Kung titingnan niya ito nang ganito, sobrang makatwiran at matalino ang desisyon nyia na itago ang mga ito kay Claire. Kung hindi, malaki ang posibilidad na malalagay sa panganib ang buhay ni Claire.Sa sandaling ito, nakatitig si Dorothy kay Charlie gamit ang mabangis na tingin sa kanyang mga mata. Dahil, para kay Dorothy, si Charlie ay isang salot na binigo si Quinn at binasag ang puso niya. Kaya, syempre, isang tinik si Charlie sa mga mata niya.Nagkaroon pa siya ng udyok na sabihin ang katotohanan sa lamesa. Pero, nang maisip niya ang paalala ni Quinn kanina, sinukuan niya na lang ito.Umupo si Claire sa tabi ni Quinn sa lamesa, habang umupo si Charlie sa tabi ni Claire.Sumulyap nang pasadya si Quinn kay Charlie bago siya ngumiti at tinanong si Claire, “Mrs. Wade, ilang taon na kayong kasal ni Mr. Wade?”Sumagot nang nagmamadali si Claire, “Mahigit tatlong taon na, malapit nang mag-apat na taon.”Tumango nang marahan si Quinn bago niya tinanong, “May anak na ba kayo?”Umili
Sa sandaling ito, walang intensyon si Claire na mag-ingat sa paligid ni Quinn, na parang isang diyosa sa kanya.Sa mga mata niya, si Quinn ang perpektong sagisag ng isang kontemporaryong babae. Naramdaman ni Claire na hindi niya kailangang mag-ingat sa isang babae na tulad ni Quinn, na perpekto talaga sa lahat ng aspeto.Kaya, hinding-hindi inaakala ni Clire na ang babaeng katulad ni Quinn ay isa pa lang posibleng karibal niya sa pag-ibig.Guminhawa rin ang pakiramdam ni Charlie sa sandaling ito. Balakg niyang palihim na pumunta sa Eastcliff pagkatapos ng huling laban ni Aurora para palihim niyang kitain ang ama ni Quinn, si Yule.Ang tunay na layunin niya ay hindi para makipagkita kay Yule, ngunit gamutin ang advanced pancreatic cancer ni Yule.Si Yule ang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Sa napakaraming taon, hindi lang nagbigay pugay si Yule sa mga magulang niya tuwing Bagong Taon, ngunit hindi siya nag-relax nang kaunti at hindi niya tinigil ang paghahanap kay Charlie. Kaya
Bahagyang ngumiti si Quinn bago niya sinabi, “Heto, lilipat ako nang kaunti sa harapan. Sa ganitong paraan, mas magiging maliit ang mukha mo, at mas magiging maganda ka.”Patuloy na nag-selfie ang dalawang babae na tila ba magkapatid silang babae.Pagkatapos kumuha ng mga litrato, hinawakan ni Claire ang kanyang cell phone at tinanong nang sabik, “Miss Golding, Pwede… Pwede ko bang ipost ang picture sa WeChat ko?”Si Claire ay isa talagang babae na walang kahit anong kayabangan.Nang binilan siya ng BMW ni Charlie, hindi niya ito pinost sa sirkulo ng mga kaibigan niya sa WeChat.Noong nag-ayos si Charlie ng kasal nila sa Sky Garden sa Shangri-La, hindi niya ito pinost sa sirkulo ng mga kaibigan niya sa WeChat.Nang dinala siya ni Charlie para imaneho at maranasan ang isang super sports car na may sampu-sampung milyong dolyar, hindi niya ito pinost sa sirkulo ng mga kaibigan niya sa WeChat.Kahit noong lumipat siya sa top-notch na villa sa Thompson First, hindi ito pinost ni Clai
Pagkatapos i-add nina Quinn at Claire ang isa’t isa sa WeChat, tumingin si Quinn kay Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Siya nga pala, Master Wade, bakit hindi rin natin i-add ang isa’t isa?”Pagkatapos, ibinigay ni Quinn ang QR code ng WeChat niya kay Charlie.Nilabas na lang ni Charlie ang kanyang cellphone at ini-scan ang kanyang QR code bago niya siya in-add.Tumingin nang masaya si Quinn sa kanya dahil nakuha niya ang gusto niya bago niya sinabi sa mahigpit na boses, “Master Wade, kailan ka makakapunta sa Eastcliff? Pwede mo ba akong bigyan ng petsa para maayos ko ang lahat ng kailangang ayusin?”Sumagot si Charlie, “Sa susunod na linggo, pero hindi ko pa mabigay sayo ang eksaktong oras.”Tumango si Quinn bago siya ngumiti at sinabi, “Master Wade, hihintayin ka namin ng ama ko sa Eastcliff, kung gano’n!”Biglang naisip ni Charlie ang sinabi ni Quinn. Sinabi niya na pagkatapos niyang dumating sa Eastcliff at makita ang ama ni Quinn, hindi makapaghintay si Quinn na makita k
“Hindi! Hindi ako aalis!” Hindi makagalaw si Kazuki, pero kaya niya paring igalaw ang ulo niya nang kaunti.Sa sandaling ito, sinabi niya nang paos, “Imposibleng magamot ng kahit sinong doktor ang mga sugat ko. Hindi naman mas gaganda ang buhay ko sa Japan kumpara dito. Bilang master mo, hindi pwedeng iwan kita dito nang mag-isa. Gusto kitang samahan hanggang sa dulo ng kompetisyon bago ako bumalik sa Japan kasama ka.”Sinabi nang nagmamadali ni Nanako, “Master, marahil ay hindi ako manalo at maging champion sa kompetisyon na ito. Pinanood ko na ang video ng laba ni Aurora pagkatapos ng match ngayong araw. Mas malakas siya nang sobra kaysa dati. Kung makikipaglaban ako sa isang talentadong player tulad ni Joanna, marahil ay matagalan ako bago ako manalo nang nahihirapan. Pero, nang kinalaban ni Aurora si Joanna, tinalo ni Aurora siya gamit ang isang atake. Lampas sa kakayahan ko ang gano’ng uri ng lakas…”Nagbuntong hininga si Kazuki habang sinabi, “Pinanood ko rin ang live broadcas
Sa daan pauwi, habang nagmamaneho si Charlie, si Claire, na nakaupo sa tabi niya, ay sabik na sabik pa rin, at hindi niya makontrol ang pananabik niya.Sumabog nang sobra ang sirkulo ng mga kaibigan niya ngayong araw. Napakaraming tao ang nag-like at nag-comment sa kanyang litrato. Lahat sila ay naiinggit nang sobra sa kanya dahil sobrang swerte niya at nagkaroon siya ng pagkakataon na kumain kasama ang pinakasikat na babaeng artista, si Quinn Golding.Patuloy na yumuyuko si Claire habang pinaglalaruan niya ang kanyang cellphone. Hindi talaga mailarawan ang ekspresyon ng pananabik niya sa kanyang mukha.Pagkatapos sagutin ang mga comments na iniwan ng ilang kaibigan niya, tumingin si Claire kay Charlie na may paghanga sa kanyang mukha bago sinabi, “Mahal, ngayon ko lang nalaman na sobrang galing mo talaga. Hindi ko inaasahan na kahit ang isang malaki at sikat na artista tulad ni Quinn ay pinapahalagahan ang kakayahan mo sa Feng Shui. Akala ko na marunong ka lang manloko ng mga tao,
Sumagot nang hindi mapalagay si Charlie, “Nana, sobrang tatag na ng relasyon namin ng hipag mo. Hindi ka pwedeng maging kabit na makikialam sa relasyon namin nang gano’n lang!”“Ako ang kabit na nakikialam sa relasyon niyo?!” Galit na sumagot si Quinn, “Charlie Wade! Ginawa na akong fiancé mo ng mga magulang ko noong nasa apat o limang taon pa lang ako! Pero, tatlo o apat na taon pa lang kayong kasal ng asawa mo!”“At saka, kahit na napakaraming taon kang nawala, hindi kita kinalimutan at palagi kong tinutupad ang marriage contract natin! Bukod dito, palagi kong niloloko ang sarili ko sa loob ng napakaraming taon. Kahit gaano karaming mabuting lalaki ang makilala, palagi kong sinasabi sa sarili ko na may fiancé na ako at siguradong mahahanap ko siya balang araw. Ngayong nahanap na kita, nangahas ka talagang tawagin akong kabit na nakikialam sa relasyon niyo?!”Mas lalong nagalit at nainis si Quinn sa sandaling ito.Ayaw niyang maging ganito kay Charlie. Sa totoo lang, nang sinabi n
Ayaw ni Charlie na sabihin ang totoo kay Claire na makikipagkita siya kay Quinn para sa sakit niya, kaya sinabi niya sa kanya na kailangan ni Liam ng tulong niya tungkol sa negosyo.Hindi ito masyadong inisip ni Claire at sinabihan siya na huwag umuwi nang gabing-gabi bago siya pumunta sa itaas para maligo.Sinimulan ni Charlie ang kotse at nagmaneho pabalik sa Shangri-La Hotel.Samantala, nasa luxury suite si Quinn, balisang hinihintay ang pagdating ni Charlie.Ang kwarto niya sa Shangri-La ay ang Presidential Suite, na dating inookupahan nina Donald at Sean noong bumisita sila sa siyudad.Ito ang pinaka mahal, pinaka marangya, at pinaka malawak na kwarto sa Shangri-La na may lawak na daang-daang metro kuwadrado.Pero, si Quinn lang ang residente sa malawak na presidential suite na ito habang ang kanyang assistant, si Dorothy, ay nanatili sa tabi ng kwarto niya.Nang pinindot ni Charlie ang doorbell sa kanyang kwarto, si Quinn, na may suot na satin nightgown, ay pumunta nang na
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang
Sinabi ni Lady Acker, “Sige at sabihin mo, Lulu.”Sinabi ni Luu, “Inimbestigahan ko ang sitwasyon sa Aurous Hill Welfare Institute ngayong araw. Gusto kong makita kung may kahit anong impormasyon kaugnay kay Charlie sa mga ulila na niligtas nila sa mga nagdaang taon. Sa ngayon, walang bakas na ipinapakita ang mga tala ng institute na kaugnay kay Charlie, pero ang kakaiba ay dumaan sa malaking pagbabago sa mga tauhan ang Aurous Hill Welfare Institute noong nakaraang taon. Mula sa director ng institute hanggang sa staff at kahit ang mga chef na nagluluto para sa mga ulila, lahat sila ay nagbago. Wala sa mga dating empleyado ang natira. Nakita ko na kakaiba ito. Hindi bihira na magpalit ng mga tao sa mga welfare organization, pero parang kakaiba ang lahat at biglaan na pagbabago. Ano sa tingin niyo?”Kumunot ang noo ni Keith at sinabi, “May sampu o dalawampung tao siguro sa panig ng pamamahala at pagpapatupad ng isang bahay ampunan. Kahit na magbago ang mga namamahala, hindi dapat map
Bandang 9:00 p.m. ng gabi sa Willow Manor.Katatapos lang kumain ng mga Acker at hinihiling kay Merlin na analisahin ang mga bakas na nakuha nila sa nakaraang ilang araw sa sala.Si Keith, ang head ng mga Acker, ay nananatili sa villa sa mga nagdaang araw at may malaking pag-unlad sa kalusugan niya. Hindi lang na hindi na lumala ang memorya niya, ngunit unti-unti niya ring naalala ang mga memorya na nakalimutan niya.Ang mas mahalaga, pagkatapos gumaling, umunlad nang sobra ang kabuuang lohikal na pag-iisip niya, bumalik ang istilo ng pag-uutos at lakasa niya dati.Sa pagpupulong ng pamilya, binigyan muna ng buod ni Christian ang lahat tungkol sa progreso ng kolaborasyon nila ng Moore Group.Sinabi ni Christian, “Opisyal na pumasok na sa proseso ng negosasyon ang kolaborasyon natin sa Moore Group. Simula ngayong araw, pinag-uusapan na ng mga legal team ng dalawa ang mga detalye ng kooperasyon, inaayos ang mga tiyak na termino. Dahil sa tapat na kilos ng mga Acker, maayos ang negos
Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Merlin. Samantala, kumakain si Merlin kasama ang mga Acker, ilang kilometro ang layo sa Willow Manor.Nag-iimbestiga ang mga Acker sa Aurous Hill sa nakaraang ilang araw pero wala pa silang nahahanap na bakas na kaugnay kay Charlie. Ang tito ni Charlie, si Christian, ay tatanungin na sana si Merlin para manghingi ng payo habang kumakain nang tumunog ang cellphone ni Merlin.Tumayo nang mabilis si Merlin at sinabi sa mga Acker, “Pakituloy muna ang pag-uusap niyo. Lalabas ako at sasagutin ang tawag.”Pagkatapos ay pumunta siya sa courtyard at sinigurado na walang mga nakatingin bago sinagot ang tawag. “Hello, Mr. Wade,” sinabi niya sa magalang na tono.Dumiretso sa punto si Charlie, “Chief Lammy, nasa Willow Manor ba ngayon ang lolo ko at ang pamilya niya?”“Oo, nandito sila.” Tinanong nang mausisa ni Merlin, “Anong problema, Mr. Wade? May mali ba?”Kinumpirma ni Charlie sa seryosong tono, “Marahil ay may maglag
Natakot nang sobra si Albert dahil sa mga sinabi ni Charlie. Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, anong ibig mong sabihin dito? Malaking panganib ba ang haharapin mo ngayong araw?”Nanatiling tahimik nang ilang sandali si Charlie, hindi sigurado kung paano sasagot. Malaking panganib? Pakiramdam niya na marahil ay hindi siya malalagay sa totoong panganib.May tatlong mahiwagang instrumento ang great earl ng Qing Eliminating Society na ginawa nang basta-basta ni Charlie, at tinatrato ito ng great earl bilang mga kayamanan. Ipinapakita nito ang kakulangan sa malalim na kasanayan sa Reiki ng great earl.Bukod dito, may dalawang mahiwagang instrumento si Charlie na pang-atake, kasama na ang ilang pill, kaya mayroon siyang pang-atake at pang-depensa. At saka, nakatago siya, habang nasa liwanag ang kalaban niya. Ang ibig sabihin nito ay lamang si Charlie kung magkakaroon ng laban.Kaya, naniniwala si Charlie na sa kahit anong aspeto, mas mataas ang tsansa niyang manalo kaysa sa kalaba
Para naman sa mga Regeneration Pill, sa ngayon ay ito ang pinakamalakas na pill na pagmamay-ari ni Charlie para sa pagliligtas ng buhay. Lampas pa sa Rejuvenating Pill ang lakas nila, at maaari nilang iligtas ang buhay niya sa kritikal na sandali.Kung pambihirang master talaga ang kalaban niya, maaaring ang mga Regeneration Pill ang maging salbabida ng buhay niya.Naniniwala si Charlie na gamit ang mga pill na ito, may kumpiyansa siya na makipaglaban sa great earl mula sa Qing Eliminating Society. Bukod dito, dahil sa pagiging maingat niya sa paghahanda, mukhang malabong mangyari na makaharap niya ang kahit anong panganib tulad ng kinalkula ni Vera.Bukod sa mga pag-iingat na ito, nilagay ni Charlie sa safe ang singsing na binigay sa kanya ni Vera at ang Phoenixica na binigay ni Madam Fumiko.Pagkatapos makumpleto ang lahat ng pagsasaayos, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Isaac na umalis na si Mr. Chardon sa Holiday Inn, tumawag ng taxi sa entrance, at palabas
May nanghihinayang na ekspresyon din si Zachary sa kanyang mukha. “Pasensya na, sir, baka maaari nating ipagpatuloy ang pagtutulungan sa hinaharap kung may pagkakataon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Siya nga pala, sir, hindi ba’t sinabi mo na kaya mong maghintay hanggang 7:00 p.m.? Susubukan ko ulit makipag negosasyon sa boss ko mamaya. Kung makukumbinsi ko siya, hahanapin kita sa Holiday Inn!”Nawalan na ng pag-asa si Mr. Chardon, pero nang marinig ang mga sinabi ni Zachary, tumango siya nang maluwag at sinabi, “Nasa Holiday Inn lang ako bago mag 7:00 p.m.”Tumango nang masigla si Zachary at sinabi, “Okay, pupunta ako sa sandaling may balita ako!”Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na gamitin ang pagdating ng malaking batch ng mga produkto sa makalawa para tuksuhin at subukan si Mr. Chardon ay para pukawin nang buo si Mr. Chardon para makita niya kung hindi na ba talaga mababago ang huling deadline ngayong gabi.”Kung hindi pa rin makakapaghintay si