Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1391 - Chapter 1400

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1391 - Chapter 1400

5627 Chapters

Kabanata 1391

Nang maisip niya ang nakaraan, hindi maiwasang umiyak nang sobra ni Stephen sa punto na nabubulunan na siya, at wala ng tunog na lumalabas sa kanya.Naramdaman ni Charlie ang pagpintig ng puso niya nang marinig niyang humihikbi si Stephen.Kahit na napakaraming taon na ang lumipas, nararamdaman pa rin ni Charlie ang matinding sakit at sama ng loob sa puso niya nang maisip niya na hindi namatay ang mga magulang niya sa isang aksidente, ngunit pinatay sila!Bilang isang anak, talagang hindi niya mapapatawad ang kalaban ng mga magulang niya.Siguradong gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para ipaghiganti ang kanyang mga magulang kahit na hindi ito sabihin ni Stephen!Kung hindi, hindi siya karapat-dapat bilang anak nila!Kaya, sumagot nang walang emosyon si Charlie, “Mr. Thompson, hindi mo na kailangang mag-alala tungkol dito. Nangangako ako sa Diyos na ako, si Charlie Wade, ay siguradong ipaghihiganti ang pagkamatay ng mga magulang ko gamit ang sarili kong mga kamay! Hahanapin
Read more

Kabanata 1392

Pagkatapos makita na tapos na ang tawag ni Stephen, tinanong nang magalang ng dean, “Mr. Thompson, ano na ang gagawin natin ngayon?”Nagbuntong hininga si Stephen bago sinabi, “Dahil alam na ng young master ang tungkol dito, hindi mo na kailangang manatili sa bahay ampunan. Sa hinaharap, pababalikin kita at kukunin mo ang isang posisyon sa pamilya Wade. Salamat sa pagsisikap mo sa mga nagdaang taon!”Yumuko agad ang dean at sinabi, “Mr. Thompson, sobrang bait at mapagbigay ng second master sa akin noong buhay pa siya. Patuloy kong pagsisilbihan ang young master, si Charlie, hanggang sa mamatay ako!”Tumango si Stephen bago sinabi, “Mga elite kayo na sinanay at pinalaki mismo ng second master. Siguradong hindi lang ito sobrang nakakapagod, ngunit naghirap din kayo nang sobra at mahigit sampung taon na kayong pinagsiksikan sa maliit na bahay ampunan na ito. Dapat gamitin mo na rin ang pagkakataon an ito para magpahinga nang mabuti.”“Balang araw, kapag minana ng young master ang pami
Read more

Kabanata 1393

Sinakyan ni Charlie ang kanyang motorsiklo papunta sa studio ng asawa niya. Sa sandaling pumasok siya sa studio ni Claire, tinanong ni Claire sa sorpresa, “Mahal, bakit sobrang pula ng mga mata mo?”“Pula ba?”Tinanong ni Charlie habang itinaas niya ang kanyang mga kamay at kinuskos ang kanyang mga mata bago siya ngumiti at sinabi, “Napuwing siguro ako sa daan papunta dito.”Sumagot sa pagkabalisa si Claire, “Huwag kang mag-motor palagi. Bumili ka ng dalawang kotse para sa pamilya natin, pero kailangan mong sumakay sa motorsiklo araw-araw. Nakokonsensya ako.”“Ayos lang.” Ngumiti si Charlie bago siya sumagot nang kaswal, “Gusto kong sumakay sa motorsiklo. Madali ito, mabilis, simple, at mas mabait ito sa kapaligiran.Ngumiti si Claire habang sinabi nang walang magawa, “Palagi mong pinagmumukha na walang mahalaga at walang nakakaabala sayo.”Pagkatapos, pinatay ni Claire ang kanyang computer bago siya tumayo at sinabi, “Katatapos ko lang ng isang malaking proyekto sa Emgrand Group
Read more

Kabanata 1394

Habang medyo hindi pa rin siya mapalagay, galit na nakatingin si Quinn sa kanya bago sinabi, “Isaac Cameron! Alam mo ba na nasa Aurous Hill si Kuya Charlie?”“Ahh? Ano… ganito…” Hindi alam ni Isaac kung paano sasagutin ang biglaang tanong ni Quinn, at nag utal-utal siya dahil wala siyang maisip na rason.Nagngalit si Quinn sa galit habang sinabi, “Hindi ka talaga maasahan! Maraming beses na kitang tinanong kung nasaan si Kuya Charlie, pero hindi mo sinabi sa akin ang totoo kahit isang beses!”Sumagot nang medyo nahihiya si Isaac, “Miss Golding, malit talaga ang pagkakaintindi mo. Kailan ko lang din nalaman na nasa Aurous Hill ang young master. Sobrang tagal ko na sa Aurous Hill sa ngalan ng pamilya Wade, at kailanman ay hindi ko pa narinig ang tungkol dito.”Tinanong ni Dorothy sa sorpresa, “Ano?! Quinn, sinasabi mo ba na ang Charlie Wade na ito ang Kuya Charlie na matagal mo nang hinahanap?”Tumango si Quinn habang sinabi nang seryoso, “Tama, siya nga! Pinahirapan ako ng masamang
Read more

Kabanata 1395

Hindi makapaniwala si Claire, at hinding-hindi niya pinangarap na ang napakagandang babae sa harap niya ay ang paboritong babaeng artista niya, si Quinn Golding!Masasabi na si Quinn ang pinakamaganda at pinakasikat na babaeng artista sa Oskia, at siya rin ang isa sa mga pinaka maimpluwensyang babaeng artista. Kahit maraming mga artista ay tagahanga niya, at madalas nilang ipinapakita ang pagmamahal nila para sa kanya sa kanilang mga social media account.Ito ay dahil hindi lang maganda si Quinn, ngunit pambihira rin ang talento niya. Ang pinakamahalaga, sobrang galing niyang umarte, at sobrang kumpiyansa siya sa harap ng camera. Sa totoo lang, malaki ang kinalaman ng marangyang aura niya na nakuha niya simula pa noong bata siya.Mas sikat siya sa mga tagahanga niya dahil sa kanyang malamig at mayabang na pagkatao. Wala siyang masamang ugali at pagkatao na mayroon sa ibang sikat na artista, at hinding-hindi niya sinusundan ang mga masasamang halimbawa ng ibang artista sa entertainme
Read more

Kabanata 1396

Kung titingnan niya ito nang ganito, sobrang makatwiran at matalino ang desisyon nyia na itago ang mga ito kay Claire. Kung hindi, malaki ang posibilidad na malalagay sa panganib ang buhay ni Claire.Sa sandaling ito, nakatitig si Dorothy kay Charlie gamit ang mabangis na tingin sa kanyang mga mata. Dahil, para kay Dorothy, si Charlie ay isang salot na binigo si Quinn at binasag ang puso niya. Kaya, syempre, isang tinik si Charlie sa mga mata niya.Nagkaroon pa siya ng udyok na sabihin ang katotohanan sa lamesa. Pero, nang maisip niya ang paalala ni Quinn kanina, sinukuan niya na lang ito.Umupo si Claire sa tabi ni Quinn sa lamesa, habang umupo si Charlie sa tabi ni Claire.Sumulyap nang pasadya si Quinn kay Charlie bago siya ngumiti at tinanong si Claire, “Mrs. Wade, ilang taon na kayong kasal ni Mr. Wade?”Sumagot nang nagmamadali si Claire, “Mahigit tatlong taon na, malapit nang mag-apat na taon.”Tumango nang marahan si Quinn bago niya tinanong, “May anak na ba kayo?”Umili
Read more

Kabanata 1397

Sa sandaling ito, walang intensyon si Claire na mag-ingat sa paligid ni Quinn, na parang isang diyosa sa kanya.Sa mga mata niya, si Quinn ang perpektong sagisag ng isang kontemporaryong babae. Naramdaman ni Claire na hindi niya kailangang mag-ingat sa isang babae na tulad ni Quinn, na perpekto talaga sa lahat ng aspeto.Kaya, hinding-hindi inaakala ni Clire na ang babaeng katulad ni Quinn ay isa pa lang posibleng karibal niya sa pag-ibig.Guminhawa rin ang pakiramdam ni Charlie sa sandaling ito. Balakg niyang palihim na pumunta sa Eastcliff pagkatapos ng huling laban ni Aurora para palihim niyang kitain ang ama ni Quinn, si Yule.Ang tunay na layunin niya ay hindi para makipagkita kay Yule, ngunit gamutin ang advanced pancreatic cancer ni Yule.Si Yule ang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Sa napakaraming taon, hindi lang nagbigay pugay si Yule sa mga magulang niya tuwing Bagong Taon, ngunit hindi siya nag-relax nang kaunti at hindi niya tinigil ang paghahanap kay Charlie. Kaya
Read more

Kabanata 1398

Bahagyang ngumiti si Quinn bago niya sinabi, “Heto, lilipat ako nang kaunti sa harapan. Sa ganitong paraan, mas magiging maliit ang mukha mo, at mas magiging maganda ka.”Patuloy na nag-selfie ang dalawang babae na tila ba magkapatid silang babae.Pagkatapos kumuha ng mga litrato, hinawakan ni Claire ang kanyang cell phone at tinanong nang sabik, “Miss Golding, Pwede… Pwede ko bang ipost ang picture sa WeChat ko?”Si Claire ay isa talagang babae na walang kahit anong kayabangan.Nang binilan siya ng BMW ni Charlie, hindi niya ito pinost sa sirkulo ng mga kaibigan niya sa WeChat.Noong nag-ayos si Charlie ng kasal nila sa Sky Garden sa Shangri-La, hindi niya ito pinost sa sirkulo ng mga kaibigan niya sa WeChat.Nang dinala siya ni Charlie para imaneho at maranasan ang isang super sports car na may sampu-sampung milyong dolyar, hindi niya ito pinost sa sirkulo ng mga kaibigan niya sa WeChat.Kahit noong lumipat siya sa top-notch na villa sa Thompson First, hindi ito pinost ni Clai
Read more

Kabanata 1399

Pagkatapos i-add nina Quinn at Claire ang isa’t isa sa WeChat, tumingin si Quinn kay Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Siya nga pala, Master Wade, bakit hindi rin natin i-add ang isa’t isa?”Pagkatapos, ibinigay ni Quinn ang QR code ng WeChat niya kay Charlie.Nilabas na lang ni Charlie ang kanyang cellphone at ini-scan ang kanyang QR code bago niya siya in-add.Tumingin nang masaya si Quinn sa kanya dahil nakuha niya ang gusto niya bago niya sinabi sa mahigpit na boses, “Master Wade, kailan ka makakapunta sa Eastcliff? Pwede mo ba akong bigyan ng petsa para maayos ko ang lahat ng kailangang ayusin?”Sumagot si Charlie, “Sa susunod na linggo, pero hindi ko pa mabigay sayo ang eksaktong oras.”Tumango si Quinn bago siya ngumiti at sinabi, “Master Wade, hihintayin ka namin ng ama ko sa Eastcliff, kung gano’n!”Biglang naisip ni Charlie ang sinabi ni Quinn. Sinabi niya na pagkatapos niyang dumating sa Eastcliff at makita ang ama ni Quinn, hindi makapaghintay si Quinn na makita k
Read more

Kabanata 1400

“Hindi! Hindi ako aalis!” Hindi makagalaw si Kazuki, pero kaya niya paring igalaw ang ulo niya nang kaunti.Sa sandaling ito, sinabi niya nang paos, “Imposibleng magamot ng kahit sinong doktor ang mga sugat ko. Hindi naman mas gaganda ang buhay ko sa Japan kumpara dito. Bilang master mo, hindi pwedeng iwan kita dito nang mag-isa. Gusto kitang samahan hanggang sa dulo ng kompetisyon bago ako bumalik sa Japan kasama ka.”Sinabi nang nagmamadali ni Nanako, “Master, marahil ay hindi ako manalo at maging champion sa kompetisyon na ito. Pinanood ko na ang video ng laba ni Aurora pagkatapos ng match ngayong araw. Mas malakas siya nang sobra kaysa dati. Kung makikipaglaban ako sa isang talentadong player tulad ni Joanna, marahil ay matagalan ako bago ako manalo nang nahihirapan. Pero, nang kinalaban ni Aurora si Joanna, tinalo ni Aurora siya gamit ang isang atake. Lampas sa kakayahan ko ang gano’ng uri ng lakas…”Nagbuntong hininga si Kazuki habang sinabi, “Pinanood ko rin ang live broadcas
Read more
PREV
1
...
138139140141142
...
563
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status