“Sino’ng nagturo sa ‘yo ng kasabihan tungkol sa pagkain at pagsira ng mga baboy sa repolyo?”“Si Tita Josephine.”Walang masabi si Rose. Mukhang kailangan nilang mag-usap ni Josephine.Ang kaniyang mga mata ay lumipat sa ‘di mapakaling si Jenson. “Ikaw naman, Jens? Bakit ka nagsabi ng mga bastos na salita tulad ng ‘may sakit sa utak’ sa guro?”Kinagat ni Jenson ang kaniyang labi at nanatiling tahimik.Magkaiba ang trato ni Rose sa kaniyang mga anak. Simula noong magsimulang magsanay si Robbie ng Taekwondo, siya ay nakaranas na ng ‘di mabilang na pagsasanay at ngayon ay mayroon na siyang balat na kasing kapal ng isang oso. Kaya niyang paluin nang ilang beses si Robbie at kiliti lamang ang mararamdaman nito.Sa kabilang banda, si Jens ay lumaki sa Pamilya Ares nang sinusunod nang mabuti ang kaniyang mga pangangailangan. Kasama ang kaniyang mild autism, si Rose ay magiliw sa kaniya.“Jens, hindi ka bubugbugin o pagagalitan ni Mommy. Gusto lang malaman ni Mommy kung bakit mo sinabi ang mas
Habang nakikinig si Rose sa nakawawasak-puso na akusasyon ni Zetty kay Jay, siya ay nagsimulang makaramdam ng hindi kasiguraduhan at hindi mapakali.Simula noong lumipat si Zetty sa Horizon Colors, tinatrato na siya ni Jay na parang isang taga-labas. Ang malamig at walang pakiramdam na si Jay ay tinatrato si Zetty nang walang bahala, at ito ay nagsanhi kay Zetty na maramdaman na para bang siya ay nabubuhay na parang isang linta.Si Zetty ay nagiging mas tahimik nitong mga nakaraan at mas nagiging bihira ang pagngiti, na siyang hindi isang magandang senyales. Natatakot si Rose na magsisimula si Zetty na ilayo ang kaniyang sarili at maging walang imik tulad ni Jens kapag nagpatuloy siya mabuhay sa isang kapaligiran kung saan patuloy niyang pinipigilan ang kaniyang sarili.Hindi alam ni Rose kung paano pakalmahin si Zetty dahil wala siyang control sa pag-uugali ni Jay para kay Zetty. Ang magagawa niya lamang ay pigain ang kaniyang isip para maka-isip ng isang solusyon.Bumalik si Jay noon
“Tama nga ako, may nararamdaman ka nga sa ‘kin dati.”Sinabi ni Rose, “Ginoong Ares, palagi kang nasa TV at nagbibigay ng nakakaakit na tingin sa mga babae. Ang bilang ng mga babae na mayroong nararamdaman sa ‘yo ay sapat na para bumuo ng isang buong bilog na nakapalibot sa mundo. Normal na normal lang para sa ‘kin na magkaroon ng nararamdaman sa ‘yo dati kasi hindi ko matiis ang alindog mo!”Matagal nang tinatanong ni Jay si Rose at ang lahat ng mga sagot na natatanggap niya mula rito ay palaging hindi nakokontra. Binitawan niya ang mga balikat ni Rose sa inis at bumalik sa sofa.“Ginoong Ares!”“Umalis ka na lang!”Hindi alam ni Rose kung ano’ng mali kay Jay ngayong araw dahil hindi niya magawang maintindihan ang mga bagay na sinabi nito ngayong araw. Natatakot na pahihirapan na naman siya nito, uminom siya ng isang baso ng tubig at tumakas.Sa sandaling umakyat siya ng hagdan, napansin niya na si Jay ay nahimatay sa sofa.“Ayos ka lang ba, Ginoong Ares?” Dahil siya ay nag-aalala pa
Sa ilalim ng patuloy na panghihimok ni Josephine, pangungulit, at panloloko, hindi na nagpumilit si Rose at nagmadaling nagtungo sa ospital.Sa kabutihang palad, ang mga indicator ng blood test na ginawa ng doktor kay Jay ay maganda naman, kaya siya ay pinasok sa general ward. Noong pumasok si Rose sa silid, siya ay binati ng seryosong tingin ni Jay at isang ‘di natutuwang aura na lumalabas mula sa kaniya.Sa kama ng ospital sa tabi ni Jay ay isang dalagang pasente na nakatitig kay Jay na parang isang tangang natamaan ng pana ni kupido.Sa sandaling pumasok si Rose, si Jay ay nagalit at tinanong siya. “Bakit mo ako pinasok sa isang general ward?”Nang makita na si Jay ay isang pasyente, kasama ang mga salita ni Josephine kanina tungkol sa pagkaranas ng mga problema ng kaniyang kumpanya, na siyang pinipilit siya na makisalamuha kahit na siya ay hindi magaling uminom… Naawa si Rose kay Jay nang taos puso at pinagaan ang pakiramdam ni Jay sa isang mabuting paraan. “Hindi ako ang nagpasok
“Kahit ano pa ang mangyari, ikaw ay isang pulubi lamang.” Kutya ni Jay.Ayaw ni Rose na magsimulang makipag-away kay Jay, kaya siya ay nagtungo sa isang gilid at nagsimulang magbalat ng mga mansanas para sa kaniya. Pagkatapos hiwain ang mansanas sa ilang hiwa, ininit niya ang mga ito sa kumukulong tubig bago ilagay ang mga ito sa harap ni Jay.Tumitig si Jay sa umuusok na mansanas, isang bakas ng ‘di halatang pagtataka ang lumitaw sa kaniyang mga mata.Si Angeline ay mayroon ding gawain ng pag-init ng mga prutas sa kumukulong tubig.Pagkatapos ilagay ang plato ng prutas sa mesa sa tabi ni Jay, tumalikod si Rose at naglakad palayo. Tumayo siya sa isang lugar malayo kay Jay.Palagi niyang sinisigurado na manatiling malayo kay Jay para hindi ito palaging magalit sa kaniya.Habang nakatingin si Rose na lubos na masunurin, si Jay ay lubos na nalito at naguguluhan.Naalala ni Rose ang bawat masakit na salitang sinabi sa kaniya ni Jay at sinunod pa rin ang kaniyang mga utos.Kung ito ay nangy
“Damihan mo ng pampalasa, ah.” Sinasadyang paalala sa kaniya ni Jay.Tumitig si Rose kay Jay. Sa loob lamang ng dalawang araw, ang lalaking ito ay kumain ng sobrang pagkain, uminom ng alkohol, at ngayon ay humihingi ng dagdag na pampalasa. Ganap niyang sinisira ang kaniyang diet. Titigil lang ba siya kapag nagsimula na sumakit ang tiyan niya?Hindi sumagot si Rose, ngunit bumili pa rin siya ng chicken soup noong siya ay umalis upang bumili ng pagkain.Tumitig si Jay sa matabang na chicken soup bago suriin si Rose nang may isang nakatago at ‘di mabasang mga mata.“Hindi ka naman siguro ganoon kahirap na chicken soup lang ang kaya mo bilhin, ‘di ba?” Kutya sa kaniya ni Jay.Dali-daling nagpaliwanag si Rose. “Masyadong maraming pasyente ang narito. Chicken soup na lang ang natira para sa almusal. Subukan mo na lang ‘yan at pagtiisan mo.”Ang ospital na ito ay malapit na malapit sa Grand Asia Hospital, kaya ang karamihan sa mga pasyente sa kalapitan ay mas pipiliin ang Grand Asia Hospital
“Pakiusap, pumasok ka, Ginoong Ares.” Binati ni Old Master Loyle ang kanilang kinikilalang bisita nang magalang.Naglakad si Jay sa isang kalmado paraan patungo sa sala ng bahay na para bang siya ay pumapasok sa pintuan ng sarili niyang bahay.Dinalahan siya ni Grayson ng isang upuan at pinunasan ang upuan nang ilang beses gamit ang isang tisyu. Pagkatapos no’n ay saka lamang umupo si Jay.“Ano’ng dahilan ng karangalan namin sa pagbisita mo, Ginoong Ares?” Maingat na tanong ni Old Master Loyle.“Old Master Loyle, sagutin mo nang totoo ang mga katanungan ko kung ayaw mong maubusan ng pera ang Loyle Enterprise. Kapag natuwa ako sa sagot mo, pag-iisipan ko kung bibigyan ko ng paraan makatakas ang Pamilya Loyle,” mahinang sabi ni Jay.Natutuwa sa pabor na iyon, sinabi ni Old Master Loyle, “Sasabihin ko sa ‘yo ang lahat ng nalalaman ko nang hindi nagpipigil at sasagutin ang lahat ng iyong mga katanungan, Ginoong Ares.”“Gusto kong malaman ang bawat impormasyon tungkol kay Rose mula sa kaniy
Si Jay ay biglang nakinig nang mabuti, nakatitig kay Madam Loyle nang may masigasig na mga mata. “Aling bahagi ang kakaiba?”Inalala nang seryoso ni Madam Loyle ang eksena ng aksidente pitong taon na ang nakalipas. Siya ay unti-unting hindi mapakali.“Wala akong ideya kung paano naging magkasama si Angeline at si Rose sa aksidente na iyon. Ang dalawa ay magkasamang nakahiga sa lupa. Si Angeline ay nakalulungkot na namatay, habang si Rose naman ay pinoprotektahan ng mga braso ni Angeline. Kahit na ang kaniyang katawan ay hindi nagpira-piraso o nakakapangilabot tulad ng kay Angeline, siya ay hindi na humihinga pagkatapos ng pangyayari.“Noong magtungo kami sa eksena ng aksidente, kahit ang doktor ay sinabing patay na si Rose. Sino’ng nag-akala na pagkatapos siyang ilagay sa morgue sa loob ng isang araw at isang gabi, bigla siyang nabuhay?! Kami ay sobrang natakot kasi akala namin ay nakakita kami ng multo!”Pinagpatuloy ni Old Master Loyle, “Ngayong nabanggit mo ‘yan, pagkatapos ng aksid