Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 131 - Chapter 140

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 131 - Chapter 140

848 Chapters

Kabanata 131

Hinanap ni Jay ang mga CCTV recording ng Tourmaline Estate upang malaman na si Robbie ay umalis ng lupain kagabi habang umuulan. Hula niya ay bumalik si Robbie sa Exuberant City upang hanapin ang kaniyang mommy, kaya agad niyang tinawagan si Rose. Tumunog ang telepono, ngunit walang sinuman ang sumagot dito.Si Jay ay hindi mapakali dahil sa kakulangan ng balita tungkol kay Robbie. Dinala niya si Josephine at si Jenson na parehong nag-aalala para kay Robbie at dali-daling nagtungo sa gitna nang siyudad.Pagkatapos ng isang buong gabi ng pag-ambon na tinanggal ang alikabok at dumi ng isang siyudad, ang kapaligiran ay nagmukhang mas makulay at mas maganda.Sa pagdating ng bukang-liwayway, narinig ni Rose na ilang beses kinakatok ang kaniyang pinto. Napakunot ang mga kilay niya dahil sa pagka-alarma. Lumapit siya sa pinto upang makita si Robbie na mukhang siya ay nasa isang kaawa-awang sitwasyon. Siya ay nababalot ng putik at nakatayo sa harap niya. Si Rose ay natuliro.“Robbie, ano’ng na
Read more

Kabanata 132

Hinawakan ni Zetty ang pinto at ninais na saraduhan si Jay sa labas nang dumating si Rose sa sandaling iyon.“Papasukin mo siya.”Narinig ni Zetty ang mga utos ng kaniyang mommy, ngunit ngumuso pa rin siya. Labag sa puso niyang binitawan ang pinto at bumalik sa kaniyang palaruan.“Nasaan si Robbie?” Agad na nagtanong is Jay tungkol kay Robbie noong siya ay pumasok.Binigyan siya ni Rose ng isang baso ng katas ng prutas at sinabihan siya na umupo. Umupo naman si Jay sa sofa.Si Rose ay lumapit kay Zetty at hinikayat siya, “Zetty, si Mommy ay may kailangang italakay kay Tito. Pwede ka bang maglaro sa silid mo?”Binuhat ni Zetty ang kaniyang laruan at masunuring tumango. “Sige, Mommy.” Pagkatapos no’n, siya ay nagtungo sa kaniyang silid.Kumunot ang mga kilay ni Jay. Si Zetty ay parang isang batang demonyo kapag ito ay nasa harap niya, ngunit ang batang ‘yon ay masunurin at isang cute na bata sa harap ni Rose. Hindi niya iyon inasahan.Si Rose ay nagtungo sa sala at umupo sa upuan malapit
Read more

Kabanata 133

Si Rose ay natuliro. Dinisiplina ni Jay si Robbie hindi dahil sa mamahalin na mga porselana o hindi dahil nabibilang ang kastilyo kay Jenson? Piniga niya ang kaniyang utak, ngunit hindi pa rin niya maisip ang tunay na dahilan.“Eh, bakit mo pinarusahan si Robbie? Bata lang siya. Hindi ka ba nag-aalala na baka masugatan siya dahil sa mga matatalim na piraso ng sirang porselana noong sinabi mo sa kaniya na linisin ang gulo? Ginoong Ares, ‘wag mong sisihin si Robbie sa pagkakamali ng pagkaintindi sa ‘yo. Kahit bilang isang nakatatanda, hindi ko maisip ang intensyon mo sa pagpaparusa kay Robbie,” pagalit na sinabi ni Rose.Ang mga kilay sa gwapong mukha ni Jay ay kumunot, at ang kaniyang mga mata ay biglang nabalot ng pagkabangis.Tumingin si Rose sa lalaking na bilang naging nakakatakot at mapanganib. Ang ika-anim niyang pangramdam ay sinasabi sa kaniya na ito ay hindi isang magandang senyales.“May mga dahilan ako. Basta, ang nangyari kahapon ay hindi ko sinasadya. Ang pagmamahal ko kay
Read more

Kabanata 134

“Tulad lang ng mga estudyante na nagkakamali sa eskwela, kahit sino pa ito, didisiplinahin sila ng guro nila. Ang isang maling pagkakamali ay parurusahan nang kaunti habang ang malaking pagkakamali naman ay mayroong mas malaking parusa. Ito ay paraan lamang para turuan ang mga estudyante. Hindi mo naman pwede sabihin na porket pinarusahan ng guro ang isang estudyante ay hindi na niya gusto ang estudyante na iyon, ‘di ba?”Mukhang may naintindihan si Robbie sa mga salitang ito at tumango na parang isang sisiw na tinutuka ang kaniyang pagkain. Kasunod nito, ang walang sigla at malungkot niyang itsura ay bumalik na sa pagiging maliwanag. “Mommy, ang ibig mo bang sabihin ay mahal pa rin ako ni Daddy tulad ng pagmamahal niya kay Jenson, ‘di ba?”Nakita ni Rose na sa wakas ay may ngiti na si Robbie sa kaniyang mukha. Sa wakas ay nawalan na ng bigat ang kaniyang puso. “Walang hanggan ang pagmamahal ng isang ina, at ang pagmamahal ng isang ama ay parang isang malaking bundok. Robbie, ang sigur
Read more

Kabanata 135

Biglang umulan, tila biglang dinadala ang init ng panahon. Ang malamig na hangin ng maagang taglagas ay pumasok sa yayamanin at mainit na mansyon. Tahimik na tumayo si Jay sa tabi ng bintana, pinapanood ang malinaw na langit sa labas.Ang kaniyang puso ay nakakaramdam ng kapayapaan na hindi pa niya nararamdaman dati.Ang payo ng kaniyang lolo ay tumutunog sa kaniyang mga tainga. ‘Dahil hindi mo nagawang pakasalan ang babaeng ninanais ng puso mo sa buhay na ‘to at dahil napili mong mabuhay para sa iyong mga anak, hayaan mong itanong ko sa ‘yo, sino ba ang mas angkop na maging ina nina Jenson at Robbie maliban kay Rose?’Nilabas ni Jay ang kaniyang telepono at tinawagan si Grayson.“Presidente!” Ang nanginginig na boses ni Grayson ay maririnig sa sandaling sagutin niya ang telepono.Kumunot ang mga kilay ni Jay. Kahit kailan ay hindi niya naisip ang ganitong katanungan dati, ngunit ito ay pumapasok sa kaniyang isipan ngayon. ‘Palagi akong kinatatakutan ng lahat. Binibigyan nila ako ng ku
Read more

Kabanata 136

Pumasok si Jenson sa kaniyang silid at agad na kinandado ang pinto.“Robbie, nakita mo ba ‘yong mga mata?” Halata sa boses ni Jenson ang takot.Nag-isip nang sandali si Robbie. “‘Yong mga mata ng elepante sa bintana?”Agad na sumigaw si Jenson, “Layuan mo ‘yon.”Masunuring pumayag si Robbie. “Sige.” Hindi niya alam kung bakit pinapalayo siya ni Jenson sa mga mata na iyon sa kastilyo. Pakiramdam niya lamang ay magiging mas masaya si Jenson kung iyon ang isasagot niya.“Jenson, ano’ng meron sa mga mata na ‘yon?”“Minumulto ‘yon!”Ngumuso si Robbie. “May multo?” Naalala niya na mayroon siyang narinig na mga ‘di pamilyar na boses noong siya ay nasa loob ng kastilyo at napagtanto. “Ah, kaya pala nakakarinig ako ng mga kakaibang ingay. Ano ba ang isang multo? Nakakatakot ba ‘yon? Hindi ba’t sinasabi ng mga guro na walang multo sa mundong ‘to?”“Robbie, lumayo ka mula sa kastilyo.”“Sige, naintindihan ko.”Biglang nabalisa si Jenson. ‘Ang kakaibang nilalang pala na ‘yon ay nagsimula na ring l
Read more

Kabanata 137

Sa tuwing nagugulat si Jenson, siya ay magmumukhang pagod at mahina. Ngayon, siya ay nakasandal na sa balikat ni Jay. Ang kaniyang mga mata ay kalahating bukas na, at siya ay mukhang walang sigla at inaantok.Tumingin si Rose kay Jens, ngunit si Jay ay nakatingin kay Rose.Siya ay mayroong pangbahay na kasuotan na mukhang kaniyang pantulog. Ang kaniyang pantulog ay mayroong mahahabang manggas at pantalon. Sa ibabaw ng kaniyang damit ay isang maliit na jacket. Sa isang tingin lamang, alam na niyang nagmadali si Rose na puntahan si Jenson at walang oras para magbihis.Si Jay ay nagulat. Siyempre, sa kaniyang alaala, ang bawat babaeng lalapit sa kaniya ay gugugulin ang kanilang oras at paghihirap para magmukhang maganda. Bibigyan nilang pansin kahit ang pinakamaliit na mga detalye tulad ng kanilang mga kuko.“Pasok.” Ang kaniyang ekspresyon ay nanatiling malamig at blangko. Gayunpaman, ang kaniyang puso ay bahagyang nanginginig.“Ayos lang ba si Jens?” Nag-aalalang tanong ni Rose.Magiliw
Read more

Kabanata 138

Tumingala si Rose at tumingin sa kaniya. ‘Bakit parang ang bait ng taong ito sa ‘kin ngayon? May binabalak ba siya?’“Handa ka bang pumasok dito at maging… isang tagapangalaga?” Tanong niya.Si Rose ay walang masabi.‘Mukha ba akong isang tagapangalaga?’Siya ay natutuksong tanggihan agad ang alok na iyon, ngunit nang maalala niya ang mahina at pagod na itsura ni Jenson… Nang maalala niya ang bawat oras noong hinihiling nina Robbie at Zetty na makita ulit ang kanilang daddy...Ang mapagmataas na puso ni Rose ay muling gumuho.Kung ito ay dati, magiging sigurado si Jay na higit pa sa masaya na tatanggapin ni Rose ang kaniyang kahilingan.Siyempre, makakatanggap siya ng mataas na sahog sa pagiging isang tagapangalaga sa Pamilya Ares.Gayunpaman, ngayong alam na ni Jay na si Rose ay isang mahusay na hacker at mayroon siyang ambisyon na gumawa ng sarili niyang business empire, si Jay ay hindi ganap na may kumpiyansa na tatanggapin ni Rose ang kaniyang alok.Pinag-isipan ito ni Rose nang sa
Read more

Kabanata 139

‘Makikitira?’Ang mga kilay ni Jay ay kumunot nang bahagya noong tumingin siya kay Rose na mayroong kumpiyansa.Ayaw niya sa mga babae na kumikilos ng mahina at mababa sa harap niya. Gayunpaman, si Rose na arogante sa punto na tinitignan siya nito bilang isang hindi mahalagang tao ay binibigyan siya ng mas matinding na pagkainis.“Sa tingin ko maghanap ka dapat ng presyo ng mga mansyon sa Horizon Colors. Kasi kapag alam mo na, hindi ka magsasabi ng ganyang imposibleng suhestyon.” Ang tono ni Jay ay puno ng kayabangan na pinapatumba ang iba.Kinagat ni Rose ang kaniyang labi. ‘T*ng *na mo. Kinukutya mo ba ako sa pagiging mahirap?’“Ginoong Ares, sabihin mo ang presyo mo.” Ang pinakamalaking pag-uugali ni Rose ay ang pagiging makulit at pagtanggi na sumuko hanggang sa huling sandali.Ngumisi si Jay nang iangat niya ang isang daliri niya. Ang kaniyang daliri ay payat, mahaba, at makinis. Ang kaniyang mga buto ay mayroong magandang hugis, tila nagmumukhang seksi at kaakit-akit.Ang mga mat
Read more

Kabanata 140

Si Zetty ay walang sarili niyang silid, kaya nakikihati na lamang siya ng isang silid kasama ang kaniyang Mommy.Nang makita niya na si Robbie ay mayroong malaki at magandang silid, hindi niya maitago ang kaniyang kalungkutan at bumulong sa kaniyang mommy, “Bakit ayaw rin akong bigyan ni Daddy ng magandang silid?”Hindi alam ni Rose kung paano iyon sagutin.Noong gabing iyon, mababa ang nararamdaman ni Zetty.Ang tanging magagawa lamang ni Rose ay yakapin si Zetty at matiyaga siyang pinatahan. “Zetty, ikaw ay isang babae. Iyon ang dahilan kung bakit pwede kang manatili kasama si Mommy hanggang sa lumaki ka na. Ngunit si Robbie ay isang lalaki, at siya ay unti-unti nang lumalaki. Mayroong pinagkaiba ang mga lalaki at babae. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan niyang manatili sa ibang silid mula sa ‘tin. Naintindihan mo ba?”Sa wakas ay nasiyahan na si Zetty.Siguro nga ang silid nila ang pinakapanget sa loob ng mansyon, ngunit ito pa rin ay isang karangyaan para sa mag-ina.Siguro nga
Read more
PREV
1
...
1213141516
...
85
DMCA.com Protection Status