Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1401 - Chapter 1410

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1401 - Chapter 1410

5627 Chapters

Kabanata 1401

Sa daan pauwi, habang nagmamaneho si Charlie, si Claire, na nakaupo sa tabi niya, ay sabik na sabik pa rin, at hindi niya makontrol ang pananabik niya.Sumabog nang sobra ang sirkulo ng mga kaibigan niya ngayong araw. Napakaraming tao ang nag-like at nag-comment sa kanyang litrato. Lahat sila ay naiinggit nang sobra sa kanya dahil sobrang swerte niya at nagkaroon siya ng pagkakataon na kumain kasama ang pinakasikat na babaeng artista, si Quinn Golding.Patuloy na yumuyuko si Claire habang pinaglalaruan niya ang kanyang cellphone. Hindi talaga mailarawan ang ekspresyon ng pananabik niya sa kanyang mukha.Pagkatapos sagutin ang mga comments na iniwan ng ilang kaibigan niya, tumingin si Claire kay Charlie na may paghanga sa kanyang mukha bago sinabi, “Mahal, ngayon ko lang nalaman na sobrang galing mo talaga. Hindi ko inaasahan na kahit ang isang malaki at sikat na artista tulad ni Quinn ay pinapahalagahan ang kakayahan mo sa Feng Shui. Akala ko na marunong ka lang manloko ng mga tao,
Read more

Kabanata 1402

Sumagot nang hindi mapalagay si Charlie, “Nana, sobrang tatag na ng relasyon namin ng hipag mo. Hindi ka pwedeng maging kabit na makikialam sa relasyon namin nang gano’n lang!”“Ako ang kabit na nakikialam sa relasyon niyo?!” Galit na sumagot si Quinn, “Charlie Wade! Ginawa na akong fiancé mo ng mga magulang ko noong nasa apat o limang taon pa lang ako! Pero, tatlo o apat na taon pa lang kayong kasal ng asawa mo!”“At saka, kahit na napakaraming taon kang nawala, hindi kita kinalimutan at palagi kong tinutupad ang marriage contract natin! Bukod dito, palagi kong niloloko ang sarili ko sa loob ng napakaraming taon. Kahit gaano karaming mabuting lalaki ang makilala, palagi kong sinasabi sa sarili ko na may fiancé na ako at siguradong mahahanap ko siya balang araw. Ngayong nahanap na kita, nangahas ka talagang tawagin akong kabit na nakikialam sa relasyon niyo?!”Mas lalong nagalit at nainis si Quinn sa sandaling ito.Ayaw niyang maging ganito kay Charlie. Sa totoo lang, nang sinabi n
Read more

Kabanata 1403

Ayaw ni Charlie na sabihin ang totoo kay Claire na makikipagkita siya kay Quinn para sa sakit niya, kaya sinabi niya sa kanya na kailangan ni Liam ng tulong niya tungkol sa negosyo.Hindi ito masyadong inisip ni Claire at sinabihan siya na huwag umuwi nang gabing-gabi bago siya pumunta sa itaas para maligo.Sinimulan ni Charlie ang kotse at nagmaneho pabalik sa Shangri-La Hotel.Samantala, nasa luxury suite si Quinn, balisang hinihintay ang pagdating ni Charlie.Ang kwarto niya sa Shangri-La ay ang Presidential Suite, na dating inookupahan nina Donald at Sean noong bumisita sila sa siyudad.Ito ang pinaka mahal, pinaka marangya, at pinaka malawak na kwarto sa Shangri-La na may lawak na daang-daang metro kuwadrado.Pero, si Quinn lang ang residente sa malawak na presidential suite na ito habang ang kanyang assistant, si Dorothy, ay nanatili sa tabi ng kwarto niya.Nang pinindot ni Charlie ang doorbell sa kanyang kwarto, si Quinn, na may suot na satin nightgown, ay pumunta nang na
Read more

Kabanata 1404

Para sa isang pamilya na may net worth na daang-daang bilyong dolyar tulad ng pamilya Golding, siguradong kaya nilang bilhin ang kalahati ng entertainment industry kung gusto nila.Nagbuntong hininga si Charlie at sinabi, “Okay, prinsesa, bilisan mo na at umupo ka sa sofa, susuriin ko ang pulso mo.”Tinitigan siya ni Quinn sa pagkamangha at tinanong, “Marunong ka talagang manggamot ng tao, hindi ba?”Sumagot si Charlie, “Syempre! Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako?”Ngumuso si Quinn. “Akala ko na sinusubukan mong pumunta sa kwarto ko sa kalagitnaan ng gabi para pagsamantalahan ako gamit ang palusot na gagamutin mo ako…”“Ako…” Pinaikot ni Charlie ang kanyang mga mata dahil hindi siya makapaniwala, tila ba gusto niyang umubo ng dugo sa sobrang gulat. “Sasabihin ko lang, hindi ako gano’n kasama!”Tumingin nang blangko si Quinn sa kanya at sinabi, “May sasabihin ako sayo, huwag kang mangahas na akalain na ako ang uri ng babae na lumalandi kung saan-saan! Hanggang ngayon, hindi pa ako
Read more

Kabanata 1405

Nang maramdaman niya na tuluyan nang nawala ang sakit sa kanyang katawan, tinitigan ni Quinn si Charlie sa hindi paniniwala at tinanong, “Sa tradisyonal na Chinese medicine, ang pagbabasa ng pulso ay isang diagnosis lang, hindi ito gamot. Pero, paano ako gumaling kahit na ang ginawa mo lang ay basahin ang pulso ko?”Sinabi nang payak ni Charlie, “May acupressure sa pulso ng tao na dedikado sa paggamot ng stomach discomfort. Akala mo na binabasa ko ang pulso mo, pero minamasahe ko talaga ang acupressure point mo.”Sinabi ni Quinn sa pagkamangha, “Seryoso? Gumagana ba talaga ito?”Tumango si Charlie at sinabi, “Katulad nito ang pagmasahe mo sa gilid ng ulo mo kapag sumasakit ang ulo mo. Medyo mahiwaga lan ang technique ko kaya mabilis at maganda ang resulta nito.”Hindi maiwasang sabihin ni Quinn, “Charlie, ang galing mo talaga! Sobrang dami ko nang pinuntahan na doktor at sinubukan ko na ang napakaraming medisina, pero, hindi ko ito magamot nang mahigit isang buwan. Kahit ganito, is
Read more

Kabanata 1406

Habang ginagamot ni Charlie si Quinn, katatapos lang panoorin ni Nanako ang kanyang mentor, si Kazuki, na matulog. Humarap siya nang maingat kay Hiroshi at sinabi, “Tanaka-san, mangyaring manatili ka dito at alagaan mo ang master ko para sa akin. Kailangan kong magpahinga. Kung hindi, marahil ay hindi ako makapasok sa semifinals, lalo na ang talunin si Aurora.”Para kay Nanako, kahit na pinayuhan siya nang mahigpit ni Kazuki na sambahin si Charlie bilang master niya, hindi siya handa na gawin ito.Sa opinyon niya, nasugatan nang ganito ang kanyang mentor gamit ang isang atake ni Charlie. Kahit sino ang tama o mali sa bagay na ito, hindi niya kayang iwan ang kanyang mentor sa sandaling ito at sambahin si Charlie bilang master niya.Bukod dito, sa kaloob-looban niya, naramdaman niya na malaki ang posibilidad na hindi siya kukunin ni Charlie bilang disipulo niya, ito ay dahil mayaman si Charlie, at kinamumuhian niya nang sobra ang mga Japanese. Hindi niya alam kung anong magagawa niya
Read more

Kabanata 1407

Sa isang marangyang Mercedes-Benz sedan, nasa likod ng manibela si Jrio katabi ang tahimik na si Nanako habang paalis sila sa hospital.Sa sandaling nilabas niya ang kotse sa gate ng hospital, hindi maiwasang itanong ni Nanako, “Kobayashi-san, sino ba itong miracle doctor na sinabi mo? Maaari mo bang sabihin sa akin ngayon na?”Tumango si Jiro. “Nanako-san, Anthony Simmons ang pangalan ng doktor. Isa siyang kilalang doktor sa tradisyonal na Chinese medicine sa buong Oskia. Siya ang gumamot sa isang paraplegic na pasyente kailan lang, ang ganitong disability ay sinasabing imposibleng magamot sa kasaysayan ng medisina.”Palaging sobrang lusog at maayos ang katawan ni Nanako, kaya hindi siya nagbigay atensyon sa nangyayari sa mundo ng medisina, at syempre, wala siyang alam kay Anthony.Pero, naintriga siya sa sandaling binanggit siya ni Jiro, at biglang napuno ng pag-asa ang puso niya.Kaya, nagmamadali niyang tinanong, “Kobayashi-san, maaari ko bang malaman kung saan ko makikita ang
Read more

Kabanata 1408

Habang may nalilitong hitsura sa kanyang mukha, tinanong ni Nanako, “Kobayashi-san, may problema ka ba sa Dr. Simmons na ito?”“Ah, hindi, hindi.” Nagmamadaling kumaway si Jiro at sinabi nang seryoso, “Hindi ko pa nakikilala ang Dr. Simmons na ito. Siya nga pala, sa totoo lang, bago mamatay ang kapatid ko, ginalit niya dati ang doktor na ito, kaya natatakot ako na may galit siya sa pamilya namin. Para hindi ito makaapekto sa desisyon niya kapag hiniling mo sa kanya na gamutin si Yamamoto-san, mas mabuti kung hindi mo sasabihin ang pangalan ko. Tawagin mo na lang akong Tanaka-san.”“Okay, sige.” Tumango si Nanako. Nanguna siya, pumasok sa pinto, kumatok, at tinanong, “Excuse me, nandito ba si Dr. Simmons?”Nasorpresa ang staff nang makita niya ang maganda at eleganteng babae na nakatayo sa pinto. Sinabi niya nang magalang, “Hello, pasensya na pero sarado na ang clinic ngayon, at hindi na aaliwin ni Dr. Simmons ang kahit sinong pasyente para ngayong araw. Mangyaring bumalik kayo bukas
Read more

Kabanata 1409

Hindi inaasahan ni Nanako na si Charlie Wade ay isang Master Wade sa mga mata ni Dr. Simmons at kahit isang Tunay na Dragon.Maraming alamat ang Japan tungkol sa mga dragon. Dahil, ang sibilisasyon ng Japan ay orihinal na nanggaling sa Oskia, kaya maraming pagkakatulad sa dalawang sibilisasyon.Sa kultura ng Japanese, ang mga dragon ang itinuturing na pinaka banal na nilalang na may parehong katayuan sa mga diyos.Pero, lampas sa imahinasyon niya na ang matandang divine doctor na ito ay pararangalan ang isang batang lalaki bilang Tunay na Dragon sa mundong ito.Syempre, hindi niya alam ang impluwensya na mayroon si Charlie kay Anthony at kung paano nito binaliktad ang deka-dekadang pananawa ni Anthony.Sa opinyon ni Anthony, ang kakayahan ni Charlie sa medisina, pati na rin ang pambihirang paggawa niya ng mga medisina ay talagang kakaiba at kamangha-mangha sa mundo.Lalo na at malaki ang benepisyo na nakuha niya mula kay Charlie. Nagbukas ng isang bagong kabanata sa buhay niya an
Read more

Kabanata 1410

“Kay Charlie Wade?!”Nanginig agad ang gulugod ni Jiro nang binanggit ang pangalan ni Charlie. Sinabi niya nang nagmamadali, “Nanako-san, lumayo ka dapat kay Charlie Wade! Sobrang mapanganib ng taong ito, mas mabuti kung hindi mo siya masyadong pakikitunguhan…”Pagkatapos, dinagdag niya, “At saka, hindi ka dapat makinig sa payo ni Yamamoto-san at sambahin si Charlie Wade bilang master mo. Para sa akin, hindi palakaibigan ang Charlie na ito sa mga Japanese, kung hindi, hindi niya gagawing baldado si Yamamoto-san dahil lang sa sinabi ni Yamamoto-san!”Tumango si Nanako. “Hindi ko inisip na kukunin niya ako bilang disipulo niya, pero umaasa ako na may magagawa ako para magamot si Yamamoto-san o masabihan si Dr. Simmons na gamutin siya.”Tinanong nang nagmamadali ni Jiro, “Bibisitahin mo ba si Charlie sa ibang araw?”“Hindi, hindi sa ibang araw. Pupunta ako sa kanya ngayong araw.”“Ngayong araw?! Pero gabi na! Pupuntahan mo ba talaga si Charlie ngayon?”“Oo! Ngayon!”Habang puno ng
Read more
PREV
1
...
139140141142143
...
563
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status