Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 5781 - Chapter 5790

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 5781 - Chapter 5790

5882 Chapters

Kabanata 5781

Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang
Read more

Kabanata 5782

Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Read more

Kabanata 5783

“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Read more

Kabanata 5784

Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago
Read more

Kabanata 5785

Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Read more

Kabanata 5786

Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Read more

Kabanata 5787

Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Read more

Kabanata 5788

Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Read more

Kabanata 5789

Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Read more

Kabanata 5790

“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Read more
PREV
1
...
577578579580581
...
589
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status