Share

Kabanata 154

Author: Yan An
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Nagising si Rose noong tumitig siya kay Jay na mukhang galit. Lumingon siya sa tauhan upang kausapin ito, “Siguro nga ay mas bata ang Zetty ko sa kaniyang kapatid, pero dati pa man ay nasa iisang klase na sila. Sana naman ay maging magkasama sila sa mas mataas na lebel na klase sa Horizon Kindergarten.

Ang isang miyembro ng tauhan ay bahagyang nahiya. “Pero hindi pa sapat ang edad ni Zetty para sa mas mataas na lebel na klase.”

Mapilit si Rose. “Gawa lang ng tao ang patakaran niyo. Dapat ay tinitignan muna natin ang mga kakayahan niya bago siya ilagay sa isang klase. Hindi ba?”

Ang mga tauhan ay hindi makumbinsi si Rose, at kaya nagmamakaawa silang tumingin kay Principal Aspen. Ang principal naman ay tumingin kay Jay.

Si Jay ay tumingin nang masama kay Rose!

Nakita ni Zetty na ang mga matatanda ay nasa isang pangit na sitwasyon dahil sa kaniya. Naglakad siya patungo sa harap ni Principal Aspen at mahusay na binanggit ang kaniyang mga dahilan kung bakit siya ay dapat malagay sa mas mata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 155

    Ang pagkakaintindi ni Jay kay Rose kahit kailan ay hindi na nadagdagan pa simula noong gabi na iyon pitong taon na ang nakalipas. Pinagmukha niyang tanga ang kaniyang sarili sa kasalan. Si Rose Loyle, ang magiging asawa ni Jay Ares, ay dapat ang pinakamagandang bahagi ng gabing iyon, ngunit siya ay tumili nang makita niya si Jay na para bang siya ay nakakita ng isang multo. Ang ekspresyon niya noong araw na iyon ay kaparehas ng isang panatiko na nakita ang kaniyang idolo. Niyakap at kinulit ni Rose si Jay sa harap ng lahat ng tao na naroon.Para bang sila ay dalawang magkasintahan na nagkita pagkatapos ng mahabang pagkakawalay.Hiyang-hiya siya noong araw na iyon dahil kay Rose.Simula noong araw na ‘yon, kinilala niya ang babaeng nabuhay dahil sa kabit ng Pamilya Lotle na isang hindi sibilisado na probinsyana.Pagkatapos ng kasal, tinapon niya si Rose na parang isang lumang sapatos.Umaasa siya na makakalagpas siya sa problema niya sa pera at pagkatapos ay makikipaghiwalay kay Rose. S

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 156

    ‘Hindi niya pala pinagbabalakan ang pera o pagmamahal ko, ang gusto niya lang ay itrato ko si Zetty nang mas maayos?’Gayunpaman, si Jay ay hindi masyadong nasiyahan sa paliwanag ni Rose. Napakunot ang kaniyang mga kilay at tinanong nang malamig si Rose, “Ano’ng ibig mong sabihin sa ‘hindi makatotohanang mga inaasahan’?”Naiinis na tumingin si Rose sa kaniya at mahinang sinabi, “Ginoong Ares, siguro ay iniisip mo na gusto kong pakasalan mo ako muli, at iyon ang dahilan kung bakit sinasabi ko kay Zetty na maging mabait sa ‘yo. ‘Wag kang mag-alala, Ginoong Ares, kahit kailan ay hindi iyon mangyayari.“Alam kong hindi dapat ako nagbabalik-tanaw sa nakaraan, Ginoong Ares. Hindi ka nagpakita ng interes sa ‘kin anim na taon na ang nakalipas, at hindi ako umaasa na magkakaroon ka pa nito.“Kahit kailan ay hindi na ako magpapakasal muli. Gusto ko lamang lumaki ang mga anak ko nang responsable, at hindi ako magkakaroon ng anumang pagsisisi sa buhay.”Ang mga mata ni Rose ay puno ng kalungkutan

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 157

    Kahit kailan ay hindi pa nakaranas si Jay ng ganoon katinding sakit sa kaniyang buhay.Sa sobrang sakit nito, siya na isang madalas ay matapang na lalaki, ay naglakas-loob na hindi tignan ang bangkay ni Angeline, o pumunta sa kaniyang libing o bumisita sa kaniyang libingan... Hindi siya naglakas-loob na lumapit sa anumang bagay na magpapaalala sa kaniya tungkol kay Angeline, at maingat niyang pinigilan ang lahat ng kaniyang nararamdaman.Itinago niya ang mga sakit na halata sa kaniyang mga mata at pinagpatuloy ang madalas na kalmado at tahimik niyang pagkilos. “Hindi ka ako, kaya paano mo nalaman kung ano ang nararamdaman ko?” Sinabi niya nang mahina.Bahagyang ngumuso ang nakakaakit at magandang mga labi ni Rose. ‘Kung alam mo kung ano ang pag-ibig, bakit mo hinayaan si Angeline, ang dati kong buhay, na mabuhay sa ganoong kundisyon at mamatay nang hindi maayos?’ Binulong niya sa kaniyang puso.Ang paglalakbay pabalik sa mansyon ay lumipas nang tahimik. Mula sa kalayuan, nakikita nila

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 158

    ‘Uh…’Hindi iyon pumasok sa isipan ni Rose. Ang paalala sa kaniya ni Jay ay sakto lamang; wala nga siyang anumang damit na angkop para sa mga pagdiriwang ng mga mayayaman. Siya ay nakatago lamang sa bahay sa nakaraang ilang taon, ginagawa ang kaniyang makakaya na palakihin ang kaniyang mga anak. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya kailangan ng mga ganoong damit.Si Josephine ay ang pinagmamalaking babae ng Pamilya Ares, at kaya ang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ay siguradong yayamanin. Ang mga darating doon ay siguradong mga mayayaman na tao o matagumpay na mga negosyante. Kung magsusuot siya ng ordinaryong mga damit, hindi lamang siya mamaliitin ng mga tao doon, ngunit mapapahiya rin si Josephine dahil sa kaniya.“Josephine, pasensya na dahil hindi ako…” Ang unang naisip ni Rose ay ang agad na tanggihan ang imbitasyon ni Josephine.Gayunpaman, hinawakan ni Josephine ang kamay ni Rose at hindi bumitaw. “Ikaw ang matalik kong kaibigan, Rose. Ikaw lang ang nakausap ko nang totoo pa

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 159

    Pagkatapos hintayin si Josephine na makaalis, bumalik si Jay sa kaniyang mansyon at agad na nagtungo sa silid ni Rose.Kumatok siya sa pintuan ng silid ni Rose. Si Rose, suot ang kaniyang makapal na salamin, ay binuksan ang pinto at nalilitong tumingin kay Jay.“Hinahanap mo ba ako, Ginoong Ares?”Dati pa man ay palagi nang sinusubukan ni Jay na iwasan si Rose hangga’t maaari. Siguro ay naging yelo na ang impyerno at lumilipad na sa langit ang mga baboy.“Ako na ang magbabayad para sa mga damit at alahas na kailangan mo para sa pagpunta sa kaarawan ni Josephine. Ako na rin ang magbabayad sa kabayaran kapag kulang ang naipasa mong trabaho. Kung may iba pang mga kundisyon, ilista mo lang ang mga ‘to at sabihin mo sa ‘kin.” Ang tono ng boses ni Jay ay parang isang amo na inuutusan ang kaniyang tagapangalaga.Si Rose ay bahagang nagulat. Hindi lamang mahal ni Jay ang kaniyang mga anak, mahal din niya ang kaniyang kapatid na babae.Gayunpaman, wala siyang nararamdaman dito.“Ginoong Ares, k

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 160

    Ang tatlong bata ay sabay-sabay na tumingin kay Jay. Napagtanto ni Jay na ang kaniyang reaksyon siguro ay masyadong kapansin-pansin at pinagpatuloy ang madalas niyang kalmadong itsura. “Hindi mo ba alam? Mayroong tatlong klase ng tao. Mga tao mula sa tuktok ay nagbibigay ng mga utos, ang mga tao sa gitna ay sumusunod sa mga utos, at ang mga tao sa ibaba naman ay walang ibang alam kung ‘di ang manghingi at manggapang.”Ang tatlong mga bata ay may sapat na talino para malaman na ang ibig-sabihin ni Daddy ay nasa ibaba ang kanilang Mommy.Si Robbie ay natuliro. “Kakaiba. Hindi naman ganito si Mommy! Ang sabi ni Mommy ay kailangan naming magkaroon ng karangalan para sa ating sarili at sakupin ang mundo gamit ang sarili nating mga kakayahan!”Tila nasundan ni Zetty ang sinasabi ng kaniyang kapatid. “Alam ko na!” Sinigaw niya, “Nahulog siguro si Mommy sa bago niyang boss! Kahapon sinabi niya na ang bago niyang boss ay ang unang lalaki sa loob ng matagal na panahon na tinrato siya bilang isan

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 161

    “Kahit gaano ka pa kawawa, mayroon ka pa ring masamang pag-uugali.” Nagbigay si Jay ng isang mapanghamak na sulyap kay Rose at hindi pa ninais pang magbigay ng isang salita sa kaniya. Tumalikod siya at kinausap naman ang mga bata. “Umakyat na kayo’t magbihis. Dadalhin kayo ni Daddy sa kaarawan ni Tita Josephine.”Ang mga bata ay naghiyawan at dali-daling umakyat sa hagdan.Si Rose ay bumuntong-hininga nang napakahina. Ang kaniyang mga mata ay nagiging basa. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata upang pigilan ang kaniyang mga luha.Alam niya na walang nararamdaman si Jay para sa kaniya, kaya bakit umaasa pa rin siya na mayroon?Kung wala ang pag-asa na ‘yon, hindi siguro siya patuloy na mabubuhay sa sakit.Umiling si Rose upang tanggalin ang hindi masasayang bagay sa kaniyang isipan at lumabas.Ang kaarawan ni Josephine ay isinagawa sa Grand Asia Club.Sa napakalaking grand hall, ang kisame ay may palamuti na parang gabing mabituin. Isang dagat ng mga bulaklak ang nakapalamuti sa bawat gi

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 162

    Ang kaniyang boses ay tila malungkot nang sabihin niya ang mga salitang iyon, ngunit ang mga salitang iyon ay sinabi niya nang naiinis. Walang sinuman ang nakapansin sa galit sa kaniyang mga mata.Kinamumuhian niya si Rose Loye. Kung ‘di dahil kay Rose, magkasama pa rin sila ni Jay.Ninais niyang maging puntirya si Rose ng inis at inggit ng lahat. Ninais niyang makita kung paano pahihiyain ni Rose ang kaniyang sarili kapag sinugod siya ng uhaw na mga babae.“Rose Loyle? Sino ‘yon?”Ang mga babae ay lubos na nabahala sa biglang paglitaw ng isang kalaban.Ang usapan ay nalipat kay Rose Loyle.Si Nancy ay higit pa sa masaya na ipakilala ang hindi kilalang babae sa kanila. “Siya ang dating asawa ni Ginoong Ares! Siya ang anak na babae ng Pamilya Loyle, ngunit sabi nila ay pinalaki siya sa isang bayan sa bundok at bumalik lamang sa Pamilya Loyle noong siya ay high school na. Hindi kagulat-gulat na hindi niyo pa naririnig ang pangalan niya dati.”Ang ilan sa mga babae ay nagpakita ng mapangh

Pinakabagong kabanata

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 842

    Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 841

    Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 840

    Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto

DMCA.com Protection Status