Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1371 - Chapter 1380

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1371 - Chapter 1380

5627 Chapters

Kabanata 1371

Nang makita niya ang panghahamak ni Dorothy sa kanyang boss, sumagot nang mahigpit si Liam, “Miss Chan, pwede mo akong maliitin, pero hindi mo dapat maliitin ang boss ko. Kung makikita at makikilala mo ang boss ko, maiintindihan mo na ang lahat ng sinasabi ko ay hindi kasinungalingan.”Kumulot ang mga labi ni Dorothy at magsasalita na sana. Pero, sinunggaban ni Quinn ang kanyang braso bago sinabi, “Dorothy, huwag kang maging bastos kapag nasa labas tayo. Naniniwala ako sa lahat ng sinabi ni Mr. Weaver. Kung nag-aral talaga ang boss niya at siya mismo ang gumawa ng prescription, nararapat lang sabihin na siya ang Terrence Hamms sa mundo ngayon, ayon sa mahiwagang medisina tulad ng Apothecary Stomach Pill.”Nilabas ni Dorothy ang kanyang dila at sinabi, “Dahil sinabi mo na, hindi na ako makikipagtalo sa kanya para lang makipagtalo. Sa una ay balak ko pa siyang tuksuhin.”Walang masabi si Liam nang ilang sandali. Hindi niya talaga inaasahan na sadyang tinutukso lang siya ng babaeng ito
Read more

Kabanata 1372

Ang ganitong uri ng pundasyon ay matatag sa loob ng tatlong henerasyon sa pinakamababa, o mas higit pa sa apat na henerasyon sa pamilya.Malilinang lang ang ganitong uri ng tunay na maharlika at dakilang aura pagkatapos matatag ng ilang henerasyon ng pamilya ang pundasyon na ito.Sa Aurous Hill, isang babae lang ang may ganitong uri ng aura at iyon ay walang iba kundi si Jasmine.Pero, mas dakila pa ang aura ni Quinn kumpara kay Jasmine.Bumalik sa diwa si Charlie at tumingin siya sa dalawang babae bago siya ngumiti nang kaunti. Pagkatapos, sinabi niya nang medyo humihingi ng tawad, “Pasensya na at pinaghintay ko kayong dalawa. Medyo nahuli ako dahil sa ibang bagay ngayong araw.”Nilabas ni Quinn ang tapang na tanungin siya, “Ang… ang pangalan mo ay Charlie Wade?”Tumango si Charlie at sinabi, “Oo. Anong mayroon? Anong problema, Miss Goldin?”Tinuro ni Quinn ang sarili niya habang nakatitig siya sa kanya gamit ang mga magagandang mata niya at tinanong, “Naalala mo ba ako?”Sa s
Read more

Kabanata 1373

Hindi maiwasang tumawa ni Charlie nang marinig niya ang mga sinabi ni Dorothy. “Ito ay dahil hindi pa nakatala sa market ang Apothecary Stomach Pill. Kaya, kailangan naming mag-ingat sa pagtatago nito. Normal lang ito sa lahat ng pharmaceutical industry. Isa itong industrial practice.”Humingi ng tawad si Quinn, “Patawad, Mr. Wade. Hindi dapat ako gumagawa ng hindi makatwiran na hiling. Ito ay dahil lang gumawa ako ng pelikula sa ibang bansa kailan lang at sumakit ang tiyan ko at nagkaroon ng stomach disorder. Sinubukan kong gumamit ng iba’t ibang uri ng medisina, pero hindi ako makahanap ng gamot para sa stomach disorder ko. Guminhawa lang ako nang sobra pagkatapos gamitin ang Apothecary Stomach Pill. Iyon ang dahilan kung bakit medyo sabik akong makuha ang medisina.”Tumango nang kaunti si Charlie. Pagkatapos, kumuha siya ng isang sachet ng Apothecary Stomach Pill na kababalot lang mula sa production line bago ito ibinigay kay Quinn. Pagkatapos, ngumiti siya at sinabi, “Dahil kaila
Read more

Kabanata 1374

Sa sandaling sumara ang pinto, ang diyosa na ito, na kinababaliwan ng hindi mabilang na lalaki, ay tumingin kay Charlie habang namumula ang mga mata niya. Pagkatapos, nabulunan siya habang tinanong niya si Charlie, “Kuya Charlie, hindi mo talaga ako naaalala?”Umiling nang kaunti si Charlie bago siya sumagot sa seryosong tono, “Pasensya na. Umalis ako sa Eastcliff noong eight years old pa lang ako. Sobrang daming taon na akong hindi bumabalik sa Eastcliff, kaya hindi ko naalala o wala akong malalim na memorya ng mga tao o bagay sa Eastcliff.”Napuno ng luha ang mga mata ni Quinn sa sandaling ito. Pagkatapos, bumulong siya nang malambot, “Kuya Charlie, ako si Nana! Hindi mo ako naaalala? Nana!“Nana?” Kumunot nang kaunti ang noo ni Charlie.Sumagot nang nagmamadali si Quinn, “Hindi mo ba naaalala si Nana Golding?”Maraming babae ang tumatawag sa sarili nilang Nana bilang pinaikling pangalan nila. Kaya, kung Nana lang ang binanggit niya, hindi talaga maaalala ni Charlie kung sino si
Read more

Kabanata 1375

Simula noong dumating si Charlie sa Aurous Hill, ang nag-iisang luma at pamilyar na nakita niya lang pagkalipas ng napakaraming taon ay walang iba kundi ang steward ng pamilya Wade, si Stephen.Si Stephen ang biglang lumitaw sa harap niya at binigay sa kanya ang Emgrand Group at ang sampung bilyong dolyar na pera sa kanya mula sa pamilya Wade.Pero, pagkatapos nito, hindi pa bumabalik si Charlie sa Eastcliff.Labis na kawili-wili talaga ito. Kahit na binigyan siya ng ilang pera ng pamilya Wade at ang kumpanya, nang marinig nila na ayaw bumalik ni Charlie sa pamilya Wade, walang tao sa pamilya Wade ang pumunta sa Aurous Hill para hanapin siya.Sa totoo lang, sobrang saya rin ni Charlie tungkol dito.Dahil, palagi siyang nandidiri at naiinis sa mga galit at sama ng loob na mayroon sa pagitan ng mga mayayaman at makapangyarihan. Ayaw niyang madamay siya at ang asawa niya, si Claire, sa mga ganito. Dahil pwede siyang mabuhay nang matatag at payapa sa Aurous Hill tulad ng ginagawa niya
Read more

Kabanata 1376

Galit na sumagot si Quinn, “Noon pa man ay ang Aurous Hill na ang focus ng imbestigasyon ng ama ko. Ilang beses na ring pumunta si papa dito. Ginamit niya ang lahat ng koneksyon at relasyon niya para imbestigahan at tingnan ang background ng lahat ng batang lalaki sa Aurous Hill na ka-edad mo. Ilang beses niya pang sinuri at inimbestigahan ang bagay na ito. Siniyasat na ng ama ko ang bawat rescue station, bahay ampunan, at private welfare organization sa Oskia para hanapin ka, pero walang impormasyon tungkol sayo kahit saan!”“Imposible iyon!” Sinabi ni Charlie, “Sampung taon akong nakatira sa Aurous Hill Welfare Institute, simula noong walong taong gulang ako hanggang sa naging labing-walong taong gulang ako. Bukod dito, hindi ko binago ang pangalan ko simula noong pumasok ako sa bahay ampunan. Pinangalanan ako ng mga magulang ko na Charlie Wade, at ang lahat ng personal information na nilagay ko sa bahay ampunan ay Charlie Wade din. Kung pumunta si Tito Golding dito, siguradong naha
Read more

Kabanata 1377

Nalito si Quinn.Naramdaman niya na sobrang daming ginugol na oras ng kanyang ama para hanapin si Charlie sa mga nagdaang taon. Bukod dito, nahihirapan pa siyang matulog at kumain dahil hindi niya mahanap si Charlie. Palagi siyang nakokonsensya nang sobra sa kailaliman ng puso niya.Ngayong nakita na niya si Charlie, gusto niyang sabihin sa kanyang ama ang magandang balita. Isa rin itong uri ng kaluwagan sa kanyang ama pagkalipas ng napakaraming taon.Kaya, tinanong niya nang nagmamadali, “Kuya Charlie, bakit hindi ko pwedeng sabihin sa kahit sino na nakita kita?”Nagbuntong hininga nang malambot si Charlie bago sinabi, “Kahit anong mangyari, mahigit sampung taon na ito. Kahit papaano, sobrang saya at payapa na ng buhay ko sa Aurous Hill ngayon. Kaya, ayoko munang kalabanin ang kahit sino sa Eastcliff sa ngayon.”Sumagot nang emosyonal si Quinn, “Kuya Charlie, ikaw ang young master ng pamilya Wade! Bakit pinili mong mantaili sa lugar tulad ng Aurous Hill? Kung pipiliin mong bumali
Read more

Kabanata 1378

Habang sinasabi niya ito, napaiyak ulit si Quinn.Nagmamadali siyang binigyan ng tissue ni Charlie habang hinimok niya siya nang malambot, “Nana, huwag ka na sanang umiyak. Maraming bagay na ang hindi kasing simple tulad noong naglalaro pa tayo ng bahay-bahayan noong bata pa tayo. Syempre, inaamin ko rin na talagang pinabayaan ko ang tungkol dito. Akala ko na katulad mo lang ako, at dahil nangyari ito noong bata pa tayo, tatawanan mo lang ito. Pero, hindi ko talaga inaasahan na hinahanap niyo pa rin ako ni Tito Golding kahit na napakaraming taon na ang lumipas.”Galit na sumagot si Quinn, “Bahay-bahayan? Tatawanan?! Alam mo ba na nanumpa ang ama ko kina Tito Wade at Tita Wade dati?”“Bukod dito, tumira ka rin nang walong taon sa Eastcliff. Kaya, dapat alam mo na ang pinaka ayaw ng mga mayayaman at makapangyarihang pamilya sa Eastcliff ay kapag pumasok sa entertainment industry ang mga anak nila. Hinding-hindi nila hahayaan ang mga anak nila na ikasal sa kahit anong babaeng artista s
Read more

Kabanata 1379

Pagkatapos punahin nang paulit-ulit ni Quinn, nahiya nang kaunti si Charlie, at mas lalo siyang hindi naging komportable sa puso niya.Kaya, umubo siya nang kaunti at humingi ng tawad, “Nana, ako talaga ang responsable para sa bagay na ito. Talagang gusto kong humingi ng tawad sa iyo at kay Tito Golding…”“Humingi ng tawad?” Galit na sinabi ni Quinn, “Dahil gusto mong humingi ng tawad, kahit na hindi mo ituring na nakatatanda ang ama ko, dapat humingi ka nang tawad sa ama ko nang harap-harapan dahil napakaraming taon ka na niyang hinahanap! Hindi! Tumanggi ka pang hayaan akong sabihin sa ama ko na nahanap na kita. Ano ang ibig sabihin mo dito?!”Tumingin si Charlie sa galit na ekspresyon sa mukha ni Quinn at sinabi niya nang seryoso, “Nana, isipin mo ito. Sampung taon akong nakatira sa Aurous Hill Welfare Institute, at pumunta si Tito Golding sa Aurous Hill nang ilang beses para hanapin ako sa panahong iyon. Pero, hindi niya pa rin ako nahanap. Bakit? Siguradong may tao na ayaw akon
Read more

Kabanata 1380

Kaya, pagkatapos marinig na naghihirap si Yule sa pancreatic cancer at lumalala na ang pisikal na kondisyon niya, nagpasya siya agad na kailangan niyang iligtas ang kanyang buhay.Kaya, sinabi niya agad kay Quinn, “Bakit hindi natin ito gawin, kung gano’n? Pagkatapos nating pag-usapan ang endorsement contract, pwede kang mauna muna sa Eastcliff. Palihim akong pupunta at bibisitahin si Tito Golding sa loob ng ilang araw. Kapag dumating ang oras, may sarili na akong gamot para gamutin ang sakit niya.Nagulantang si Quinn at tinanong, “Anong klaseng gamot ang mayroon ka na kayang gamutin ang terminal illness ng aking ama? Sinabi ng mga doktor sa buong mundo na hindi na gagaling ang kanyang terminal illness…”Seryosong sumagot si Charlie, “Hindi madali para sa akin na sabihin sa iyo ang kahit ano sa ngayon. Pero, huwag kang mag-alala. Dahil sinabi ko na ito, siguradong tutuparin ko ang pangako ko!”May elixir si Charlie.Ang medisinang ginawa niya sa unang pagkakataon, kaya nitong pag
Read more
PREV
1
...
136137138139140
...
563
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status