Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Kabanata 161 - Kabanata 170

Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight! : Kabanata 161 - Kabanata 170

848 Kabanata

Kabanata 161

“Kahit gaano ka pa kawawa, mayroon ka pa ring masamang pag-uugali.” Nagbigay si Jay ng isang mapanghamak na sulyap kay Rose at hindi pa ninais pang magbigay ng isang salita sa kaniya. Tumalikod siya at kinausap naman ang mga bata. “Umakyat na kayo’t magbihis. Dadalhin kayo ni Daddy sa kaarawan ni Tita Josephine.”Ang mga bata ay naghiyawan at dali-daling umakyat sa hagdan.Si Rose ay bumuntong-hininga nang napakahina. Ang kaniyang mga mata ay nagiging basa. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata upang pigilan ang kaniyang mga luha.Alam niya na walang nararamdaman si Jay para sa kaniya, kaya bakit umaasa pa rin siya na mayroon?Kung wala ang pag-asa na ‘yon, hindi siguro siya patuloy na mabubuhay sa sakit.Umiling si Rose upang tanggalin ang hindi masasayang bagay sa kaniyang isipan at lumabas.Ang kaarawan ni Josephine ay isinagawa sa Grand Asia Club.Sa napakalaking grand hall, ang kisame ay may palamuti na parang gabing mabituin. Isang dagat ng mga bulaklak ang nakapalamuti sa bawat gi
Magbasa pa

Kabanata 162

Ang kaniyang boses ay tila malungkot nang sabihin niya ang mga salitang iyon, ngunit ang mga salitang iyon ay sinabi niya nang naiinis. Walang sinuman ang nakapansin sa galit sa kaniyang mga mata.Kinamumuhian niya si Rose Loye. Kung ‘di dahil kay Rose, magkasama pa rin sila ni Jay.Ninais niyang maging puntirya si Rose ng inis at inggit ng lahat. Ninais niyang makita kung paano pahihiyain ni Rose ang kaniyang sarili kapag sinugod siya ng uhaw na mga babae.“Rose Loyle? Sino ‘yon?”Ang mga babae ay lubos na nabahala sa biglang paglitaw ng isang kalaban.Ang usapan ay nalipat kay Rose Loyle.Si Nancy ay higit pa sa masaya na ipakilala ang hindi kilalang babae sa kanila. “Siya ang dating asawa ni Ginoong Ares! Siya ang anak na babae ng Pamilya Loyle, ngunit sabi nila ay pinalaki siya sa isang bayan sa bundok at bumalik lamang sa Pamilya Loyle noong siya ay high school na. Hindi kagulat-gulat na hindi niyo pa naririnig ang pangalan niya dati.”Ang ilan sa mga babae ay nagpakita ng mapangh
Magbasa pa

Kabanata 163

Niyakap ni Josephine si Rozette nang mahigpit. Ang kaniyang mukha ay nagliliwanag sa saya. “Ang bait mo naman, Zetty.”Ang mga mata ni Jay ay tumitig nang malalim kay Josephine. Bakit ang lapit ng kapatid niya kay Rozette? Para sa kaniya, sina Jenson at Robbie lang ang mga nagdadala ng dugong Ares.Lumapit si John at napansin ang tatlong cute na mga bata. “Sino ‘yang malambing at mala-anghel na porselanang manika, Jay? Anak mo ba siya?”Hindi siya pinansin ni Jay.Nagpatuloy magsalita si John. “Sa tingin ko hindi ka naman naka-ipon ng magandang karma mula sa mga gawain mo, pero bakit ang bait ng turing sa ‘yo ng Diyos? Binigyan niya sa ‘yo si Jenson, ang henyo. Tapos, ang cute at atletang si Robbie naman ang lumitaw. Ngayon, mayroon ka pang isang mataba at katuwa-tuwang anak na babae. Naiinggit kaming lahat!”“Hindi ko siya anak.” Tinama siya ni Jay.Tumitig si John kay Zetty at hindi tumingin palayo.Ang kaniyang mukha ay parang isang monay, at ang porselana niyang kutis ay sobrang la
Magbasa pa

Kabanata 164

Noong lumabas si Rose ng kotse, hindi niya inaasahan na maging sentro ng atensyon ng maraming tao. At saka, hindi niya inasahan na parehas sila ng kulay ng damit n Jay. Nang makita niya ang paninisi sa mga mata ni Jay, hindi niya alam kung ano ang gagawin.Akala ni Josephine na tinadhana ang pagiging parehas ng kulay ng kanilang damit, kaya tinaasan niya ang kaniyang boses at sumigaw, “Rose, parehas kayo ng damit at buhok ng kuya ko. Bagay na bagay talaga kayo.”Tumingin nang masama si Jay kay Josephine at pinagalitan siya nang mahina. “Hindi ba ikaw ang nagplano nito?”Nanlaki ang mga mata ni Josephine sa gulat. Ang kaniyang ulo ay umiiling na parang isang rattle drum. “Kuya, mas inosente pa ako kaysa isang tupa.”Naghihinalang tumingin si Jay kay Rose. Ang kaniyang kasuotan at alahas ay mukhang mamahalin. Kung hindi ‘to binigay sa kaniya ni Josephine, saan niya nakuha ang pera para bilhin ang lahat ng ‘yon?Dahan-dahan na lumapit si Rose at tinulak patalikod ang kaniyang buhok na hum
Magbasa pa

Kabanata 165

Nagsimula na ang pagdiriwang.Sa gitna ng silid, makulay ang mga ilaw. Ang mga ito ay parang mga perlas at diyamante. Sa sayawan, ang gwapong binata at ang kaniyang magandang kasama ay sumayaw nang elegante. Sa labas ng sayawan, uminom si Jay at nakipag-usap sa mga bisita. Ang paraan ng pag-inom niya ay matapang at walang pigil. Mukha rin siyang seksi at elegante. Ang buon niyang katawan ay naglalabas ng hangin ng isang marangyang prinsipe. Ang kahit na sinong makakita sa kaniya ay matutulala. ‘Di mabilang na mga tao ang nakapaligid sa kaniya. Lahat sila ay mayroong suot na mamahaling kasuotan at limited edition na mga alahas. Sila ay mukhang sobrang mayayaman.Si Rose ay nakaupo sa isang sulok. Siya ay mukhang tahimik. Sa kabila ng pagsubok niya na magtago sa dilim, masyadong maganda ang kasuotan niya ngayong araw. At saka, ang anyo niya ay kapansin-pansin sa gitna ng maraming tao. Siya ay nakasisilaw na parang isang liwanag sa dilim.Paminsan-minsan, ang mga lalaki ay lalapit sa kan
Magbasa pa

Kabanata 166

Binigyan ni Rose si Jenson ng isang ngiti na maliwanag at napapanatag na para bang sinasabi niya kay Jenson na, ‘’Wag kang mag-alala kay Mommy.’Ang kinakabahang ekspresyon ni Jenson ay bahagyang nawala.Biglang tumayo si Rose. Ang kaniyang mga mata ay kasing init ng araw. Nang may nagliliyab na mga mata, tumingin ang mga ito sa lahat ng mga lalaking naroon.Sa huli, ang kaniyang mga mata ay napatingin kay John.Siya ay bumwelo patungo kay John, nilagay ang mahaba niyang braso sa balikat ni John, at binulong, “Tito, samahan mo ako sumayaw at balang-araw, babayaran kita sa kabaitan mo.”Ang dahilan kung bakit niya pinili si John ay dahil kapag sinayaw niya ang isang lalaki na nanggaling sa Pamilya Ares ay saka lamang mawawala ang paninirang-puri at pang-aatake ng lahat sa kaniya.Hindi siya naglakas-loob na imbitahin si Jay. Kahit na maglakas-loob pa siya, siguradong pahihiyain lamang siya nito sa pamamagitan ng pagtanggi sa kaniya sa harap ng publiko.Sa lahat, kasama si Jay, ay natuli
Magbasa pa

Kabanata 167

Lumakad si Jay patungo kay Rose at nakakita ng ilang mararangyang binata sa paligid niya. Sila ay puno ng papuri kay Rose.“Hindi ka lang maganda Binibining Loyle, ang galing mo rin sumayaw. Ano’ng unibersidad kaya ang pinag-aralan mo? Isa sa mga nangungunang unibersidad sa bansa, ‘no?”Tumigil si Jay upang tumitig kay Rose nang may bahagyang kunot ng kilay. Sa kaniyang pagkakaalala, mababa ang degree na nakuha ni Rose—ito ay mula lamang sa isang ‘di kilalang mababang unibersidad.Ang lalaking nagtanong sa kaniya ay ang kapatid ni Nancy, si Gale Bell. Sinusubukan niyang pahiyain si Rose.Si Jay ay nag-aalinlangan kung tutulungan ba niya si Rose o hindi, ngunit si Rose ay ngumiti at kalmadong sumagot, “Narinig ko na si Young Master Bell ay isa ring estudyante na mayroong mababang mga grado sa high school, ah, binigyan pa ng sakit ng ulo ang mga guro. Gayunpaman, nagtungo si Young Master Bell sa ibang bansa upang magpagaling sa loob ng ilang taon at bumalik nang handa at masigla. Parehas
Magbasa pa

Kabanata 168

“Sino’ng pakipat? Ikaw ‘tong kusang lumalapit, ‘di ba?” Si Rose ay nagalit.“Gano’n ba? Paano noong nakalipas na anim na taon? Sino’ng nagkusang umakyat sa kama ko?” Ang kaaya-ayang boses ni Jay ay tumama sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang mainit at mabangong hininga, nagsasanhi kay Rose na ‘di mapakali.“Bata pa ako at inutil noon. Bulag ako. Ang puso ko ay nababalot ng mantika, at mayroong mali sa ‘kin. ‘Yon ang dahilan kung bakit ko ginawa ang pagkakamali na ‘yon. Kung makakabalik lang ako sa oras, hindi ko sana ginawa ‘yon. Siguro ay tataliwas ako sa daanan ko sa sandaling makita kita…” Nauutal na sinabi ni Rose.Nagyeyelo ang mga mata ni Jay. Itinuwid niya ang kaniyang matangkad na katawan at tumingin kay Rose sa panghahamak. “Tandaan mo ang sinabi mo sa ‘kin ngayong araw, at siguraduhin mong wala kang iisiping kung anu-ano tungkol sa ‘kin. Kung ‘di, pahihirapan ko ang buhay mo.”Yumuko si Rose at bumulong, “Hindi naman gumagaan ang pakiramdam ko sa sinabi mo.”“Mas magiging mab
Magbasa pa

Kabanata 169

Hinawakan ni Jay ang kamay ni Rose at naglakad patungo sa sentro ng sayawan.Ang kaninang maingay na silid ay biglang tumahimik. Ang atensyon ng lahat ay nasa sentro ng sayawan.Si Rose ay parang isang manika na minamanipula habang siya ay nanginginig at nakatingin kay Jay. Noong magsimula ang musika, siya ay ‘di gumagalaw at bahagyang gulat pa rin.Napakunot ang mga kilay ni Jay. Walang babala niyang hinila si Rose at nilagay ang kaniyang baywang sa tabi ng baywang ni Rose. Nagbabala siya nang mahina, “Rose, ayos lang sa ‘kin kung gusto mong ipahiya ang sarili mo, pero ‘wag mo ako isama, ha?”Si Rose ay mabilis na nagising. Si Jay ay isang sikat na tao. Ang bawat galaw at kilos ginagawa niya ay nasa ilalim ng pagsusuri ng publiko. Kung ipapahiya nila ang kanilang mga sarili, baka lumitaw siya sa balita sa loob ng maraming araw.Para sa isang lalaking tulad niya na kahit kailan ay hindi naubusan ng isang araw sa kaniyang buhay, hindi kaya magsasanhi sa kaniya ng milyon ang mapahiya?Si
Magbasa pa

Kabanata 170

Dahil doon ay mas nagalit si Jay!Bumalik si Rose sa kaniyang sulok. Ang kaniyang puso ay nagwawala, at hindi ito kumalma kahit pagkatapos ng mahabang oras.Kaya pa rin pala niyang makipag-balse kay Jay sa buhay na ‘to.Ang balse ay isang sayaw na kinakailangan sa mananayaw na umindak nang paulit-ulit mula sa simula hanggang sa dulo.Ang tadhana ba niya kay Jay ay kaparehas ng balse, paulit-ulit?Sa isa pang madilim na sulok, ang inggit sa mga mata ni Nancy ay parang isang malalim na dagat, tila walang apoy ang makikita.Siya ang tunay na kasintahan ni Jay, ngunit kinuha ni Rose ang pwesto niya noong araw na iyon. Kailangan niyang pagbayarin si Rose sa pagyayabang.Tumalikod si Nancy at naglaho sa isang tagong sulok.Pagkatapos ng ilang sandali.“Binibining Rose!” Nang bigla, isang mahinhin na boses ang umabala sa katahimikan ni Rose. Tumingin si Rose sa magandang babae na mukhang lumitaw sa harap niya. “May problema ba?”“Binibining Rose, mayroong gustong makita ka. Pakiusap ay sumama
Magbasa pa
PREV
1
...
1516171819
...
85
DMCA.com Protection Status