Sa isip-isip ni Lady Wilson, ‘Nakakuha ako ng isang daan dahil lang sa isang sampal. Mas madali ito kaysa magtrabaho nang buong araw!’Ganoon pa man, hindi niya pinakita ang pananabik sa kanyang mukha, “Sige, kalimutan na natin ang bagay na ito. Sa susunod, huwag mong kalimutan na hindi dapat husgahan ang isang libro sa pabalat nito! Huwag mong mamaliitin ang iba!”Agad na tumango ang babae at magalang siyang tumugon, “Huwag kang mag-alala, hindi ko kakalimutan…”***Habang hawak ni Lady Wilson ang dalawang daang papel sa kanyang kamay, dala-dala niya ang apat na plastic bags papasok ng villa. Agad itong nangamoy sa loob.Si Jennifer at ang dalawa pang iba ang nagluto.Sila ang mga tagalinis sa supermarket ngayong araw. Dahil 120 ang bayad sa kanila, 360 ang kinita nila buong araw.Ngayong mga araw, sa halagang 360, pwede na silang makakain ng isang normal na hapunan sa isang restawran.Pero mas pinili nilang gamitin ang 360 para magluto na masasabing mas mahal kumpara sa naban
Hindi inakala ni Hannah na magkakaroon sila ng alitan ni Lady Wilson dahil lang sa pagkain.Nang makita niyang maraming dala-dalang plastic bags na may pagkain ang matanda, sinubukan niyang magmakaawa, “Ma, dahil marami kang dalang pagkain, hayaan mo naman akong sumubo kahit ilan lang. Gutom na gutom na rin talaga ako…”Suminghal si Lady Wilson, “Maghanap ka ng trabaho para makakain ka. Ang kapal naman ng mukha mo para humingi ng pagkain sa isang matanda na gaya ko!”Kinakahabang sumagot si Hannah, “Kasalanan ito ni Jacob! Kung hindi dahil sa kanya, kikita sana ako ng pera sa pagiging cashier!”Ngumuso si Lady Wilson, “Hindi ko problema iyan. Pera mo ang pera mo, pera ko ang pera ko. Hindi natin pwedeng pagsamantalahan ang isa’t isa. Huwag mong subukang umasa sa akin para kumain. Magtrabaho ka para makakain ka!”Tinitigan nang masama ni Hannah ang matanda. Sumunod, hindi niya mapigilang sumagot, “Tanda, inaapi mo na ba ako dahil lang bumagsak na ang buhay ko? Kung magpupumilit ka,
Namumula ang mga mata ni Christopher, “Ma, magtatrabaho rin ako kapag bumuti na ang pakiramdam ko. Pwede akong magtrabaho sa construction site at magbuhat ng semento, sisiguruhin kong makakabawi ako sa lahat ng ginastos mo. Hindi ko hahayaang mapagod ka at magdusa ka sa edad mo!”Nagsalita rin si Harold, “Lola, ako rin! Babawi ako!”Tumango si Lady Wilson, “Ituon niyo muna ang atensyon niyo sa pagpapagaling. Kapag maayos na ang kalagayan niyo, aasa na ako sa inyo para alagaan ako at ilibing ako nang mabuti kapag pumanaw na ako!”Habang kumakain ang apat sa mesa, umiiyak si Hannah sa loob ng kanyang kwarto.Gutom na gutom siya at nilalamig na rin siya. Hindi lamang mabigat ang kanyang loob dahil sa pamilya Wilson, pero nakapagpasya na rin siya sa kanyang puso na aalis na siya sa pamamahay na ito.Ayaw niya nang magtagal rito, wala siyang intensyon na manatili sa Aurous Hill.Gusto niyang bumalik sa bayan niya.Kahit wala masyadong pera ang kanyang pamilya at kahit nakaasa pa rin
Dahil ilang taon nang magkakilala si Claire at Loreen, nauunawaan ni Claire ang sitwasyon ng pamilya ng kanyang kaibigan. Nang marinig niyang balak ni Loreen na dalhin ang kanyang pinsan sa bahay nila, nagtataka siyang nagtanong, “Loreen, si Dylan ba nag pinsan na tinutukoy mo?”Tumawa si Loreen nang bahagya saka siya sumagot, “Siya nga.”“Ahhh?” Biglang naalala ni Claire ang imahe ng isang walang kuwentang mayamang binata mula sa isang prestihiyosong pamilya. Napatanong siya sa sorpresa, “Bakit nandito ang pinsan mo sa Aurous Hill?”Sumagot si Loreen, “Pagkatapos niyang manatili nang matagal sa Eastcliff, lagi siyang nagdadala ng gulo roon. Kaya, pumunta mun siya rito sa Aurous Hill para madisiplina ang sarili niya.”Nagulat si Claire, “Disiplinahin ang sarili niya? Paano niya naman madidisiplina ang sarili niya?”Ngumiti si Loreen, “Mamumuhay siya nang simple rito. Rumerenta lang siya ng isang maliit na lugar sa Cliffcouls. Hindi maganda ang kondisyon doon at mahirap ang buhay.”
Pagkatapos ibaba ni Loreen ang tawag habang nakaupo sa passenger seat, nakasimangot nang matindi si Dylan, “Loreen, hindi ba pwedeng mag-isa kang pumunta sa bahay ni Charlie? Bakit kailangan mo pa akong isama? Ayaw ko talagang makita ang mukha ni Charlie kahit isang minuto lang.”Nang masilayan ni Loreen ang madilim na ekspresyon ni Dylan, hindi niya mapigilang kutyain ito, “Dylan, hindi ka ba masyadong nagiging duwag? Dadalhin kita sa bahay nila Charlie para batiin sila ng Happy New Year. Hindi kita dadalhin doon para makipag-away kay Charlie. Ano naman ang kinatatakot mo?”Bumuntong hininga si Dylan, “Hay. Loreen, hindi mo siguro ito alam, pero dalawang beses pa lang kami nagkikita ni Charlie Wade pero walang magandang nangyayari sa tuwing nagtatagpo kami! Sa unang beses, kailangan kong lumunok ng kuwintas at dumaan pa ako ng surgery para maalis ito. Sa ikalawang pagkakataon naman, inutusan niya akong magbisikleta mula sa Eastcliff papuntang Aurous Hill. Kapag nairita na naman siya
Biglaan ang pagtatanong ni Dylan kaya walang oras si Loreen na itago ang katotohanan. Nagitla siya at agad siyang sumagot dahil sa hiya, “Ikaw… ikaw… huwag kang magsalita ng kalokohan. Hindi… Hindi ko gusto si Charlie!”“Hindi ako naniniwala sa iyo!” Napakurba ang labi ni Dylan, “Marami na akong niligawan sa lahat ng taong ito kaya hindi ako nahihirapang intindihin ang mga babae. Sa reaksyon mo ngayon, sigurado akong may gusto ka kay Charlie!”Nagpanggap si Loreen na para bang nauubusan ng pasensya, “Oh! Sige lang, isipin mo kung ano ang gusto mong isipin. Wala na akong balak na makipagtalo sa iyo.”Pinaalalahanan ni Dylan si Loreen, “Loreen, kasal na si Charlie kaya mas mabuting layuan mo siya. Kung hindi, kapag kumalat ang balitang may gusto ang eldest young lady ng pamilya Thomas sa isang kasal na lalaki, siguradong mapapahiya ang pamilya natin dahil sa iyo!”Nang marinig ito ni Loreen, bigla siyang nagalit at hindi niya mapigilang mapabulalas, “Ang kapal ng mukha mong sabihin i
Habang nagmamaneho si Dylan papunta kay nila Charlie, sunod-sunod na mura ang maririnig sa tahimik na villa area ng Thompson First.Si Lady Wilson ang nagmumura sa umagang iyon.Nang magising siya kaninang umaga, napagtanto niyang wala na sa kanyang pitaka ang dalawang daang na kinita niya kahapon.Ang unang bagay na naisip niya ay may nagnakaw ng pera niya!Sa pagkakataong iyon, naisip niyang 80% ang tsansa na ninakaw ito ni Jennifer at ng dalawa pang kasamahan nitong babae.Subalit, nang hahatakin niya na sana si Hannah para komprontahin sina Jennifer, nakita niya ang sulat na iniwan ni Hannah sa tabi. Napagtanto niyang wala na ang kanyang manugang.Napagtanto ni Lady Wilson na si Hannah ang nagnakaw ng pinaghirapan niyang dalawang daan sa kanyang pitaka.Sumabog siya sa puntong iyon!Matapos ang lahat, marami siyang pinagdaanang hirap at pagdurusa para lang makuha ang dalawang daan na iyon, nasampal pa siya at pinagsalitaan nang masakit ng isang babae. Wala pa nga siyang nag
Nagluluto si Elaine sa 1st floor. Nang marinig niyang nagmumura si Lady Wilson nang malakas sa umagang iyon, agad siyang nagmadali para panoorin ang palabas.Sa pagkakataong ito, naglalakad si Charlie at Claire pababa ng hagdan. Napansin nilang nagmamadaling lumabas si Elaine habang nakasaklay.Agad na binalitaan ni Elaine ang dalawa, “Oh! Narinig niyo bang dalawa ang malakas ng mura ng matandang iyon?”Tumango si Charlie at Claire. Pagkatapos, nahihiyang sumagot si Claire, “Nagtataka ako kung anong problema ni lola? Bakit ang aga-aga niyang nagmumura sa balkonahe ng 2nd floor?”Nang marinig ito ni Elaine, sabik siyang nag-aya, “Claire, bilisan mo! Tulungan mo akong makaakyat sa hagdan! Gusto kong makita kung ano ang nangyayari!”Tila ba nauubusan ng pag-asa si Claire, “Ma, ano naman ang makikita mo roon…”Ipinatong ni Elaine ang kanyang kanang kamay sa saklay saka niya tinapik ang kaliwa niyang binti, “May mas gaganda pa ba sa palabas na ito? Bilisan mo at tulungan mo ako! Kung
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro