Dahil doon ay mas nagalit si Jay!Bumalik si Rose sa kaniyang sulok. Ang kaniyang puso ay nagwawala, at hindi ito kumalma kahit pagkatapos ng mahabang oras.Kaya pa rin pala niyang makipag-balse kay Jay sa buhay na ‘to.Ang balse ay isang sayaw na kinakailangan sa mananayaw na umindak nang paulit-ulit mula sa simula hanggang sa dulo.Ang tadhana ba niya kay Jay ay kaparehas ng balse, paulit-ulit?Sa isa pang madilim na sulok, ang inggit sa mga mata ni Nancy ay parang isang malalim na dagat, tila walang apoy ang makikita.Siya ang tunay na kasintahan ni Jay, ngunit kinuha ni Rose ang pwesto niya noong araw na iyon. Kailangan niyang pagbayarin si Rose sa pagyayabang.Tumalikod si Nancy at naglaho sa isang tagong sulok.Pagkatapos ng ilang sandali.“Binibining Rose!” Nang bigla, isang mahinhin na boses ang umabala sa katahimikan ni Rose. Tumingin si Rose sa magandang babae na mukhang lumitaw sa harap niya. “May problema ba?”“Binibining Rose, mayroong gustong makita ka. Pakiusap ay sumama
Nang buksan ni Sean ang malabo niyang mga mata, nakita niya ang puro at magandang si Rose. Nang-asar siya, “Magandang binibini, gusto mo ba akong matikman? Alam mo, sa antas ng kagandahan mo, hindi na talaga kailangan pang maghirap na patulugin ako. Paano kita mapapasaya kung mahina akong ganito? Kung ibibigay mo sa ‘kin ang gamot, sisiguraduhin ko sa ‘yo na mararanasan mo ang langit!”Ang mga mukha ng mga miyembro ng Pamilya Bell ay mukhang ‘di natutuwa. ‘Si Rose ang dating asawa ni Jay. Paano nagawa ni Sean na makipagkita sa kaniya?’‘Ganoon ba siya ka-desperado?’Si Jay ay umuusok sa galit. Kahit kailan ay hindi niya inilayo ang kaniyang tingin mula sa malaking screen. Siguro ay nahati na nang pino si Rose kung ang mga mata ni Jay ay mga kutsilyo.‘Sinubukan niyang gawin kay Sean ang ginawa niya sa ‘kin?’Tumingin si Rose kay Sean na para bang siya ay humahanga sa isang pambansang kayamanan. Pagkatapos ng ilang sandali, ngumisi ang mga labi ni Rose. “Napapansin ko na masyadong maram
“Kung gusto mong mamatay nang makatao, pwede kita tulungan.” Makulit na asar sa kaniya ni Rose.Si Sean ay lubos na walang masabi. “Pwede bang tigilan mo na ang masasama mong iniisip? Sinusubukan ko lang naman humingi sa ‘yo ng isang baso ng tubig.”Si Rose ay natahimik.Tumayo siya at nagbuhos ng tubig sa isang baso. Nang ibigay niya ito kay Sean, tinignan siya nang masama si Sean. “Nakatali ang mga kamay ko. Pwede bang painumin mo ako?”Inangat ni Rose ang kaniyang kamay upang iangat ang baba ni Sean at pinainom siya ng tubig.Sa sobrang pagkasamid ni Sean ay naluha siya. Sumigaw siya, “Babae ka ba talaga? Bakit ‘di ka magdahan-dahan?”Nainis si Rose. “Magpasalamat ka’t nakakainom ka pa ng tubig. ‘Wag ka nang mag-inarte pa.”Nagpatuloy si Rose na tanungin siya. “Isipin mong mabuti. Sino’ng nagpatulog sa ‘yo? Bakit ka niya sinusubukang saktan? Ang pinakakilalang babae sa Imperial Capital, kaya sigurado ako na hindi niya ako pinadala rito para tintahan ang reputasyon mo dahil gusto ka
Ipinahayag ni Jay ang kaniyang opinyon sa bagay na ito para sa Pamilya Ares. “Iimbestigahan ko ito, Ginoong Bell. Pinapangako ko sa ‘yong bibigyan kita ng paliwanag.”Naiinis siyang tumingin kay Rose at sinabi. “Ako na rin ang bahala kay Rose.”Ang pinuno ng Pamilya Bell ay sinabi, “Pakiusap, Master Ares! Bigyan mo lang siya ng isang maliit na kaparusahan bilang babala. Ayaw kong mayroong mamatay dito.” Wala na sila sa sandaling matapos siya magsalita.Nasisindak, sumigaw si Rose sa Pamilya Bell na paalis na, “Old Master Bell, handa akong tumanggap ng kahit anong parusa mula sa ‘yo.” ‘Luluhod ako. Magmamakaaraw ako, pakiusap ‘wag niyo lang akong iwan kay Jay, sa demonyo na ‘to!’Tumingin si Jay kay Rose at mahinang sinabi, “Sumama ka sa ‘kin.”Niyakap nang mahigpit ni Rose ang kahoy na poste na may istilong galing Europa sa tabi niya na para bang sinusubukan niyang isiksik ang sarili niya rito at maging parte nito.Pagkatapos umabante ng ilang hakbang, tumalikod si Jay upang makita si
Ang isipan ni Rose ay gulong-gulo. Hindi siya makapag-isip nang kalmado at maayos kapag siya ay nasa harap ni Ginoong Ares. Nagsimula siyang magsalita nang nauutal-utal, “Ang mukha niya, ilong, at bibig ay mas malaki pa sa ‘yo, Ginoong Ares..” Ang mukha ni Jay ay kasing laki ng isang palad, parang isang obra-maestra na ginawa ng kalangitan. Ito ay tiyak na isang pangkaraniwang tao.Dahil hindi na siya makapagtiis, tumayo si Jay sa kaniyang upuan, hinihimok si Rose sa pamamagitan ng pagkurba ng kaniyang mga daliri.Dali-daling lumapit si Rose. Biglang kinurot ni Jay ang bibig niya gamit ang kaniyang parang plier na mga kamay at ang kaniyang kamay ay kinuha ang goma na tape sa tabi niya. Tinakpan niya nang ganap ang bibig ni Rose.“Dahil wala kang kakayahan na ipahayag ang sarili mo, gamitin mo na lang siguro ang kamay mo!” Sinabi niya sa isang nangingibabaw, marahas, at walang awang paraan.“Mm… Mmm…” Tumingin nang masama si Rose kay Jay habang minumura siya nang hindi maayos. “Jay, g*g
Si Jay ay napilitang tumingin sa larawan...Maliban sa kaniyang mahusay na pagguhit, walang kahit isang kahusayan sa kaniyang ginuhit. Kapag titingnan sa malayo, ang mukha ng taong ginuhit niya ay parang obra-maestra ng Diyos, pero kapag tiningnang mabuti, ang resulta ay parang kagagawan ng isang aksidente sa kotse.Ito ay hindi pinakita ang pamantayan ni Angeline.Umiling si Jay, pinipigilan ang lahat ng mga komplikadong laman ng kaniyang isipan.Kalokohan. Paanong ang isang pangit at walang hiyang babae tulad ni Rose ay magiging ang perpekto at magandang Angeline na tinuruan niya?Kahit ang propesyonal na mga estudyante sa sining ay mahihiya kapag nakita nila ang pagguhit ni Angeline.Nang tingnan niyang muli ang guhit ni Rose ngayon, ito ay para bang sinusubukan niyang gumuhit ng isang lumilipad na agila habang nakalabas ang mga pakpak nito ngunit sa huli ay nakaguhit ng isang sisiw na tumutuka ng bigas.Naisip ni Jay na siguro ay nauntog siya o nabulag, o siguro ay masyado niyang n
Sinubukan ni Zetty ang kaniyang makakaya na maging mabait sa kaniyang Daddy nitong nakaraang ilang araw, ngunit mukhang hindi pa rin siya gusto ni Daddy.Noong pumasok si Jay sa bahay nang karga-karga si Robbie, si Rose ay ‘di mapakali na nakaupo sa sofa, naghihintay para sa mga bata. Nang makita niya si Jay na karga-karga ang natutulog na si Robbie sa kaniyang mga braso habang hawak-hawak naman ni Jenson ang kamay ng inaantok na si Zetty, lumubog nang bahagya ang puso ni Rose.Si Jay ay kilala sa pagiging mapagmataas, ngunit nang makita niya kung paano siya nagpapakita ng magkakaibang trato sa mga bata, sumama ang tingin niya kay Jay.“Mommy.” Nang makita ni Zetty ang kaniyang mommy, kaawa-awa niyang niyakap ang mga braso ng kaniyang mommy.Malambing na hinimas ni Rose ang ulo ni Zetty. Ang boses ni Zetty ay mayroong bakas ng paghikbi na halos mahirap mapansin. Siya ay malinaw na nasaktan sa ‘di patas na pagtrato ng kaniyang Daddy.Binuhat ni Rose si Zetty, hinawakan ang kamay ni Jens
Matagumpay na pinasakit ni Jay ang kaniyang tiyan sa kalagitnaan ng gabi.Sa sobrang sakit ng tiyan niya ay imposible sa kaniya ang makatulog. Wala siyang ibang magawa kung ‘di ang bumaba upang maghanap ng kaniyang gamot. Sa huli ay natumba siya sa hagdan, nagsasanhi kay Rose na magising sa pagkagulat nang marinig niya ang malakas na tunog.Naglakad palabas si Rose nang may coat na nakabalot sa kaniyang mga balikat. Noong makita niya si Jay na nakaupo sa hagdan at hawak-hawak ang kaniyang tiyan, alam niya agad na ang tiyan nito ay sumasakit.Dali-dali siyang lumapit at sinubukang dalhin si Jay pabalik sa kaniyang silid, ngunit si Jay ay masyadong matangkad at walang lakas upang suportahan ang kaniyang sarili sa sandaling iyon. Hindi siya magawang galawin ni Rose.Walang ibang magawa si Rose kung ‘di ang tumakbo sa baba. Pagkatapos makita ang gamit ni Jay, kumuha siya ng isang baso ng maligamgam na tubig at bumalik sa tabi ni Jay. Pinainom niya kay Jay nang personal ang gamot.“Ano’ng k