Habang may nalilitong hitsura sa kanyang mukha, tinanong ni Nanako, “Kobayashi-san, may problema ka ba sa Dr. Simmons na ito?”“Ah, hindi, hindi.” Nagmamadaling kumaway si Jiro at sinabi nang seryoso, “Hindi ko pa nakikilala ang Dr. Simmons na ito. Siya nga pala, sa totoo lang, bago mamatay ang kapatid ko, ginalit niya dati ang doktor na ito, kaya natatakot ako na may galit siya sa pamilya namin. Para hindi ito makaapekto sa desisyon niya kapag hiniling mo sa kanya na gamutin si Yamamoto-san, mas mabuti kung hindi mo sasabihin ang pangalan ko. Tawagin mo na lang akong Tanaka-san.”“Okay, sige.” Tumango si Nanako. Nanguna siya, pumasok sa pinto, kumatok, at tinanong, “Excuse me, nandito ba si Dr. Simmons?”Nasorpresa ang staff nang makita niya ang maganda at eleganteng babae na nakatayo sa pinto. Sinabi niya nang magalang, “Hello, pasensya na pero sarado na ang clinic ngayon, at hindi na aaliwin ni Dr. Simmons ang kahit sinong pasyente para ngayong araw. Mangyaring bumalik kayo bukas
Hindi inaasahan ni Nanako na si Charlie Wade ay isang Master Wade sa mga mata ni Dr. Simmons at kahit isang Tunay na Dragon.Maraming alamat ang Japan tungkol sa mga dragon. Dahil, ang sibilisasyon ng Japan ay orihinal na nanggaling sa Oskia, kaya maraming pagkakatulad sa dalawang sibilisasyon.Sa kultura ng Japanese, ang mga dragon ang itinuturing na pinaka banal na nilalang na may parehong katayuan sa mga diyos.Pero, lampas sa imahinasyon niya na ang matandang divine doctor na ito ay pararangalan ang isang batang lalaki bilang Tunay na Dragon sa mundong ito.Syempre, hindi niya alam ang impluwensya na mayroon si Charlie kay Anthony at kung paano nito binaliktad ang deka-dekadang pananawa ni Anthony.Sa opinyon ni Anthony, ang kakayahan ni Charlie sa medisina, pati na rin ang pambihirang paggawa niya ng mga medisina ay talagang kakaiba at kamangha-mangha sa mundo.Lalo na at malaki ang benepisyo na nakuha niya mula kay Charlie. Nagbukas ng isang bagong kabanata sa buhay niya an
“Kay Charlie Wade?!”Nanginig agad ang gulugod ni Jiro nang binanggit ang pangalan ni Charlie. Sinabi niya nang nagmamadali, “Nanako-san, lumayo ka dapat kay Charlie Wade! Sobrang mapanganib ng taong ito, mas mabuti kung hindi mo siya masyadong pakikitunguhan…”Pagkatapos, dinagdag niya, “At saka, hindi ka dapat makinig sa payo ni Yamamoto-san at sambahin si Charlie Wade bilang master mo. Para sa akin, hindi palakaibigan ang Charlie na ito sa mga Japanese, kung hindi, hindi niya gagawing baldado si Yamamoto-san dahil lang sa sinabi ni Yamamoto-san!”Tumango si Nanako. “Hindi ko inisip na kukunin niya ako bilang disipulo niya, pero umaasa ako na may magagawa ako para magamot si Yamamoto-san o masabihan si Dr. Simmons na gamutin siya.”Tinanong nang nagmamadali ni Jiro, “Bibisitahin mo ba si Charlie sa ibang araw?”“Hindi, hindi sa ibang araw. Pupunta ako sa kanya ngayong araw.”“Ngayong araw?! Pero gabi na! Pupuntahan mo ba talaga si Charlie ngayon?”“Oo! Ngayon!”Habang puno ng
Totoo na diring-diri si Charlie kay Yamamoto Kazuki, pero kahit na, maganda ang impresyon niya kay Nanako.Kahit na napakaraming taon nang nag-eensayo si Nanako ng martial arts, sobrang marahan na babae siya at maituturing na makatwirang babae siya, sobrang bihira sa sirkulo ng martial art.Nang marinig ito, sinabi agad ni Anthony, “Okay, Master Wade, naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala, kung pupunta ulit siya, gagawin ko ang sapat na paggalang ko.”“Mabuti, mas maganda iyon,” sumagot si Charlie. “Okay, Mr. Simmons, malapit na ako sa bahay ko, sa susunod na lang ulit.”“Okay, Master Wade.”Pagkatapos ibaba ang tawag ni Anthony, pinasok ni Charlie ang kotse sa villa area ng Thompson First.Unti-unti siyang bumagal habang papalapit na siya sa bahay niya nang biglang, isang anino ang lumitaw sa gilid at humarang sa kotse niya.Nagmamadaling tinapakan ni Charlie ang preno para pahintuin ang kotse. Tumingala siya at nakita niya na ang taong nakaharang sa kotse niya ay walang iba k
Kumunot ang noo ni Nanako at sinabi, “Mr. Wade, mangyaring pakilinawin mo ang sinabi mo!”Sinabi ni Charlie, “Una sa lahat, kung maglalakad ka sa landas sa mundo ng martial arts, dapat sanayin mo ang iyong isipan, katawan, at pagkatapos ay ang kasanayan.”“Sa ibang salita, mas importante ang kaisipan kaysa sa pisikal na lakas at sa uri ng martial arts.”“Hindi mahalaga kung nag-ensayo ka ng combat, kickboxing, karate, taekwondo, Wing Chun, o Tai Chi. Hindi ito importante. Ang importante ay ang puso mo!”Tinanong ni Nanako, nalilito, “Ang puso ko? Anong mali sa puso ko?”Suminghal si Charlie sinumbat sa nangmamaliit na tono, “Puno ng mga maliliit na kabaitan ang puso mo. Puno ito ng talas; makitid ang isipan; hindi sumusuko; ang pinakamahalaga, kulang ito sa pagiging lobo!”“Pagiging lobo?!” Bumaluktot ang mukha ni Nanako sa isang ngiwi habang sinabi, “Anong ibig mong sabihin? Anong pagiging lobo?”Sinabi ni Charlie. “Ang pagiging lobo ay ang pagkakaroon ng ugali ng lobo. Nilalar
Napagtanto ni Nanako na kailanman ay hindi siya naging kwalipikado na maging martial artist pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie.Nanalo siya sa world championship, at nakoronahan siya bilang top young martial artist sa buong mundo, pero, hindi niya man lang naintindihan ang payak na prinsipyo ng pagiging isang martial artist at ang kaluluwa sa loob nito.Nang makita siyang umiiyak nang walang tigil at nanginginig ang katawan niya, hindi maiwasang magbuntong hininga ni Charlie at sinabi, “Pasensya na, masyado akong alupit sa mga salita ko, pero sana maintindihan mo ang tunay na kaluluwa ng isang martial artist!”Itinaas ni Nanako ang kanyang ulo, nakatingin kay Charlie ang malaki at namumulang mata niya. Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig at sinabi sa humihikbi na boses, “Mangyaring liwanagan mo ako, Mr. Wade. Handa akong makinig sa gabay mo!”Sa halip na tulungan siyang tumayo, sinabi ni Charlie na may seryosong ekspresyon, “Ang kaluluwa ng martial art ay hindi ang pisikal
Nagmamadaling inilagay ni Nanako ang kanyang mga kamay sa sahig, niyuko ang kanyang ulo, at sinabi, “Mr. Wade, humihingi ako ng tawad sa iyo at sa mga tao sa Oskia sa ngalan ng lahat ng Japanese na nanakit sa mga Oskian. Patawad! Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para bayaran ang utang ng Japan sa natitirang buhay ko!”Kumaway si Charlie. “Kalimutan mo na. Marahil ay hindi na maayos ang utang na ito, pero nagpapasalamat ako sa pagsisikap mo.”Pagkatapos, tinulungan niyang tumayo si Nanako at sinabi, “May dalawang laban ka pa, bilisan mo na at maghanda ka na. Ako, bilang coach ni Aurora, ay nasasabik na makita kayong dalawa sa finals. Kaya, sa susunod na semifinals, dapat galingan mo. Pumasok ka sa finals para harapin si Aurora doon.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Nanako, “Makasisiguro ka, Mr. Wade. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko at haharapin ko si Aurora sa finals!”“Mabuti.” Tumango si Charlie. “Magkita tayo sa final, kung gano’n”Pagkatapos nito, bumalik na si Cha
Gising nang buong gabi si Nanako.Buonggabing umiikot ang mga sinabi ni Charlie sa isipan niya. Kahit papaano, sa tuwing iniisip niya ito, bigla niyang nararamdaman na hindi niya dapat sukuan ang martial arts!Sa totoo lang, kailangan niyang doblehin ang pagsisikap niya at magtiyaga para mag-iba ang paningin sa kanya ni Charlie!Marahil ay kahit kailan ay hindi siya tatanggapin ni Charlie bilang kanyang disipulo, pero dapat niyang ipakita sa mga kilos niya na magiging kwalipikadong martial artist siya!Si Jiro, na palaging gustong ligawan si Nanako, ay nahirapan ding makatulog.Habang hindi na siya makapaghintay na kunin ang kamay ni Nanako, sabik din siya sa susunod na advertising campaign ng Kobayashi Stomach Pill sa Oskia.Dahil ang Kobayashi Stomach Pill ang title sponsor ng segment sa finals, ito ang pinakamagandang oras para gumawa ng malaking promotion para sa medisina.Bukod dito, sa sorpresa ni Jiro, si Aurora, ang Oskian athlete, ang naging dark horse ng kompetisyon!
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si