Pero walang nag-aakala na naglagay ng maraming inner energy at Reiki si Charlie sa suntok niya.Tumingin si Mr. Yamamoto sa mabagal na suntok ni Charlie at halos tumawa na siya nang malakas.Puno ng panghahamak ang mukha niya habang sinabi, “Suntok na iyan? Para bang three-year-old na bata ang susuntok sa akin. Kaya kong salagin ito gamit ang isang kamay at kaya ko pang…”Sinusubukang iparating ni Mr. Yamamoto ang mensahe na kaya niyang salagin ang atake gamit ang isang kamay, pero hindi lumalabas ang mga salita sa kanyang bibig. Kadidikit lang ng kamao ni Charlie sa kanyang balat at tila ba binangga ng isang tren ang buong katawan niya. Kumalat agad sa buong katawan niya ang sakit.Habang umungol nang malakas, tumalsik ang katawan ni Mr. Yamamoto sa buong kwarto nang napakabilis.Ang katawan niya ay hugis letrang C habang lumilipad siya nang dalawampung metro sa kwarto.Sinira ng Reiki ni Charlie ang buong meridian niya.Sa madaling salita, habang lumilipad siya sa ere, naging
Sa sandaling ito, nanginig sa takot ang katawan ni Mr. Yamamoto. Hindi niya inaakala kailanman sa buhay niya na matatakot siya nang ganito. Wala pa siyang nakikilala na ganito kalakas, sobrang layo ng kanyang galing at kaalaman.Anong klaseng master ang may ganito kalakas na kapangyarihan, ginawang basura ang isang martial arts master gamit lang ang isang marahan na suntok?Ang problema ngayon ay hindi lang nasira niya ang isang lalaki gamit ang isang suntok. Hindi pa rin siya kuntento at gusto niyang ukitan ng mga nakakahiyang salita ang noo ng natalo.Pagkatapos isipin ang nangyayari, nagmakaawa agad si Kazuki Yamamoto, “Mister, hindi magaling ang kakayahan ko. Kasalanan ko kaya’t nasira ako. Pakiusap, nagmamakaawa ako, maaari mo ba akong iwan man lang ng kaunting dignidad? Huwag mo sanang iukit ang mga nakakahiyang salita na iyon sa noo ko. Pakiusap!”Si Nanako, na nasa tabi ni Mr. Yamamoto, ay umiyak din habang yumuko siya at nagmakaawa gamit ang sirang boses, “Mister, maaari m
Tumawa si Charlie. “Kahit gaano karaming pera pa ang mayroon ka, hinding-hindi ka magiging mas mayaman kaysa sa akin.”Sumagot nang mabilis si Mr. Yamamoto, “Halos isang daang milyong dolyar ang ipon ko. Kung pagbibigyan mo ako, ibibigay ko ang lahat ng ito sa iyo. Kung gagawin natin itong Oskian dollars, nasa lima o anim na raang milyong dolyar ito!”Si Nanako, na nasa tabi niya, ay sumagot nang mabilis, “Mister, kung hindi pa ito sapat, handa rin akong magbigay ng malaki. Bakit hindi rin kita bigyan ng isang daang milyong dolyar? Pwede bang…”Tumingin si Charlie kay Mr. Yamamoto at pagkatapos ay tumingin siya kay Nanako. Tinuro niya si Jiro na takot na takot. “Bakit hindi niyo siya tanunghin kung gaano karaming pera ang mayroon ako?”Nanginig ang mga binti ni Kobayashi Jiro habang nag utal-utal siya. “Mr. Wade, hindi ko alam… kung gaano karaming pera ang mayroon ka…”“Hindi mo alam?” Tumawa si Charlie. “Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanila kung magkano ang ibinayad ng pamily
Dumadagundong ang puso ni Yamamoto sa takot habang tinanong, “Huwag mong sabihin… Huwag mong sabihin na hindi ikaw ang mag-uukit?!”Sumagot si Charlie, “Ano? Gusto mong iukti ko ang mga salita sa iyo? Kwalipikado ka man lang ba para doon?”Pagkatapos itong sabihin, tumawa nang mapaglaro si Charlie bago siya nagpatuloy. “Humingi ako ng pabor sa kaibigan ko. Hindi siya pumasok sa school. Elementarya lang ang antas niya pero sigurado ako na kaya niya pa ring baybayin ang mga salitang ‘sick man of Asia’. Sisiguraduhin ko na lalakihan niya ang mga iuukit niya na salita. Talagang aabot ito sa inaasahan mo!”Nag-aalala at kinakabahan si Yamamoto. Ano pang masasabi niya? Sa sandaling ito, pumunta ang mga committee members sa kanila. Humarap sila kina Nanako at Aurora at sinabi, “Mga kalahok, magsisimula na ang tournament. Maaari bang pumunta na kayo sa stage para maghanda? Mangyaring siguraduhin niya na maaga kayo. Madi-disqualify ang mga kalahok na hindi magpapakita sa stage sa loob ng sam
Nang maisip ang mga posibilidad, lumiwanag ang mukha niya sa pag-asa at gamit ang mga nagmamakaawang mga mata, tumingin siya kay Jiro. “Kobayashi-san… Pakiusap, pwede mo bang tulungan ang matandang lalaki na ito…”Napuno ng kahihiyan ang mukha ni Jiro.Kung iba ang pinapagawa sa kanya ni Nanako, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya na gawin ito para sa kanya, upang maantig siya.Pero ngayon, gusto niyang ipagawa ang isang bagay sa likod ni Charlie at ibalik nang palihim si Mr. Yamamoto sa Japan!Masyado… masyadong mapanganib ito at marahil ay buhay niya pa ang maging kapalit!Wala silang ideya kung gaano nakakatakot si Charlie. Hindi rin nila alam ang tungkol sa lahat ng walang awa at malupit na pamamaraan ni Charlie sa ganitong pangyayari. Malinaw para kay Jiro kung ano ang mangyayari kung babanggain niya si Charlie.Dati, naloko at namanipula ni Charlie ang kanyang kuya sa Aurous Hill!Sa panahong iyon, naghihintay na ang private jet ni Jiro sa Aurous Hill. Ang kailangan na
Nang makita nila ang stand-up comedy nina Cain at Marcus, namutla nang sobra sina Nanako at Kazuki.Sa wakas ay naintindihan na ni Nanako ang gustong sabihin ni Jiro noong sinabi niya na hindi nila pwedeng kalabanin si Charlie.Hindi kayang labanan ng halos lahat ng tao ang ganito kasamang tao. Ang pinakamahalaga, nasa teritoryo sila ni Charlie.Sa sandaling ito, naiyak si Nanako bago sinabi, “Bakit hindi ko tawagan ang ama ko at hilingin sa kanya na humanap ng paraan?”Mabait na hinimok siya ni Jiro, “Miss Nanako, kahit na tagan mo si Mr. Ito, wala siyang magagawa dito. Kahit na bumiyahe agad si Mr. Ito, nasa dalawa o tatlong oras ang flight mula Tokyo papuntang Aurous Hill. Darating dito ang mga tauhan ni Charlie sa kalahating oras. Wala siyang magagawa…”Kahit na sobrang makapangyarihan ang pamilya Ito sa Japan, sobrang liit ng impluwensya nila sa Aurous Hill.Kahit hindi na banggitin si Nanako, kahit pumunta pa dito ang kanyang ama, si Yahiko, malaki ang posibilidad na mapapa
Kaya, napakabilis at napakalakas ng kanyang roundhouse kick!Hindi sineryoso ni Joanna ang roundhouse kick ni Aurora. Dahil alam niya ang lakas ni Aurora at laam niya na hindi mapanganib si Aurora. Kaya, itinaas niya nang hindi nag-iisip ang mga kamay niya para salagin ito!Sa parehong oras, naghanda rin siya ng isang plano sa kanyang puso.Pagkatapos salagin ang binti ni Aurora gamit ang dalawang kamay niya, itataas niya agad ang kanyang kanang binti para tapakan ang kanang tuhod ni Aurora. Kung magtatagumpay siya na atakihin si Aurora nang malakas, magagamit niya ang kanyang kaliwang binti para bigyan ulit siya ng isang mabangis na atake at babagsak agad si Aurora! Pero, hindi inaakala ni Joanna na nababalot ng nakakatakot na lakas ang roundhouse kick ni Aurora na hindi niya pa nakikita dati!Nakaramdam si Joanna ng isang malaking pwersa sa kanyang mga palad at braso sa isang iglap at pagkatapos, tumalsik agad nang napakabilis si Joanna palabas sa ring!Nagulantang ang mga nan
Habang naguguluhan siya sa mga iniisip niya, napuwersa ng kalaban na paatrasin si Nanako.Sa sandaling ito, wala na ang dati niyang tunguhin bago ang laban na ito.Ito ay dahil bigla niyang napagtanto na napakaraming taon na siyang nag-eensayo sa combat and fighting, pero hinding-hindi siya makakapalag sa isang tunay na master kung aatakihin niya siya.Sobrang laking pinsala nito sa kumpiyansa niya sa sarili.Sa totoo lang, malaki ang epekto nito sa kahit sinong nasa ganitong sitwasyon.Hindi lamang ang kumpiyansa sa sarili niya ang nasira, ngunit ang mga matatagal niyang paniniwala ay nadurog din.Matagal nang nararamdaman ni Nanako na maabot niya ang rurok ng combat and fighting sa loob ng dalawampung taon o mas mababa pa.Paglipas ng dalawampung taon, siguradong gagaling siya at magiging top combat and fighting master siya sa buong mundo. Marahil ay maging combat and fighting master pa siya tulad ng kanyang master, si Kazuki.Pero, napagtanto niya dahil kay Charlie na ang to
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh
Lubhang ikinagulat ni Charlie ang tanong ni Vera. Pero sa masusing pag-iisip, mukhang may punto nga ito. Kung isa talaga itong malaking plano na inihanda sa loob ng mahigit dalawampung taon, imposibleng iaasa ito sa isang taong hindi maasahan para sa isang napakahalagang bahagi ng plano.Alam ng lahat kung gaano ka-hindi maasahan si Jacob, at si Charlie na mismo ang pinaka nakakaalam nito. Kahit biyenan na lalaki niya si Jacob, masasabi ni Charlie nang buong tiwala na kung sa kanya nakasalalay ang tagumpay o kabiguan ng isang mahalagang plano, malamang sa malamang ay mabibigo ito.Kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Jacob.Sa sandaling iyon, nakahiga si Jacob sa kwarto niya sa Thompson First habang abala sa pagkalikot ng cellphone niya. Mula nang magsama sina Matilda at Yolden, tila nawala na ang lahat ng kasiyahan sa buhay niya. Dagdag pa roon, nasa bahay din si Elaine na kinaiinisan at kinasusuklaman niya, kaya’t ang tanging libangan na lang niya ay ang magku
“Pero namatay na ang ama ko dalawampung taon na ang nakalipas. Hindi naman siya isang Feng Shui master na katulad mo, kaya paano niya malalaman noon pa lang na kailangan kong malagpasan ang pagsubok na iyon sa edad na dalawampu’t pito?”Napakunot ang noo ni Vera.Matapos ang matagal na pag-iisip, sinabi niya, “May punto ka. Ayokong bastusin ang sinuman, pero parang imposibleng mahulaan ng iyong ama nang ganoon ka-eksakto ang mga mangyayari dalawampung taon na ang nakalipas.”Dagdag ni Charlie, “Nang makilala ko si Master Lennard sa Mount Wintry, sinabi niyang pumunta siya sa Eastcliff para piliin ang Mount Wintry bilang isang geomantic treasure land para sa pamilya Wade, alinsunod sa kahilingan ng lolo ko. Kinumpirma ko na ito sa lolo ko at sa iba pa. Sa panahong iyon, masama ang sitwasyon ng pamilya Wade, at totoo ngang naghanap ng tulong ang lolo ko kung kani-kanino bago niya nahanap si Master Lennard. Kaya hindi posibleng naplano ng ama ko ang paglabas ko sa dragong stranding pred
Nararamdaman ni Jasmine na may gustong siguraduhin si Charlie, pero nang mapansin niyang ayaw ni Charlie na ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay, naging maunawain siya at hindi na siya tinanong. Sa halip, magalang niyang sinabi, “Master Wade, kung may kailangan ka o may gusto kang itanong, huwag kayong mag-atubiling tumawag sa akin kahit kailan.”“Sige, salamat.”Nagpasalamat si Charlie kay Jasmine at ibinaba ang tawag. Napansin ni Vera ang tila naguguluhang ekspresyon niya kaya hindi niya napigilang magtanong, “Young Master, ano naman ang bumabagabag sayo ngayon?”Kalmadong sagot ni Charlie, “Bigla ko lang naalala ang isang bagay. Noong nakuha ko ang Apocalyptic Book, para siyang libro pero parang hindi rin. Pagkapulot ko, kusa itong naging pulbos, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang laman nito ay agad na naitala sa isipan ko…”Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy, “Ibig bang sabihin nito, ang Apocalyptic Book ay para lang talaga sa isang gamitan, at nakatakda na isang ta