“May oras ka ba?”Si Jay ay natahimik.Samantala, dinala ni Josephine sina Jenson at Robbie pabalik sa Fragrant Vessel Court. Iyon ang pangalan ng tinitirahan ni Jay sa Tourmaline Estate.Ang karugtong na ito ay hindi kasing sigla ng dati. Ang karamihan sa mga tagapaglingkod nito ay lumipat na sa iba, ngunit ang natira rito ay isa pa ring malaking pagpapakita ng kayamanan: anim na mga tagapangalaga, dalawang chef na responsable sa Easter at Western cuisine. Tungkol naman sa mga tagapaglinis at tagapag-ayos ng hardin, sila ay kahati ng ibang karugtong ng Tourmaline Estate.Ang mga tagapaglingkod ay binuksan ang mga pinto nang dumating sina Jenson at Robbie. Tumayo ang mga ito sa gilid ng pintuan at yumuko sa isang praktisado na pagsalubong para sa mga bata. “Maligayang pagbabalik, unang Young Master, ikalawang Young Master.”Si Josephine ay naghihingalo dahil sa pagkarga kay Jenson mula sa meeting hall patungo rito. “Pwede bang bumaba ka na, Jens?” Sabi niya.Nagpumilit si Jenson. Inang
Dumating si Jay sa pintuan ng private fortress ni Jenson. Nang makita ng mga tagapaglingkod si Ginoong Ares, sila ay natakot at hindi man lang naglakas-loob na huminga nang malakas, na para bang siya ay isang malupit na pinuno na kaya silang hatiin nang walang kahirap-hirap.Mayroong ibang dahilan kung bakit ang mga tagapaglingkod ay natatakot kay Jay. Si Young Master Jenson ay parang isang tagapagsimula ng galit ni Jay. Si Ginoong Ares ay madalas na isang naglalakad na tulog na bulkan, ngunit kapag may mangyayari kay Young Master Jenson, ang tulog na bulkan na iyon ay biglang magwawala.Ang dalawang young master ay naglalaban nang maigi, at ang mga tunog ng mga salamin at porselana na nababasag ay maririnig sa loob nito. Kung ang dalawang Young Master ay masasaktan, si Ginoong Ares ay magwawala, at ang kamatayan ay darating para sa mga tagapaglingkod.Si Jay na may madilim at malupit na ekspresyon, ay nag-angat ng isang kamay upang kumatok sa pinto. Pagkatapos, isang nakayayanig-lupan
Si Jay ay mas nakasigurong nagsisinungaling si Robbie.“Robbie, ang mabubuting bata ay hindi nagsisinungaling,” sabi ni Jay.Inosenteng kumurap si Robbie. Hindi siya nagsalita para sa kaniya, dahil mayroon nga siyang nagawang mali.Ninais niya lamang turuan si Jenson ng martial arts, ngunit hindi niya sinasadyang makasipa ng bola patungo sa lagayan ng antigo na nagsasanhi rito na bumagsak. Pagkatapos no’n, sunod-sunod na ang mga nangyari at ang isang lagayan ay bumagsak sa isa pang lagayan, na siyang nagsanhi sa kasalukuyang eksena.Ang kahit anong bagay sa mga lagayan na iyon ay pira-piraso na.Minsan nang nakabasag si Robbie ng isang pasilyo sa dati niyang kindergarten nang hindi sinasadya. Kinailangan ng kaniyang Mommy na magsagawa ng paglilinis sa loob ng tatlong buwan para lamang maayos ang problema. Ngayong nakasira si Robbie ng ganoon karaming mga antigo, ano’ng dapat gawin ni Mommy kung hihilingin sa kaniya ng kaniyang daddy na magbayad?Hindi alam ni Robbie kung ano ang gagawi
Ang maliit na katawan ni Robbie ay nanginig. Nang buksan ni Jay ang pinto sa fortress, nakita niya si Robbie na nakatitig sa kaniya nang may maputlang mukha.“Robbie!” Lumubog ang puso ni Jay nang makita niya ang mukha ni Robbie. Tumakbo siya papalapit at niyakap nang mahigpit si Robbie.Ang Elephant’s Eye at ang nakatatakot nitong boses ay naglaho.“Patawarin mo ako, Daddy. Hindi ko na ‘yon gagawin ulit,” mahinang sinabi ni Robbie, nagmamakaawa para sa kapatawaran ng kaniyang ama. Pinupuno ng luha ang kaniyang mga mata.Niyakap ni Jay si Robbie nang mahigpit at tinapik ang likod nito. Siya ay lubos na nakokonsensya sa sandaling iyon. “Kasalanan ‘to ni Daddy. Hindi ka dapat pinarusahan ni Daddy nang ganito. Masyado ka pang bata.”Napansin ni Jay na ang silid ay malinis na, at ang mga sirang piraso ng porselana ay nawalis na niya sa isang sulok. Bigla siyang nainis sa kaniyang sarili.Ang lakas naman ng loob niyang isisi ang kahinaan niya sa isang inosenteng bata?“Robbie, umaasa lang s
Bahagyang kumunot ang ilong ni Jenson at ngumuso ang kaniyang mga labi. Palagi niyang ginagawa ang cute na itsura na ito sa tuwing hindi niya alam kung paano sasagot.“Naglalaro.” Nagsabi si Jenson ng isang salita pagkatapos ng ilang sandali.Nagsisising isinara ni Jay ang kaniyang mga mata. ‘Nagkamali nga ako ng pagkakaintindi kay Robbie!’Hindi napigilan ni Jay na nayakapin si Robbie nang mas mahigpit dahil sa konsensya.“Gusto ko nang umuwi.” Biglang sinabi ni Robbie. Siya ay nasisi sa isang bagay na hindi naman niya ginawa, kaya natural ay ninais niyang maghanap ng mapupuntahan.“Robbie, ito ang bahay mo.” Sinubukan ni Jay na bumawi sa kaniyang mga pagkakamali at naging mas mahinhin noong hinihimok niya ang bata.“Namimiss ko na si mommy.” Ang mga luha sa mga mata ni Robbie ay hindi na tumitigil sa pagbuhos. Ang sinumang makakakita sa kaniya ay mararamdaman ang kaniyang lungkot.Si Jay ay nanigas sa kaniyang kinatatayuan at hindi alam kung ano ang gagawin.Lumapit si Josephine at i
Hinanap ni Jay ang mga CCTV recording ng Tourmaline Estate upang malaman na si Robbie ay umalis ng lupain kagabi habang umuulan. Hula niya ay bumalik si Robbie sa Exuberant City upang hanapin ang kaniyang mommy, kaya agad niyang tinawagan si Rose. Tumunog ang telepono, ngunit walang sinuman ang sumagot dito.Si Jay ay hindi mapakali dahil sa kakulangan ng balita tungkol kay Robbie. Dinala niya si Josephine at si Jenson na parehong nag-aalala para kay Robbie at dali-daling nagtungo sa gitna nang siyudad.Pagkatapos ng isang buong gabi ng pag-ambon na tinanggal ang alikabok at dumi ng isang siyudad, ang kapaligiran ay nagmukhang mas makulay at mas maganda.Sa pagdating ng bukang-liwayway, narinig ni Rose na ilang beses kinakatok ang kaniyang pinto. Napakunot ang mga kilay niya dahil sa pagka-alarma. Lumapit siya sa pinto upang makita si Robbie na mukhang siya ay nasa isang kaawa-awang sitwasyon. Siya ay nababalot ng putik at nakatayo sa harap niya. Si Rose ay natuliro.“Robbie, ano’ng na
Hinawakan ni Zetty ang pinto at ninais na saraduhan si Jay sa labas nang dumating si Rose sa sandaling iyon.“Papasukin mo siya.”Narinig ni Zetty ang mga utos ng kaniyang mommy, ngunit ngumuso pa rin siya. Labag sa puso niyang binitawan ang pinto at bumalik sa kaniyang palaruan.“Nasaan si Robbie?” Agad na nagtanong is Jay tungkol kay Robbie noong siya ay pumasok.Binigyan siya ni Rose ng isang baso ng katas ng prutas at sinabihan siya na umupo. Umupo naman si Jay sa sofa.Si Rose ay lumapit kay Zetty at hinikayat siya, “Zetty, si Mommy ay may kailangang italakay kay Tito. Pwede ka bang maglaro sa silid mo?”Binuhat ni Zetty ang kaniyang laruan at masunuring tumango. “Sige, Mommy.” Pagkatapos no’n, siya ay nagtungo sa kaniyang silid.Kumunot ang mga kilay ni Jay. Si Zetty ay parang isang batang demonyo kapag ito ay nasa harap niya, ngunit ang batang ‘yon ay masunurin at isang cute na bata sa harap ni Rose. Hindi niya iyon inasahan.Si Rose ay nagtungo sa sala at umupo sa upuan malapit
Si Rose ay natuliro. Dinisiplina ni Jay si Robbie hindi dahil sa mamahalin na mga porselana o hindi dahil nabibilang ang kastilyo kay Jenson? Piniga niya ang kaniyang utak, ngunit hindi pa rin niya maisip ang tunay na dahilan.“Eh, bakit mo pinarusahan si Robbie? Bata lang siya. Hindi ka ba nag-aalala na baka masugatan siya dahil sa mga matatalim na piraso ng sirang porselana noong sinabi mo sa kaniya na linisin ang gulo? Ginoong Ares, ‘wag mong sisihin si Robbie sa pagkakamali ng pagkaintindi sa ‘yo. Kahit bilang isang nakatatanda, hindi ko maisip ang intensyon mo sa pagpaparusa kay Robbie,” pagalit na sinabi ni Rose.Ang mga kilay sa gwapong mukha ni Jay ay kumunot, at ang kaniyang mga mata ay biglang nabalot ng pagkabangis.Tumingin si Rose sa lalaking na bilang naging nakakatakot at mapanganib. Ang ika-anim niyang pangramdam ay sinasabi sa kaniya na ito ay hindi isang magandang senyales.“May mga dahilan ako. Basta, ang nangyari kahapon ay hindi ko sinasadya. Ang pagmamahal ko kay