Si Jenson ay madalas na mayroong malamig na ekspresyon. Nang bigla siyang ngumiti, ito ay parang mga bulaklak na namulaklak sa tagsibol kung saan maraming kulay ang nagsilabasan. Sa sobrang ganda ng ngiti niya ay nawala ang mga kulay sa paligid nito.Sa huli, kinurot ni Jay ang mga pisngi ni Jenson. Kasabay nito ay isang magiliw na banta. “Ibura mo na ‘yan sa isipan mo nang tuluyan.”Masunuring tumango si Jenson.Sa huli, ang gabi ay papalapit na. Dahil sa mga kinakailangan ni Jenson na kainin, napagdesisyunan ni Jay na iuwi ang mga bata.Nang biglaan, sinira ni Jenson ang patakaran na iyon at sinabi, “Daddy, kumain tayo sa labas.”Natuliro si Jay. “Pwede ba?”Ngumuso si Jenson at bahagyang tumango.Ang ugali ni Jenson ay palaging malinis at tahimik. Ang bawat salitang sinasabi niya ay palagi niyang pinag-iisipang mabuti.Si Jay ay nasorpresa ngunit nananabik. “Jenson, kailan pa nawala ang takot mong kumain sa labas?”Napatingin si Jenson sa langit. “Ang sabi ni Mommy, ang mga matatapa
“Walang problema na hindi kayang lutasin ng pera,” may kumpiyansang sinabi ni Old Master Ares sa kabilang linya.Ang Pamilya Ares kailanman ay hindi naubusan ng pera, kaya sa loob ng ilang henerasyon, sinundan nila ang gintong patakaran na ito.Walang hindi mahirap sa mundong ito basta’t ang tamang presyo ay inalok.Gayunpaman, noong nakaraang ilang araw nang gawin ni Jay ang ginintuang patakaran na ‘to, siya ay nabuhusan ng tsaa ni Rose at naging mukhang kaawa-awa.Kaya nang banggitin ni Old Master Ares ang gintong patakaran na ‘to, bigla itong naging pambata at materyalistiko para kay Jay.“Ama, ayaw ni Rose ng pera. Ang gusto niya lamang ay ang anak niya.” Seryosong sinabi ni Jay kay Old Master Ares. “Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako sigurado na ang bata ay maayos na makakapunta sa press conference bukas.”Si Old Master Ares ay natahimik nang sandali bago sabihin, “Ayaw niya ng pera? Hindi masama, siya ay isang babae na mayroong prinsipyo at lakas ng loob. Pero ano’ng gagamitin
Isang nakayayanig-lupang pagbabago ang nangyari sa labas habang sila ay kumakain.Nang umalis ng kainan si Jay at ang mga bata nang may dala-dalang pagkain, nakapansin siya ng isang mahabang linya ng yayamaning mga kotse sa labas. Mga bodyguard na may maayos na mga uniporme ang nakatayo nang may matinding pag-iingat sa tabi ng mga kotse na iyon.Ang unang reaksyon ni Jay sa nakita niya ay ang buhatin si Jenson.Si Jenson ay ayaw sa maraming tao, at ayaw na ayaw niyang hinahawakan siya ng mga estranghero. Iyon ang dahilan kung bakit ang lolo’t lola ni Jenson ay hindi nagtatawag ng mga tagapag-alaga o tagapag-maneho para sa kanilang minamahal na apo at sa halip ay dinadala siya sa paligid nang personal, tulad ng normal na mga tao.Gayunpaman, ang apat na henerasyon ng Pamilya Ares ay namumuhay nang magkasama sa iisang lugar. Ang lolo at lola ni Jenson at Jay siguro ay hindi masyadong nang-aakit ng atensyon, ngunit si Grand Old Master Ares at ang tatlo niyang ibang mga anak ay lubos na ma
Halata kay Robbie ang pag-aatubili. Tumingala siya at inosenteng tumingin sa kaniyang Daddy. “Daddy, gusto ko nang umuwi. Sa Exuberant City,” mahina niyang sabi.Hindi nasisiyahan si Jay nang tumingin siya sa nagmamakaawang mga mata ni Robbie, ngunit nanatili pa rin siyang kalmado. “Robbie, si Lolo, at ang mga Tito-Lolo mo ay narito para i-uwi ka. Ayaw mo bang sumama sa akin sa lupain ng Pamilya Ares sa loob ng ilang araw?”Hindi nasisiyahan si Robbie sa ideya na iyon, pero ayaw niyang isipin ng kaniyang Lolo na siya ay walang galang na bata. Nag-aalinlangan siyang tumango ngunit nagpatuloy na makipag-negosyo sa kaniyang Daddy. “Dalawang araw lang, Daddy. Pagkatapos ng dalawang araw, gusto ko nang bumalik sa Exuberant City kahit anuman ang mangyari. Kung ‘di, mag-aalala si Mommy.”“Sige.” Tumango si Jay at nangako.Iyon ang nangyari kung paano napunta si Robbie sa kotse at dinala pabalik sa Tourmaline Estate.Ang Tourmaline Estate ay mayroong sakop na ilang libong ektarya. Ang mga gusa
Napabuntong-hininga si Grand Old Master Ares. “Bakit ba takot na takot kayong dalawa? Hindi naman isang mabangis na tigre ang Lolo niyo, hindi ko kayo kakainin! Tara na, naghanda si Lolo ng isang regalo para sa inyo. Kung wala kayong tapang na kuhain ‘yon, baka magbago ang isip ko at babawiin ko na lang.”Nagtawanan ang kanilang mga tito at tita, ngunit ang pagtawa ay tila awkward na para bang ginawa lamang nila ito bilang paggalang sa Grand Old Master.Hindi sumagot sina Robbie at Jenson sa Grand Old Master, na siyang nagsanhi sa kaniya na magmukhang hindi natutuwa.“Ama, napakatahimik naman ng dalawang bata na ‘to. Para ‘di sila katulad ng kanilang ama. Hindi ba’t si Jay ay isang makulit na bata noon?” Sabi ni Jay.Ang mga salita na iyon ay parang isang biro, ngunit ang ibig nitong sabihin ay ang dalawang bata ay hindi talaga tunay na mga anak ni Jay.Ang mukha ni Jay ay dumilim sa sandaling iyon.Nasulyapan ni Robbie ang nagdilim na ekspresyon ng kanilang ama. Bumaba siya mula sa ka
Ang kulubot na kamay ni Grand Old Master ay tumapik nang malakas sa makapal na bundok ng mga pera. Ang kaniyang madalas na matalas na mga mata ay nagningning ng kasiyahan ng isang bata.“Kung alam mong kaya mong bumili ng maraming magandang bagay gamit ang pera na ‘yon, bakit mo ‘to tinanggihan?” Malambing niyang tanong.‘Alam ni Lolo na kayo ni Mommy ay nananatili sa isang nirerentahan na silid. Robbie, sa pera na ‘to, pwede mong bilihan ang Mommy mo ng isang malaking bahay at siya ay magiging lubos na masaya.’Tumingala si Robbie. “Lolo, kami nga ni Mommy ay hindi kasing yaman niyo, ngunit hindi ibig-sabihin no’n ay pwede kaming tumanggap ng mga regalo mula sa kahit na sino. Tinuro sa akin ni Mommy na dapat akong mabuhay gamit ang sarili kong pamamaraan. Kung gusto ko ng magandang buhay, dapat akong maghirap upang makamit iyon nang hindi umaasa sa iba,” may kumpiyansa niyang sinabi kay Grand Old Master Ares.“Sinabi rin sa akin ni Mommy na ang kamalasan ay nanggagaling mula sa pera,
Inangat ni Robbie ang maliit niyang kamay at kumuha ng anim na papel mula sa magkakapatong na mga pera.Ngumiti siya nang matamis. “Lolo, ang anim na daan ay sapat na para sa ‘kin bilang isang regalo.”Ang lahat ay natuliro sa ginawa niya na iyon.Ang iba pa niyang mga Lolo-Tito, Lola-Tita, tito, at tita ay naghanda rin ng kanilang labis-labis na mga regalo. Ngayong hindi nagawa ni Grand Old Master Ares na ibigay ang kaniyang regalo sa bata, nagtinginan sila at hindi alam kung ano ang gagawin.Si John ang unang nagbalik ng kaniyang pulang pitaka sa kaniyang bulsa. “Kung ayaw ito tanggapin ng bata, eh ‘di, hindi dapat natin siya pilitin. ‘Di ba, Jay?”“Ayos lang kung lagpasan na natin ang mga regalo. Hindi naman kami nagkukulang sa pera, eh.” Sabi ni Jay.Ikinaway ni Grand Old Master Ares ang kaniyang mga kamay sa ibang mga tao. “Pwede na kayong lahat umalis sa silid na ‘to. Kakausapin ko muna si Jay.”Ang ibang mga tao ay lumabas na sa silid na iyon.Umalis si Josephine sa silid habang
Pinagmasdan nang mabuti ni Grand Old Master Ares aang gwapo ngunit tahimik na mukha ni Jay. Siya Jay ay kumibot nang marinig niya ang pangalan ni Rose, kahit na siya ay nanatiling walang emosyon, na siyang nagpapakita na kinamumuhian pa rin niya si Rose.“Hay!” Si Grand Old Master Ares ay biglang nalungkot. “Mukhang hindi mo siya kayang kalimutan, hindi ba?”Isang halos ‘di makita, ngunit malalim na anino ang lumitaw sa mukha ni Jay.Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay tumango nang bahagya. “Marami akong utang sa kaniya. Ang mga salitang sinabi ko sa kaniya noong kami’y bata pa, tinrato niya ito nang seryoso. Hindi ako sumagot sa paglapit niya… Kung alam ko lang na ganoon ang kahahantungan ng buhay niya, sinabi ko sana na ang pangako ko sa kaniya na pakakasalan ko siya ay ang pinakatotoo na pangakong ginawa ko sa buong buhay ko.”Tumango si Grand Old Master Ares. “Naniniwala ako sa ‘yo. Minahal mo si Angeline mula sa ilalim ng puso mo. Siya ay isang mabuting bata, at naisip ko rin na