Nagprotesta si Rose. “Ginoong Ares, 2,000 lamang ang ginastos ko para sa pagka-ospital mo. Bakit mo ako binigyan ng 200,000?”Kinuha ni Rose ang selpon at ibabalik na sana ang pera kay Jay, ngunit ang malaking kamay ni Jay ay humawak sa kaniyang kamay...Noong ang malaking kamay ni Jay ay nalagay sa ibabaw ng maliit niyang kamay, ang paghawak na iyon na naramdaman ni Rose sa kaniyang balat ay nagsanhi sa kaniya na mapahila palayo. Ang kaniyang mga tainga ay agad na namula.Noong tumitig si Jay sa namumulang si Rose, isang bakas ng ngiti ang lumitaw mula sa kaniyang mga mata.“Para ‘yan sa mga bayarin mo.” Paliwanag niya.Nanlaki ang mga mata ni Rose. “Sa loob ng isang taon? Labis-labis na ‘yon, hindi ba?”Tinama siya ni Jay. “Sa loob ng isang buwan!”Walang masabi si Rose.“Dapat ba tayong kumain ng mga caviar at talaba araw-araw? Ginoong Ares, siguro nga ay hindi ka natatakot na sumakit ang tiyan mo, pero ang mga bata ay masyadong mabubusog at magkakaroon ng sakit sa tiyan.” Tumingin
Noong dumating sila sa kindergarten, hiniling ng guro na ang ibang mga guro ay pauwiin na ang kanilang mga anak. Kaya, ang tanging ginagawa lamang nina Jay at Rose ay ang tumayo sa isang tabi at maghintay.Si Jay ay napilitan na sumailalim sa seremonya ng atensyon ng mga magulang ng mga estudyante. Siya ay mayroong lubos na madilim na itsura sa kaniyang mukha. Siya ay nakasimangot noong siya ay nakatayo sa isang tabi.Si Rose ay nakokonsensya na ngayon.Isa nang sikat na bata si Jay na hinihintay ng iba simula noong siya ay bata pa lamang. Ang paghintayin siya para sa iba ngayon malamang ay parang isang pagsabog ng bulkan na hinihintay na lamang mangyari, hindi ba?“Ginoong Ares, siguro ay umuwi ka muna. Maghihintay na lang ako rito…” Nakokonsensyang suhestyon ni Rose.Dinisiplina niya ang dalawang makukulit na lalaki noong may ginawa silang mali kahapon. Ngayong araw, mukhang ang mga pandidisiplina niya ay nagsanhi ng kaunting mga resulta.Ang guro ng homeroom ay biglang lumapit at si
Napayuko si Rose. Malinaw na ang mga bata ang may nagawang mali, pero bakit siya ngayon ang napapagalitan?“Nagkamali ako, Ginoong Ares,” mahina niyang sagot sa isang walang bahalang paraan.Isang bakas ng ‘di halatang ngiti ang lumitaw sa mahaba at makitid na mga mata ni Jay. Naalala niya ang itsura ng batang si Angeline noong siya ay pinapagalitan. Tulad lang ng kinikilos ni Rose ngayon, yuyuko siya na para bang katapusan na ng mundo. Si Angeline ay makikinig sa takot at pangamba noong pinagagalitan niya ito.Nilipat ni Jay ang kaniyang tingin sa mga bata at sinabi nang matigas. “Uuwi na tayo ngayon.”Sumunod sina Robbie at Jens sa likod ng kanilang daddy na parang dalawang naglalakad na zombie, bumubuntong-hininga nang malungkot.Hinawakan ni Rose ang lumuluhang si Zetty at hindi mapakaling sumunod sa likod ni Jay.Noong makauwi sila, nangingibabaw na umupo si Jay sa sofa. Nagdekwatro ang payat niyang mga binti habang nakatitig siya sa tatlong bata na nakatayo sa harap niya nang may
Si Zetty ay humagulgol noong yakapin niya ang kaniyang Mommy at malungkot na humikbi.“Mommy, sinabi ng mga kaklase ko na mayroon akong mahirap na ina at walang mayaman na ama.”Humikbi nang malungkot si Zetty habang nagsasalita siya nang may paghikbi. “Sinabi ng guro sa klase na ang tawag dito ay pagkakaroon ng parehong ina ngunit magkaibang ama.”“Para kampihan ako, pinagalitan ni Robbie ang grupo ng mga bata na tumawa sa ‘kin habang si Jenson naman ay nakipag-away sa guro dahil sa ‘kin.”“Kasalanan ko ang lahat, Mommy. Sina Robbie at Jens ay napagalitan dahil sa ‘kin. Hindi ako mabuting bata.”Pakiramdam ni Rose ay natusok siya ng maraming karayon pagkatapos marinig ang sinabi ni Zetty.Ang kaniyang tunay na ama ay malinaw na naninirahan sa iisang bubong kasama nila, ngunit ang paglayo na pinapakita niya kay Zetty ay paulit-ulit na sinisira ang malambot na puso ng bata. Bilang resulta, si Zetty ay lubos na naapektuhan noong tinawanan siya ng ibang mga estudyante sa hindi pagkakaroon
Tumingin si Rose kay Sean sa pagkabigla. “Ano’ng ginagawa niya rito?”Si Jay ay tila hindi makapagsalita. Lumingon siya at tinanong si Rose sa isang malamig na boses, “Hindi ba’t ikaw ang nag-imbita sa kaniya?”Umiling si Rose. “Hindi ako.”Ang lamig sa mga mata ni Jay ay bahagyang nawala. Ang mahaba at payat niyang mga binti ay naglakad pasulong noong magtungo siya palabas ng gate sa pagitan ng pader sa isang nakakahangang paraan.Noong makita ni Sean si Jay, umayos siya nang tindig at tumingin kay Jay nang may maalindog na ngiti.“Sean, sinusubukan mo bang maging lagayan ng mga sulat na para sa ‘kin? Bakit ka nakatayo sa harap ng gate ko nang ganito kaaga?” Ang nakakaakit na mga mata ni Jay ay mayroong kaunting ngiti.Ang nakasisilaw na ngiti ni Sean ay biglang naglaho. “Ginoong Ares, hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako narito sa bahay mo ngayon. Narito ako para sa magandang si Binibining Rose.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, binigyan niya ng malagkit na tingin si Rose na nakasuno
Gusto nga malaman ni Rose kung bakit pinagbalakan siya ni Stephanie kahit na wala namang galit ang namamagitan sa kanila.Tumingin si Rose kay Sean at sinabi, “Maghintay ka rito. Ihahatid ko muna ang mga bata sa kindergarten at babalik ako sa lalong madaling panahon.”Ayaw niyang umalis kasama si Sean dahil natatakot siya na magkakaroon ng maling ideya ang iba tungkol sa kanilang inosenteng relasyon.Sinabi ni Sean sa isang mapait na tono, “Sa tingin mo ba ay hindi ako sapat? Nahihiya ka bang maglakad kasama ako?”Diretsong sumagot si Rose, “Natatakot ako na ang mga haka-haka ay makakasakit para sa mga bata.”Si Sean ay bahagyang nabigla pagkatapos marinig ang sinabi ni Rose, at isang kakaibang pakiramdam ang naramdaman ng kaniyang puso.Siya ay natuwa!Isa talagang grasya para sa mga bata na magkarooon ng ganoong maalalahanin na ina.Kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng ganoong pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang simula pa noong siya ay bata, eh.Sa kaniyang pagkakaalala, ang
Noong magtungo si Jay sa Grand Asia, si Grayson ay kanina pa siya hinihintay.Naisip niya na si Ginoong Ares ay mukhang nagpunta sa trabaho ngayon nang bahagyang mas huli kaysa dati!Noong umupo si Jay, agad siyang naglabas ng isang piraso ng A4 na papel, kumuha ng isang panulat, at nagsulat ng mga numero rito.Tumingin si Grayson sa numero ng telepono at nagtanong sa pagkabigla, “Hindi ba’t ito ang numero ng telepono ni Rose?”Binigay ito ni Jay kay Grayson. “Suriin mo nga.”Nagpakita si Grayson ng marangal na ekspresyon. Hindi pinaliwanag nang detalyado ng presidente kung ano ang nais niyang ipasuri. Siya ba ay matutuwa lamang kapag nahukay na niya ang bawat isang impormasyon tungkol kay Rose?Kinuha ni Grayson ang papel na mayroong numero rito at umalis. Binigay niya ito sa cybersecurity department at nag-utos nang may matinding kahalagahan, “Kausapin niyo agad ang telecommunications network nito at kuhain ang lahat ng impormasyon na nakakonekta sa numero na ito.”Nilagay ni Grayson
Si Grayson ay nabigla. “Oh.”‘Dati pa man ay ayaw na ni Ginoong Ares na pumunta sa lahat ng klase ng yayamaning handaan, madalas ay dahil ayaw niyang napapalibutan siya ng mga babae.‘Ngayon naman, saglit lamang naisip ni Ginoong Ares na tanggihan ang imbitasyon ni Sean Bell. Siguro ay mayroon siyang kaunting respeto para sa tagapagmana ng Bell Enterprise.’“Kailangan mo ng kapares sa pagsayaw, Ginoong Ares!” Maingat na sinabi ni Grayson.“Kapares sa pagsayaw?” Ang imahe ni Rose ay lumitaw sa isipan ni Jay.Sumayaw si Rose ng balse kasama siya noong gabi ng kaarawan ni Josephine, at naalala niya na sila ay magkasabay na magkasabay sa pagsayaw.“Maghanda kayo ng evening gown para kay Rose Loyle.”Sa sobrang tuliro ni Grayson sa pangungusap na ito ay napanganga siya. ‘Nahihilo dati si Ginoong Ares sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Rose Loyle. Ngayon, kusa na niyang hinihiling rito na maging kaniyang kapares sa sayaw?’Marahil ito ang kabaligtaran ng kasabihan na, ‘ang pagiging pamily