng ilog hanggang sa mawasak ang kanyang mga binti, ilang kilometro na lamang ang layo ni Charlie mula sa mansyon ng pamilya Moore sa dulo ng Aurous Hill.Sa pagkakataong ito, sa loob ng banquet hall ng pamilya Moore, kausap ng mag-ama ng pamilya Ito pati na rin si Emi at Tanaka si Lord Moore. Naroroon rin si Jasmine para samahan ang kanyang lolo.Naging posible ang cooperation ng pamilya Moore at ng Nippon Steel dahil kay Charlie. Pinagaling niya ang chairman ng Nippon Steel na si Shinwa. Pero, higit sa lahat, si Yahiko ang dapat nilang pasalamatan dahil siya ang naging daan ng pamilya Moore para magkaroon ng koneksyon kay Shinwa.Bukod pa roon, pagkatapos iligtas ni Charlie, tumuloy si Jasmine sa mansyon ng pamilya Ito pansamantala. Doon muna siya nagpahinga pagkatapos ng nangyaring aksidente.Kaya, magalang ang pakikitungo ni Lord Moore sa mga bisitang dumating.Para naman kay Nanako, abala siyang nakikipagbulungan kay Jasmine

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status