Matagumpay na pinasakit ni Jay ang kaniyang tiyan sa kalagitnaan ng gabi.Sa sobrang sakit ng tiyan niya ay imposible sa kaniya ang makatulog. Wala siyang ibang magawa kung ‘di ang bumaba upang maghanap ng kaniyang gamot. Sa huli ay natumba siya sa hagdan, nagsasanhi kay Rose na magising sa pagkagulat nang marinig niya ang malakas na tunog.Naglakad palabas si Rose nang may coat na nakabalot sa kaniyang mga balikat. Noong makita niya si Jay na nakaupo sa hagdan at hawak-hawak ang kaniyang tiyan, alam niya agad na ang tiyan nito ay sumasakit.Dali-dali siyang lumapit at sinubukang dalhin si Jay pabalik sa kaniyang silid, ngunit si Jay ay masyadong matangkad at walang lakas upang suportahan ang kaniyang sarili sa sandaling iyon. Hindi siya magawang galawin ni Rose.Walang ibang magawa si Rose kung ‘di ang tumakbo sa baba. Pagkatapos makita ang gamit ni Jay, kumuha siya ng isang baso ng maligamgam na tubig at bumalik sa tabi ni Jay. Pinainom niya kay Jay nang personal ang gamot.“Ano’ng k
Kung si Angeline ito, hindi siya magigising kapag tumunog ang alarm clock kung nagpuyat siya sa nakaraang gabi.“Pupuntahan ko at tatawagin si Mommy.” Nag-aalala na ang kaniyang Mommy ay gising na ngunit nakahiga pa rin at tuturuan ito ng kaniyang Daddy ng leksyon kapag nalaman niya, ang matalinong si Jenson ay napagdesisyunan na umakyat upang tawagin ang kaniyang Mommy bago pa man ito pahirapan ng kaniyang Daddy.“Hayaan mo siyang matulog, Jens!”Tumalikod si Jenson at humahangang tumingin sa maawain niyang daddy.“Daddy, mukhang hindi ka na galit kay Mommy, ah!” Sigaw ni Jenson pagkatapos ng mahabang oras, hindi magawang maitago ang kaniyang pananabik.Dinala ni Jay palabas ang bagel na ginawa niya. Tumingin si Jenson sa bagel at nagtanong, “Daddy, nagluto ka talaga ng almusal?”Akala ni Jenson ay kakaiba ang kinikilos ng kaniyang Daddy ngayong araw.Napakunot ang mga kilay ni Jay dahil kay Jenson. “Ang dami mong sinasabi ngayong araw.”Dahil siya ay nakatanggap ng malakas na atake,
Binalaan ni Jay si Jenson sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng matigas na tingin. Ang batang ito ay nabubuhay dahil sa kaniya habang tinutulungan nang patago ang iba. Nangako si Jenson na hindi makikialam sa kaniyang mga ka-relasyon, kaya bakit siya kumakampi kay Robbie laban sa kaniya ngayon?Tinutusok-tusok ni Rose ang kaniyang bagel nang nakayuko, nagpapanggap na hindi naririnig ang kaniyang anak na subukang himukin si Jay na ligawan siya.Alam niya kahit na hindi siya tumingin na madilim na madilim siguro ang mukha ni Jay ngayon.“Rose…” Ang mahinang boses ni Jay ay maririnig na parang isang banayad na baybayin.Ang kamay ni Rose na nakahawak sa bagel ay bumagsak sa mesa. Napakunot ang mga kilay ni Jay. Ganito ba katakot si Rose sa kaniya?“Ano’ng galit ang mayroon ka kay Stephanie Stevens?” Hindi pa nawawalan ng pasensya si Jay kahit ilang beses na nagkamali si Rose. Sa halip, binago niya ang usapan at tinanong si Rose sa isang lubos na matatag na tono.Binaba ni Rose ang kan
Noong magtungo si Jay sa Grand Asia, si Grayson ay mayroong hawak na isang makapal na papeles habang hinihintay si Jay sa president’s office.“Ipakita mo sa ‘kin,” masigasig na utos ni Jay sa sandaling siya ay umupo.Humakbang palapit si Grayson ang binuhos ang lahat ng nilalaman ng mga papeles.Magkakapatong-patong ang mga larawan.Ilang mga sulat.Mga larawan.Ilang mga CD!Nang makita ni Jay ang malikhain na larawan ng kulay kayumangging rosas, ang malinaw at nagniningning niyang mga mata ay biglang namula.Ito ay larawan na pininta ni Angeline. Si Angeline ay mayroong gusto sa kaniya at palagi siyang pinapadalahan ng mga rosas. Kalaunan, natuklasan ni Angeline na palaging nalalanta ang mga rosas, kaya nagsimula na lamang siyang magpinta ng mga rosas para kay Jay. Ang may kayumangging tono ay ang paborito tono ni Jay, kaya may binago si Angeline at pinalitan ang pulang kulay ng pulang mga rosas. “Inutos ko sa inyo na magsagawa ng background check kay Rose, hindi ba?” Tanong ni Jay
Si Angeline ay mayroong hindi maintindihan na aura. Ang kaniyang mga mata at kilay ay dala-dala ang kaligayahan ng isang babae na masaya na noong bata pa lamang. Mayroon ding mapagmataas, may kumpiyansa, at pambihirang aura na lumalabas mula sa kaniya bilang isang kilalang iskolar.Ito man ang espesyal na kombinasyon ng lakas at kagiliwan na nakaukit sa kaniyang puso o ang kaniyang pambihira at purong aura, siya ay masyadong bukod-tangi sa iba.Si Rose naman, sa kabilang banda, ay mayroong kasuotan na may iba’t ibang kulay na magkakasama. Siya ay mukhang lubos na nalulungkot dahil sa mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mukha. Siya ay malinaw na mayroong magandang itsura at kaaya-ayang katawan, ngunit ang bawat kagandahan na mayroon siya ay mukhang pag-aaksaya lamang ng kagalingan ng Diyos.Nagtagmpay siya sa pagtatago ng kaniyang mataas na kalidad at pinapakita ang hindi maayos na bahagi ng kaniyang sarili bilang isang probinsyana.Pitong taon na ang nakalilipas, sina Angeline at Rose
Langit lamang ang nakakaalam kung gaano karaming oras at enerhiya ang ginugol niya kay Angeline. Simula pa noong si Angeline ay sampung taong gulang pa lamang, sinusubukan na ni Jay na sanayin si Angeline na maging isang taong may kaparehas niyang pag-iisip. Tinulungan niya ito na malinang ang kaniyang mga gawain at sinubukan ang kaniyang makakaya na samahan siya lagi. Siya ang nag-iisang babae na kayang magkaroon ng malapit na pisikal na relasyon sa kaniya.Dahil siya ay masyadong bata pa, palaging pinipigilan ni Jay ang kaniyang nararamdaman para si Angeline ay mabuhay ng isang puro at inosenteng buhay tulad ng ibang ordinaryong mga babae.Kung alam lang ni Jay na aalis si Angeline nang ganoon kabilis, hindi na siguro siya nagpigil at pinakita na ang kaniyang nararamdaman sa unang araw na si Angeline ay nasa hustong gulang na.Tumingin si Grayson kay Ginoong Ares na mayroong namumulang mga mata. Ilang taon na niyang kasama si Ginoong Ares at alam na si Angeline ay isang pinagbabawal
Sa tuwing ginuguhit ni Angeline ang larawan ni Jay, ito ay lubos na makatotohanan.Sa mata ng iba, siguro nga ay dakila at hindi malalapitan si Jay—Isang nakatatakot at mala-demonyo na presidente. Sa mga mata naman ni Angeline, gayunpaman, si Jay ay isa lamang malaking bata.Sa kaniyang mga guhit, si Jay ay palaging mayroong suot na pambatang puting t-shirt, isang platinum na kwintas na mayroong four-leaf clover na pampaswerte, at isang Nike na sapatos. Ang kaniyang buhok ay sumasabay sa hangin habang ang kaniyang mga mata ay malilinaw—isang malaking bata na mayroong maliwanag na itsura.Hinawakan ni Jay ang huling guhit ni Angeline at napagtanto niya kung gaano kahalaga ang larawan na ito.Nagsisisi siya sa pagiging mahina dati, sa hindi pagkakaroon ng lakas na harapin ang kamatayan ni Angeline. Magaan siguro sa pakiramdam kung nakita na niya ang mga bagay na ito dati at napagtanto kung gaano umaasa si Angeline sa kaniya.Maiisip ng iba na ang mga sugat ay matutuyo at unti-unting gaga
Nilagay ni Rose ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib. Ang bawat bata ay ang kayamanan ng bawat magulang. Ang sinumang magulang ay mawawasak ang puso kapag nakita nilang nabugbog ang kanilang anak. Ilang beses na niyang pinagsabihan ang makulit na si Robbie, hinihiling sa kaniya na ‘wag kawawain ang mahina dahil lamang siya ay malakas. Lumagpas na talaga siya sa linya ngayon?Nang matapos magsalita ang guro, hindi niya hinusgahan si Rose ngunit sinabi lamang sa isang lubos na matigas na paraan, “Binibining Loyle, sana ay maharap mo nang maayos ang problema ng mga anak mo at tulungan kami na maayos ang kanilang mga pagkakamali.”“Walang problema sa ‘kin.” Sagot ni Rose.Nakangiting umalis ang guro ng homeroom. Tumingin si Rose sa dalawang bata na ang maliliit na mga ulo ay nakayuko na para bang mababaon na sila sa lupa. Naroon din ang lubos na nag-aalalang si Zetty.“Tumingala kayo!” Inangat ni Rose ang kaniyang mga kamay, inaangat ang kanilang mga baba sa bawat kamay.Pagkatapos no’n a
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto