Noong magtungo si Jay sa Grand Asia, si Grayson ay mayroong hawak na isang makapal na papeles habang hinihintay si Jay sa president’s office.“Ipakita mo sa ‘kin,” masigasig na utos ni Jay sa sandaling siya ay umupo.Humakbang palapit si Grayson ang binuhos ang lahat ng nilalaman ng mga papeles.Magkakapatong-patong ang mga larawan.Ilang mga sulat.Mga larawan.Ilang mga CD!Nang makita ni Jay ang malikhain na larawan ng kulay kayumangging rosas, ang malinaw at nagniningning niyang mga mata ay biglang namula.Ito ay larawan na pininta ni Angeline. Si Angeline ay mayroong gusto sa kaniya at palagi siyang pinapadalahan ng mga rosas. Kalaunan, natuklasan ni Angeline na palaging nalalanta ang mga rosas, kaya nagsimula na lamang siyang magpinta ng mga rosas para kay Jay. Ang may kayumangging tono ay ang paborito tono ni Jay, kaya may binago si Angeline at pinalitan ang pulang kulay ng pulang mga rosas. “Inutos ko sa inyo na magsagawa ng background check kay Rose, hindi ba?” Tanong ni Jay
Si Angeline ay mayroong hindi maintindihan na aura. Ang kaniyang mga mata at kilay ay dala-dala ang kaligayahan ng isang babae na masaya na noong bata pa lamang. Mayroon ding mapagmataas, may kumpiyansa, at pambihirang aura na lumalabas mula sa kaniya bilang isang kilalang iskolar.Ito man ang espesyal na kombinasyon ng lakas at kagiliwan na nakaukit sa kaniyang puso o ang kaniyang pambihira at purong aura, siya ay masyadong bukod-tangi sa iba.Si Rose naman, sa kabilang banda, ay mayroong kasuotan na may iba’t ibang kulay na magkakasama. Siya ay mukhang lubos na nalulungkot dahil sa mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mukha. Siya ay malinaw na mayroong magandang itsura at kaaya-ayang katawan, ngunit ang bawat kagandahan na mayroon siya ay mukhang pag-aaksaya lamang ng kagalingan ng Diyos.Nagtagmpay siya sa pagtatago ng kaniyang mataas na kalidad at pinapakita ang hindi maayos na bahagi ng kaniyang sarili bilang isang probinsyana.Pitong taon na ang nakalilipas, sina Angeline at Rose
Langit lamang ang nakakaalam kung gaano karaming oras at enerhiya ang ginugol niya kay Angeline. Simula pa noong si Angeline ay sampung taong gulang pa lamang, sinusubukan na ni Jay na sanayin si Angeline na maging isang taong may kaparehas niyang pag-iisip. Tinulungan niya ito na malinang ang kaniyang mga gawain at sinubukan ang kaniyang makakaya na samahan siya lagi. Siya ang nag-iisang babae na kayang magkaroon ng malapit na pisikal na relasyon sa kaniya.Dahil siya ay masyadong bata pa, palaging pinipigilan ni Jay ang kaniyang nararamdaman para si Angeline ay mabuhay ng isang puro at inosenteng buhay tulad ng ibang ordinaryong mga babae.Kung alam lang ni Jay na aalis si Angeline nang ganoon kabilis, hindi na siguro siya nagpigil at pinakita na ang kaniyang nararamdaman sa unang araw na si Angeline ay nasa hustong gulang na.Tumingin si Grayson kay Ginoong Ares na mayroong namumulang mga mata. Ilang taon na niyang kasama si Ginoong Ares at alam na si Angeline ay isang pinagbabawal
Sa tuwing ginuguhit ni Angeline ang larawan ni Jay, ito ay lubos na makatotohanan.Sa mata ng iba, siguro nga ay dakila at hindi malalapitan si Jay—Isang nakatatakot at mala-demonyo na presidente. Sa mga mata naman ni Angeline, gayunpaman, si Jay ay isa lamang malaking bata.Sa kaniyang mga guhit, si Jay ay palaging mayroong suot na pambatang puting t-shirt, isang platinum na kwintas na mayroong four-leaf clover na pampaswerte, at isang Nike na sapatos. Ang kaniyang buhok ay sumasabay sa hangin habang ang kaniyang mga mata ay malilinaw—isang malaking bata na mayroong maliwanag na itsura.Hinawakan ni Jay ang huling guhit ni Angeline at napagtanto niya kung gaano kahalaga ang larawan na ito.Nagsisisi siya sa pagiging mahina dati, sa hindi pagkakaroon ng lakas na harapin ang kamatayan ni Angeline. Magaan siguro sa pakiramdam kung nakita na niya ang mga bagay na ito dati at napagtanto kung gaano umaasa si Angeline sa kaniya.Maiisip ng iba na ang mga sugat ay matutuyo at unti-unting gaga
Nilagay ni Rose ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib. Ang bawat bata ay ang kayamanan ng bawat magulang. Ang sinumang magulang ay mawawasak ang puso kapag nakita nilang nabugbog ang kanilang anak. Ilang beses na niyang pinagsabihan ang makulit na si Robbie, hinihiling sa kaniya na ‘wag kawawain ang mahina dahil lamang siya ay malakas. Lumagpas na talaga siya sa linya ngayon?Nang matapos magsalita ang guro, hindi niya hinusgahan si Rose ngunit sinabi lamang sa isang lubos na matigas na paraan, “Binibining Loyle, sana ay maharap mo nang maayos ang problema ng mga anak mo at tulungan kami na maayos ang kanilang mga pagkakamali.”“Walang problema sa ‘kin.” Sagot ni Rose.Nakangiting umalis ang guro ng homeroom. Tumingin si Rose sa dalawang bata na ang maliliit na mga ulo ay nakayuko na para bang mababaon na sila sa lupa. Naroon din ang lubos na nag-aalalang si Zetty.“Tumingala kayo!” Inangat ni Rose ang kaniyang mga kamay, inaangat ang kanilang mga baba sa bawat kamay.Pagkatapos no’n a
“Dapat may pagkakaiba ang mga lalaki at babae, Mommy. ‘Wag mo na paluin ang pwet ko, pakiusap. Tatawanan ako ng iba kapag nalaman nila.” Dali-daling nagtungo si Robbie sa kabilang dulo ng mahabang mesa. Umikot-ikot siya para iwasan ang kaniyang Mommy habang sinusubukan na kumbinsihin siya.Pagkatapos umikot nang ilang beses, masyadong napagod si Rose para magpatuloy. Nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang baywang, hinihingal. “Ikaw bata ka. Ang laki mo na, ha? Natutunan mo nang dapat may pagkakaiba sa pagitan ng lalaki at babae, ha? Sige, ililigtas ko na ang dignidad mo at hindi papaluin ang pwet mo… Hindi ako naniniwala na hindi ka magtitino kahit na hindi kita mahawakan. Maghahanap ka ako ng pamalo para maturuan ka ng leksyon…”Nagsimulang maghanap si Rose ng mga patpat at katulad noon sa bahay. Dahil siya ay isang matalinong makulit, umiyak si Robbie para makuha ang awa ng kaniyang Mommy.Noong makita ni Jenson si Robbie na umiiyak sa isang lubos na nakakasindak na paraan,
“Sino’ng nagturo sa ‘yo ng kasabihan tungkol sa pagkain at pagsira ng mga baboy sa repolyo?”“Si Tita Josephine.”Walang masabi si Rose. Mukhang kailangan nilang mag-usap ni Josephine.Ang kaniyang mga mata ay lumipat sa ‘di mapakaling si Jenson. “Ikaw naman, Jens? Bakit ka nagsabi ng mga bastos na salita tulad ng ‘may sakit sa utak’ sa guro?”Kinagat ni Jenson ang kaniyang labi at nanatiling tahimik.Magkaiba ang trato ni Rose sa kaniyang mga anak. Simula noong magsimulang magsanay si Robbie ng Taekwondo, siya ay nakaranas na ng ‘di mabilang na pagsasanay at ngayon ay mayroon na siyang balat na kasing kapal ng isang oso. Kaya niyang paluin nang ilang beses si Robbie at kiliti lamang ang mararamdaman nito.Sa kabilang banda, si Jens ay lumaki sa Pamilya Ares nang sinusunod nang mabuti ang kaniyang mga pangangailangan. Kasama ang kaniyang mild autism, si Rose ay magiliw sa kaniya.“Jens, hindi ka bubugbugin o pagagalitan ni Mommy. Gusto lang malaman ni Mommy kung bakit mo sinabi ang mas
Habang nakikinig si Rose sa nakawawasak-puso na akusasyon ni Zetty kay Jay, siya ay nagsimulang makaramdam ng hindi kasiguraduhan at hindi mapakali.Simula noong lumipat si Zetty sa Horizon Colors, tinatrato na siya ni Jay na parang isang taga-labas. Ang malamig at walang pakiramdam na si Jay ay tinatrato si Zetty nang walang bahala, at ito ay nagsanhi kay Zetty na maramdaman na para bang siya ay nabubuhay na parang isang linta.Si Zetty ay nagiging mas tahimik nitong mga nakaraan at mas nagiging bihira ang pagngiti, na siyang hindi isang magandang senyales. Natatakot si Rose na magsisimula si Zetty na ilayo ang kaniyang sarili at maging walang imik tulad ni Jens kapag nagpatuloy siya mabuhay sa isang kapaligiran kung saan patuloy niyang pinipigilan ang kaniyang sarili.Hindi alam ni Rose kung paano pakalmahin si Zetty dahil wala siyang control sa pag-uugali ni Jay para kay Zetty. Ang magagawa niya lamang ay pigain ang kaniyang isip para maka-isip ng isang solusyon.Bumalik si Jay noon