Gising nang buong gabi si Nanako.Buonggabing umiikot ang mga sinabi ni Charlie sa isipan niya. Kahit papaano, sa tuwing iniisip niya ito, bigla niyang nararamdaman na hindi niya dapat sukuan ang martial arts!Sa totoo lang, kailangan niyang doblehin ang pagsisikap niya at magtiyaga para mag-iba ang paningin sa kanya ni Charlie!Marahil ay kahit kailan ay hindi siya tatanggapin ni Charlie bilang kanyang disipulo, pero dapat niyang ipakita sa mga kilos niya na magiging kwalipikadong martial artist siya!Si Jiro, na palaging gustong ligawan si Nanako, ay nahirapan ding makatulog.Habang hindi na siya makapaghintay na kunin ang kamay ni Nanako, sabik din siya sa susunod na advertising campaign ng Kobayashi Stomach Pill sa Oskia.Dahil ang Kobayashi Stomach Pill ang title sponsor ng segment sa finals, ito ang pinakamagandang oras para gumawa ng malaking promotion para sa medisina.Bukod dito, sa sorpresa ni Jiro, si Aurora, ang Oskian athlete, ang naging dark horse ng kompetisyon!
Hindi pwedeng manatili si Claire sa studio buong araw dahil kailangan niyang magtrabaho, kaya pumunta siya sa kanyang opisina sa kalagitnaan ng shoot, iniwan sina Charlie at Liam sa studio.Pagkatapos i-shoot ang advertisement, bumalik agad ang staff ng advertising company sa kanilang opisina kasama ang mga materyales para sa post-production habang sina Charlie at Liam, ay nagdaos ulit ng handaan sa Shangri-La para aliwin sina Quinn at Dorothy.Sobrang abala ng work schedule ni Quinn sa ngayon. Dahil, siya ay isa sa mga top celebrity sa bansa. Inimbita siya sa Spring Festival Gala ngayong taon at may solo performance siya, kaya kailangan niyang magmadali pabalik sa Eastcliff para sa unang official rehearsal ng Gala.Ang lahat ng artista na inimbita sa Spring Festival Gala ay mga top celebrity sa bansa. Dahil ang Gala ang may pinakamalaking audience sa lahat ng entertainment show sa mundo, pati na rin ang pinaka pinapanood na programa sa telebisyon, maraming malalaking artista ang ga
Sa sumunod na araw.Naka-schedule ang flight ni Quinn sa alas otso ng umaga, samantalang ang semifinal ng combat and fighting competition ay magsisimula sa alas diyes. Kaya, nagpasya si Charlie na magpaalam muna kay Quinn sa airport at pagkatapos ay pupunta siya sa stadium para panoorin ang laban ni Aurora.Sa umagang iyon, lumapit si Charlie kay Jacob at sinabi, “Pa, gagamitin mo ba ang kotse mo sa umaga? Pahiram ako kung hindi, may kailangan akong gawin sa umaga.”Ngumiti nang nahihiya si Jacob at sinabi, “Magbibigay ako ng talumpati sa antique and cultural appraisal sa umaga sa Senior University sa ngalan ng Calligraphy and Painting Association.”Pagkatapos, sumulyap si Jacob kay Charlie at sumenyas na “alam mo ang ibig kong sabihin”.Nalinawan agad si Charlie.Marahil ay nakita ni Jacob si Matilda noong nagkaroon ng pagsasama ang university at ang kanyang association, at gusto niyang gamitin ang pagkakataon na ito para makipagkita nang mas madalas kay Matilda bago pa siya p
Kaya, sumuko agad si Jacob at sinabi, “Ikaw! Pwede bang tigilan mo na ang paglutas sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng paggawa ng eksena?”Sinumbat ni Elaine sa malamig na boses, “Ikaw na ang nagsabi na ikaw na ang namamahala sa pamilyang ito ngayon, at wala na akong karapatan. Kung hindi ako gagawa ng eksena, anong magagawa ko para matatag ang katayuan ko sa pamilyang ito?”Nagkusang umatras si Jacob at sinabi, “Okay, sige, mali ang sinabi ko. May karapatan kang mangibabaw sa pamilya. Masaya ka na ba?”Isang matagumpay na ngisi ang lumitaw sa mukha ni Elaine habang sinabi, “Ngayong sinabi mo na, dapat kong gamitin ang karapatan at kapangyarihan ko. Jacob, sabihin mo sa akin ang totoo. Gaano karaming pera ang mayroon ka ngayon? Nagbenta ka ba ng mga antigo at kumita ng pera nang hindi ko alam?”Sinabi ni Jacob na may galit at pangit na hitsura, “Wala! Iyon ang kinikita ko! Jusko, sa totoo lang, wala akong kahit ni singko sa bulsa ngayon! Walang mapagkakakitaan sa Painting and Calli
“Ikaw…”Galit na galit na si Jacob ngayon, at namumula na ang mga mata niya na puno ng sama ng loob.Wala siyang magawa sa paglaban sa isang matalas na babae tulad ni Elaine. ‘Ang isang lalaking may panulat ay hindi kayang makipagtalo sa isang lalaking may baril’, iyon ang nararamdaman niya ngayon.Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie, “Okay, sige, huwag kayong mag-away ngayong napakaaga pa.”Tumiklop agad si Elaine sa sandaling narinig niya ang boses ni Charlie.Kung dati ito, kapag nangahas si Charlie na sumingit habang pinapagalitan niya si Jacob, pinaulanan niya na siya ng mga salita dahil dito.Pero iba na ngayon. Kumakatok ang swerte sa pinto ng lahat, at sa sandaling ito, sa pinto ito ni Charlie. Ngayong wala siyang pera at kailangan niyang tumira sa isang villa na pagmamay-ari ni Charlie, si Charlie ang may pinakamataas na katayuan sa pamilya.Para hindi paalisin ni Charlie, kailangan niyang gawin ang lahat ng magagawa niya para pasayahin si Charlie at huwag siyang galiti
Sumandal si Claire at bumulong kay Charlie, “Anong mali kay Mama? Bakit nagluluto siya sa kusina?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Sinabi ni Mama na gusto niyang subukan ko ang luto niya. Sinabi niya na gagawa siya ng tomato and egg noodles.”Sinabi ni Claire, “Jusko, nagkusa talaga ang mama ko na magluto. Hindi talaga nauubos ang kababalaghan! Mukhang natututo na talaga siya sa mga pagkakamali niya at sinusubukan niyang itama ang mga ito.”Pero, hindi sang-ayon si Charlie. Sa halip, naramdaman niya na hindi libre ang tinatawag na libreng almusal na ito. Dahil, siguradong may plano si Elaine at kailangan niya ng pabor niya, kung hindi, ayon sa ugali niya, hinding-hindi siya magkukusang magluto.”Totoo nga, sa dining table, habang inihahain ni Elaine ang mga noodles para kay Charlie, ngumiti siya nang tuso at sinabi, “Mahal kong manugang, may pabor ako sayo. Iniisip ko kung ayos ka lang dito?”Sumagot si Charlie, “Ma, pakisabi ang gusto mong sabihin. Hindi ako tatanggi kung makatwira
Sa totoo lang, ayaw ni Elaine na sumipsip kay Charlie, pero sobrang kakaiba ng posisyon nyia ngayon.Wala na ang kapangyarihan niya pamilya pagdating sa salapi. Halos wala na siya ni singko. Kahit ang marangyang vilal ng Thompson First ay nasa ilalim ng pangalan ni Charlie, wala siyang kinalaman dito.Ang pinakamahalaga, winala niya ang mahigit 2 milyon sa mahjong scam na ginawa ni Hannah, alam niya na lumubog na nang sobra ang katayuan niya sa pamilya. Kahit si Jacob, na palagi niyang sinisigawan at inaapi, ay lumaban na sa kanya at binugbog pa siya. Sa ganitong sitwasyon, alam niya na wala siyang karapatan na maging mayabang at hambog tulad ng dati.Kaya, alam ni Elaine na, sa ngayon, kailangan nakabahag ang buntot niya, at subukan niyang mapunta sa mabuting panig ni Charlie. Tapos na siya kung tatalikuran siya ni Charlie balang araw at papalayasin siya sa bahay.Bukod dito, handa pa si Charlie na tulungan siyang kuhaan ng mga mahal na cosmetic. Syempre, kailangan niyang mas puri
Nang marinig ito, nagpasalamat nang sobra si Elaine at sinabi, “Oh, mahal kong manugang! Ikaw talaga ang pinakamagaling na manugang sa buong mundo! Pinagpala talaga ako at nagkaroon ako ng isang napakagaling na manugang na tulad mo…”Si Jacob, na kanina pa nakaupo sa gilid, ay nagbuntong hininga nang paulit-ulit. Alam niya na may talento si Charlie. Kapag sinabi niya na kukunin niya ito, kukunin niya ito.Pero, medyo mahirap para kay Jacob na tanggapin ito nang maisip niyang gagamit si Elaine ng mga cosmetic na nasa daang-daang libong dolyar.Sa sandaling ito, nagkataon lang na sinabi ni Charlie sa kanya, “Siya nga pala, pa, gagamitin mo ba ang kotse ngayong araw? Medyo may gagawin kasi ako ngayong araw. Kung hindi mo kailangan ang kotse, pwede mo bang ipahiram ito sa akin?”Kailangan pumunta ni Charlie sa airport para magpaalam kay Quinn at pagkatapos ay pumunta sa Aurous Stadium para panoorin ang laban ni Aurora. Medyo hindi angkop na walang kotse para bumiyahe.Sinabi nang nagm
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki