Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Kabanata 151 - Kabanata 160

Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight! : Kabanata 151 - Kabanata 160

848 Kabanata

Kabanata 151

Dahil desperado ang Eminent Honor na ipasok siya, marahil ay maaari niyang subukan na makipagkasundo at makakuha ng maagang sahod? ‘Sa katunayan, hindi ang Eminent Honor ang una sa mga pagpipilian ko. Gayunpaman, kailangan ko na talaga ng pera. Kung kaya akong bigyan ng Eminent Honor ng sahod na dalawang taon ang katumbas, handa akong magtrabaho sa kumpanya mo.’ Nag-alinlangan nang matagal si Rose bago siya maglakas-loob at ipadala ang email na ito.Ang kabila naman ay hindi na nag-alinlangan at agad na sumagot ng, “Walang problema.”Kasunod nito, kinailangan nilang pag-usapan ang takda para sa kontrata, ang mga oras ng pagtatrabaho ni Rose, at iba pa.Naisip ni Rose na kailangan niyang alagaan ang tatlo niyang mga anak. Iminungkahi niya na magtatrabaho siya sa bahay kung saan ibibigay niya ang kaniyang napagtrabahuan sa isang napagsang-ayungan na oras sa kumpanya.Para naman kay Zayne, gustong-gusto niya talaga makuha si Rose sa kaniyang kumpanya, kaya pumayag siya sa lahat ng kaniya
Magbasa pa

Kabanata 152

Ang mga iniisip ni Rose ay naistorbo ng kaniyang pang-alarma.Siya ay mahinang bumuntong-hininga bago bumaba upang maghanda ng masarap na almusal para sa mga bata.Sa araw na ‘to, kailangan nilang ipasok ang mga bata sa bagong kindergarten. Kaya, marami ang mga bagay na kailangan nilang gawin.Binihisan ni Rose ang may malay sa kagandahan na si Zetty sa isang magandang pang-prinsesang damit. Si Zetty ay mayroon pang iba’t ibang magagandang palamuti para sa buhok niya. Tinali ni Rose ang buhok ni Zetty at pinalamutian ito ng kulay silver at maliit na tiara.Si Zetty ay mayroong makinis at kakaibang itsura. Siya ay mukhang isang diwatang dumating sa kalupaan, tila maganda at walang palya.Nang dalhin ni Rose si Zetty sa baba, ang tatlong lalaki roon ay naakit kay Zetty. “Zetty, ang ganda mo ngayon, ah.” Si Robbie ay bukas na pinuri si Zetty.Sumagot si Zetty, “Salamat, Robbie.”Kahit nanatiling tahimik si Jenson, ang kaniyang ulo ay tumatango, pinapakita ang pagsang-ayon niya sa sinabi n
Magbasa pa

Kabanata 153

Binaba ni Rose si Zetty at sinabi sa kaniya, “Samahan mo maglakad ang mga kapatid mo.”Pagkatapos maghawak-kamay nina Robbie, Jenson, at Zetty at naglakad sa harap, naglakad si Rose sa tabi ni Jay. May mga bagay siyang nais sabihin kay Jay. Umaasa siya na titigilan na niya ang pagiging suplado kay Zetty at iwasan ang paggawa ng mga bagay na maaaring saktan ang isipan ng bata.Gayunpaman, tila nag-iingat na tumingin si Jay sa kaniya. Ang ganito kagandang tanawin ay pinagmumukha silang isang pamilya.Taos-pusong kinamumuhian ni Jay Ares si Rose at ang nito. Sigurado si Jay na narito si Rose para magpaawa sa kaniya, at pagmukhain na silang dalawa ay malapit pa rin.“Rose, kung sinusubukan mong maging peke gamit ang reputasyon ko, pinapayuhan kita na tumigil. Ang mga nakatira sa Horizon Colors ay parang magkakapitbahay. Hindi magtatagal bago malaman ng lahat ang katotohanan… na isa ka lang katulong sa bahay ng Ares.”Si Rose ay natuliro.‘Gumagamit ang taong ‘to ng ganoon kaduming pananaw
Magbasa pa

Kabanata 154

Nagising si Rose noong tumitig siya kay Jay na mukhang galit. Lumingon siya sa tauhan upang kausapin ito, “Siguro nga ay mas bata ang Zetty ko sa kaniyang kapatid, pero dati pa man ay nasa iisang klase na sila. Sana naman ay maging magkasama sila sa mas mataas na lebel na klase sa Horizon Kindergarten.Ang isang miyembro ng tauhan ay bahagyang nahiya. “Pero hindi pa sapat ang edad ni Zetty para sa mas mataas na lebel na klase.”Mapilit si Rose. “Gawa lang ng tao ang patakaran niyo. Dapat ay tinitignan muna natin ang mga kakayahan niya bago siya ilagay sa isang klase. Hindi ba?”Ang mga tauhan ay hindi makumbinsi si Rose, at kaya nagmamakaawa silang tumingin kay Principal Aspen. Ang principal naman ay tumingin kay Jay.Si Jay ay tumingin nang masama kay Rose!Nakita ni Zetty na ang mga matatanda ay nasa isang pangit na sitwasyon dahil sa kaniya. Naglakad siya patungo sa harap ni Principal Aspen at mahusay na binanggit ang kaniyang mga dahilan kung bakit siya ay dapat malagay sa mas mata
Magbasa pa

Kabanata 155

Ang pagkakaintindi ni Jay kay Rose kahit kailan ay hindi na nadagdagan pa simula noong gabi na iyon pitong taon na ang nakalipas. Pinagmukha niyang tanga ang kaniyang sarili sa kasalan. Si Rose Loyle, ang magiging asawa ni Jay Ares, ay dapat ang pinakamagandang bahagi ng gabing iyon, ngunit siya ay tumili nang makita niya si Jay na para bang siya ay nakakita ng isang multo. Ang ekspresyon niya noong araw na iyon ay kaparehas ng isang panatiko na nakita ang kaniyang idolo. Niyakap at kinulit ni Rose si Jay sa harap ng lahat ng tao na naroon.Para bang sila ay dalawang magkasintahan na nagkita pagkatapos ng mahabang pagkakawalay.Hiyang-hiya siya noong araw na iyon dahil kay Rose.Simula noong araw na ‘yon, kinilala niya ang babaeng nabuhay dahil sa kabit ng Pamilya Lotle na isang hindi sibilisado na probinsyana.Pagkatapos ng kasal, tinapon niya si Rose na parang isang lumang sapatos.Umaasa siya na makakalagpas siya sa problema niya sa pera at pagkatapos ay makikipaghiwalay kay Rose. S
Magbasa pa

Kabanata 156

‘Hindi niya pala pinagbabalakan ang pera o pagmamahal ko, ang gusto niya lang ay itrato ko si Zetty nang mas maayos?’Gayunpaman, si Jay ay hindi masyadong nasiyahan sa paliwanag ni Rose. Napakunot ang kaniyang mga kilay at tinanong nang malamig si Rose, “Ano’ng ibig mong sabihin sa ‘hindi makatotohanang mga inaasahan’?”Naiinis na tumingin si Rose sa kaniya at mahinang sinabi, “Ginoong Ares, siguro ay iniisip mo na gusto kong pakasalan mo ako muli, at iyon ang dahilan kung bakit sinasabi ko kay Zetty na maging mabait sa ‘yo. ‘Wag kang mag-alala, Ginoong Ares, kahit kailan ay hindi iyon mangyayari.“Alam kong hindi dapat ako nagbabalik-tanaw sa nakaraan, Ginoong Ares. Hindi ka nagpakita ng interes sa ‘kin anim na taon na ang nakalipas, at hindi ako umaasa na magkakaroon ka pa nito.“Kahit kailan ay hindi na ako magpapakasal muli. Gusto ko lamang lumaki ang mga anak ko nang responsable, at hindi ako magkakaroon ng anumang pagsisisi sa buhay.”Ang mga mata ni Rose ay puno ng kalungkutan
Magbasa pa

Kabanata 157

Kahit kailan ay hindi pa nakaranas si Jay ng ganoon katinding sakit sa kaniyang buhay.Sa sobrang sakit nito, siya na isang madalas ay matapang na lalaki, ay naglakas-loob na hindi tignan ang bangkay ni Angeline, o pumunta sa kaniyang libing o bumisita sa kaniyang libingan... Hindi siya naglakas-loob na lumapit sa anumang bagay na magpapaalala sa kaniya tungkol kay Angeline, at maingat niyang pinigilan ang lahat ng kaniyang nararamdaman.Itinago niya ang mga sakit na halata sa kaniyang mga mata at pinagpatuloy ang madalas na kalmado at tahimik niyang pagkilos. “Hindi ka ako, kaya paano mo nalaman kung ano ang nararamdaman ko?” Sinabi niya nang mahina.Bahagyang ngumuso ang nakakaakit at magandang mga labi ni Rose. ‘Kung alam mo kung ano ang pag-ibig, bakit mo hinayaan si Angeline, ang dati kong buhay, na mabuhay sa ganoong kundisyon at mamatay nang hindi maayos?’ Binulong niya sa kaniyang puso.Ang paglalakbay pabalik sa mansyon ay lumipas nang tahimik. Mula sa kalayuan, nakikita nila
Magbasa pa

Kabanata 158

‘Uh…’Hindi iyon pumasok sa isipan ni Rose. Ang paalala sa kaniya ni Jay ay sakto lamang; wala nga siyang anumang damit na angkop para sa mga pagdiriwang ng mga mayayaman. Siya ay nakatago lamang sa bahay sa nakaraang ilang taon, ginagawa ang kaniyang makakaya na palakihin ang kaniyang mga anak. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya kailangan ng mga ganoong damit.Si Josephine ay ang pinagmamalaking babae ng Pamilya Ares, at kaya ang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ay siguradong yayamanin. Ang mga darating doon ay siguradong mga mayayaman na tao o matagumpay na mga negosyante. Kung magsusuot siya ng ordinaryong mga damit, hindi lamang siya mamaliitin ng mga tao doon, ngunit mapapahiya rin si Josephine dahil sa kaniya.“Josephine, pasensya na dahil hindi ako…” Ang unang naisip ni Rose ay ang agad na tanggihan ang imbitasyon ni Josephine.Gayunpaman, hinawakan ni Josephine ang kamay ni Rose at hindi bumitaw. “Ikaw ang matalik kong kaibigan, Rose. Ikaw lang ang nakausap ko nang totoo pa
Magbasa pa

Kabanata 159

Pagkatapos hintayin si Josephine na makaalis, bumalik si Jay sa kaniyang mansyon at agad na nagtungo sa silid ni Rose.Kumatok siya sa pintuan ng silid ni Rose. Si Rose, suot ang kaniyang makapal na salamin, ay binuksan ang pinto at nalilitong tumingin kay Jay.“Hinahanap mo ba ako, Ginoong Ares?”Dati pa man ay palagi nang sinusubukan ni Jay na iwasan si Rose hangga’t maaari. Siguro ay naging yelo na ang impyerno at lumilipad na sa langit ang mga baboy.“Ako na ang magbabayad para sa mga damit at alahas na kailangan mo para sa pagpunta sa kaarawan ni Josephine. Ako na rin ang magbabayad sa kabayaran kapag kulang ang naipasa mong trabaho. Kung may iba pang mga kundisyon, ilista mo lang ang mga ‘to at sabihin mo sa ‘kin.” Ang tono ng boses ni Jay ay parang isang amo na inuutusan ang kaniyang tagapangalaga.Si Rose ay bahagang nagulat. Hindi lamang mahal ni Jay ang kaniyang mga anak, mahal din niya ang kaniyang kapatid na babae.Gayunpaman, wala siyang nararamdaman dito.“Ginoong Ares, k
Magbasa pa

Kabanata 160

Ang tatlong bata ay sabay-sabay na tumingin kay Jay. Napagtanto ni Jay na ang kaniyang reaksyon siguro ay masyadong kapansin-pansin at pinagpatuloy ang madalas niyang kalmadong itsura. “Hindi mo ba alam? Mayroong tatlong klase ng tao. Mga tao mula sa tuktok ay nagbibigay ng mga utos, ang mga tao sa gitna ay sumusunod sa mga utos, at ang mga tao sa ibaba naman ay walang ibang alam kung ‘di ang manghingi at manggapang.”Ang tatlong mga bata ay may sapat na talino para malaman na ang ibig-sabihin ni Daddy ay nasa ibaba ang kanilang Mommy.Si Robbie ay natuliro. “Kakaiba. Hindi naman ganito si Mommy! Ang sabi ni Mommy ay kailangan naming magkaroon ng karangalan para sa ating sarili at sakupin ang mundo gamit ang sarili nating mga kakayahan!”Tila nasundan ni Zetty ang sinasabi ng kaniyang kapatid. “Alam ko na!” Sinigaw niya, “Nahulog siguro si Mommy sa bago niyang boss! Kahapon sinabi niya na ang bago niyang boss ay ang unang lalaki sa loob ng matagal na panahon na tinrato siya bilang isan
Magbasa pa
PREV
1
...
1415161718
...
85
DMCA.com Protection Status