Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1991 - Chapter 2000

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1991 - Chapter 2000

5675 Chapters

Kabanata 1991

Agad na nakuha ng komosyon ang atensyon ni Jacob. Gulat na gulat siya at hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.Pagkatapos ng ilang sandali, nilingon niya si Charlie at nagtanong siya, “Charlie, i-iyan ba si mama? Siya iyan? Hindi ba?”Ngumiti nang mahina si Charlie saka siya sumagot, “Opo, Papa. Si Lady Wilson nga ang nakikita ko.”Napasinghap sa gulat si Jacob. “B-Bakit siya nakasuot ng staff vest?! Pumunta ba siya rito para magtrabaho?”Tumango si Charlie. “Mukhang ganyan nga ang sitwasyon.”Nalilito si Jacob sa nangyayari, “May mali yata. Hindi ba binigyan ni Donald Webb ng malaking kapital ang pamilya Wilson? Binili niya pa nga ang Thompson First Villa para sa kanila. Dapat marangya at komportable ang kanilang pamumuhay ngayon!”Hindi alam ni Jacob ang nangyari sa Wilsons sa nakaraang dalawang araw. Hindi niya alam na dinukot si Elaine ng sarili niyang kapatid at pamangkin, at hindi niya rin alam na isinuko ni Donald ang malaking bahagi ng assets ng pamilya niya para m
Read more

Kabanata 1992

Nagtanong si Charlie, “Ano, Pa? Ano na ang balak mong gawin?”Hindi alam ni Charlie kung ano ang iniisip ni Jacob ngayon. Nang makita niya ang malungkot nitong ekspresyon, naisip niyang gustong tulungan ni Jacob si Lady Wilson.Bumuntong hininga si Jacob saka siya nagsalita, “Bilang anak niya, masakit sa puso na makitang mahirap ang kanyang buhay at kailangan niyang magtrabaho ng ganito. Hindi ko siya dapat panoorin lang.”Sumunod na segundo, ipinikit ni Jacob ang kanyang mga mata, “Pero, wala akong nakitang kahit ano! Isang ilusyon lamang ang eksenang iyon!”Ganoon din, tumalikod si Jacob, “Charlie, bumili tayo ng isda, hipon, karne, at itlog. Para naman sa mga gulay, bilhin na lang natin sa ibang supermarket. Ano sa tingin mo?”Agad na naunawaan ni Charlie ang intensyon ni Jacob, “Opo, Pa. Iyan rin ang iniisip ko. Hindi rin naman presko ang mga gulay sa supermarket na ito. Pumunta na lang tayo sa palengke para masiguro natin ang kalidad ng kakainin natin! Nga pala, tignan muna n
Read more

Kabanata 1993

Nakita rin ni Charlie si Hannah.Nang makita niya ang suot nitong berdeng vest, hindi niya mapigilang matawa. Nagtataka siya kung ano ang itsura ni Hannah noong nagtatrabaho pa siya sa coal mine. Naiisip niya na rin kung ano ang magiging ekspresyon ng babae habang suot ang isang uniporme sa minahan.Naiirita na talaga si Hannah sa pagkakataong ito. Tinitignan niya nang masama si Charlie.Si Charlie ang nagdala ng miserableng buhay sa kanya. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang magtagumpay sa lahat ng kanyang plano kay Elaine.Hindi lamang iyon.Ang pinakamatinding bagay ay ibinigay ni Charlie bilang donasyon ang kanyang pera at ipinadala siya nito sa isang minahan para magtrabaho!Nang maalala niya ang kanyang mga karanasan sa minahan, hindi niya mapigilang magmura, “Ang walang hiyang Charlie na ito! Dalawang beses niya akong pinadala sa impyerno! Marami akong isinuko habang naroroon, pero STD at isang bata lamang ang naging kapalit! Kung hindi dahil sa kanya, hind
Read more

Kabanata 1994

Kapapasok lamang ni Hannah sa supermarket ngayong araw para mag-apply sa isang part-time job na kumikita ng higit sa 100 bawat araw. Pagkatapos nilang magkausap ng manager, napagpasyahan ng manager na tanggapin si Hannah dahil college graduate naman siya.Hindi naman masyadong mahirap ang trabaho bilang cashier, 150 pa ang sahod nito bawat araw. Kaya, pumayag agad si Hannah nang walang pag-aalangan.Gusto sana ng manager na panatilihin si Hannah sa kanyang puwesto basta walang mangyaring isyu, pero hindi ito pwedeng mangyari kung sakaling may mga kostumer siyang makaalitan.Mabuti na lang dahil simpleng bangayan lamang ito ng magkakamag-anak, kaya napagpasyahan ng manager na palagpasin na lamang ito, “Kailangan mong mag-ingat sa ipinapakita mong imahe lalo na sa trabaho. Huwag kang makipagdaldalan sa mga kamag-anak mo habang nasa counter, nauunawaan mo ba?”Agad na tumango si Hannah, “Huwag kayong mag-alala. Hindi na ito mauulit pa!”Tumango ang manager at naghanda na siyang umali
Read more

Kabanata 1995

Agad na naunawaan ng manager ang pakahulugan ng sinabi ni Jacob. Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Nagkaroon ng alitan si Hannah at ang isang kostumer, sinigawan niya ito, at nagsinungaling pa siya sa harap ko! Nakakasindak naman! Kung hahayaan ko siyang manatili rito, ilang kostumer pa kaya ang gagalitin niya sa susunod, baka mahatak niya na rin pababa ang reputasyon ko! Hindi pwede, kailangan ko na siyang alisin ngayon!’Nang maisip ito, agad na nagsalita ang manager sa istriktong boses, walang pag-aalangan sa kanyang ekspresyon, “Hannah Wilson, tinanggap kita para pansamantalang magtrabaho rito, pero hindi ko inaakalang mamaltratuhin mo ang ilang mga kostumer natin! Sa tingin ko, hindi ka nababagay rito. Ibalik mo na ang cashier keys mo ngayon, hubarin mo ang vest mo at pwede ka nang umalis rito!” Naramdaman ni Hannah na para bang gumuho ang kanyang mundo!Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Maaga akong pumunta rito para maghanap ng trabaho. Buong umaga akong nagsisikap! Malapit n
Read more

Kabanata 1996

Desperada na si Hannah kaya sumigaw siya nang malakas, “Sino ka para tanggalan ako ng trabaho?! Bakit hindi mo babayaran ang sahod ko?!”Kahit gaano pa kalakas ang kanyang boses, walang naawa sa kanya.Habang hinahatak ng guards si Hannah palabas ng supermarket, kinausap ng manager si Charlie at Jacob. Humihingi ito ng tawad, “Gusto kong humingi ng tawad sa inyong dalawa. Kasalanan ko kung bakit nakapasok ang isang hindi kwalipikadong empleyado rito.”Tumango si Jacob saka siya sumagot, “Hindi mo naman kasalanan. Pero ikaw pa rin ang may responsibilidad sa insidenteng ito! Huwag mong kakalimutan na pumili ng mabuting empleyado sa susunod.”Bumuntong hininga si Jacob at nagsalita siya sa isang tono na tila ba nalulungkot, “Hindi maganda ang panghusga mo.”Tumango ang manager sa hiya, “Totoo ang sinasabi niyo. Matututo na ako mula sa mga pagkakamali ko!”Tinapik ni Jacob ang balikat ng manager, “Kailangan mo lang siguro ng kaunting karanasan!”“Opo!” Tumango nang paulit-ulit ang m
Read more

Kabanata 1997

Sa pagkakataong ito, naramdaman ni Hannah na mas mahirap ang buhay niya ngayon kaysa noong nasa Mount Blackpine siya.Umiiyak siya habang inaalala ang kanyang mga araw sa Mount Blackpine. Hindi niya mapigilang bumuntong hininga, “Kahit puro pagdurusa ang buhay ko sa Mount Blackpine, hindi naman ako nagugutom dahil andiyan ang supervisor!”“Bukod pa roon, hindi ko rin kailangang magtrabaho nang matindi. Pwede rin akong sumugal kasama si Linda Howard at ang kanyang pamilya. Bakit ba hindi ko pwedeng balikan ang mga araw na iyon!”“Kahit pangit at dugyot ang supervisor, magaling naman siya sa kama at ipinakita niya sa akin ang isang mundong hindi ko pa natatahak…”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Hannah. Humahagulgol siya habang kausap si Wendy sa kanyang tabi, “Wendy, kakayanin ba natin ito? Marami tayong kinakaharap na problema bawat araw. Wala na tayong pera at bankrupt na rin ang kumpanya natin. Nakatira tayo sa villa ng isang estranghero at hindi tayo nakakakain nang maayos.
Read more

Kabanata 1998

Tumugon si Wendy, “Umakyat kami ni Gerald para batiin si Doris. Pero hindi niya lang kami tinanggihan, pinahiya niya rin kami at sinabi niyang hindi na makikipagtulungan ang Emgrand Group sa mga mababang uri gaya namin. Pagkatapos, binugbog si Gerald ng security guard ng Emgrand group…”Nagpatuloy si Wendy, “Kinalaunan, tinapos ng Emgrand Group ang kanilang partnership sa pamilya White. Galit na galit ang tatay at tito ni Gerald dahil sa nangyari. Simula noon, nilayuan na ako ni Gerald. Samantala, naging malapit naman si Zeke kay Charlie. Niregaluhan niya pa si Charlie ng villa sa tabi ng sarili niyang bahay…”“Pagkatapos, nasira rin ang kasunduan ni Claire at ng Emgrand Group dahil hindi tinupad ni Lola ang kanyang pangako. Hindi nagtagal, nagsimula nang malasin ang pamilya natin…”“Niligawan ni Wendell si Claire dati pero biglang na-bankrupt ang kumpanya niya. Bigla rin siyang nawala sa mata ng publiko…”“Kagaya nito, minsan ring niligawan ni Jason Grant si Claire. Hindi nagtagal
Read more

Kabanata 1999

Nang marinig ni Hannah na handa si Wendy na maging kabit ni Charlie, hindi niya mapigilang kabahan.Agad siyang napabulalas, “Wendy, nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit ka naman magiging kabit ng walang kuwentang iyon? Hindi kayo bagay!”Bumuntong hininga si Wendy, “Mama, magpapakatotoo lang ako. Hindi na rin naman masama si Charlie. Gwapo siya, responsable, at mabuti rin ang kanyang pagkatao. Mas maayos pa siya kaysa kay Gerald.”“Kalokohan!” Tinitigan ni Hannah nang masama ang kanyang anak, “Hindi kayo bagay ng walang hiyang iyon!”Mapaklang ngumiti si Wendy, “Sa pagkakataong ito, wala nang mas lalala pa sa sitwasyon ko. Mula sa pagiging ibon, naging manok na lang ako ngayon. Wala akong kakayahang lumipad.”Nang mabanggit ito, hindi mapigilang maluha ni Wendy, “Ma, tingnan mo naman ako. Wala na akong maipagmamalaking reputasyon. Walang lalaking susulyap sa akin...”Nang makita ang luha sa pisngi ni Wendy, niyakap ni Hannah ang kanyang anak at inalo niya ito, “Mahal kong anak, hi
Read more

Kabanata 2000

“Kung ibang babae ito, magdadalawang isip pa sila na maging kabiyak ang isang ordinaryong lalaki na walang kahit ano sa kanyang pangalan.”“Pero, para kay Claire, tinanggap niya pa rin ang kaloob ng Diyos kaya kinasal siya sa isang simpleng lalaki…”“Sino naman ang mag-aakalang magiging isang makapangyarihang tao ang isang talunan…”Tumango si Wendy at seryoso siyang nagsalita, “Balang araw, lalapitan ko rin si Charlie. Kahit kinamumuhian niya ako, sigurado akong matutulungan niya pa rin tayo. Hindi gaya ng ibang tao, walang katulad si Charlie…”Bumuntong hininga si Hannah, “Ikaw ang bahala. Sumobra rin ako sa sinabi ko dahil nagugutom na ako. Tulungan mo muna ako sa mga gawaing bahay para makapagpahinga ako nang kaunti. Kakain tayo kapag nakauwi na ang lola mo.”***Buong araw na naghahatak ng mga plastic bags si Lady Wilson para sa mga kostumer ng supermarket.Maraming malalaking rolyo ng plastic bags ang supermarket. Isang hatak at sapat na ito para magpawis ang isang matanda
Read more
PREV
1
...
198199200201202
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status