Hininto ni Charlie ang kotse sa tabi ng kalsada. Nang makita siya ni Jacob, naramdaman niya na tila ba nakita niya ang tagapagligtas niya, at kumikinang ang mga mata niya sa pag-asa.Pero, sinadya ni Jacob na huwag agad kausapin si Charlie.Sa kabilang dako, nang makita ni Matilda si Charlie, ngumiti siya nang bahagya habang sinabi, “Nandito na si Charlie!”Nang makita ni Charlie si Matilda, na may suot na masikip na sports outfit sa sandaling ito, palihim niyang insip, ‘Ang Tita Hall na ito ay isa ngang idolo para sa karamihan ng mga di gaano katandang lalaki. Paano masasabi na ang kanyang katawan, hitsura, at ugali ay parang isang babae na nasa limampung taong gulang?!’Karamihan sa mga tao ay siguradong maniniwala na nasa tatlumpung taon pa lang siya.Tumango agad si Charlie bago siya ngumiti kay Matilda at sinabi, “Hello, Tita Hall.”Pagkatapos niyang magsalita, sadyang tinanong ni Charlie, “Tita Hall, narinig ko na sinabi ni papa na may sakit ka. Bakit ka lumabas para tumakb
Tumingin ang tatlo sa pinagmulan ng boses, at nakita nila ang isang maskuladong di gaano katandang lalaki na may suot nsa sports short at t-shirt habang nag-jogging papunta sa kanila.Hindi napigilan ni Charlie na tumingin sa di gaano katandang lalaki. Nasa 1.8 na metro ang tangkad niya, at may maayos na katawan siya na may mga muscle. Mukhang nasa apatnapung taon pa lang siya.Bukod dito, kaunti lang ang suot niya habang tumatakbo sa malamig na gabi. Kaya, malinaw na may magandang kalusugan ang taong ito.Ang mas bihira pa ay sobrang gwapo ng lalaking ito. May makapal at maikling buhok siya, at mukhang maganda ang istilo niya.Sa sandaling nakita ni Jacob ang lalaking ito, naging mapagbantay agad siya. Pagkatapos suriin ang lalaki mula ulo hanggang paa, hindi niya mapigilan ni Jacob na maramdaman na mas mababa siya.Dahil, isang ordinaryong limampung taong gulang na lalaki lang si Jacob kumpara sa lalaking ito. Hindi siya madalas nag-eehersisyo o sinasanay ang katawan niya, at wa
Habang nagsasalita siya, pabirong sinabi ni Yolden, “Siya nga pala, Mr. Wilson, mukhang nasa limampung taon ka na, tama?”“Oo. 50 years na ako.” Sumagot si Jacob habang tumango.Ngumiti si Yolden bago sinabi, “Kung gano’n, hindi mo ako matatawag na binata. Ilang taon akong mas matanda sa iyo. 50 years old na ako ngayong taon.”“Ano?!” Tinanong ni Jacob dahil nagulantang siya. “55 years old ka na ngayon?!”“Oo.” Ngumiti si Yolden habang sinabi, “Ipinagdiwang ko ang 55th birthday ko sa January ngayong taon.”Biglang medyo naging pangit ang ekspresyon sa mukha ni Jacob.Hindi ito dahil sa galit, ngunit dahil sa inferiority complex ni Jacob.Sa una ay akala ni Jacob na nasa 45 years old pa lang si Yolden. Pero, hindi niya talaga inaasahan na mas matanda ng limang taon ang lalaking ito sa kanya!Sa sandaling ito, tumingin si Yolden kay Matilda bago siya tinanong, “Siya nga pala, Matilda, dahil kailangan mauna ni Mr. Wilson dahil nagmamadali siya, ikaw naman? Nagmamadali ka rin bang
Habang iniisip niya ang katotohanan na hindi pa siya nakakapunta sa United States, hindi mapigilan ni Jacob na mas kamuhian pa si Elaine sa puso niya.Umupo siya sa co-driver seat habang minura, “Ang p*tang iyon, si Eline, ang sumira sa buong buhay ko! Kung hindi dahil sa kanya, isa akong top student na nagtapos sa isang university sa United States! Marahil ay naging professor din ako na nagtrabaho sa Massachusetts Institute of Technology o kahit isang professor na nagtrabaho sa Harvard sa United States!”Habang nagsasalita siya, patuloy siyang nagreklamo nang galit, “Anong nangyari sa huli? Sa sandaling nagtapos ako sa isang local university, kinasal ako kay Elaine! Hindi ko siya matanggal sa buhay ko hanggang ngayon!”Hindi mapigilan ni Charlie na pagaanin ang loob ni Jacob, “Ayos lang ito, Pa. May mga bagay talaga na hindi mo maiisipan ng maganda. Kahit na hindi ka masaya sa kasal mo ngayon, kahit papaano, sobrang ganda ng kalusugan mo. Kung iisipin mo ito sa ibang pananaw, marah
Sa panahong iyon, maraming sikat na tao mula sa Silicon Valley ang sinamahan siya at ang kanyang ina noong binisita nila ang Stanford University. Hindi sila kilala noong una pero ngayon, lahat sila ay kilala na sa ibang bansa.Kung hindi dahil sa aksidente ng mga magulang niya dati, pumunta na si Charlie sa United States para mag-aral muna sa isang university doon. Pagkatapos ng kanyang MBA sa Stanford University, mananatili si Charlie sa Silicon Valley para simulan ang sarili niyang career doon, o marahil ay bumalik siya sa Oskia para tulungan ang kanyang ama sa negosyo ng kanilang pamilya.Sayang at nangyari ang car accident noong walong taong gulang si Charlie at binago nito ang patutunguhan ng buhay niya. Hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon si Charlie na tapusin ang kanyang undergraduate degree.Hindi maiwasang malungkot nang kaunti ni Charlie nang maisip niya ito.Nang makita ni Jacob ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Charlie, hindi niya mapigilang itanong, “Charlie,
Kinabukasan ng umaga.Tumigil ang pinakamaagang high-speed strain mula sa Sudbury sa Aurous Hill Railway Station.May isang matandang lalaki at binatang lalaki ang lumabas sa business cabin sa sandaling ito. Ang dalawang tao na ito ay walang iba kundi ang Feng Shui master mula sa United States, si Carvalho, at ang apo niya sa tuhod, si Mason.Pagkatapos lumabas ni Mason sa train, itinaas niya ang kanyang kamay para suportahan si Carvalho habang tinanong niya, “Lolo, nag-divination ka na ba para malaman kung magiging mabuti o masamang biyahe ba ang pagpunta natin sa Aurous Hill?”Kilala ni Mason ang lolo niya. Maraming taon na siyang maingat, kaya, may sarili na siyang gawi. Hangga’t umaalis sila, palagi siyang guguhit ng isang hexagram, para malaman kung mabuti o masama ba ito bago siya umalis.Medyo nag-alangan si Carvalho habang sinabi, “Nagsulat ako ng hexagram sa pagitan ng 3 am at 5 am ng umaga, pero ngayon, sobrang gulo ng hexagram. Ayon sa divination, mukhang 50% na swerte
Namula agad ang mukha ng taxi driver, at sinabi niya nang nagmamadali, “Paano kung isang libo’t limang daang dolyar?”Gusto pang tumawad ni Mason sa taxi driver. Pero, tinutulan siya ni Carvalho sa sandaling ito habang sinabi nang walang interes, “Okay. Bibigyan ka namin ng dalawang libong dolyar para sa pagsakay. Mason, bayaran mo.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Mason, “Lolo, kasasabi niya lang na sisingilin niya tayo ng isang libo at limang daang dolyar…”Sinabi nang disidido ni Carvalho, “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo kanina? Bayaran mo siya ng dalawang libong dolyar.”Biglang nanginig si Mason bago siya tumango agad bago nagbilang at naglabas ng dalawampung piraso ng isang daang dolyar na pera sa kanyang wallet at ibinigay ito sa driver.Sa totoo lang, hindi kuripot si Mason, o hindi kayang bayaran ang dalawang libong dolyar. Pero, naramdaman niya lang na hindi niya ito matanggap dahil malinaw na pinagkakakitaan sila ng taxi driver.Pero, nang maisip niya ang sinab
Hindi mapigilang maantig ni Charlie sa mga salita ni Claire.Sa mga nakalipas na taon, laging mapagpasensya at matulungin si Claire sa kanya. Kahit ipinagkakaluno at kinamumuhian na siya ng lahat, hindi nagreklamo si Claire sa kanya ni isang beses, hindi rin pumasok sa isip niya na hiwalayan si Charlie.Ngayong sinasabi ni Claire ang bagay na ito mula sa kaibuturan ng kanyang puso, lalong naantig ang damdamin ni Charlie.Subalit, alam ni Charlie na walang alam si Claire sa tunay niyang pagkatao, ang kasalukuyan niyang assets, o kahit ang ocean shipping business na gusto niyang gawin.Iniisip niyang inaakala ni Claire na gusto niyang magsimula ng isang maliit na negosyo nang banggitin niya ang paksa kanina. Hindi alam ni Claire na isang large-scale project na nagkakahalaga ng ilang bilyong dolyar ang gusto niyang gawin.Ayaw ni Charlie na masyadong mag-alala si Claire kaya ngumiti na lang siya, “Sige, makikinig ako sa payo mo, mahal. Hindi muna ako magsisimula ng isang negosyo. Mas
Nagulantang si Gideon at ang kanyang anak, si Wind, sa mga sinabi ng sekretarya.Narinig na nila ang reputasyon ng Schulz Group. Dahil, ang pamilya Schulz ay isa sa mga pinakamalakas na pamilya sa Oskia, at talagang isa sila sa mga may pinakamalakas na presensya sa bansa.Sa kabaliktaran, kahit na tinatawag silang group, ang Violet Group ay wala man lang sa Growth Enterprise Market. Kahit hindi na banggitin na nalista sila sa Yorkshire Hill, halos maituturing lang sila na medyo kilalang enterprise sa Pu’er City.Kahit sa pinakamabangis na panaginip nila, hindi nila maiisip na makukuha sila ng isang napakataas na pamilya tulad ng Schulz Group. Dahil, masyadong malawak ang pagkakaiba ng katayuan nila. Ang mga asset ng Schulz Group ay isang libong beses na mas mataas sa Violet Group.Kaya, may hindi makapaniwalang ekspresyon si Gideon habang tinanong niya ang sekretarya, “Niloloko mo ba ako? Gustong makipag-usap sa atin ng Schulz Group tungkol sa acquisition?”Mukhang naagrabyado ang
Si Gideon, na naiinis, ay nagmura, “Sa mga salita niyong kabataan, sobrang gulo ng Pu’er tea market ngayong taon!”Huminto saglit si Gideon bago nagpatuloy, “Letse! Hindi lang na desperadong binababaan ng mga tea company ang mga presyo para pabagsakin ang market, ngunit kahit ang mga bagong brand ay gumagamit din ng taktika sa marketing at presyuhan para patuloy na atakahin ang lugar ng mga tradisyonal na tea company sa market. Sinasabi niyo na masarap ang tsaa niyo, sinasabi nila na ang presyo ng parehong tsaa sa kabila ay kalahati lang ng presyo namin. Pinapatikim niyo sa kanila ang parehong tsaa, sinasabi nila na walang pagkakaiba sa lasa. Paano natin sila matatalo?!”Nainis din nang sobra si Wind habang sinabi, “Mas marami na ang mga taong umiinom ng tsaa ngayon, pero kaunti lang talaga ang may talagang nakakaintindi sa tsaa. Sumusunod lang sila sa uso. Hindi nila mapapansin ang pagkakaiba sa tsaa na 100 dollars kada kilo o 10 thousand dollars kada kilo.”Tumango si Gideon sa pa
Naniniwala siya na bago kumita ng pera, kailangang siguraduhin muna na maayos ang kalidad ng tsaa para maging makatarungan ang perang kinikita. Dahil sa kanyang dedikasyon at paggalang sa tsaa, hindi siya kailanman nagkaroon ng tunay na pagkakataong yumaman nang biglaan.Pero sa kabilang dako, iba ang mga mapanlinlang na negosyante. Kung makakabenta sila ng isang batch ng dahon ng tsaa sa halagang 50 dollars at makapagbenta ng sampu-sampung libong batch sa isang araw, madali silang kikita ng milyon-milyon sa isang araw.Minsan, kapag nakikita ni Gideon kung paano sila kumita nang ganoon kalaki, nawawalan din siya ng gana sa industriya ng tsaa. Pakiramdam niya, karamihan sa mga industriya ay nauuwi sa sitwasyon kung saan ang masama ang siyang nagpapaalis sa mabuti. At kung susubukan niyang makipagsabayan sa kanila, baka siya pa ang tuluyang mawala sa industriya. Kaya kaysa hayaan na mangyari iyon, mas mabuting mag-cash out na lang siya sa lalong madaling panahon.Ngunit hindi madali
Sa sandaling ito, sa loob ng Violet Tower sa downtown ng Pu’er.Katatapos lang ng 62 years old na si Gideon ang pagho-host ng isang distributor conference. Dahil kailangan pa niyang dumalo sa isang hapunan kasama ang mga distributor sa isang hotel mamaya, saglit lang siya makakapagpahinga sa kanyang opisina sa ngayon kahit na pagod na siya, pagkatapos ay titipunin niya ang kanyang lakas para pumunta sa banquet venue pagdating ng oras.Medyo malungkot si Gideon ngayong araw. Sa mga nagdaang taon, mas nagiging makapangyarihan ang mga distributor sa harap ng grupo. Dati, ang grupo ang may kontrol sa mga distributor, sinususri ang performance nila, pinipilit silang magdagdag ng imbentaryo, at madalas na hinahawakan ang kanilang year-end rebates sa iba’t ibang dahilan upang mas lalo silang magsumikap at mas maging masunurin.Pero sa pag-usbong ng e-commerce nitong mga nakaraang taon, unti-unting nawala ang ganap na kalamangan ng mga tradisyunal na tatak sa harap ng mga distributor, lalo
“Kung hindi sila magiging public, walang magagawa si Gideon kundi patuloy na hawakan ang negosyo na ito at ang taunang kita na sampu-sampung milyong dolyar. Ang nakukuha niya lang talaga ay nasa sampu-sampung milyon. Mukhang walang pag-asa ang pangarap niya na maging public at makuha ang ilang daang milyon.”Nasorpresa si Charlie sa kung gaano kabilis nabuod ni Sophie ang napakaraming impormasyon sa loob lang ng sampung minuto. Pinapahalagahan niya talaga ang kanyang galing, desisyon, at kasanayan sa negosyo.Tinanong niya si Sophie, “Miss Schulz, sa pananaw mo, gaano kalaki ang dapat nating i-alok para tagumpay na makuha ang kumpanya na ito?”Sumagot si Sophie, “Mr. Wade, ayon sa impormasyon na nakuha ko, si Gideon, ang boss nila, ay may 57.6% na shares, pero kung isasama ang ibang equity structure at option holdings, ang kabuuang pag-aari niya siguro ay nasa 78.5%, kaya walang duda na siya ang major shareholder. Para tagumpay na makuha ang Violet Group, basta’t makukuha natin ang
Ang Violet Group ay isang kilalang kumpanya sa Yorkshire Hill, pero dahil nakatuon sila sa industriya ng tsaa, hindi sila masyadong kilala sa labas ng industriyang ito.Hindi pa naririnig ni Sophie ang pangalan na Violet Group dati. Gayunpaman, palagi siyang mabilis at direkta, kaya agad siyang kumuha ng panulat at papel mula sa kanyang mesa at sinabi, “Okay, Mr. Wade. Ano ang gusto mong gawin ko sa aking panig?”Sinabi ni Charlie, “Gusto kong ikaw ang makipag-usap sa may-ari nila bilang kinatawan ng Schulz Group. Kung magtataka sila kung bakit ang isang prominenteng dalaga mula sa pamilya Schulz ay interesado sa isang kumpanya ng tsaa tulad nila, sabihin mo lang na mahilig ang lolo mo sa Madagascar sa tsaa nila, kaya gusto mong bilhin ang kumpanya. Sa madaling salita, magpakita ka ng tono ng isang mayaman at pabago-bago ang isip na tao.”Sumang-ayon nang walang pag-aalinlangan si Sophie at sinabi, “Okay, Mr. Wade. Bigyan mo ako ng sampung minuto. Aalamin ko muna ang pangunahing imp
Sa ganitong sitwasyon, hindi madaling makapasok nang lantaran, at hindi rin magiging madali ang makapasok nang palihim. Dahil, marami ng mga guwardiya at surveillance camera na walang butas.Kahit na makalusot siya, marahil ay mahuli siya. Hindi naman siya pwedeng pumasok gamit ang dahas, tama?Napansin ng guwardiya na mukhang wala namang masamang intensyon si Charlie kaya sinabi niya, “Iho, sinasabi ko sayo, ang lugar na ito ay isang tea plantation lang at may simpleng proseso kami ng paggawa ng tsaa dito. Wala rito ang mga totoong namumunoi. Kung gusto mo talagang makipag-usap tungkol sa isang kolaborasyon, pumunta ka sa downtown area ng Pu’er. May gusali roon na tinatawag na Violet Tower, iyon ang headquarters namin. Kailangan mong magpa-appointment muna doon. Kung papayagan ka nila na bumisita dito, sila mismo ang magpapaalam sa amin.”Medyo nalungkot si Vera at marahan na hinila ang manggas ni Charlie, at sinabi, “Bakit hindi na lang muna tayo pumunta sa Pu’er at kausapin ang g
Nagpatuloy siya, “Hindi ko lang alam kung nandoon pa rin ang puno ng Pu'er tea. Kung wala na ito, baka mahirapan tayong hanapin ang eksaktong lugar.”Sinabi ni Charlie, “Ayos lang, sasamahan kita hanggang sa mahanap natin ito.”Tumango si Vera nang may pasasalamat at sinabi kay Charlie, “Kung buhay pa ang punong iyon ng Pu'er tea, dapat ay mahigit isang libong taon na ito. Siguradong ito ang pinakamalaki at pinaka masaganang puno ng tsaa dito.”Hindi niya napigilang mapabuntong-hininga at sabihin, “Pero kahit ganoon, hindi pa rin ito maikukumpara sa mother Pu'er tea tree sa Heavenly Lake na sampung libong taon ang edad.”Napangiti si Charlie, “Napakalaki ng agwat ng isang libong taon sa sampung libong taon.”Habang papalapit sila, mas naging malinaw ang mga detalye ng Mount Twint.Itinuro ni Vera nang sabik ang isang napakalago at matayog na puno ng tsaa malapit sa tuktok ng bundok at sinabi kay Charlie, “Kung hindi ako nagkakamali, sa ilalim ng punong iyon nakalibing ang abo ng
Habang lalo pang bumubuti ang kalagayan ni Jimmy, nakarating na sina Charlie at Vera sa Pu’er sa Yorkshire Hill.Ang lungsod na ito, na ipinangalan sa tsaa, ay may kasaysayang mahigit isang libong taon. Hindi lang ito naging bahagi ng sinaunang Mass Tea Street, kundi isa rin sa pinakamahalagang lugar ng produksyon ng Pu'er tea sa kasalukuyan.Noong umalis si Vera sa Diggero maraming taon na ang nakalipas, dinala niya ang abo ng kanyang mga magulang at inilibing ito sa Pu’er. Mahigit tatlong daang taon na ang lumipas mula noong huli siyang bumalik dito, kaya’t halos hindi na niya matandaan kung ano ang hitsura ng lungsod noon.Ayon kay Vera, ang tanging dinala niya mula sa Diggero ay ang mga urn ng kanyang mga magulang. Nang inilibing sila sa Pu’er, palihim siyang pumili ng isang lugar na ayon sa Feng Shui ay may pambihirang enerhiya. Wala siyang ginawang kabaong, at hindi rin siya nagtayo ng libingan o lapida.Ang paghahanap sa dalawang urn na inilibing mahigit tatlong daang taon n