Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2011 - Chapter 2020

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2011 - Chapter 2020

5675 Chapters

Kabanata 2011

Biglaan ang pagtatanong ni Dylan kaya walang oras si Loreen na itago ang katotohanan. Nagitla siya at agad siyang sumagot dahil sa hiya, “Ikaw… ikaw… huwag kang magsalita ng kalokohan. Hindi… Hindi ko gusto si Charlie!”“Hindi ako naniniwala sa iyo!” Napakurba ang labi ni Dylan, “Marami na akong niligawan sa lahat ng taong ito kaya hindi ako nahihirapang intindihin ang mga babae. Sa reaksyon mo ngayon, sigurado akong may gusto ka kay Charlie!”Nagpanggap si Loreen na para bang nauubusan ng pasensya, “Oh! Sige lang, isipin mo kung ano ang gusto mong isipin. Wala na akong balak na makipagtalo sa iyo.”Pinaalalahanan ni Dylan si Loreen, “Loreen, kasal na si Charlie kaya mas mabuting layuan mo siya. Kung hindi, kapag kumalat ang balitang may gusto ang eldest young lady ng pamilya Thomas sa isang kasal na lalaki, siguradong mapapahiya ang pamilya natin dahil sa iyo!”Nang marinig ito ni Loreen, bigla siyang nagalit at hindi niya mapigilang mapabulalas, “Ang kapal ng mukha mong sabihin i
Read more

Kabanata 2012

Habang nagmamaneho si Dylan papunta kay nila Charlie, sunod-sunod na mura ang maririnig sa tahimik na villa area ng Thompson First.Si Lady Wilson ang nagmumura sa umagang iyon.Nang magising siya kaninang umaga, napagtanto niyang wala na sa kanyang pitaka ang dalawang daang na kinita niya kahapon.Ang unang bagay na naisip niya ay may nagnakaw ng pera niya!Sa pagkakataong iyon, naisip niyang 80% ang tsansa na ninakaw ito ni Jennifer at ng dalawa pang kasamahan nitong babae.Subalit, nang hahatakin niya na sana si Hannah para komprontahin sina Jennifer, nakita niya ang sulat na iniwan ni Hannah sa tabi. Napagtanto niyang wala na ang kanyang manugang.Napagtanto ni Lady Wilson na si Hannah ang nagnakaw ng pinaghirapan niyang dalawang daan sa kanyang pitaka.Sumabog siya sa puntong iyon!Matapos ang lahat, marami siyang pinagdaanang hirap at pagdurusa para lang makuha ang dalawang daan na iyon, nasampal pa siya at pinagsalitaan nang masakit ng isang babae. Wala pa nga siyang nag
Read more

Kabanata 2013

Nagluluto si Elaine sa 1st floor. Nang marinig niyang nagmumura si Lady Wilson nang malakas sa umagang iyon, agad siyang nagmadali para panoorin ang palabas.Sa pagkakataong ito, naglalakad si Charlie at Claire pababa ng hagdan. Napansin nilang nagmamadaling lumabas si Elaine habang nakasaklay.Agad na binalitaan ni Elaine ang dalawa, “Oh! Narinig niyo bang dalawa ang malakas ng mura ng matandang iyon?”Tumango si Charlie at Claire. Pagkatapos, nahihiyang sumagot si Claire, “Nagtataka ako kung anong problema ni lola? Bakit ang aga-aga niyang nagmumura sa balkonahe ng 2nd floor?”Nang marinig ito ni Elaine, sabik siyang nag-aya, “Claire, bilisan mo! Tulungan mo akong makaakyat sa hagdan! Gusto kong makita kung ano ang nangyayari!”Tila ba nauubusan ng pag-asa si Claire, “Ma, ano naman ang makikita mo roon…”Ipinatong ni Elaine ang kanyang kanang kamay sa saklay saka niya tinapik ang kaliwa niyang binti, “May mas gaganda pa ba sa palabas na ito? Bilisan mo at tulungan mo ako! Kung
Read more

Kabanata 2014

Agad na ginanahan ang mga pulis nang marinig nila ang sinabi ng matanda! Hindi nila mapigilang magtaka at mamangha sa laki ng nawalang pera.Matapos ang lahat, siguradong marangya ang isang taong nakatira sa Thompson First. Nasasabik na silang malaman kung gaano kalaki ang nawalang pera ng matanda lalo na at ‘pinaghirapan’ niya pa ito.Nang maisip ito, naalala nilang higit sa ilang bilyon ang halaga ng isang villa sa A series. Kung handa silang tumira sa ganitong lugar, barya lang naman siguro ang tatlo hanggang limang milyon sa kanila, hindi ba? Baka nga sumimangot lang sila nang kaunti kung mawawalan sila ng 30 hanggang 50 milyon!Subalit, dahil ganito ang reaksyon ng matanda, mukhang higit pa sa 30 o 50 milyon ang nawawalang pera sa kanila!Baka isang malaking kaso ito ng pagnanakaw!Kaya, agad na pumasok ang mga pulis sa loob ng bahay saka nila tinanong si Wendy nang direkta, “Saan nangyari ang pagnanakaw? Gaano kalaki ang perang nawala?”Nahihiya si Wendy. Hindi niya alam ku
Read more

Kabanata 2015

Habang kaharap ang pulis, tumango si Lady Wilson. Kita ang galit sa kanyang ekspresyon, “Oo, tama ka. Dalawang daan nga ang ninakaw niya sa akin!”Akala ng pulis may problema sa kanyang tainga. Mukhang mali ang kanyang narinig.“Isang matandang nakatira sa pinakamamahaling villa ng Thompson First ang tumawag ng pulis para magfile ng report dahil lang sa dalawang daan? Hindi yata tama ang naririnig ko…”Habang iniisip ito, hindi niya mapigilang magtaka, ‘Hindi kaya ganito magsalita ang mga mayayamang tao? Tinatawag nilang dalawang daan ang dalawang milyon? Sa nakaraan kong class reunion, ganyan rin magsalita ang mayaman kong kaklase habang kinukuwento niya ang mamahalin niyang kotse. Halata namang Rolls-Royce ito na nagkakahalaga ng limang milyon. Pero, kapag tinatanong siya ng presyo, sasabihin niyang higit lang ito sa limang daan. Ito ba ang problema ng mga mararangyang tao?’Nang mapagtanto ito, hindi mapigilang magtaka ng pulis. Halata namang higit sa isang daang milyon ang net
Read more

Kabanata 2016

Pagkatapos nito, muling nagsalita ang pulis, “Madam, kung dalawang daan lang ang ninakaw ng manugang mo sa iyo, hindi ka pwedeng magsampa ng kaso. Pwede mo lang siyang sisihin. Kung palihim niyang ninakaw ang telebisyon niyo at ibinenta niya ito, base sa presyo ng telebisyon sa pagkakataong una itong binili, magiging sapat ang halagang iyon para umaksyon kami at sampahan siya ng kaso. Subalit, wala siyang ninakaw na telebisyon sa inyo!”Ginamit lamang ng pulis ang telebisyon bilang analohiya. Ganoon pa man, biglang naalala ni Lady Wilson ang TV set sa villa ni Donald na ibinenta niya kasama si Harold at Christopher. Hindi niya mapigilang magulantang. Kinakabahan siyang nagtanong, “Officer, kung nagnakaw ang isang tao ng telebisyon na nagkakahalaga ng isang daang libo, anong klase ng sentensiya ang pwede niyang matanggap?”Seryosong tumugon ang pulis, “Kung nagkakahalaga ng isang daang libo ang telebisyong iyon, masasabing malaking pera ito. Basta ba umabot ng 60,000 ang halagang nawa
Read more

Kabanata 2017

Habang inuutusan ni Lady Wilson si Wendy na ihatid palabas ang mga pulis, nagsalita si Elaine mula sa 3rd floor ng kanilang villa. Ngumisi siya sa nakita niyang eksena, “Tanda, hindi ba ang sabi mo ipapakulong mo ang manugang mo? Bakit? Naging malambot ba ulit ang puso mo? Mukhang hindi mo talaga mapigilang palagpasin ang mga kasalanan ni Hannah sa iyo! Ganyan ba siya kahalaga sa iyo?”Mabigat talaga ang loob ni Lady Wilson dahil wala siyang magawa sa sitwasyon. Kaya, nang marinig niya ang boses ni Elaine mula sa kabilang bahay, agad siyang nagalit at nagsimula siyang magwala, “Elaine, walang kinalaman sa iyo ang problema ng pamilya ko. Tumigil ka sa pagsatsat buong araw. Nakakairita ka!”“Naku! Iniisip mong nakakairita ako?” Ngumisi ulit si Elaine saka siya nagsalita, “Huwag kang tumira sa tabi ng bahay namin kung iniisip mong nakakairita ako!”Hindi mapigilang suminghal ni Elaine, “Kahapon, narinig ko kay Jacob na nakakuha ka ng trabaho sa isang supermarket? Hindi na rin masama, t
Read more

Kabanata 2018

Ngumiti si Elaine, “Ikaw bata ka! Nagsisinungaling lang ako sa kanya. Saan naman ako pwedeng bumili ng Oskian breakfast food ngayong New Year? Bukod pa roon, hindi naman ako marunong magluto ng mga sinabi kong pagkain. Gusto ko lang siyang galitin!”Nagpatuloy si Elaine, “Hindi mo siguro alam pero mahilig ang lola mo sa Oskian breakfast food. Lagi siyang pumupunta sa teahouse tuwing umaga para lang makakain ng masarap na Oskian breakfast food. Sa tuwing naroroon siya, marami siyang inoorder na pagkain na para bang isa siyang reyna! Lagi niya pang nauubos ang laman ng buong mesa. Ngayong naghihirap na siya, bakit naman hindi ko pagsasamantalahan ang sitwasyon para inisin siya?”Bumuntong hininga si Claire. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, “Ma, hindi ba sa tingin mo oras na para pakawalan ang sama ng loob mo kay lola? Masyado na siyang matanda. Hindi ka na dapat magpatuloy sa pakikipag-away sa kanya.”Tumugon si Elaine na para bang naiirita, “Ano naman kung tumatanda na siya? Ako
Read more

Kabanata 2019

Hindi inakala ni Charlie na mahuhusgahan nang tama ni Elaine si Loreen.Sa totoo lang, alam na talaga ni Charlie ang tunay na motibo ni Loreen nang magtrabaho siya sa Emgrand Group.Mukhang narinig ng pamilya Thomas na mayroong miyembro ng pamilya Wade ang nasa Aurous Hill at binili nila ang Emgrand Group bilang regalo sa batang iyon. Dahil dito, naramdaman ng pamilya Thomas na ito ang perpektong pagkakataon para mauna sa lahat. Pinadala nila si Loreen para magtrabaho sa Emgrand Group.Binalak ni Charlie na pigilan si Loreen na makausap siya habang nagtatrabaho ito sa Emgrand Group. Sa ganitong kaso, kapag hindi pa rin nahahanap ni Loreen kung sino ang miyembro ng pamilya Wade na nasa Aurous Hill pagkatapos ng mahabang panahon, siguradong babalik rin siya sa Eastcliff.Subalit, sino naman ang mag-aakalang mahuhulog pala ang loob ni Loreen kay Charlie?Nang aminin ni Loreen ang nararamdaman niya para sa lalaki, alam ni Charlie na imposible niya nang mapaalis at maiwasan ang babaeng
Read more

Kabanata 2020

Tumawa si Claire, “Ma, kapag lalo pang dumadami ang sinasabi mo, mas lalo akong hindi makapaniwala! Ngayon, umabot na tayo sa puntong may mga lagusan na sa ilalim ng mga templo! Sa tingin mo ba ikaw si Captain Mojin?”Nang makita ni Elaine na hindi naniniwala si Claire sa lahat ng sinasabi niya, hindi niya mapigilang mapabulalas, “Seryoso, Claire! Bakit hindi ka naniniwala sa sinasabi ko? Sa lahat ng taong iyon, maraming mga libingan ang nahanap malapit sa bahay ng lola ko. Isang sikat na hukay ang tinatawag na Halchester Tomb ang nahanap nila hindi malayo sa bahay ni lola. Narinig mo na ba kung ano ang Halchester Tomb?”Tumango si Claire, “Narinig kong isang mahalagang archaeological discovery iyan sa kasaysayan. Ano naman ang mali sa libingang iyon?”“Anong mali sa libingang iyon?!” Sambit ni Elaine saka siya tumugon, “Ako na ang magsasabi. Ang dahilan kung bakit nadiskubre ng cultural relics department ang libingan ay dahil naalarma ang mga nakatira doon nang malaman nila ang tun
Read more
PREV
1
...
200201202203204
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status