Dahil ilang taon nang magkakilala si Claire at Loreen, nauunawaan ni Claire ang sitwasyon ng pamilya ng kanyang kaibigan. Nang marinig niyang balak ni Loreen na dalhin ang kanyang pinsan sa bahay nila, nagtataka siyang nagtanong, “Loreen, si Dylan ba nag pinsan na tinutukoy mo?”Tumawa si Loreen nang bahagya saka siya sumagot, “Siya nga.”“Ahhh?” Biglang naalala ni Claire ang imahe ng isang walang kuwentang mayamang binata mula sa isang prestihiyosong pamilya. Napatanong siya sa sorpresa, “Bakit nandito ang pinsan mo sa Aurous Hill?”Sumagot si Loreen, “Pagkatapos niyang manatili nang matagal sa Eastcliff, lagi siyang nagdadala ng gulo roon. Kaya, pumunta mun siya rito sa Aurous Hill para madisiplina ang sarili niya.”Nagulat si Claire, “Disiplinahin ang sarili niya? Paano niya naman madidisiplina ang sarili niya?”Ngumiti si Loreen, “Mamumuhay siya nang simple rito. Rumerenta lang siya ng isang maliit na lugar sa Cliffcouls. Hindi maganda ang kondisyon doon at mahirap ang buhay.”
Pagkatapos ibaba ni Loreen ang tawag habang nakaupo sa passenger seat, nakasimangot nang matindi si Dylan, “Loreen, hindi ba pwedeng mag-isa kang pumunta sa bahay ni Charlie? Bakit kailangan mo pa akong isama? Ayaw ko talagang makita ang mukha ni Charlie kahit isang minuto lang.”Nang masilayan ni Loreen ang madilim na ekspresyon ni Dylan, hindi niya mapigilang kutyain ito, “Dylan, hindi ka ba masyadong nagiging duwag? Dadalhin kita sa bahay nila Charlie para batiin sila ng Happy New Year. Hindi kita dadalhin doon para makipag-away kay Charlie. Ano naman ang kinatatakot mo?”Bumuntong hininga si Dylan, “Hay. Loreen, hindi mo siguro ito alam, pero dalawang beses pa lang kami nagkikita ni Charlie Wade pero walang magandang nangyayari sa tuwing nagtatagpo kami! Sa unang beses, kailangan kong lumunok ng kuwintas at dumaan pa ako ng surgery para maalis ito. Sa ikalawang pagkakataon naman, inutusan niya akong magbisikleta mula sa Eastcliff papuntang Aurous Hill. Kapag nairita na naman siya
Biglaan ang pagtatanong ni Dylan kaya walang oras si Loreen na itago ang katotohanan. Nagitla siya at agad siyang sumagot dahil sa hiya, “Ikaw… ikaw… huwag kang magsalita ng kalokohan. Hindi… Hindi ko gusto si Charlie!”“Hindi ako naniniwala sa iyo!” Napakurba ang labi ni Dylan, “Marami na akong niligawan sa lahat ng taong ito kaya hindi ako nahihirapang intindihin ang mga babae. Sa reaksyon mo ngayon, sigurado akong may gusto ka kay Charlie!”Nagpanggap si Loreen na para bang nauubusan ng pasensya, “Oh! Sige lang, isipin mo kung ano ang gusto mong isipin. Wala na akong balak na makipagtalo sa iyo.”Pinaalalahanan ni Dylan si Loreen, “Loreen, kasal na si Charlie kaya mas mabuting layuan mo siya. Kung hindi, kapag kumalat ang balitang may gusto ang eldest young lady ng pamilya Thomas sa isang kasal na lalaki, siguradong mapapahiya ang pamilya natin dahil sa iyo!”Nang marinig ito ni Loreen, bigla siyang nagalit at hindi niya mapigilang mapabulalas, “Ang kapal ng mukha mong sabihin i
Habang nagmamaneho si Dylan papunta kay nila Charlie, sunod-sunod na mura ang maririnig sa tahimik na villa area ng Thompson First.Si Lady Wilson ang nagmumura sa umagang iyon.Nang magising siya kaninang umaga, napagtanto niyang wala na sa kanyang pitaka ang dalawang daang na kinita niya kahapon.Ang unang bagay na naisip niya ay may nagnakaw ng pera niya!Sa pagkakataong iyon, naisip niyang 80% ang tsansa na ninakaw ito ni Jennifer at ng dalawa pang kasamahan nitong babae.Subalit, nang hahatakin niya na sana si Hannah para komprontahin sina Jennifer, nakita niya ang sulat na iniwan ni Hannah sa tabi. Napagtanto niyang wala na ang kanyang manugang.Napagtanto ni Lady Wilson na si Hannah ang nagnakaw ng pinaghirapan niyang dalawang daan sa kanyang pitaka.Sumabog siya sa puntong iyon!Matapos ang lahat, marami siyang pinagdaanang hirap at pagdurusa para lang makuha ang dalawang daan na iyon, nasampal pa siya at pinagsalitaan nang masakit ng isang babae. Wala pa nga siyang nag
Nagluluto si Elaine sa 1st floor. Nang marinig niyang nagmumura si Lady Wilson nang malakas sa umagang iyon, agad siyang nagmadali para panoorin ang palabas.Sa pagkakataong ito, naglalakad si Charlie at Claire pababa ng hagdan. Napansin nilang nagmamadaling lumabas si Elaine habang nakasaklay.Agad na binalitaan ni Elaine ang dalawa, “Oh! Narinig niyo bang dalawa ang malakas ng mura ng matandang iyon?”Tumango si Charlie at Claire. Pagkatapos, nahihiyang sumagot si Claire, “Nagtataka ako kung anong problema ni lola? Bakit ang aga-aga niyang nagmumura sa balkonahe ng 2nd floor?”Nang marinig ito ni Elaine, sabik siyang nag-aya, “Claire, bilisan mo! Tulungan mo akong makaakyat sa hagdan! Gusto kong makita kung ano ang nangyayari!”Tila ba nauubusan ng pag-asa si Claire, “Ma, ano naman ang makikita mo roon…”Ipinatong ni Elaine ang kanyang kanang kamay sa saklay saka niya tinapik ang kaliwa niyang binti, “May mas gaganda pa ba sa palabas na ito? Bilisan mo at tulungan mo ako! Kung
Agad na ginanahan ang mga pulis nang marinig nila ang sinabi ng matanda! Hindi nila mapigilang magtaka at mamangha sa laki ng nawalang pera.Matapos ang lahat, siguradong marangya ang isang taong nakatira sa Thompson First. Nasasabik na silang malaman kung gaano kalaki ang nawalang pera ng matanda lalo na at ‘pinaghirapan’ niya pa ito.Nang maisip ito, naalala nilang higit sa ilang bilyon ang halaga ng isang villa sa A series. Kung handa silang tumira sa ganitong lugar, barya lang naman siguro ang tatlo hanggang limang milyon sa kanila, hindi ba? Baka nga sumimangot lang sila nang kaunti kung mawawalan sila ng 30 hanggang 50 milyon!Subalit, dahil ganito ang reaksyon ng matanda, mukhang higit pa sa 30 o 50 milyon ang nawawalang pera sa kanila!Baka isang malaking kaso ito ng pagnanakaw!Kaya, agad na pumasok ang mga pulis sa loob ng bahay saka nila tinanong si Wendy nang direkta, “Saan nangyari ang pagnanakaw? Gaano kalaki ang perang nawala?”Nahihiya si Wendy. Hindi niya alam ku
Habang kaharap ang pulis, tumango si Lady Wilson. Kita ang galit sa kanyang ekspresyon, “Oo, tama ka. Dalawang daan nga ang ninakaw niya sa akin!”Akala ng pulis may problema sa kanyang tainga. Mukhang mali ang kanyang narinig.“Isang matandang nakatira sa pinakamamahaling villa ng Thompson First ang tumawag ng pulis para magfile ng report dahil lang sa dalawang daan? Hindi yata tama ang naririnig ko…”Habang iniisip ito, hindi niya mapigilang magtaka, ‘Hindi kaya ganito magsalita ang mga mayayamang tao? Tinatawag nilang dalawang daan ang dalawang milyon? Sa nakaraan kong class reunion, ganyan rin magsalita ang mayaman kong kaklase habang kinukuwento niya ang mamahalin niyang kotse. Halata namang Rolls-Royce ito na nagkakahalaga ng limang milyon. Pero, kapag tinatanong siya ng presyo, sasabihin niyang higit lang ito sa limang daan. Ito ba ang problema ng mga mararangyang tao?’Nang mapagtanto ito, hindi mapigilang magtaka ng pulis. Halata namang higit sa isang daang milyon ang net
Pagkatapos nito, muling nagsalita ang pulis, “Madam, kung dalawang daan lang ang ninakaw ng manugang mo sa iyo, hindi ka pwedeng magsampa ng kaso. Pwede mo lang siyang sisihin. Kung palihim niyang ninakaw ang telebisyon niyo at ibinenta niya ito, base sa presyo ng telebisyon sa pagkakataong una itong binili, magiging sapat ang halagang iyon para umaksyon kami at sampahan siya ng kaso. Subalit, wala siyang ninakaw na telebisyon sa inyo!”Ginamit lamang ng pulis ang telebisyon bilang analohiya. Ganoon pa man, biglang naalala ni Lady Wilson ang TV set sa villa ni Donald na ibinenta niya kasama si Harold at Christopher. Hindi niya mapigilang magulantang. Kinakabahan siyang nagtanong, “Officer, kung nagnakaw ang isang tao ng telebisyon na nagkakahalaga ng isang daang libo, anong klase ng sentensiya ang pwede niyang matanggap?”Seryosong tumugon ang pulis, “Kung nagkakahalaga ng isang daang libo ang telebisyong iyon, masasabing malaking pera ito. Basta ba umabot ng 60,000 ang halagang nawa
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka