Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 1981 - Kabanata 1990

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 1981 - Kabanata 1990

5675 Kabanata

Kabanata 1981

Noong una ay inakala ni Yule na hindi papayag si Charlie. Gayunpaman, hindi niya inasahan na handang-handa pumayag si Charlie. Kaya, agad niyang sinabi, “Kapag nalaman ng lolo mo na handa kang bumalik para sa ancestor worship ceremony, tiyak na magiging masaya siya!”Napangiti si Charlie at sinabi sa kanyang isipan, ‘Kung masaya ang lolo ko o hindi ay hindi siguro nakadepende kung babalik ako para dumalo sa ancestor worship ceremony o hindi, ngunit nakadepende kung susundin ko ang mga pagsasaayos niya at maging gamit ng pamilya Wade para sa pakikipag-kasal ng pamilya sa iba pang pamilya.Gayunpaman, hindi iyon sinabi ni Charlie kay Yule.Sa sandaling ito, biglang nagsalita ulit si Quinn, “Oo nga pala, Brother Charlie, ang oras para sa concert ko sa Aurorus Hill ay nakatakda na!”Si Charlie ay lubos na nagulat, at tinanong niya, “Concert? Sa Aurorus Hill?”Tumango si Quinn, ngumiti, at sinabing, “Ang sunod na stop ng tour ko ay nakaplano nang iasasagawa sa Aurorus Hill. Pero, ang s
Magbasa pa

Kabanata 1982

Sa hindi inaasahan, silang dalawa ay pumunta sa bahay ni Yule.Maaari kaya na ang Pamilya Schulz ay sinusubukan nang makuha ang loob ng Pamilya Golding ngayon?Gayunpaman, walang masyadong sinabi si Charlie sa video call. Walang alam si Yule tungkol sa paglalakbay niya sa Japan, eh.Sa sandaling ito, si Adrian, ang second child ng Pamilya Golding, ay sinabing, “Brother, hindi ako masyadong sigurado kung bakit ang nakababatang henerasyon ng pamilya Schulz ay narito para bigyan tayo ng mga regalo, pero sa tingin ko ay nauugnay ito sa karanasan ng pamilya Schulz sa Japan noong nakaraan. Sa panahon na iyon, ang pamilya Schulz ay nakaranas ng malalaking kawalan. Marahil ito ang dahilan kung bakit may balak sila na makuha ang loob ng ilang ibang pamilya.”Si Yule ay mayroong malamig na ekspresyon sa kanyang mukha noong sinabi niyang, “Ang taong pinaka-kinamumuhian ko sa buong Eastcliff ay walang iba kung ‘di si Sheldon Golding! Siya ay isang g*go! Siya ang nanghikayat sa Anti-Wade Allian
Magbasa pa

Kabanata 1983

Si Jaime ay bahagyang kinakabahan noong una, ngunit noong marinig niya ang kanyang kapatid na sinabi ito, siya ay biglang mas kinabahan.Silang dalawang magkapatid, at si Quinn ay nabibilang sa mga pinaka-mayayaman sa Eastcliff.Kahit na wala silang malapit na relasyon, maaari silang maturing na ordinaryong magkaibigan.Si Jaime ay maraming taon nang may tinatagong nararamdaman para kay Quinn, ngunit dahil hindi kailanman sumasama si Quinn sa mayayaman, hindi siya masyadong nakakakuha ng pagkakataon na makausap si Quinn.At saka, walang lakas ng loob si Jaime na aminin ang kanyang mga nararamdaman kay Quinn dahil alam niya na sa mga mata ng ama niyang si Sheldon, ang Pamilya Golding ay hindi umaabot sa kanyang pamantayan.Si Jaime ang panganay na apo ng Pamilya Schulz, at walang duda na siya ang magiging pinuno ng Pamilya Schulz sa hinaharap.Sa paningin ni Sheldon, ang Pamilya Schulz na ang numero uno at nangungunang pamilya sa bansa. Dahil ang Pamilya Wade, na ikalawa lamang, a
Magbasa pa

Kabanata 1984

Napatango si Jaime, ngunit hindi pa rin siya masyadong sigurado noong sinabi niya sa isang mahinang boses, “Narinig ko na mayroon nang marriage contract si Quinn sa isang nakababatang miyembro ng Pamilya Wade. Kung talagang aaminin ko sa kanya ang pagmamahal at nararamdaman ko para sa kanya, sa tingin mo ba ay magagawa niya akong tanggapin at pumayag maging kasintahan ko?”Pinakalma siya ni Sophie, “Oh, kuya! Bakit ba hiyang-hiya ka na parang isang babae?!”“‘Wag mo na masyadong pag-isipan ‘yan! Kailangan mong maging determinado na maabot at makamit ang mga layunin mo kahit na maraming harang sa daan!”“At saka, ano naman kung mayroon na siyang marriage contract? Ang marriage contract niya ay sa anak ni Curtis Wade. Matagal nang patay si Curtis at ang asawa niya, at nawawala na ang anak nila. Kung buhay pa siya o hindi ay wala tayong alam. Kaya, paano niya magagawang bumalik at makasal kay Quinn?”Pagkatapos niyang huminga, nagpatuloy si Sophie, “Pwede mo ring ipakita ang talento m
Magbasa pa

Kabanata 1985

Nang marinig ang sinabi ng kanyang kapatid, hindi nag-alinlangan si Jaime na tapikin ang kanyang dibdib at sinabing, “‘Wag kang mag-alala, tiyak na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tulungan ka pagbalik natin!”Natutuwang tumango si Sophie. Noong magsasalita na sana siya, may dalawang lalaki at dalawang babae na pumasok sa pintuan ng main hall.Iyon ang pamilya ni Yule at kasama si Adrian.Noong pumasok si Quinn sa kwarto, biglang kinabahan si Jaime, at ang kanyang mga kamay ay nagsimulang pagpawisan agad.Noong si Sophie, na nakatayo sa gilid, ay nakita siya, dali-dali niyang tinusok si Jaime gamit ang kanyang daliri bilang paalala ng pinag-usapan nila kanina. Pagkatapos no’n, agad siyang tumayo, ngumiti, at sinabi sa apat na taong kapapasok lamang, “Hello, Uncle Golding, Aunt Rachel, at Quinn! Pasensya na’t naabala namin kayo. Ninais namin kayong batiin ng manigong bagong taon!”Pagkatapos niyang magsalita, naglabas siya ng isang mahabang regalo at binigay iyon kay Rachel
Magbasa pa

Kabanata 1986

May iilan pang handang ibenta ang kanilang katawan para sa pera.Subalit, naiiba si Quinn.Walang halaga ang pera para sa kanya.Dagdag pa roon, ngayong muli na silang nagkita ni Charlie, nakapagpasya na si Quinn na umalis sa entertainment industry habang buhay.Gusto niya munang umalis ng entertainment industry. Pagkatapos, kapag naasikaso na ni Charlie ang mga isyu niya, papakasalan niya si Charlie at itutuon niya na lamang ang kanyang atensyon at pagod sa kanyang asawa at mga anak sa bahay.Naisip niya pa ngang i-anunsyo ang kanyang pag-alis sa industriya sa araw ng concert. Ito na ang magiging final stage ng kanyang concert tour. Lalayo na siya mula sa musika, pag-arte sa mga palabas at mga drama. Hindi rin siya sasali sa kahit anong mga program sa hinaharap.Kaya, walang kahit anong interes si Quinn sa collaboration na sinasabi ni Sophie ngayon lang.Tumugon nang prangka si Quinn, “Pasensya na talaga, Sophie. Wala akong balak na maghanap ng sponsor para sa concert tour ko.
Magbasa pa

Kabanata 1987

Nang marinig ni Jaime ang kondisyon ni Quinn, agad siyang napuno ng tuwa.Nilingon niya agad ang kanyang kapatid na si Sophie. Puno ng paghanga ang kanyang ekspresyon.Sa pagkakataong ito, gusto niya talagang purihin ang kanyang kapatid. Iba talaga si Sophie.Kahit alam niyang mas bata ito sa kanya ng ilang taon, mas matalino naman ito sa kanya ng ilang beses!Ang paggamit ng charity para mahikayat si Quinn na tanggapin ang collaboration proposal at sponsorship ay isang ideya na naisip ni Sophie bilang solusyon kanina.Sinuri nang mabuti ni Sophie ang pagkatao ni Quinn. Maraming pera ang babae, hindi rin siya nagkulang sa atensyon at pagmamahal mula sa iba. Marami rin siyang manliligaw. Kaya, hindi madali para sa ordinaryong tao na mapabilib siya.Hindi madaling makipag-usap kay Quinn. Kung gusto mo ng isang collaboration kasama siya, magiging mahirap na hamon ito.Kaya, naisip ni Sophie na dapat mapabilib ni Jaime si Quinn, kailangan niyang maghanap ng paraan para mamangha ang
Magbasa pa

Kabanata 1988

Ngumiti nang bahagya si Quinn saka siya nagsalita, “Kung ganoon, gusto kong pasalamatan si Mr. Schulz para sa kanyang magandang loob.”Agad na ikinumpas ni Jaime ang kanyang kamay, “Hindi, hindi. Dapat ko itong gawin. Bukod pa roon, kailangan ko lang naman ang pabor at impluwensya mo. Sponsorship fee mo naman talaga ang donasyong ibibigay ko. Kaya, ikaw ang dapat nilang pasalamatan, hindi ako, Miss Golding.”Hindi mapigilang mapangiti ni Quinn nang marinig ito, “Mr. Schulz, dahil napagkasunduan na natin ang collaboration, pag-usapan na lang natin ito pagkatapos ng New Year. May gagawin pa ako kaya mauuna na muna ako.”Nang marinig ito ni Sophie, agad siyang tumayo at ngumiti, “Quinn, dahil may gagawin ka pa, hindi ka na namin aabalahin! Maraming salamat!”Tumango nang bahagya si Quinn saka siya nagsalita, “Kung iyan ang kaso, ipapahatid ko na lang kayo palabas. Ingat.”Pagkatapos magsalita, tinawag ni Quinn ang isa sa kanyang mga kasambahay, “Mrs. Ciara, pakiusap, samahan mo ang m
Magbasa pa

Kabanata 1989

Pauwi na si Jaime at Sophie. Si Jaime ang nagmamaneho samantalang nasa passenger seat naman si Sophie, katabi ng driver seat.Halata namang tuwang-tuwa si Jaime. Nakangiti siya nang malawak, umaabot ito sa kanyang dalawang tainga.Nang makita ito ni Sophie, hindi niya mapigilang magsalita, “Kuya, dahil ginawan kita ng pabor, kailangan mo rin akong tulungan na mahanap ang tagapagligtas natin!”Hindi nag-alangan si Jaime at agad siyang sumagot, “Sophie, makakasiguro kang gagawin ko ang lahat para matulungan kita. Kahit pa mabulag ako kakanood ng surveillance videos, sisiguraduhin kong mahahanap ko ang nagligtas sa atin!”Tumango si Sophie sa tuwa, “Buti naman at may konsensya ka!”Sa pagkakataong ito, hindi mapigilang mapabuntong-hininga ni Jaime, “Hay… ang dami pa namang surveillance videos. Tayo lang ang nakakaalam kung ano ang itsura ng tagapagligtas natin kaya hindi tayo pwedeng humingi ng tulong sa iba. Hindi ko talaga alam kung gaano katagal para matapos natin ang lahat ng vid
Magbasa pa

Kabanata 1990

Para mas palalain pa ang sitwasyon, dahil papalapit na ang New Year, maraming empleyado ang kumuha ng leave para makauwi sa kani-kanilang mga bayan para sa okasyon. Dumoble pa naman ang dami ng mga namimili sa supermarket, pero kakaunti lang ang dami ng mga empleyado. Sa madaling salita, hindi sapat ang kanilang mga tauhan para magbigay ng magandang serbisyo.Kulang sila sa mga saleslady, janitor at janitress, pati na rin mga cashier. Kahit ang mga empleyadong nagtitimbang ng mga prutas at gulay ay kulang rin. Kailangan mo pang maghintay ng sampung minuto sa pila.Nang makita ni Jacob na maraming tao sa supermarket, nadismaya siya, “Hay! Dapat pala mas maaga tayong pumunta. Sana nanonood na lang ako ng TV ngayon habang nakahiga. Hindi ko na sana kailangan pang makisiksik rito!”“Totoo ang sinasabi mo.” Hindi mapigilang mapangiti ni Charlie, “Gusto ko sanang pumunta rito kahapon kaso nasaktan si Mama.”Naiiritang sumagot si Jacob, “Huwag mong banggitin ang bwisit na iyan. Lagi siyan
Magbasa pa
PREV
1
...
197198199200201
...
568
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status