Lumakad si Jay patungo kay Rose at nakakita ng ilang mararangyang binata sa paligid niya. Sila ay puno ng papuri kay Rose.“Hindi ka lang maganda Binibining Loyle, ang galing mo rin sumayaw. Ano’ng unibersidad kaya ang pinag-aralan mo? Isa sa mga nangungunang unibersidad sa bansa, ‘no?”Tumigil si Jay upang tumitig kay Rose nang may bahagyang kunot ng kilay. Sa kaniyang pagkakaalala, mababa ang degree na nakuha ni Rose—ito ay mula lamang sa isang ‘di kilalang mababang unibersidad.Ang lalaking nagtanong sa kaniya ay ang kapatid ni Nancy, si Gale Bell. Sinusubukan niyang pahiyain si Rose.Si Jay ay nag-aalinlangan kung tutulungan ba niya si Rose o hindi, ngunit si Rose ay ngumiti at kalmadong sumagot, “Narinig ko na si Young Master Bell ay isa ring estudyante na mayroong mababang mga grado sa high school, ah, binigyan pa ng sakit ng ulo ang mga guro. Gayunpaman, nagtungo si Young Master Bell sa ibang bansa upang magpagaling sa loob ng ilang taon at bumalik nang handa at masigla. Parehas
“Sino’ng pakipat? Ikaw ‘tong kusang lumalapit, ‘di ba?” Si Rose ay nagalit.“Gano’n ba? Paano noong nakalipas na anim na taon? Sino’ng nagkusang umakyat sa kama ko?” Ang kaaya-ayang boses ni Jay ay tumama sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang mainit at mabangong hininga, nagsasanhi kay Rose na ‘di mapakali.“Bata pa ako at inutil noon. Bulag ako. Ang puso ko ay nababalot ng mantika, at mayroong mali sa ‘kin. ‘Yon ang dahilan kung bakit ko ginawa ang pagkakamali na ‘yon. Kung makakabalik lang ako sa oras, hindi ko sana ginawa ‘yon. Siguro ay tataliwas ako sa daanan ko sa sandaling makita kita…” Nauutal na sinabi ni Rose.Nagyeyelo ang mga mata ni Jay. Itinuwid niya ang kaniyang matangkad na katawan at tumingin kay Rose sa panghahamak. “Tandaan mo ang sinabi mo sa ‘kin ngayong araw, at siguraduhin mong wala kang iisiping kung anu-ano tungkol sa ‘kin. Kung ‘di, pahihirapan ko ang buhay mo.”Yumuko si Rose at bumulong, “Hindi naman gumagaan ang pakiramdam ko sa sinabi mo.”“Mas magiging mab
Hinawakan ni Jay ang kamay ni Rose at naglakad patungo sa sentro ng sayawan.Ang kaninang maingay na silid ay biglang tumahimik. Ang atensyon ng lahat ay nasa sentro ng sayawan.Si Rose ay parang isang manika na minamanipula habang siya ay nanginginig at nakatingin kay Jay. Noong magsimula ang musika, siya ay ‘di gumagalaw at bahagyang gulat pa rin.Napakunot ang mga kilay ni Jay. Walang babala niyang hinila si Rose at nilagay ang kaniyang baywang sa tabi ng baywang ni Rose. Nagbabala siya nang mahina, “Rose, ayos lang sa ‘kin kung gusto mong ipahiya ang sarili mo, pero ‘wag mo ako isama, ha?”Si Rose ay mabilis na nagising. Si Jay ay isang sikat na tao. Ang bawat galaw at kilos ginagawa niya ay nasa ilalim ng pagsusuri ng publiko. Kung ipapahiya nila ang kanilang mga sarili, baka lumitaw siya sa balita sa loob ng maraming araw.Para sa isang lalaking tulad niya na kahit kailan ay hindi naubusan ng isang araw sa kaniyang buhay, hindi kaya magsasanhi sa kaniya ng milyon ang mapahiya?Si
Dahil doon ay mas nagalit si Jay!Bumalik si Rose sa kaniyang sulok. Ang kaniyang puso ay nagwawala, at hindi ito kumalma kahit pagkatapos ng mahabang oras.Kaya pa rin pala niyang makipag-balse kay Jay sa buhay na ‘to.Ang balse ay isang sayaw na kinakailangan sa mananayaw na umindak nang paulit-ulit mula sa simula hanggang sa dulo.Ang tadhana ba niya kay Jay ay kaparehas ng balse, paulit-ulit?Sa isa pang madilim na sulok, ang inggit sa mga mata ni Nancy ay parang isang malalim na dagat, tila walang apoy ang makikita.Siya ang tunay na kasintahan ni Jay, ngunit kinuha ni Rose ang pwesto niya noong araw na iyon. Kailangan niyang pagbayarin si Rose sa pagyayabang.Tumalikod si Nancy at naglaho sa isang tagong sulok.Pagkatapos ng ilang sandali.“Binibining Rose!” Nang bigla, isang mahinhin na boses ang umabala sa katahimikan ni Rose. Tumingin si Rose sa magandang babae na mukhang lumitaw sa harap niya. “May problema ba?”“Binibining Rose, mayroong gustong makita ka. Pakiusap ay sumama
Nang buksan ni Sean ang malabo niyang mga mata, nakita niya ang puro at magandang si Rose. Nang-asar siya, “Magandang binibini, gusto mo ba akong matikman? Alam mo, sa antas ng kagandahan mo, hindi na talaga kailangan pang maghirap na patulugin ako. Paano kita mapapasaya kung mahina akong ganito? Kung ibibigay mo sa ‘kin ang gamot, sisiguraduhin ko sa ‘yo na mararanasan mo ang langit!”Ang mga mukha ng mga miyembro ng Pamilya Bell ay mukhang ‘di natutuwa. ‘Si Rose ang dating asawa ni Jay. Paano nagawa ni Sean na makipagkita sa kaniya?’‘Ganoon ba siya ka-desperado?’Si Jay ay umuusok sa galit. Kahit kailan ay hindi niya inilayo ang kaniyang tingin mula sa malaking screen. Siguro ay nahati na nang pino si Rose kung ang mga mata ni Jay ay mga kutsilyo.‘Sinubukan niyang gawin kay Sean ang ginawa niya sa ‘kin?’Tumingin si Rose kay Sean na para bang siya ay humahanga sa isang pambansang kayamanan. Pagkatapos ng ilang sandali, ngumisi ang mga labi ni Rose. “Napapansin ko na masyadong maram
“Kung gusto mong mamatay nang makatao, pwede kita tulungan.” Makulit na asar sa kaniya ni Rose.Si Sean ay lubos na walang masabi. “Pwede bang tigilan mo na ang masasama mong iniisip? Sinusubukan ko lang naman humingi sa ‘yo ng isang baso ng tubig.”Si Rose ay natahimik.Tumayo siya at nagbuhos ng tubig sa isang baso. Nang ibigay niya ito kay Sean, tinignan siya nang masama si Sean. “Nakatali ang mga kamay ko. Pwede bang painumin mo ako?”Inangat ni Rose ang kaniyang kamay upang iangat ang baba ni Sean at pinainom siya ng tubig.Sa sobrang pagkasamid ni Sean ay naluha siya. Sumigaw siya, “Babae ka ba talaga? Bakit ‘di ka magdahan-dahan?”Nainis si Rose. “Magpasalamat ka’t nakakainom ka pa ng tubig. ‘Wag ka nang mag-inarte pa.”Nagpatuloy si Rose na tanungin siya. “Isipin mong mabuti. Sino’ng nagpatulog sa ‘yo? Bakit ka niya sinusubukang saktan? Ang pinakakilalang babae sa Imperial Capital, kaya sigurado ako na hindi niya ako pinadala rito para tintahan ang reputasyon mo dahil gusto ka
Ipinahayag ni Jay ang kaniyang opinyon sa bagay na ito para sa Pamilya Ares. “Iimbestigahan ko ito, Ginoong Bell. Pinapangako ko sa ‘yong bibigyan kita ng paliwanag.”Naiinis siyang tumingin kay Rose at sinabi. “Ako na rin ang bahala kay Rose.”Ang pinuno ng Pamilya Bell ay sinabi, “Pakiusap, Master Ares! Bigyan mo lang siya ng isang maliit na kaparusahan bilang babala. Ayaw kong mayroong mamatay dito.” Wala na sila sa sandaling matapos siya magsalita.Nasisindak, sumigaw si Rose sa Pamilya Bell na paalis na, “Old Master Bell, handa akong tumanggap ng kahit anong parusa mula sa ‘yo.” ‘Luluhod ako. Magmamakaaraw ako, pakiusap ‘wag niyo lang akong iwan kay Jay, sa demonyo na ‘to!’Tumingin si Jay kay Rose at mahinang sinabi, “Sumama ka sa ‘kin.”Niyakap nang mahigpit ni Rose ang kahoy na poste na may istilong galing Europa sa tabi niya na para bang sinusubukan niyang isiksik ang sarili niya rito at maging parte nito.Pagkatapos umabante ng ilang hakbang, tumalikod si Jay upang makita si
Ang isipan ni Rose ay gulong-gulo. Hindi siya makapag-isip nang kalmado at maayos kapag siya ay nasa harap ni Ginoong Ares. Nagsimula siyang magsalita nang nauutal-utal, “Ang mukha niya, ilong, at bibig ay mas malaki pa sa ‘yo, Ginoong Ares..” Ang mukha ni Jay ay kasing laki ng isang palad, parang isang obra-maestra na ginawa ng kalangitan. Ito ay tiyak na isang pangkaraniwang tao.Dahil hindi na siya makapagtiis, tumayo si Jay sa kaniyang upuan, hinihimok si Rose sa pamamagitan ng pagkurba ng kaniyang mga daliri.Dali-daling lumapit si Rose. Biglang kinurot ni Jay ang bibig niya gamit ang kaniyang parang plier na mga kamay at ang kaniyang kamay ay kinuha ang goma na tape sa tabi niya. Tinakpan niya nang ganap ang bibig ni Rose.“Dahil wala kang kakayahan na ipahayag ang sarili mo, gamitin mo na lang siguro ang kamay mo!” Sinabi niya sa isang nangingibabaw, marahas, at walang awang paraan.“Mm… Mmm…” Tumingin nang masama si Rose kay Jay habang minumura siya nang hindi maayos. “Jay, g*g