Sa ilalim ng patuloy na panghihimok ni Josephine, pangungulit, at panloloko, hindi na nagpumilit si Rose at nagmadaling nagtungo sa ospital.Sa kabutihang palad, ang mga indicator ng blood test na ginawa ng doktor kay Jay ay maganda naman, kaya siya ay pinasok sa general ward. Noong pumasok si Rose sa silid, siya ay binati ng seryosong tingin ni Jay at isang ‘di natutuwang aura na lumalabas mula sa kaniya.Sa kama ng ospital sa tabi ni Jay ay isang dalagang pasente na nakatitig kay Jay na parang isang tangang natamaan ng pana ni kupido.Sa sandaling pumasok si Rose, si Jay ay nagalit at tinanong siya. “Bakit mo ako pinasok sa isang general ward?”Nang makita na si Jay ay isang pasyente, kasama ang mga salita ni Josephine kanina tungkol sa pagkaranas ng mga problema ng kaniyang kumpanya, na siyang pinipilit siya na makisalamuha kahit na siya ay hindi magaling uminom… Naawa si Rose kay Jay nang taos puso at pinagaan ang pakiramdam ni Jay sa isang mabuting paraan. “Hindi ako ang nagpasok
“Kahit ano pa ang mangyari, ikaw ay isang pulubi lamang.” Kutya ni Jay.Ayaw ni Rose na magsimulang makipag-away kay Jay, kaya siya ay nagtungo sa isang gilid at nagsimulang magbalat ng mga mansanas para sa kaniya. Pagkatapos hiwain ang mansanas sa ilang hiwa, ininit niya ang mga ito sa kumukulong tubig bago ilagay ang mga ito sa harap ni Jay.Tumitig si Jay sa umuusok na mansanas, isang bakas ng ‘di halatang pagtataka ang lumitaw sa kaniyang mga mata.Si Angeline ay mayroon ding gawain ng pag-init ng mga prutas sa kumukulong tubig.Pagkatapos ilagay ang plato ng prutas sa mesa sa tabi ni Jay, tumalikod si Rose at naglakad palayo. Tumayo siya sa isang lugar malayo kay Jay.Palagi niyang sinisigurado na manatiling malayo kay Jay para hindi ito palaging magalit sa kaniya.Habang nakatingin si Rose na lubos na masunurin, si Jay ay lubos na nalito at naguguluhan.Naalala ni Rose ang bawat masakit na salitang sinabi sa kaniya ni Jay at sinunod pa rin ang kaniyang mga utos.Kung ito ay nangy
“Damihan mo ng pampalasa, ah.” Sinasadyang paalala sa kaniya ni Jay.Tumitig si Rose kay Jay. Sa loob lamang ng dalawang araw, ang lalaking ito ay kumain ng sobrang pagkain, uminom ng alkohol, at ngayon ay humihingi ng dagdag na pampalasa. Ganap niyang sinisira ang kaniyang diet. Titigil lang ba siya kapag nagsimula na sumakit ang tiyan niya?Hindi sumagot si Rose, ngunit bumili pa rin siya ng chicken soup noong siya ay umalis upang bumili ng pagkain.Tumitig si Jay sa matabang na chicken soup bago suriin si Rose nang may isang nakatago at ‘di mabasang mga mata.“Hindi ka naman siguro ganoon kahirap na chicken soup lang ang kaya mo bilhin, ‘di ba?” Kutya sa kaniya ni Jay.Dali-daling nagpaliwanag si Rose. “Masyadong maraming pasyente ang narito. Chicken soup na lang ang natira para sa almusal. Subukan mo na lang ‘yan at pagtiisan mo.”Ang ospital na ito ay malapit na malapit sa Grand Asia Hospital, kaya ang karamihan sa mga pasyente sa kalapitan ay mas pipiliin ang Grand Asia Hospital
“Pakiusap, pumasok ka, Ginoong Ares.” Binati ni Old Master Loyle ang kanilang kinikilalang bisita nang magalang.Naglakad si Jay sa isang kalmado paraan patungo sa sala ng bahay na para bang siya ay pumapasok sa pintuan ng sarili niyang bahay.Dinalahan siya ni Grayson ng isang upuan at pinunasan ang upuan nang ilang beses gamit ang isang tisyu. Pagkatapos no’n ay saka lamang umupo si Jay.“Ano’ng dahilan ng karangalan namin sa pagbisita mo, Ginoong Ares?” Maingat na tanong ni Old Master Loyle.“Old Master Loyle, sagutin mo nang totoo ang mga katanungan ko kung ayaw mong maubusan ng pera ang Loyle Enterprise. Kapag natuwa ako sa sagot mo, pag-iisipan ko kung bibigyan ko ng paraan makatakas ang Pamilya Loyle,” mahinang sabi ni Jay.Natutuwa sa pabor na iyon, sinabi ni Old Master Loyle, “Sasabihin ko sa ‘yo ang lahat ng nalalaman ko nang hindi nagpipigil at sasagutin ang lahat ng iyong mga katanungan, Ginoong Ares.”“Gusto kong malaman ang bawat impormasyon tungkol kay Rose mula sa kaniy
Si Jay ay biglang nakinig nang mabuti, nakatitig kay Madam Loyle nang may masigasig na mga mata. “Aling bahagi ang kakaiba?”Inalala nang seryoso ni Madam Loyle ang eksena ng aksidente pitong taon na ang nakalipas. Siya ay unti-unting hindi mapakali.“Wala akong ideya kung paano naging magkasama si Angeline at si Rose sa aksidente na iyon. Ang dalawa ay magkasamang nakahiga sa lupa. Si Angeline ay nakalulungkot na namatay, habang si Rose naman ay pinoprotektahan ng mga braso ni Angeline. Kahit na ang kaniyang katawan ay hindi nagpira-piraso o nakakapangilabot tulad ng kay Angeline, siya ay hindi na humihinga pagkatapos ng pangyayari.“Noong magtungo kami sa eksena ng aksidente, kahit ang doktor ay sinabing patay na si Rose. Sino’ng nag-akala na pagkatapos siyang ilagay sa morgue sa loob ng isang araw at isang gabi, bigla siyang nabuhay?! Kami ay sobrang natakot kasi akala namin ay nakakita kami ng multo!”Pinagpatuloy ni Old Master Loyle, “Ngayong nabanggit mo ‘yan, pagkatapos ng aksid
Nang marinig ang teorya ni Grayson sa pagsanib, ang kaniyang puso ay hindi mapigil ang pag-asa at saya na lumalabas mula sa kaniyang anyo sa sandaling ito.‘Iyon ba talaga ang kaso?’‘Nagbalik ka na ba talaga, Angeline?’Sa sandaling iparke ni Grayson ang Rolls-Royce sa pasukan ng parking lot ng villa, masigasig na binuksan ni Jay ang pinto nang hindi man lang nagpapaalam kay Grayson at dali-daling nagtungo sa villa.Tumingin si Grayson sa hindi normal na si Ginoong Ares at napailing na lamang. Kahit ano pa iyon, nawawalan talaga si Ginoong Ares ng kontrol basta’t may kinalaman ito kay Angeline.Sanay na rito si Grayson.Binuksan ni Jay ang pinto. Ang malawak na bahay ay tahimik at mapayapa.Sinara ni Jay ang pinto sa likod niya, sumandal sa may anti-theft na pinto, at huminga nang malalim. Noong mapakalma niya ang bumubugso niyang mga emosyon, sa wakas ay inangat niya ang kaniyang paa upang umakyat sa ikalawang palapag.Habang nakatayo sa sulok ng hagdan, tumingin si Jay sa silid ni R
Nagprotesta si Rose. “Ginoong Ares, 2,000 lamang ang ginastos ko para sa pagka-ospital mo. Bakit mo ako binigyan ng 200,000?”Kinuha ni Rose ang selpon at ibabalik na sana ang pera kay Jay, ngunit ang malaking kamay ni Jay ay humawak sa kaniyang kamay...Noong ang malaking kamay ni Jay ay nalagay sa ibabaw ng maliit niyang kamay, ang paghawak na iyon na naramdaman ni Rose sa kaniyang balat ay nagsanhi sa kaniya na mapahila palayo. Ang kaniyang mga tainga ay agad na namula.Noong tumitig si Jay sa namumulang si Rose, isang bakas ng ngiti ang lumitaw mula sa kaniyang mga mata.“Para ‘yan sa mga bayarin mo.” Paliwanag niya.Nanlaki ang mga mata ni Rose. “Sa loob ng isang taon? Labis-labis na ‘yon, hindi ba?”Tinama siya ni Jay. “Sa loob ng isang buwan!”Walang masabi si Rose.“Dapat ba tayong kumain ng mga caviar at talaba araw-araw? Ginoong Ares, siguro nga ay hindi ka natatakot na sumakit ang tiyan mo, pero ang mga bata ay masyadong mabubusog at magkakaroon ng sakit sa tiyan.” Tumingin
Noong dumating sila sa kindergarten, hiniling ng guro na ang ibang mga guro ay pauwiin na ang kanilang mga anak. Kaya, ang tanging ginagawa lamang nina Jay at Rose ay ang tumayo sa isang tabi at maghintay.Si Jay ay napilitan na sumailalim sa seremonya ng atensyon ng mga magulang ng mga estudyante. Siya ay mayroong lubos na madilim na itsura sa kaniyang mukha. Siya ay nakasimangot noong siya ay nakatayo sa isang tabi.Si Rose ay nakokonsensya na ngayon.Isa nang sikat na bata si Jay na hinihintay ng iba simula noong siya ay bata pa lamang. Ang paghintayin siya para sa iba ngayon malamang ay parang isang pagsabog ng bulkan na hinihintay na lamang mangyari, hindi ba?“Ginoong Ares, siguro ay umuwi ka muna. Maghihintay na lang ako rito…” Nakokonsensyang suhestyon ni Rose.Dinisiplina niya ang dalawang makukulit na lalaki noong may ginawa silang mali kahapon. Ngayong araw, mukhang ang mga pandidisiplina niya ay nagsanhi ng kaunting mga resulta.Ang guro ng homeroom ay biglang lumapit at si