Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Kabanata 111 - Kabanata 120

Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight! : Kabanata 111 - Kabanata 120

848 Kabanata

Kabanata 111

Si Jay ay hindi man lang nabahala sa panghihimok ni Rose, ngunit may isang bagay siyang inaalala. ‘Kung ang daing na tulad niya ay abala na maging tagapagligtas ng mundo, sino ang mag-aalaga sa anak kong si Robbie?’Nang maisip niya na si Robbie ay iniwan ni Rose ay nagsanhi sa kaniya na hindi mapakali.Sa araw na iyon pagkatapos ng trabaho, dinala ni Jay si Jenson sa Exuberant City. Binuksan ni Rose ang pinto, at ang kaniyang mukha ay namutla nang makita niya si Jay.Sila ay nag-away nang marahas kaninang tanghali. Nasaan na ang respeto ni Jay sa sarili niya sa pagbisita sa kaniya?Sinasakripisyo ni Jay ang lahat para sa kaniyang anak. Kahit na ipakain pa ang kabutihang-asal niya sa mga aso. Nang may ningning sa kaniyang mga mata, mahinhin siyang ngumiti kay Rose at sinabi, “Namimiss na ni Jens ang kapatid niya. Dadalhin ko ang dalawa para kumain sa labas. May reklamo ka ba?”Si Rose ay natuliro habang nananatiling nakatayo sa pinto.‘Naniniwala ba talaga ang taong ‘to na dalawa lang
Magbasa pa

Kabanata 112

Pagkatapos ng ilang minuto, nagdala si Rose ng ilang plaot ng dumplings sa mesa.Ang maliit na mesa ay puno ng mga platong pambata na may disenyo ng mga hayop. Ito ay nagmumukha nang isang zoo.Tumingin si Jay sa dragon na plato sa harap niya at nainis. Dapat din ba siyang gumamit ng ganoong pambatang plato?Nagsiya ang mga bata nang matanggap nila ang kanilang mga chopstick. Tinapik nila ang kanilang mga plato gamit ang kanilang mga chopstick at kutsilyo.“Ito ang paborito kong carrot at meat dumpling,” hiyaw ni Robbie.“Ito ang paborito kong cabbage dumpling,” mahinhin ding hiyaw ni Zetty.“At ito ang paborito kong potato dumpling,” marahan na sabi ni Jenson.Tumingin si Jay sa plato na puno ng makikintab ba nga dumpling. Mukhang nakikita ng mga bata kung ano ang nasa loob ng mga dumpling at masayang nahulaan ang laman nito.Nang dalhin ni Rose ang huling plato ng mga dumpling sa mesa, si Jenson, na kanina’y nakaupo sa tabi ni Jay, ay biglang tumayo at umalis sa kaniyang upuan. Lumap
Magbasa pa

Kabanata 113

“Gusto mong pumunta si Robbie sa Horizon Colors?” Tanong ni Rose.Tumango si Jay. Akala niya ay pahihirapan siya ni Rose, ngunit bigla siya nitong binigyan ng isang box ng mga dumpling. “Almusal ‘yan para bukas.”Natuliro si Jay at hindi inasahan na siya ay papayag nang ganoon kabilis.Tumingin si Rose sa nag-aalinlangan na tingin ni Jay at nagpaliwanag, “‘Wag butasin ang puso ng maginoo gamit ang sarili niyang mga paraan. Kahit kailan ay hindi ko idadamay ang mga bata sa pag-aaway natin.”Nagbigay si Jay sa kaniya ng bihirang tango bilang sang-ayon. “Mabuti naman at ganyan ka mag-isip.”Walang masabi si Rose. Siya ay palaging hindi kanais-nais sa mga mata ni Jay.Kahit na nakamit ni Jay ang mga layunin niya, mukhang wala siyang anumang balak na umalis. Nanatili siya sa pintuan, nakatingin kay Rose.“May kailangan ka pa ba?” Tanong ni Rose.Mukhang nahihirapan si Jay na gawing salita ang mga iniisip niya nang sumagot siya, “Pwede ko rin ba dalhin si Zetty?”Si Rose ay nag-aalinlangan n
Magbasa pa

Kabanata 114

“Ang cute kaya ni Zetty,” siningit ni Jenson.Sina Robbie at Jenson ay parang dalawang manghuhusga. Ang dalawang pares ng mala-lobong mga mata ay nakatitig kay Jay.Tumagilid ang ulo ni Jay at pinag-isipang mabuti ang katanungan nila. ‘Bakit ba gusto ng lahat si Zetty, pero hindi ko magawang magustuhan siya?’Pagkatapos mag-isip-isip, sa wakas ay may napagtanto siya. ‘Ayaw ko sa isang grupo ng mga bagay dahil lamang sa isang bagay. Dahil lubos na napopoot ang puso ko kay Rose, wala rin akong magandang impresyon sa anak niya.’Gayunpaman, hindi niya magawang sabihin iyon sa kaniyang mga anak. Nagsabi si Jay ng isang kasinungalingan. “Mukha bang ayaw ko sa kaniya? Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya. Siya kaya ang may ayaw kay Daddy.”Ngumuso si Robbie. “Nakikita ko kaya na ayaw ni Daddy kay Zetty.”Naging seryoso si Jay.Malamig na sinabi ni Jenson, “Daddy, pagsisisihan mo ‘to balang-araw.”Tumingin si Jay sa dalawa niyang anak na magkapareho ng sinasabi, at ang kaniyang mga mata ay napaki
Magbasa pa

Kabanata 115

Nabalot ng kadiliman ang mukha ni Jay, ngunit ang kaniyang itsura ay nanatiling mapagpasensya. Tumingin siya kay Robbie at kalmadong nagpaliwanag, “Si Binibining Nancy ay hindi isang katulong. Kung magiging maayos ang lahat, siya na ang magiging mommy mo sa susunod. Kayong dalawa ay dapat maging mahinhin at malambing sa kaniya, naintindihan niyo?”Ang mood ni Nancy ay gumanda pagkatapos niyang makita na pinoprotektahan siya ni Jay.Si Jenson ay hindi nasisiyahan. Ang kaniyang ekspresyon ay madilim, ngunit nanatili siyang tahimik. Gayunpaman, siya ay halatang nilalamon ang kaniyang pizza.Napansin ni Robbie kung paanong ang kaniyang kuya ay tinatago ang kaniyang hindi pagkatuwa. Ang mga mata ni Robbie ay nagliwanag. Tumingin siya sa kaniyang daddy at nagtanong, “Daddy, ano’ng ibig mong sabihin sa ‘kung magiging maayos ang lahat’?”Napangiti ang mga labi ni Jay. Ang makulit na mga mata ng bata ay halatang-halata.“‘Wag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat.” Ginulo ni Jay ang buhok n
Magbasa pa

Kabanata 116

Sina Robbie at Jenson ay lumapit sa kanilang daddy. Seryosong sinabi sa kanila ni Jay, “Si Binibining Nancy ay ang napiling babae ni Daddy. Dapat ay magustuhan niyo siya dahil siya ang ikakasal kay Daddy, hindi kayong dalawa. Kaya, tigil-tigilan niyo na ang mga kalokohan niyo.”Inosenteng tanong ni Robbie, “Daddy, pagkatapos niyong magpakasal, bibigyan niyo ba kami ng maraming ibang kapatid?”Walang alinlangang sagot ni Jay, “Hindi.”Tanong ni Robbie, “Paano kung may mangyaring aksidente sa pagitan niyong dalawa?”“Hindi magkakaroon ng anumang aksidente.” Masigasig na deklara ni Jay.Nabuo ang mga luha sa mga mata ni Robbie. “Wala naman ‘yang kasiguraduhan, eh. Tulad namin ni Jens. Sabi ni Mommy aksidente lang na nabuhay kami sa mundong ‘to.”Natuliro si Jay.Oo nga, ang paglitaw nina Jenson at Robbie ay wala sa kaniyang mga plano. Kung ‘di dahil kay Rose na gumamit ng matitinding paraan upang siya ay mabuntis, hindi siya magkakaroon ng dalawang cute at gwapong mga anak ngayon.Sa isan
Magbasa pa

Kabanata 117

Tumingin si Jay kay Jenson at nakita na ang mga mata ni Jenson ay malinaw at walang anumang kasinungalingan dito. Pinalaki niya ang batang ito at kilalang-kilala ang personalidad ni Jenson. Ang ugali ni Jenson ay kaparehas ng kaniya. Sa sobrang arogante nila ay hindi na nila kailangang magsinungaling para makuha ang gusto nila.Sinabi ni Jay, “Nancy, sa ibang araw na natin ‘to pag-usapan. Iuuwi ko muna ang mga bata.”Napakagat ng labi si Nancy. Ang paghihirap niya ay gumuguho na ngayon dahil sa biglang paglitaw ni Robbie. Siya ay nalulungkot at naiinis.Gayunpaman, wala siyang ibang magawa kung ‘di ang maging masunurin na pumayag sa mga sinabi ni Jay. “Jay, mauuna na akong umuwi.”Nag-aatubiling umalis si Nancy. Habang nakatingin sa malungkot niyang ekspresyon, nakonsensya sina Robbie at Jenson. Sila ay inosenteng mga bata lamang.“Masaya na ba kayo?” Tumingin si Jay sa dalawang makulit na bata habang siya ay nakahalukipkip. Tinanong niya ang mga ito nang may galit na ekspresyon.Yumuk
Magbasa pa

Kabanata 118

Si Jenson ay madalas na mayroong malamig na ekspresyon. Nang bigla siyang ngumiti, ito ay parang mga bulaklak na namulaklak sa tagsibol kung saan maraming kulay ang nagsilabasan. Sa sobrang ganda ng ngiti niya ay nawala ang mga kulay sa paligid nito.Sa huli, kinurot ni Jay ang mga pisngi ni Jenson. Kasabay nito ay isang magiliw na banta. “Ibura mo na ‘yan sa isipan mo nang tuluyan.”Masunuring tumango si Jenson.Sa huli, ang gabi ay papalapit na. Dahil sa mga kinakailangan ni Jenson na kainin, napagdesisyunan ni Jay na iuwi ang mga bata.Nang biglaan, sinira ni Jenson ang patakaran na iyon at sinabi, “Daddy, kumain tayo sa labas.”Natuliro si Jay. “Pwede ba?”Ngumuso si Jenson at bahagyang tumango.Ang ugali ni Jenson ay palaging malinis at tahimik. Ang bawat salitang sinasabi niya ay palagi niyang pinag-iisipang mabuti.Si Jay ay nasorpresa ngunit nananabik. “Jenson, kailan pa nawala ang takot mong kumain sa labas?”Napatingin si Jenson sa langit. “Ang sabi ni Mommy, ang mga matatapa
Magbasa pa

Kabanata 119

“Walang problema na hindi kayang lutasin ng pera,” may kumpiyansang sinabi ni Old Master Ares sa kabilang linya.Ang Pamilya Ares kailanman ay hindi naubusan ng pera, kaya sa loob ng ilang henerasyon, sinundan nila ang gintong patakaran na ito.Walang hindi mahirap sa mundong ito basta’t ang tamang presyo ay inalok.Gayunpaman, noong nakaraang ilang araw nang gawin ni Jay ang ginintuang patakaran na ‘to, siya ay nabuhusan ng tsaa ni Rose at naging mukhang kaawa-awa.Kaya nang banggitin ni Old Master Ares ang gintong patakaran na ‘to, bigla itong naging pambata at materyalistiko para kay Jay.“Ama, ayaw ni Rose ng pera. Ang gusto niya lamang ay ang anak niya.” Seryosong sinabi ni Jay kay Old Master Ares. “Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako sigurado na ang bata ay maayos na makakapunta sa press conference bukas.”Si Old Master Ares ay natahimik nang sandali bago sabihin, “Ayaw niya ng pera? Hindi masama, siya ay isang babae na mayroong prinsipyo at lakas ng loob. Pero ano’ng gagamitin
Magbasa pa

Kabanata 120

Isang nakayayanig-lupang pagbabago ang nangyari sa labas habang sila ay kumakain.Nang umalis ng kainan si Jay at ang mga bata nang may dala-dalang pagkain, nakapansin siya ng isang mahabang linya ng yayamaning mga kotse sa labas. Mga bodyguard na may maayos na mga uniporme ang nakatayo nang may matinding pag-iingat sa tabi ng mga kotse na iyon.Ang unang reaksyon ni Jay sa nakita niya ay ang buhatin si Jenson.Si Jenson ay ayaw sa maraming tao, at ayaw na ayaw niyang hinahawakan siya ng mga estranghero. Iyon ang dahilan kung bakit ang lolo’t lola ni Jenson ay hindi nagtatawag ng mga tagapag-alaga o tagapag-maneho para sa kanilang minamahal na apo at sa halip ay dinadala siya sa paligid nang personal, tulad ng normal na mga tao.Gayunpaman, ang apat na henerasyon ng Pamilya Ares ay namumuhay nang magkasama sa iisang lugar. Ang lolo at lola ni Jenson at Jay siguro ay hindi masyadong nang-aakit ng atensyon, ngunit si Grand Old Master Ares at ang tatlo niyang ibang mga anak ay lubos na ma
Magbasa pa
PREV
1
...
1011121314
...
85
DMCA.com Protection Status