Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1421 - Chapter 1430

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1421 - Chapter 1430

5627 Chapters

Kabanata 1421

Sa totoo lang, ayaw ni Elaine na sumipsip kay Charlie, pero sobrang kakaiba ng posisyon nyia ngayon.Wala na ang kapangyarihan niya pamilya pagdating sa salapi. Halos wala na siya ni singko. Kahit ang marangyang vilal ng Thompson First ay nasa ilalim ng pangalan ni Charlie, wala siyang kinalaman dito.Ang pinakamahalaga, winala niya ang mahigit 2 milyon sa mahjong scam na ginawa ni Hannah, alam niya na lumubog na nang sobra ang katayuan niya sa pamilya. Kahit si Jacob, na palagi niyang sinisigawan at inaapi, ay lumaban na sa kanya at binugbog pa siya. Sa ganitong sitwasyon, alam niya na wala siyang karapatan na maging mayabang at hambog tulad ng dati.Kaya, alam ni Elaine na, sa ngayon, kailangan nakabahag ang buntot niya, at subukan niyang mapunta sa mabuting panig ni Charlie. Tapos na siya kung tatalikuran siya ni Charlie balang araw at papalayasin siya sa bahay.Bukod dito, handa pa si Charlie na tulungan siyang kuhaan ng mga mahal na cosmetic. Syempre, kailangan niyang mas puri
Read more

Kabanata 1422

Nang marinig ito, nagpasalamat nang sobra si Elaine at sinabi, “Oh, mahal kong manugang! Ikaw talaga ang pinakamagaling na manugang sa buong mundo! Pinagpala talaga ako at nagkaroon ako ng isang napakagaling na manugang na tulad mo…”Si Jacob, na kanina pa nakaupo sa gilid, ay nagbuntong hininga nang paulit-ulit. Alam niya na may talento si Charlie. Kapag sinabi niya na kukunin niya ito, kukunin niya ito.Pero, medyo mahirap para kay Jacob na tanggapin ito nang maisip niyang gagamit si Elaine ng mga cosmetic na nasa daang-daang libong dolyar.Sa sandaling ito, nagkataon lang na sinabi ni Charlie sa kanya, “Siya nga pala, pa, gagamitin mo ba ang kotse ngayong araw? Medyo may gagawin kasi ako ngayong araw. Kung hindi mo kailangan ang kotse, pwede mo bang ipahiram ito sa akin?”Kailangan pumunta ni Charlie sa airport para magpaalam kay Quinn at pagkatapos ay pumunta sa Aurous Stadium para panoorin ang laban ni Aurora. Medyo hindi angkop na walang kotse para bumiyahe.Sinabi nang nagm
Read more

Kabanata 1423

Bilang isang lalaki, naintindihan ni Charlie ang iniisip ng matandang lalaki.Sinong lalaki sa mundong ito ang ayaw pasayahin ang kanyang babae?Limitado lang ang galing ng ilang tao, kaya, hindi nila ito magawa.Tulad ni Charlie dati, hindi lamang siya mahirap, ngunit wala rin siyang asset. May mga pagkakataon na kapag kaarawan ni Claire o wedding anniversary nila, gusto ni Charlie na bigyan ng magandang regalo ang kanyang asawa. Pero, dahil limitado lang ang salapi niya, hanggang hiling na lang siya.Ang unang mahalagang regalo na binigay niya sa kanyang asawa noong pagkatapos siyang mahanap ni Stephen. Sa sandaling iyon, binilan niyang jade necklace ang kanyang asawa sa Emerald Court.Sa kabila ng kagustuhan ni Charlie na ibigay ni ang lahat para sa kanyang asawa dati, sa abilidad niya dati, hindi man lang niya kayang bilhan siya ng isang disenteng makeup.Sa kabila ng tanda ni Jacob, ang nararamdaman niya para kay Matilda pagkatapos ng dalawampung taon ay pareho pa rin noong
Read more

Kabanata 1424

Nang makita si Charlie sa sandaling ito, sumabog agad ang puso ng maliit na babae. Tumakbo siya papunta kay Charlie at niyakap siya nang mahigpit habang sinabi nang malambot, “Kuya Charlie, babalik na ako sa Eastcliff ngayong araw. Nag-aatubili ka bang pabalikin ako?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Umuwi ka dapat dahil kailangan mong sumali sa rehearsal ng Spring Gala Festival. Hinihintay ng buong bansa ang performance mo sa Spring Gala Festival.”Hindi kuntento si Quinn sa sagot niya at sinabi, “Hindi mo ako sinagot! Ang tanong ko ay nag-aatubili ka bang pabalikin ako?”Gustong sabihin ni Charlie na hindi siya nag-aatubili, pero naramdaman niya na kung sasabihin niya iyon, magmamaktol si Quinn sa kanya.Pero, hindi niya pwedeng sabihin na nag-aatubili siya. Dahil gusto niya talagang bumalik nang mabilis si Quinn. Kung hindi, patuloy siyang mananatili sa Aurous Hill at gagawa ng problema sa kanya.Kung malalaman ni Claire ang nangyari sa kanila ni Quinn, magagalit siya nang sobra.
Read more

Kabanata 1425

Habang abala si Isaac sa pagbili ng mga cosmetic ni Charlie, dumating si Charlie sa Aurous Stadium. Ngayong araw, umabot na sa semi-final ang kompetisyon. Sa huling round, nakakuha ng attention sa Internet ang pagtalo ni Aurora kay Joanna, at sumikat agad nang sobra ang laban na iyon.Kaya, nakuha ng semi-final ang atensyon ng mga viewers sa buong bansa. Sa labas ng Aurous Stadium, maraming manonood ang bumili ng mga ticket sa mataas na presyo para mapanood ang pag-abante ni Aurora sa finals.Sa loob at labas ng venue, nilabas na ang advertisement ng Kobayashi Stomach Pill. Dahil sila ang main sponsor, makikita ang advertisement nila kung saan-saan. Makikita ang mga advertisement ng Kobayashi Stomach Pill kahit saan ka kumuha ng litrato.Sa totoo lang, madalas ding ipinapakita ng broadcaster ng laban ang logo ng Kobayashi Stomach Pill sa ibabang kanang sulok ng telebisyon.Ang mas kamangha-mangha pa ay maraming network anchors ang nandoon, at gumagamit sila ng mga smartphone p
Read more

Kabanata 1426

Dahil, binago ni Charlie ang kanilang pananaw bilang master at apprentice. Malalim na naapektuhan ang kanilang kasigasigan.Gayunpaman, umaasa pa rin si Kazuki na magiging maganda ang kalagayan ni Nanako.Kahit na hindi siya manalo sa championship, ayon sa abilidad niya, wala dapat siyang problema sa pagkuha ng runner-up.Pero, kung hindi maganda ang kalagayan niya, marahil ay hindi man lang siya maging runner-up.Buti na lang, sa video, wala siyang nakitang kakaiba kay Nanako kumapra sa kanyang karaniwang kalagayan.Si Nanako ay hindi isang tipo ng tao na madaling masabik. Kaya, bago ang kanyang malaking laban, karaniwan ay sobrang kalmado siya, tulad kung paano siya nagpapahinga sa sandaling ito.Nang makita niya malapit nang matapos ang oras, sinabi ni Hiroshi, “Miss, limang minuto na lang bago ang laban mo.”Binuksan ni Nanako ang kanyang mga mata, tumango nang kaunti, at sumagot, “Alam ko.”Nagpatuloy si Hiroshi, “Miss, nasa video call ako kasama si Yamamoto-san, may gusto
Read more

Kabanata 1427

Naging malungkot nang sobra si Nanako sa puso niya.Pagkatapos malaman na limitado lang ang pananaw niya, ang gusto niya lang ay baguhin ito. Sa kasamaang-palad, hindi binigay ni Charlie ang pagkakataon na ito.Nang makita ang kanyang ekspresyon, nagmamadaling pinagaan ni Kazuki ang kanyang kalooban at sinabi, ‘Nanako, hindi ngayon ang oras para pag-isipan ito. Dapat manalo ka muna. Pagkatapos, pwede nating isipin ang iba!” Tumango nang mabigat si Nanako. Mabilis niyang sinabi kay Kazuki, “Master, papasok na ako sa arena.”“Sige!” Hinikayat siya ni Kazuki at sinabi, “Ibigay mo ang lahat ng makakaya mo sa laban an ito hindi mahalaga kahit na tanggapin ka na apprentice ni Charlie o hindi. Dapat ipakita mo sa kanya ang abilidad mo! Kaya, sa laban na ito, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para manalo nang maganda hangga’t posible!”“Manalo nang maganda?”“Tama!” Sinabi ni Kazuki. Nagpatuloy siya, “Nanako, pagkatapos talunin ni Aurora si Joanna, naging sikat siya sa Internet. Sana ay g
Read more

Kabanata 1428

Sa sandaling iyon, apat na kalahok ang lumapit sa dalawang arena.Ang isang arena ay nasa kaliwa, at ang isa ay nasa kanan. Ang bawat arena ay napapaligiran ng mga manonood.Ngayong araw, walang bakanteng upuan. Bago magsimula ang laban, mayroong walang humpay na palakpakan, pagpito, at paghiyaw.Nakatayo si Charlie sa ilalim ng arena sa likod ni Aurora. Dito rin nakaupo ang mga coach ng Sanda sa kompetisyon.Nakatingin nang kinakabahan ang coach ng kalaban sa kanya sa sandaling iyon. Tumitingin din siya paminsan-minsan kay Aurora na nasa arena. Nakahanda na ang tuwalya niya sa kanyang kamay. Sa sandaling hindi na masuportahan ng apprentice niya ang sarili niya sa stage, itatapon niya ang kanyang tuwalya sa lalong madaling panahon at susuko.Sa arena, nakatingin si Aurora sa kanyang kalaban, kay Victoria, habang may walang habag na ekspresyon sa kanyang mukha.Bago tinulungan ni Charlie si Aurora na palakasin ang kanyang katawan, hindi niya talaga kaya si Victoria. Dahil, matangk
Read more

Kabanata 1429

Umalingawngaw sa hangin ang boses ni Aurora, ginulat si Victoria!Nakita niya ang laban nina Aurora at Joanna, at alam niya na sobrang lakas ni Aurora. Gamit ang sipang ito, natatakot siya na tatalsik siya palabas sa arena, tulad ng nangyari kay Joanna.Bilang resulta, mabilis niyang binawi ang kanyang kanang binti sa isang hakbang. Ang kanyang kaliwa at kanang binti ay gumawa ng isang tatsulok sa itaas ng sahig, at mas pinatibay nito ang kanyang katatagan sa kanyang ibabang bahagi ng katawan. Pagkatapos, itinaas niya ang dalawang braso niya sa harap niya, handang sanggain ang sipa ni Aurora.Pero, hindi siya si Joanna, at wala siyang ideya kung gaano kalakas ang sipa ni Aurora!Naramdaman niya lang na tinamaan ng napakalakas na pwersa ang kanyang mga braso. Ang sumunod, narinig niya ang dalawang malutong na tunog—nabali ang dalawang braso niya sa isang sipa ni Aurora!Mabilis itong sinundan ng matinding sakit. Hindi niya kinaya ang malakas na pwersa. Tulad ni Joanna sa nakaraang
Read more

Kabanata 1430

Tumingin si Charlie mula sa malayo. Hindi niya maiwasang masorpresa. Kailanman ay hindi niya inaakala na mabubugbog si Nanako ng isang American na babae. Mukhang sobrang passive ni Nanako at hindi siya lumalaban.Bukod dito, nasugatan at dumudugo rin ang magandang mukha niya dahil paulit-ulit na tinamaan ito, lalo na ang sulok ng kanyang kanang mata, mukhang may hiwa ito. Nabalisa siya habang nakatingin siya sa kanya.Hindi niya maiwasang pumunta sa gilid ng arena. Maingat niyang inobserbahan si Nanako at napansin niya na kahit na sugatan si Nanako at sobrang passive sa sitwasyon ngayon, nakatingin nang matindi ang dalawang mata niya sa bawat galaw ng kalaban.Hindi niya maintindihan. Dahil inoobserbahan ni Nanako ang kanyang kalaban, bakit hindi siya lumalaban? Anong hinihintay niya?Sa sandaling ito, nakita ni Nanako si Charlie.Bukod sa namangha siya, nasorpresa rin siya.Ito ay dahil nakikita niya ang kaunting pag-aalala sa mga mata ni Charlie.Tinanong niya sa sarili niya,
Read more
PREV
1
...
141142143144145
...
563
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status