Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2001 - Chapter 2010

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2001 - Chapter 2010

5675 Chapters

Kabanata 2001

Hindi pa nararanasan ni Lady Wilson ang ganitong klaseng araw dati. Hindi niya inaakalang masasabik siya para sa isang hapunan.Ginawa niya ang sinabi ng foreman. Nagtrabaho siya hanggang 7:00 ng gabi at natanggap niya ang pinapangarap niyang meal coupon.Sa kabila ng kinain niya kaninang tanghali, nilamon ni Lady Wilson ang kanyang hapunan na para bang hindi siya kumain sa loob ng tatlong araw. Busog na busog siya at nahihirapan siyang tumayo pagkatapos.Nang hindi na siya makakain pa, nagpahinga muna siya sa kanyang inuupuan sa loob ng kalahating oras. Pagkatapos, pinuwersa niya ang kanyang sarili na tumayo.Pakiramdam niya punong-puno siya ng enerhiya pagkatapos kumain at uminom.Pinunasan ni Lady Wilson ang kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang kamay, sumunod hinawakan niya ang kanyang tiyan gamit ang kanyang palad. Lumuwag ang kanyang hininga. Naisip niya sa kanyang sarili, ‘Hindi ko inaakalang ganito pala kasarap ang pagkain kapag pinaghihirapan. Sa wakas, napawi na rin a
Read more

Kabanata 2002

Sa totoo lang, hinihiling talaga ni Lady Wilson na ganyan talaga ang kalagayan ni Elaine! Mas matutuwa pa siya kung mas nakakaawa ang manugang niyang ito!Ganoon pa man, hindi alam ng empleyado na nagsisinungaling ang matanda.Sino naman ang mag-aakalang isusumpa ng isang ordinaryong matandang babae ang kanyang pamilya? Kaya, naniwala ang lalaki sa lahat ng sinasabi ni Lady Wilson.May awa sa boses ng empleyado, “Kaya pala nagtatrabaho ka pa rin kahit matanda ka na. Sigurado akong mabigat para sa iyo na maranasan ang lahat ng bagay na ito!”Nagpatuloy pa ang lalaki, “Lola, may mga natira pa naman kaming pagkain. Mga pito o walong siopao pa. May kakaunti ring kanin. Sapat na ito para sa apat na tao. May mga ulam pa rin. May lalagyan ka ba? Pwede kong ibalot para sa iyo!”Sabik na sabik si Lady Wilson, pero agad niyang pinakalma ang kanyang sarili, “Wala akong pambili ng kahit anong lalagyan o Tupperware. Lahat ng pera namin napupunta sa panggamot ng mga manugang ko.”Tinignan ni L
Read more

Kabanata 2003

Hindi inakala ni Lady Wilson na masasampal siya ng isang estranghero pagkatapos ng isang araw ng pagtatrabaho at paghihirap niya.Pagkatapos siyang sampalin ng babae, nagpatuloy pa ito sa pagsasalita nang masakit, “Buwisit kang matanda ka! Sino ka para magpanggap na residente ng Thompson First! Tira-tira lang naman ang kinakain mo! Nakakadiri ka! Baliw!”Sumunod, sinigawan ng babae ang security guard sa malapit, “Lumapit ka rito ngayon! Bulag ka ba? Higit sa 20 milyon ang ginastos ko sa bahay ko pero ito ang asal na ipinapakita mo sa amin? Sino naman ang magtatanggol sa interes at nararamdaman namin kung hahayaan niyong makapasok ang matandang ito na maihahalintulad sa isang baboy o kaya aso?”Kinakabahan na rin ang security guard.Pagod na pagod ang itsura ni Lady Wilson, hindi gaya ng isang tipikal na mayamang babae.Bukod pa roon, may dala-dalang tira-tira na siopao, kanin, at mga ulam ang matanda. Hindi ito nababagay sa katangian ng mga residente ng Thompson First.Agad niyan
Read more

Kabanata 2004

Kaya, alam niya sa loob ng kanyang puso na ang mga nakatira sa A series villa ay mga taong mas makapangyarihan sa kanya.Nang maalala niya ang sampal na ibinigay niya sa matanda kanina, nanginig siya.Kinakabahan siya! ‘Tapos na talaga ako! Malaking gulo ito! Sino naman ang mag-aakalang hindi pala simple ang matandang ito! Sinampal ko pa naman siya. Kung gusto niya akong apihin, hindi ba’t kayang-kaya niya ito?’Nanginginig na rin sa takot ang security guard.‘Anong nangyayari? Talaga bang residente ng Thompson First villa ang matandang ito? Bakit wala akong maramdamang impresyon sa kanya?’‘Dagdag pa roon, sobrang yaman ng mga nakatira sa A series. Kung talagang mayaman ang matandang ito, bakit naman siya magdadala ng mga plastic bags ng mga tira-tirang pagkain pabalik sa Thompson First?’Ito na ba ang trend sa mga mayayaman? Kumain ng kaning baboy?Galit na galit si Lady Wilson, “Buksan mo ang mga mata mo at tumingin ka nang mabuti? Mukha ba akong residente ng A04 sa iyo o hin
Read more

Kabanata 2005

Nang makitang umalis lang si Jacob, galit na galit si Lady Wilson.Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Paano ako nagkaroon ng isang anak na gaya niya? Wala man lang siyang paki na nasampal ang kanyang ina?! Wala ba siyang puso?’Samantala, hindi alam ni Lady Wilson na nanginginig na sa takot ang babaeng nasa harap niya!Hindi alam ng babae na maasim ang relasyon ni Jacob at ni Lady Wilson. Alam niya lang na mag-ina sila.Takot na takot siya, ‘Kahit magkamag-anak sila, nakatira sila sa magkahiwalay na villas. Nasa A04 ang isa samantalang nasa A05 naman ang isa pa. Gaano kaya kayaman ang pamilya nila? Anong suporta kaya ang nasa likod nila?’Nang maisip ito, nakaramdam siya ng matinding pagsisisi para sa kanyang paninita sa matandang babae.Agad siyang yumuko at humingi ng tawad. “Pasensya na talaga, lola. Hindi ko inaakalang tenant ka pala ng residential area. Gusto kong humingi ng tawad para sa nagawa kong pagkakamali ngayon lang…”Galit na tumugon si Lady Wilson, “Sa tingin mo ba
Read more

Kabanata 2006

Sa isip-isip ni Lady Wilson, ‘Nakakuha ako ng isang daan dahil lang sa isang sampal. Mas madali ito kaysa magtrabaho nang buong araw!’Ganoon pa man, hindi niya pinakita ang pananabik sa kanyang mukha, “Sige, kalimutan na natin ang bagay na ito. Sa susunod, huwag mong kalimutan na hindi dapat husgahan ang isang libro sa pabalat nito! Huwag mong mamaliitin ang iba!”Agad na tumango ang babae at magalang siyang tumugon, “Huwag kang mag-alala, hindi ko kakalimutan…”***Habang hawak ni Lady Wilson ang dalawang daang papel sa kanyang kamay, dala-dala niya ang apat na plastic bags papasok ng villa. Agad itong nangamoy sa loob.Si Jennifer at ang dalawa pang iba ang nagluto.Sila ang mga tagalinis sa supermarket ngayong araw. Dahil 120 ang bayad sa kanila, 360 ang kinita nila buong araw.Ngayong mga araw, sa halagang 360, pwede na silang makakain ng isang normal na hapunan sa isang restawran.Pero mas pinili nilang gamitin ang 360 para magluto na masasabing mas mahal kumpara sa naban
Read more

Kabanata 2007

Hindi inakala ni Hannah na magkakaroon sila ng alitan ni Lady Wilson dahil lang sa pagkain.Nang makita niyang maraming dala-dalang plastic bags na may pagkain ang matanda, sinubukan niyang magmakaawa, “Ma, dahil marami kang dalang pagkain, hayaan mo naman akong sumubo kahit ilan lang. Gutom na gutom na rin talaga ako…”Suminghal si Lady Wilson, “Maghanap ka ng trabaho para makakain ka. Ang kapal naman ng mukha mo para humingi ng pagkain sa isang matanda na gaya ko!”Kinakahabang sumagot si Hannah, “Kasalanan ito ni Jacob! Kung hindi dahil sa kanya, kikita sana ako ng pera sa pagiging cashier!”Ngumuso si Lady Wilson, “Hindi ko problema iyan. Pera mo ang pera mo, pera ko ang pera ko. Hindi natin pwedeng pagsamantalahan ang isa’t isa. Huwag mong subukang umasa sa akin para kumain. Magtrabaho ka para makakain ka!”Tinitigan nang masama ni Hannah ang matanda. Sumunod, hindi niya mapigilang sumagot, “Tanda, inaapi mo na ba ako dahil lang bumagsak na ang buhay ko? Kung magpupumilit ka,
Read more

Kabanata 2008

Namumula ang mga mata ni Christopher, “Ma, magtatrabaho rin ako kapag bumuti na ang pakiramdam ko. Pwede akong magtrabaho sa construction site at magbuhat ng semento, sisiguruhin kong makakabawi ako sa lahat ng ginastos mo. Hindi ko hahayaang mapagod ka at magdusa ka sa edad mo!”Nagsalita rin si Harold, “Lola, ako rin! Babawi ako!”Tumango si Lady Wilson, “Ituon niyo muna ang atensyon niyo sa pagpapagaling. Kapag maayos na ang kalagayan niyo, aasa na ako sa inyo para alagaan ako at ilibing ako nang mabuti kapag pumanaw na ako!”Habang kumakain ang apat sa mesa, umiiyak si Hannah sa loob ng kanyang kwarto.Gutom na gutom siya at nilalamig na rin siya. Hindi lamang mabigat ang kanyang loob dahil sa pamilya Wilson, pero nakapagpasya na rin siya sa kanyang puso na aalis na siya sa pamamahay na ito.Ayaw niya nang magtagal rito, wala siyang intensyon na manatili sa Aurous Hill.Gusto niyang bumalik sa bayan niya.Kahit wala masyadong pera ang kanyang pamilya at kahit nakaasa pa rin
Read more

Kabanata 2009

Dahil ilang taon nang magkakilala si Claire at Loreen, nauunawaan ni Claire ang sitwasyon ng pamilya ng kanyang kaibigan. Nang marinig niyang balak ni Loreen na dalhin ang kanyang pinsan sa bahay nila, nagtataka siyang nagtanong, “Loreen, si Dylan ba nag pinsan na tinutukoy mo?”Tumawa si Loreen nang bahagya saka siya sumagot, “Siya nga.”“Ahhh?” Biglang naalala ni Claire ang imahe ng isang walang kuwentang mayamang binata mula sa isang prestihiyosong pamilya. Napatanong siya sa sorpresa, “Bakit nandito ang pinsan mo sa Aurous Hill?”Sumagot si Loreen, “Pagkatapos niyang manatili nang matagal sa Eastcliff, lagi siyang nagdadala ng gulo roon. Kaya, pumunta mun siya rito sa Aurous Hill para madisiplina ang sarili niya.”Nagulat si Claire, “Disiplinahin ang sarili niya? Paano niya naman madidisiplina ang sarili niya?”Ngumiti si Loreen, “Mamumuhay siya nang simple rito. Rumerenta lang siya ng isang maliit na lugar sa Cliffcouls. Hindi maganda ang kondisyon doon at mahirap ang buhay.”
Read more

Kabanata 2010

Pagkatapos ibaba ni Loreen ang tawag habang nakaupo sa passenger seat, nakasimangot nang matindi si Dylan, “Loreen, hindi ba pwedeng mag-isa kang pumunta sa bahay ni Charlie? Bakit kailangan mo pa akong isama? Ayaw ko talagang makita ang mukha ni Charlie kahit isang minuto lang.”Nang masilayan ni Loreen ang madilim na ekspresyon ni Dylan, hindi niya mapigilang kutyain ito, “Dylan, hindi ka ba masyadong nagiging duwag? Dadalhin kita sa bahay nila Charlie para batiin sila ng Happy New Year. Hindi kita dadalhin doon para makipag-away kay Charlie. Ano naman ang kinatatakot mo?”Bumuntong hininga si Dylan, “Hay. Loreen, hindi mo siguro ito alam, pero dalawang beses pa lang kami nagkikita ni Charlie Wade pero walang magandang nangyayari sa tuwing nagtatagpo kami! Sa unang beses, kailangan kong lumunok ng kuwintas at dumaan pa ako ng surgery para maalis ito. Sa ikalawang pagkakataon naman, inutusan niya akong magbisikleta mula sa Eastcliff papuntang Aurous Hill. Kapag nairita na naman siya
Read more
PREV
1
...
199200201202203
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status