Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1351 - Chapter 1360

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1351 - Chapter 1360

5627 Chapters

Kabanata 1351

Sumimangot nang kaunti si Nanako nang makita niyang pumasok si Jiro.Simula noong nagtanghalian sila ni Jiro, palaging pumupunta si Jiro para asarin siya nang paulit-ulit. Nainis talaga dito si Nanako.Sa totoo lang, noong nag tanghalian sila nang araw na iyon, sinadya niyang sabihin na ang isa sa mga pinaka importanteng bagay na pamantayan niya kapag pumipili ng asawa ay kung mas malakas ang kabila kaysa sa kanya. Sinabi niya ito para paatrasin si Jiro.Pero, mukhang hindi pinansin ni Jiro ang mga sinabi niya.Ang mas nakakainis pa ay talagang nag-check out ang lalaking ito sa kwarto niya sa Shangri-La at lumipat sa Aurous International Hotel. Lumipat pa siya sa kwarto na nasa harap mismo ng kwarto ni Nanako at hindi nasiyahan nang sobra si Nanako dahil dito.Bukod dito, mas lalo pang nalungkot si Nanako dahil palagi siyang sinasabihan ng kanyang ama, ni Yahiko, na maging palakaibigan kay Jiro.Nakaramdam siya ng maraming pagkainis sa puso niya pero hindi siya pwedeng magalit o
Read more

Kabanata 1352

Sinabi ni Kazuki kay Nanako, “Nanako, naniniwala ako na kaya mong ma-knock out ang kalaban mo sa unang round ng laban. Kaya, hindi na ako pupunta sa ring mo para gabayan ka.”Tinanong nang mausisa ni Nanako, “Master, papanoorin mo ba ang laban ni Aurora?”“Oo.” Sumagot si Kazuki, “Titingnan ko kung gaano kalakas ang coach niya at nagawa niyang wasakin ang Hanson Zavier na iyon sa isang suntok. Kung talentado talaga siya, siguradong malaking banta siya sa hinaharap natin. Bukod dito, gusto ko ring makita kung umunlad ba si Aurora Quinton sa ilalim ng gabay niya.”Nagmamadaling lumapit si Jiro habang sinabi na may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha, “Mr. Yamamoto, mangyaring mauna ka na. Siguradong sasamahan ko si Miss Ito hanggang matapos siya sa laban niya!”Umiling na lang nang walang magawa si Kazuki.Sa totoo lang, ayaw niya kay Jiro. Naramdaman niya na ang isang mahina at walang kapangyarihan na lalaki na tulad niya ay hindi karapat-dapat para sa kanyang magaling na disipul
Read more

Kabanata 1353

Habang nakatingin si Charlie kay Nanako, naita niya ang isang kakaibang tao na nakatitig sa kanya sa likod nya.Kumunot ang noo ni Charlie bago siya tumingin sa kanya. Nakita niya ang isang lalaki na may medyo pamilyar at ubod na samang hitsura na nakatingin sa kanya sa takot.Kahit na mukhang matino at disenteng tao ang batang ito, sa mapagmasid na mata ni Charlie, nakita niya agad na hindi maganda ang ugali ng lalaking ito. Sigurado siya na ito ay isang uri ng hipokritong salot na pabigat sa lipunan.Nang sumulyap si Charlie sa kanya, nakikita niya na nanginginig si Jiro nang sobra!Hindi maiwasang manginig ni Jiro sa takot dahil sobrang lalim talaga ng impresyon na iniwan sa kanya ni Charlie.Marami nang nakita si Jiro na walang awang tao dati. Ilang taon lang ang nakalipas sa Hong Kong, ay dumukot ng isang anak ng pinakamayamang lalaki. Pagkatapos, pumunta siya sa villa ng pinakamayamang lalaki na may bomba sa buong katawan niya bago siya nang-blackmail ng one billion Hong Kon
Read more

Kabanata 1354

Ngumiti si Charlie bago sinabi, “Mr. Kobayashi, hindi ka rin masama. Mukhang puno ka pa rin ng enerhiya at may medyo magandang ugali ka rin. Pero, medyo maliit ka lang nang kaunti.”Nalungkot nang kaunti si Jiro.Mas mababa siya sa 1.7 meters. Kahit na ordinaryo lang ang tangkad niya sa mga lalaki sa Asia, malayo pa rin siya kumpara sa pamantayan ng pagiging matangkad, mayaman, at gwapo.Palaging nangangarap si Jiro na tatangkad siya sa 1.8 meters. Pero, kahit na sinubukan na niya ang iba’t ibang paraan, hindi niya ito magawa.Kaya, palagi siyang nasasaktan sa problema niya sa height.Sa sandaling ito, si Charlie na 1.85 meters ang tangkad, ay inaasar siya tungkol sa height niya sa harap ni Nanako.Nagsalita ulit is Charlie sa sandaling ito. “Mr. Kobayashi, hindi ko talaga inaasahan na bihasa ka rin sa lenggwahe ng Oskia! Mas magaling ka kumpara sa kapatid na lalaki mo!”Sumagot nang nagmamadali si Jiro, “Sobrang tamad ng kapatid ko. Kaya, hindi niya inaral nang seryoso ang leng
Read more

Kabanata 1355

Tumingin nang may interes si Charlie kay Yamamoto Kazuki. Sa totoo lang, hindi naiintindihan ni Charlie ang martial arts. Kung hindi dahil gustong sumali ni Aurora sa tournament na ito, hindi man lang siya mag-aabala sa mga tao sa martial arts circle.Dahil sa mga mata niya, kahit na maabot ng isang tao ang rurok sa martial arts cultivation, hindi pa rin siya maituturing na external expert sa lupain ng mga martial arts.Karaniwang kaalaman na ang martial arts ay naka-focus sa basic training ng mga muscle at ang density ng buto ay hindi maituturing na isang martial art skill. Ang mga eksperto sa inner circle ay dapat matutunan ang kahalagahan ng paggamit ng kanilang Qi pati narin ang kanilang internal energy para makipaglaban.Gayunpaman, nakakagulat pa rin ang dami ng tao na nag-aaral ng martial arts. Kahit ang three-year-old na bata ay makikita nag-eensayo ng mga sipa at suntok. Kaya, ang ibig sabihin ba ay matuturing din na martial artist ang isang bata? Kahit na marami ang dami n
Read more

Kabanata 1356

Pagkatapos sabihin ang nasa isip niya, humarap siya kay Ito Nanako na may gulat na ekspresyon sa kanyang mukha. Sinabi niya nang masaya, “Miss ito, maganda ang bone structure at mga meridian mo. Ayon sa pananaw ng Oskian martial arts, medyo nabuksan na ang conception at governing vessel mo. Kung tuluyan mo itong mabubuksan, magiging isang disipulo ka sa inner circle.”“Conception at governing vessel?!” Tinanong ni Ms. Ito sa pagkamangha. “Iyon ba ang mga meridian point ng sinaunang Oskian martial arts? At saka, ano ang disipulo ng inner circle?!”Sinabi ni Charlie nang seryoso, “Ang mga alamat ng martial arts ay galing sa mga tradisyonal na martial arts. Tulad ng konsepto ng mga meridian, hindi iyon alamat ngunit napatunayang katotohanan mula sa mga medical journal ng Oskia na libo-libong taon na ang tanda.”“Para naman sa mga disipulo ng inner circle, paano ko ba ipapaliwanag? Ganito. Sa pagsasanay mo ngayon, hindi mo mararating o makakalapit man lang sa antas ng galing sa martial
Read more

Kabanata 1357

“Basura?”Pagkatapos itong marinig, lumiwanag ang mukha ni Charlie na may mapaglarong ngiti.Mukhang masyadong mayabang ang Mr. Yamamoto na ito. Marahil ay masyadong malaki ang tingin niya sa sarili niyang lakas. Ang isang basurang external disciple na katulad niya, kahit na mag-ensayo siya nang sobra-sobra, ay hinding-hindi matatalo si Charlie.Ayos lang na hindi niya nagustuhan si Charlie dahil sa pagkakaiba ng opinyon nila, pero medyo nakakabigla dahil hindi man lang siya nagpakita ng kahit anong respeto.Para mas lalo pang mang-asar, sinabi niya pa na makiling sa kahinaan ang mga Oskian. Kumulo talaga ang dugo ni Charlie dahil dito. Kaya, ngumiti si Charlie at sumagot. “Dahil handa kang makipagpustahan, Mr. Yamamoto, bakit hindi natin taasan ang taya?”Suminghal si Mr. Yamamoto, “Sige! Kahit anong taya, sasabay ako hanggang sa dulo.”Para kay Mr. Yamamoto, kahit gaano pa kalakas tingnan si Charlie, wala siyang tyansa na talunin siya sa laban gamit ang isang suntok.Kaya, han
Read more

Kabanata 1358

Pero walang nag-aakala na naglagay ng maraming inner energy at Reiki si Charlie sa suntok niya.Tumingin si Mr. Yamamoto sa mabagal na suntok ni Charlie at halos tumawa na siya nang malakas.Puno ng panghahamak ang mukha niya habang sinabi, “Suntok na iyan? Para bang three-year-old na bata ang susuntok sa akin. Kaya kong salagin ito gamit ang isang kamay at kaya ko pang…”Sinusubukang iparating ni Mr. Yamamoto ang mensahe na kaya niyang salagin ang atake gamit ang isang kamay, pero hindi lumalabas ang mga salita sa kanyang bibig. Kadidikit lang ng kamao ni Charlie sa kanyang balat at tila ba binangga ng isang tren ang buong katawan niya. Kumalat agad sa buong katawan niya ang sakit.Habang umungol nang malakas, tumalsik ang katawan ni Mr. Yamamoto sa buong kwarto nang napakabilis.Ang katawan niya ay hugis letrang C habang lumilipad siya nang dalawampung metro sa kwarto.Sinira ng Reiki ni Charlie ang buong meridian niya.Sa madaling salita, habang lumilipad siya sa ere, naging
Read more

Kabanata 1359

Sa sandaling ito, nanginig sa takot ang katawan ni Mr. Yamamoto. Hindi niya inaakala kailanman sa buhay niya na matatakot siya nang ganito. Wala pa siyang nakikilala na ganito kalakas, sobrang layo ng kanyang galing at kaalaman.Anong klaseng master ang may ganito kalakas na kapangyarihan, ginawang basura ang isang martial arts master gamit lang ang isang marahan na suntok?Ang problema ngayon ay hindi lang nasira niya ang isang lalaki gamit ang isang suntok. Hindi pa rin siya kuntento at gusto niyang ukitan ng mga nakakahiyang salita ang noo ng natalo.Pagkatapos isipin ang nangyayari, nagmakaawa agad si Kazuki Yamamoto, “Mister, hindi magaling ang kakayahan ko. Kasalanan ko kaya’t nasira ako. Pakiusap, nagmamakaawa ako, maaari mo ba akong iwan man lang ng kaunting dignidad? Huwag mo sanang iukit ang mga nakakahiyang salita na iyon sa noo ko. Pakiusap!”Si Nanako, na nasa tabi ni Mr. Yamamoto, ay umiyak din habang yumuko siya at nagmakaawa gamit ang sirang boses, “Mister, maaari m
Read more

Kabanata 1360

Tumawa si Charlie. “Kahit gaano karaming pera pa ang mayroon ka, hinding-hindi ka magiging mas mayaman kaysa sa akin.”Sumagot nang mabilis si Mr. Yamamoto, “Halos isang daang milyong dolyar ang ipon ko. Kung pagbibigyan mo ako, ibibigay ko ang lahat ng ito sa iyo. Kung gagawin natin itong Oskian dollars, nasa lima o anim na raang milyong dolyar ito!”Si Nanako, na nasa tabi niya, ay sumagot nang mabilis, “Mister, kung hindi pa ito sapat, handa rin akong magbigay ng malaki. Bakit hindi rin kita bigyan ng isang daang milyong dolyar? Pwede bang…”Tumingin si Charlie kay Mr. Yamamoto at pagkatapos ay tumingin siya kay Nanako. Tinuro niya si Jiro na takot na takot. “Bakit hindi niyo siya tanunghin kung gaano karaming pera ang mayroon ako?”Nanginig ang mga binti ni Kobayashi Jiro habang nag utal-utal siya. “Mr. Wade, hindi ko alam… kung gaano karaming pera ang mayroon ka…”“Hindi mo alam?” Tumawa si Charlie. “Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanila kung magkano ang ibinayad ng pamily
Read more
PREV
1
...
134135136137138
...
563
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status