Napagtanto ni Nanako na kailanman ay hindi siya naging kwalipikado na maging martial artist pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie.Nanalo siya sa world championship, at nakoronahan siya bilang top young martial artist sa buong mundo, pero, hindi niya man lang naintindihan ang payak na prinsipyo ng pagiging isang martial artist at ang kaluluwa sa loob nito.Nang makita siyang umiiyak nang walang tigil at nanginginig ang katawan niya, hindi maiwasang magbuntong hininga ni Charlie at sinabi, “Pasensya na, masyado akong alupit sa mga salita ko, pero sana maintindihan mo ang tunay na kaluluwa ng isang martial artist!”Itinaas ni Nanako ang kanyang ulo, nakatingin kay Charlie ang malaki at namumulang mata niya. Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig at sinabi sa humihikbi na boses, “Mangyaring liwanagan mo ako, Mr. Wade. Handa akong makinig sa gabay mo!”Sa halip na tulungan siyang tumayo, sinabi ni Charlie na may seryosong ekspresyon, “Ang kaluluwa ng martial art ay hindi ang pisikal
Nagmamadaling inilagay ni Nanako ang kanyang mga kamay sa sahig, niyuko ang kanyang ulo, at sinabi, “Mr. Wade, humihingi ako ng tawad sa iyo at sa mga tao sa Oskia sa ngalan ng lahat ng Japanese na nanakit sa mga Oskian. Patawad! Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para bayaran ang utang ng Japan sa natitirang buhay ko!”Kumaway si Charlie. “Kalimutan mo na. Marahil ay hindi na maayos ang utang na ito, pero nagpapasalamat ako sa pagsisikap mo.”Pagkatapos, tinulungan niyang tumayo si Nanako at sinabi, “May dalawang laban ka pa, bilisan mo na at maghanda ka na. Ako, bilang coach ni Aurora, ay nasasabik na makita kayong dalawa sa finals. Kaya, sa susunod na semifinals, dapat galingan mo. Pumasok ka sa finals para harapin si Aurora doon.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Nanako, “Makasisiguro ka, Mr. Wade. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko at haharapin ko si Aurora sa finals!”“Mabuti.” Tumango si Charlie. “Magkita tayo sa final, kung gano’n”Pagkatapos nito, bumalik na si Cha
Gising nang buong gabi si Nanako.Buonggabing umiikot ang mga sinabi ni Charlie sa isipan niya. Kahit papaano, sa tuwing iniisip niya ito, bigla niyang nararamdaman na hindi niya dapat sukuan ang martial arts!Sa totoo lang, kailangan niyang doblehin ang pagsisikap niya at magtiyaga para mag-iba ang paningin sa kanya ni Charlie!Marahil ay kahit kailan ay hindi siya tatanggapin ni Charlie bilang kanyang disipulo, pero dapat niyang ipakita sa mga kilos niya na magiging kwalipikadong martial artist siya!Si Jiro, na palaging gustong ligawan si Nanako, ay nahirapan ding makatulog.Habang hindi na siya makapaghintay na kunin ang kamay ni Nanako, sabik din siya sa susunod na advertising campaign ng Kobayashi Stomach Pill sa Oskia.Dahil ang Kobayashi Stomach Pill ang title sponsor ng segment sa finals, ito ang pinakamagandang oras para gumawa ng malaking promotion para sa medisina.Bukod dito, sa sorpresa ni Jiro, si Aurora, ang Oskian athlete, ang naging dark horse ng kompetisyon!
Hindi pwedeng manatili si Claire sa studio buong araw dahil kailangan niyang magtrabaho, kaya pumunta siya sa kanyang opisina sa kalagitnaan ng shoot, iniwan sina Charlie at Liam sa studio.Pagkatapos i-shoot ang advertisement, bumalik agad ang staff ng advertising company sa kanilang opisina kasama ang mga materyales para sa post-production habang sina Charlie at Liam, ay nagdaos ulit ng handaan sa Shangri-La para aliwin sina Quinn at Dorothy.Sobrang abala ng work schedule ni Quinn sa ngayon. Dahil, siya ay isa sa mga top celebrity sa bansa. Inimbita siya sa Spring Festival Gala ngayong taon at may solo performance siya, kaya kailangan niyang magmadali pabalik sa Eastcliff para sa unang official rehearsal ng Gala.Ang lahat ng artista na inimbita sa Spring Festival Gala ay mga top celebrity sa bansa. Dahil ang Gala ang may pinakamalaking audience sa lahat ng entertainment show sa mundo, pati na rin ang pinaka pinapanood na programa sa telebisyon, maraming malalaking artista ang ga
Sa sumunod na araw.Naka-schedule ang flight ni Quinn sa alas otso ng umaga, samantalang ang semifinal ng combat and fighting competition ay magsisimula sa alas diyes. Kaya, nagpasya si Charlie na magpaalam muna kay Quinn sa airport at pagkatapos ay pupunta siya sa stadium para panoorin ang laban ni Aurora.Sa umagang iyon, lumapit si Charlie kay Jacob at sinabi, “Pa, gagamitin mo ba ang kotse mo sa umaga? Pahiram ako kung hindi, may kailangan akong gawin sa umaga.”Ngumiti nang nahihiya si Jacob at sinabi, “Magbibigay ako ng talumpati sa antique and cultural appraisal sa umaga sa Senior University sa ngalan ng Calligraphy and Painting Association.”Pagkatapos, sumulyap si Jacob kay Charlie at sumenyas na “alam mo ang ibig kong sabihin”.Nalinawan agad si Charlie.Marahil ay nakita ni Jacob si Matilda noong nagkaroon ng pagsasama ang university at ang kanyang association, at gusto niyang gamitin ang pagkakataon na ito para makipagkita nang mas madalas kay Matilda bago pa siya p
Kaya, sumuko agad si Jacob at sinabi, “Ikaw! Pwede bang tigilan mo na ang paglutas sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng paggawa ng eksena?”Sinumbat ni Elaine sa malamig na boses, “Ikaw na ang nagsabi na ikaw na ang namamahala sa pamilyang ito ngayon, at wala na akong karapatan. Kung hindi ako gagawa ng eksena, anong magagawa ko para matatag ang katayuan ko sa pamilyang ito?”Nagkusang umatras si Jacob at sinabi, “Okay, sige, mali ang sinabi ko. May karapatan kang mangibabaw sa pamilya. Masaya ka na ba?”Isang matagumpay na ngisi ang lumitaw sa mukha ni Elaine habang sinabi, “Ngayong sinabi mo na, dapat kong gamitin ang karapatan at kapangyarihan ko. Jacob, sabihin mo sa akin ang totoo. Gaano karaming pera ang mayroon ka ngayon? Nagbenta ka ba ng mga antigo at kumita ng pera nang hindi ko alam?”Sinabi ni Jacob na may galit at pangit na hitsura, “Wala! Iyon ang kinikita ko! Jusko, sa totoo lang, wala akong kahit ni singko sa bulsa ngayon! Walang mapagkakakitaan sa Painting and Calli
“Ikaw…”Galit na galit na si Jacob ngayon, at namumula na ang mga mata niya na puno ng sama ng loob.Wala siyang magawa sa paglaban sa isang matalas na babae tulad ni Elaine. ‘Ang isang lalaking may panulat ay hindi kayang makipagtalo sa isang lalaking may baril’, iyon ang nararamdaman niya ngayon.Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie, “Okay, sige, huwag kayong mag-away ngayong napakaaga pa.”Tumiklop agad si Elaine sa sandaling narinig niya ang boses ni Charlie.Kung dati ito, kapag nangahas si Charlie na sumingit habang pinapagalitan niya si Jacob, pinaulanan niya na siya ng mga salita dahil dito.Pero iba na ngayon. Kumakatok ang swerte sa pinto ng lahat, at sa sandaling ito, sa pinto ito ni Charlie. Ngayong wala siyang pera at kailangan niyang tumira sa isang villa na pagmamay-ari ni Charlie, si Charlie ang may pinakamataas na katayuan sa pamilya.Para hindi paalisin ni Charlie, kailangan niyang gawin ang lahat ng magagawa niya para pasayahin si Charlie at huwag siyang galiti
Sumandal si Claire at bumulong kay Charlie, “Anong mali kay Mama? Bakit nagluluto siya sa kusina?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Sinabi ni Mama na gusto niyang subukan ko ang luto niya. Sinabi niya na gagawa siya ng tomato and egg noodles.”Sinabi ni Claire, “Jusko, nagkusa talaga ang mama ko na magluto. Hindi talaga nauubos ang kababalaghan! Mukhang natututo na talaga siya sa mga pagkakamali niya at sinusubukan niyang itama ang mga ito.”Pero, hindi sang-ayon si Charlie. Sa halip, naramdaman niya na hindi libre ang tinatawag na libreng almusal na ito. Dahil, siguradong may plano si Elaine at kailangan niya ng pabor niya, kung hindi, ayon sa ugali niya, hinding-hindi siya magkukusang magluto.”Totoo nga, sa dining table, habang inihahain ni Elaine ang mga noodles para kay Charlie, ngumiti siya nang tuso at sinabi, “Mahal kong manugang, may pabor ako sayo. Iniisip ko kung ayos ka lang dito?”Sumagot si Charlie, “Ma, pakisabi ang gusto mong sabihin. Hindi ako tatanggi kung makatwira
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh